author's corner
alam nyo ba yung feeling na gumagawa ka ng UD mo tapos mapuputol yung connection ng internet..
bonggang ang ganda ng feeling!
tapos yung tipong nasa kalagitnaan ka na ng chapter mo..
biglang mawawala ng ganun ganun lang!
lakas tama ko kagahapon!
nakapang-iinit ng dugo!
kagahapon yan eh..
nung sinabi ko na mag-a-update ako dun sa last chaptie..
nakakabanas na ewan!
kaya natamad ako at ngayon ko lang nagawa.. :3
Sorry..
late update na naman..
hindi pala nagawa.. nasalin.
:))
Pero keep reading pa rin po.
Love all my readers!
Lovelots,
annmare♥♥♥
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
JULS' POV
Malapit na birthday ni Mokong(Nathan).
Ano kayang magandang iregalo??
Hmmm..
Sabi ng source kong si Sab, usually daw pag birthday ni Sungit(Nathan) pumupunta saw sila-meaning buong employee ng company kasama- sa villa ng mga Lorenzo sa Quezon Province.
Sabi ni kasi ni Papa dapat daw igalang ang mga empleyado niya kahit na siya pa ang pinakamataas.
Di naman daw kasi niya kaya gawin lahat ng gawain sa company ng siya lang mag-isa.
Kailangan rin sila para umunladang company.
Ang bait ni Papa noh.
Pero si Sungit, hindigawa ang turing niya sa empleyado ka lang.
LANG.
Kaya bawat araw namin sa office lagi ko yan binabantayan.
Mahirap na nga ang trabaho, mahirap pa pakisamahan ang amo.
Buti nga nangyari samin iyong nag-away kami dahil sinigawan niya ako, naging aral ito sa kanya.
Sadyang ganun daw kasi yan.
Binabalingan ng galit ang empleyado niya pag nabwibwisit sa kliyente.
Hay..
Balik tayo sa birthday boy.
Ano kaya ang ireregalo ko??
Hmmm..
('.')?
*ting!*
Alam ko na!
ヅ
"Let, nandun si Jess ha. Be prepared sa kung anong mangyari. Baka sugudin ka nya." Nathan
Habang nasa sala at nagbababa na kami ng bag.
"Okay."sagot ko
Sasabay kami sa mga empleyado ng company sa bus. Doon din sasabay sila Jake at Jess.
NATHAN'S POV
Alamkong nakatingin samin si Jess.
Nakaupo kami sa pangatlong hilera ng upuan ni Juls.
Sa kabilang upuan nandoon sila Jess.
Pagkakataon lang ba o talagang sinadyang tumapat sa amin.
Napansin iyon kaagad ni Juls.
Ang pwesto namin sa bus:
bintana;Juls & me;daanan;Jess & Jake;bintana
Pag-andar ng bus, nilalaro ko ang PSP ko.
"Uy, pahiram ako. Nabo-boreds na ako eh."Juls
"Nakikita mo naman, diba? Ginagamit ko pa."
"(sigh )Ipod na lang..? *puppy face* "
"Ito oh."
Kinuha ko sa bulsa ko yung ipod.
Iyon na iyon.
Di na sya nag-ingay.
Pero..
Tinulugan ako!!
Iyong head nya nasa left shoulder ko.
And that time, lumingon si Jess samin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko. Tinititigan ni Jess si Juls.
Inayos ko si Juls.
Kinuha ang Ipod at pinasandalng maayos si Juls sa balikat ko.
Kitang kita kong sumimangot si Jess.
Napapangiti ako.
It's working.
JULS'S POV
May nararamdaman akong nakapatong sa ulo ko.
In fairness, ang bigat ah.
hmmp, ulo ni Nathan!
Ang damot damot!
Hihiramin lang yung PSP nagagalit!
hmmp!
Inayos ko na lng yung ulo niya.
Kahit madamot ka mahal pa rin kita!
Swerte mo!
Mokong!
Pinasandal ko sa balikat ko ng maayos.
May naramdaman akong may nakatingin sa akin.
Si Jess.
Nginitian ko sya.
Kaya lang.. Inirapan ako.
WOW ulam!!
Anong problema?!
Ayaw niya ng nginingitian!?
ganda nya talaga ah!
(sarcastic)
Tss..
Selos lang sya.
Hinawakan ko ang kamay ni Nathan.
Maya maya, pinaglalaruan ko na.
Tapos, nasabi ko na lang sa sarili ko..
"Diyos ko po!! I'm truly madly-deeply-inlove with this creep! Oh God, tanggalin nyo po ang damdaming ito sa aking sistema. Masisira ang plano ko. Malalabag ko yung kontrata! ehhhh!!!"
Maya maya, nandito na yata kami.
Pinisil ko ang kamay niya na nanatiling hawak ko.
At ngayon, alam kong nakatingin sa amin si Jess.
Plano naman talaga naming pagselosin na sya.. this time.
Pero nasasaktan ako sa ginagawa ko.
Kasi pag natupad ang plano ni Nathan.
Mawawala ako ng kwenta.
Mawawala na ako.
Bow na!
"Hmm.."Nathan na nakapikit
"Nandito na yata tayo."bulong ko sa kanya
"Hmm."
Napadilat na siya.
Pero nakapatong pa rin ang ulo niya sa balikat ko.
Then, iniangat nya ang ulo niya ng unti.
Humarap sakin.
Iyong baba nakapatong sa balikat ko.
Eh, nakatingin din ako sa kanya.
Kiniss nya ako.
O.o
Sweet sya ngayon dahil alam kong alam niya na nakatingin si Jess.
"Sobrang sweet naman dito. Lalanggamin na kayo nyan!!"Sab na nasa harap na upuan namin
Smack lang naman yung kiss.
"Kayong dalawa! Bago pa buhatin ng langgam ang bus, bumaba ng kayo!!"Meg katabi ni Sab
Close na silang dalawa ni Sab.
"Opo na po!" Nathan
Napangiti ako sa sagot ni Nathan.
Kala mo UNDER eh..
UNDER nga ba?!
Tumayo na si Nathan para kunin yung bags namin at bumaba ng kami.
Dalawang araw kami dito.
Bukas pa ang birthday ni Nathan.
Mga 4pm na ngayon.
Pero kita pa rina ang ganda ng resthouse at ang laki.
I heard the splash of the water in the beach.
Gusto ko pumunta dun at makita ang ganda ng dagat.
Pati na ang paglubog ng araw.
Ang ganda kaya nun.