CHAPTER 28:DEATH THREATS TWAYLEM
yinakap ako ni Shin.. Nag pumiglas ako, pero masyado siyang malakas.
''Boy sukss....'' the more na sinasabi ko yung pangalan niya, at tinutulak siya papalayo sa akin.. Hinihigpitan naman nito ang yakap niya.
''anong problema Shin.. nakaka ilang.''
''5minutes Twaylem.. 5minutes..'' hinayaan ko lang ito.. Hanggang sa nauwi sa 10,15 at 20 minutes.. Ng inangat ko yung ulo ko para tignan yung reaksyon niya..
malungkot na malungkot ito.
''Thank you Twaylem.'' sabi niya habang nag pipigil itong umiyak.
''Ok ka lang??'' pag woworry ko sa kanya.
''yes, I'm fine.'' tsaka ito pilit na ngumiti..
''Ipapahatid na kita... Wait lang tatawagin ko na sila..'' tumayo na ito at lumabas. Sa pag labas niya ng kwarto, hindi ko alam kung bakit.. Pero parang ang laki laki ng problema niya.
O baka naman, may posibility na ..
bading siya?? O__o
Pagkatapos din ng pangyayareng yun, hinatid na ako ni Darth sa amin. Hindi na nakapag paalam pa sa akin si Shin, dahil masama daw yung pakiramdam niya.
''Hoy Bayolenteng lalake, bakit ganun si Shin?'' hindi ko na napigilang mag tanong.. Dahil na we-weirduhan ako.
''Kaya kita dinala sa bahay nila, kase ngayong araw na toh ang birthday ni Juniel.''
''Juniel? Diba yun yung girlfriend niyang.....''
''oo siya nga... Inisip naming mag babarkada, na baka sakaling dahil sayo sumaya siya. Mukhang ok lang si Shin, pero kahit hindi niya sabihin.. Malungkot siya..''
naiintindihan ko na.
''bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?? Edi sana nag stay pako dun ng matagal.'' ngumisi ito.
''Hindi namin siya pwedeng pag usapan, dahil nagiging bayolente si Shin pag si Juniel na yung topic. Atsaka diba atat kang umuwi??!''
''so? Bakit ako nga yung pinapunta niyo??'' pangungulit ko.. With matching hand gestures pa ako.
''kase nga, parang iba yung nagiging impact mo sakanya. Tsaka sakanya na mismo nanggaling, parang nakikita niya daw sayo si Juniel. Kuleeeeeet. Tsss.'' sabay tawa nito.
Edi kung ganun, kawawa naman si Boy Suks. Kaya siguro niya nagawa yung kanina..
Nang makapasok na ako sa kwarto ko.. Hindi parin maalis sa isip ko si Shin..
*i can tell you looking at me...
''Ay bakla ka!'' sa kalagitnaan ng pag mumukmok ko, biglang nag ring ang cellphone ko. Kadahilahan para mahulog ako sa pag kaka upo ko ng alanganin.
''BAKIT HINDI KA TUMAWAG?! ALAM MO BANG NAG AALALA AKO???????!'' heto na po.. Galit na siya. Lakas ng VOLUME!
''Sorry na, ginawa ko lang kase yung deal namin ni Kydo.. Linalakad ko na siya kay Riyee.''
''DIBA NAMAN SABI KO HUWAG MONG KAUSAPIN SI KYD?!''
''hay nako Yoshida, kung mainit ang ulo mo huwag mo akong kausapin.''
''PAANONG HINDI MAG IINIT ANG ULO, NI HINDI MO MAN LANG AKO TINEXT!'' aba, palakas ng palakas ang sigaw ng gagong toh!
''SORRY NA NGA DIBA?! Dapat ba lagi akong nag tetext sayo?? Dapat ba lagi kitang ina-update kung nasaan at kung anong ginagawa ko??? Tsss.''
''IKAW NA NGA TONG MAY KASALANAN IKAW PA TONG GALIT?! Aba siyempre naman Twaylem, malamang boyfriend mo ako. NATURAL LANG NA SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN AT KUNG ANONG GINAGAWA
MO!'' aba, ano toh sumbatan?! Patience Twaylem.. Patience!!
''sorry.. Sorry na, please huwag tayong mag usap ng ganito. Parehong mainit ulo natin.. Walang matinong salitang lalabas sa bibig natin.. Kalma lang ok??''
tumahimik naman ito.. At naging mahinahon na ang boses niya.
''sorry.. Nag alala lang naman kase ako.'' mula sa galit na boses, naging mahinahon na ito.
''sorry din..''
''papasok na ako bukas..'' ''magaling kana ba??'' tumahimik muna ito.
''kahit medyo masakit pa yung ulo ko.. Makikita lang kita nakaka sigurado ako na matatanggal agad yung sakit na
toh..''
''che!'' matatawa tawang sagot ko dito..
''basta see you tomorrow hah? Maaga. Huwag papa-late.. Lamyu! Goodnight.'' after din nun inend niya yung call..
--
TAO
Sa kalagitnaan ng pagkakatulog ko.. Dahil na rin siguro malakas yung ringtone ko, e nagising ako. Heavy metal kase yung ringtone ko..
''sino naman kaya tong sira ulong tatawag ng gantong oras??'' kinusot-kusot ko muna yung mata ko bago tuluyang sinagot yung tawag.
''hello??''
''kamusta kana mahal kong kapatid..'' natanggal ang antok ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.
''anong problema Akiro??''
''nahanap ko na ang matagal na nating hinahanap, at tama lang ang ginagawa mo.''
''anong ibig mong sabihin??''
''diba mas triple ang sakit sa magulang pag yung anak niya yung gagantihan mo?? Yung anak niya yung mag babayad sa lahat ng kasalanan niya?!'' anong pinag sasabi niya?? Hindi ko maintindihan.
''hindi ko maintindihan ano ba ang gusto mong sabihin??? Hoy! Huwag mong sabihing nag da-drugs ka?!''
''Gagu! Hinde! Adik ka no?! Basta!!!!!!! malalaman mo rin, basta gawin mo lang ang makakaya mo. At mag sisimula na rin akong maningil!!'' galit na sabi nito.
''baket nangutang kaba??''
''huwag mo nga akong pilosopohin! Umayos kang gago ka!''
''chill Akiro.. Chill.. Pero, ano ba talaga ang nang yayare?? Kase bro, ang labo.''
''alam ko hindi pa malinaw ang lahat. Pero, ituloy mo lang ang ginagawa mo. Huwag kang masyadong mag mahal kapatid ko, dahil balang araw... Kamumuhian mo rin siya. At ikaw mismo ang lalayo at magagalit sakanya.'' dun sa huling sinabi ni Akiro, bigla akong kinabahan. I mean may mga tanong na biglang nag sulputan sa utak ko.
Anong gusto niyang sabihin? Posible kayang may kinalaman ang magulang ni Twaylem sa pag kawala ng magulang ko??? Pero..
HINDE, mali ang iniisip ko.. Mali!!!!
Matutulog kana Yoshida.. Matulog ka! At huwag ng mag isip-isip ng mga ganyang bagay.
Pang-gulo lang yang Akirong yan.
KINABUKASAN
TWAYLEM
''la~la~la~la'' habang nag lalakad ako papunta sa main gate ng L.A, kumanta kanta pa ako! Siyempre excited much ako. Makikita ko na yung buong barkada!! Pero, napansin ko na may parang sumusunod sa likuran ko.
Tumigil ako, at naramdaman kong tumigil din siya.
Liningon ko siya, naka takip ang mukha nito. At naka suot pa ng helmet.
''sino ka?? Bakit parang sinusundan mo yata ahhh---...''
nagulat ako ng bigla itong lumapit sa akin, at tutukan ako ng baril. ''ano....''
''Ikaw ba si Twaylem Gonzales?'' manlalaban sana ako, kaya lang.. ''subukan mong gumalaw, at hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin yang ulo mo!''
''wh--a...what... What do you want??'' pag sta-stammer ko.. ''huwag kang mag alala, hindi ako ang maniningil sa buhay mo.''
''anong pinag sasabi mo?!'' sigaw ko dito habang sinusubukan kong kumalma, at hindi matakot.
''you're going to die Twaylem Gonzales. Mag babayad ka!!'' dun sa sinabi niya, mas lalo akong kinabahan..
Nang tanggalin niya ang pag kakatutok ng baril sa ulo ko... Napaluhod ako sa sobrang pangi-nginig at dala na rin siguro ng takot. Tumakbo ng mabilis yung lalake at sumakay sa isang SUV..
''anong ibig niyang sabihin??'' napahawak ako sa dibdib ko. Sa tingin ko anong oras sasabog toh.
''Hee---hey!!'' nag madaling tumakbo si Kyd ng makita niya ako. ''anong nangyare sayo?? Bat..''
umiling ako dahil hindi ko alam kung paano ako mag sasalita. Inalalayan akong tumayo ni Kyd, pero hindi ko mapigilang maiyak dala na rin siguro ng matinding takot.
Inalalayan ako ni Kyd hanggang sa makarating kame sa classroom. As expected, agad na lumapit sa akin ang higad na si Donald. =__=''
''Fifi, are you constipated??? You look so pale oh! You're holding your tummy pa. Do you want to go to the cr?? Ava will accompany you.'' tumigil ito sa pag lalagay ng lipstick at lumapit sa akin.
''napano siya??'' tanong ni Mea...
''ewan ko, nadatnan ko nalang siyang naka salpak dun sa daan. Parang may nangyareng masama.. Tinatanong ko naman siya kung anong nangyare.. Pero hindi niya ako sinasagot. She's shaking...'' tinanggal ni Law yung jacket niya at ikinabit niya sa akin.
linapitan ako ni Dylan. At hinipo ang noo ko.
''may lagnat siya..'' tinignan ko lahat sila..
-___-'' <---me
o___o sila..
Tapos..
O___O naging ganyan ang reactions nila.
''WEH???'' sabay sabay silang nag ganyan. Dahil hindi ako makapag salita, hindi ko nalang sila pinansin. Tama bang i WEH nila ako?! Mga impaktita't impaktitong mga toh. :/
TAO
''nang dahil sa tawag ng pesteng Akiro na yun, hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kakaisip...'' bago ko paman mabuksan yung door knob, bumukas na yung pinto..
''ohh goo---'' naputol ang sasabihin ko ng makita kong nag kukumpulan sila, at pinapay-payan si Twaylem.
''anong nangyare??'' nag madali akong lumapit sa mga ito.
''nakita ko siya sa may daan diyan malapit sa main gate, naka salpak. Nung nakita ko siya, parang pinaliguan ng suka sa sobrang putla...'' pag papaliwanag ni Kyd.
hinawakan ko si Twaylem, at.. Ang init niya!
''Twaylem!!'' inalog alog ko siya..
''Twaylem!'' tinignan niya lang ako at nginitan. Pag katapos nun, bigla itong nawalan ng malay.
--------
TWAYLEM
dahan-dahan kong inimulat yung mata ko. Tumingin tingin ako sa paligid.. Parang, nasa hospital ako.
Sinubukan kong tumayo, pero pakiramdam ko kahit anong oras kakalas yung braso at legs ko sa sobrang sakit ng mga kasu-kasuan ko..
''Gising kana pala.'' nabigla ako ng marinig ko ang boses ni Tao.
''anong nang yare?? Bakit ang sakit ng tawanan ko?? Tapos ang sakit pa ng ulo ko..'' hinilot hilot ko yung noo ko habang nag hihintay ako ng sagot kay Tao.
''diba dapat ako ang nag tatanong niyan sayo? May sakit kana pala, pumasok kapa. Hindi mo man lang ako sinabihan?? Talagang pinag aalala mo ako noh?!?!'' mula sa tono ng pag sasalita ni Tao, halata naman siguro na galit siya.
''ano kase..'' pinilit kong alalahanin yung nangyare kanina..
''TAO, pakiramdam ko may gustong pumatay sa akin. Sa tingin ko.. Sina Jobim yung mga yun e.. Kase naka SUV sila.'' nag simula nanaman akong manginig..
''tumigil ka na nga.. tignan mo nangi-nginig kana na naman '' hinawakan nito ang kamay ko..
''huwag kang mag alala, hindi ko naman hahayaang mangyare yun.. Babantayan kita. Kaya huwag ka ng matakot pa..'' tumayo ito at yinakap ako.
''pag pinatay ka nila, huwag kang mag alala.. Susunod ako sayo.'' at hinalikan niya ako sa noo.
Pag ba namatay ako..
Tatanggapin ba ako sa Langit??
Or lets say.. Tumatanggap ba sila ng masamang damo sa Langit??
Pasensya na sa matagal na update, bukod sa nag celebrate ako ng birthday ko.. E, na format nanaman ang memory card ko.
Sana nagustuhan niyo.. Malapit ng matapos ang L.A! :)) supportahan niyo hanggang sa huli a??
bukas nalang yung kasunod! ♥