Queen's POV
Nang makalayo layo na kami, at hindi na namin sila matanaw, tumigil na rin kami. Nagtawanan kami sa mukha nila, except si Rayelle. Naiyak pa rin siya pero mild nalang. Kung dati, takot ako sakanila, ngayon, hindi na. Salamat sa mga kaibigan ko, kung wala siguro sila, I'm still gonna fear those girls, especially Bad Burn. Antapang nila Arianne at Rayelle!
"Their reaction is so, so, priceless!" tawa ni Maddieson.
"Di nila siguro inakala na lalabanan natin sila noh?" tanong ni Ianthe
"I'm done fearing them. Tumaas ang courage ko nang nanlaban itong si Arianne eh!" sabi ni Ainsley, "Rayelle? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito kay Yelle. Saaming lahat, siya siguro ang pinakasensitive. Oo, may pagka matapang siya pero siguro tago and she really has the softest heart among all of us.
"I-I'm f-fine. Thank y-you for s-saving me a-and my f-friends." utal na sabi ni Yelle, nakakaawa siya.
"No probs. Tayo tayo lang ang magtutulungan dito. All of them are scared." sabi ni Maddieson na sinang-ayunan naman nila Ianthe at Ainsley.
"So... Can we all be friends here? Tutal kilala na tayo niyan for sure, dahil nanlaban na tayo sa mga taong kinakatakutan dito sa university. They will target us. And we can all help each other?" offer ni Ainsley. Tama siya, tatargetin na kami nito dahil kami palang ang nanlaban sakanila.
"Sure! Tutal magkakaibigan na rin naman tayo, can we all know deeply each other?" suggest ni Arianne. Sabagay, tama naman siya.
"Sige ba! But I think kailangan na nating bumalik. Tignan niyo kung anong oras na oh. Mamaya may klase na pala." sabi ko. Minsan kasi, may unexpected class kapag natapos agad ang meeting or mga ginagawa dito ng mga teachers kaya kailangan alerto.
"Tara!" sabay sabay na sabi namin at nagtawanan. Medyo okay na si Yelle kaya nakitawa na din.
Sabay sabay kaming tumakbo pabalik at saktong nakita namin na papalapit na ang isang teacher sa pinto kaya mas binilisan pa naming tumakbo at nakapasok kami before our teacher. Nakakita kami ng anim na upuan, bakante, sa likuran, malapit sa isa't isa at doon na kami umupo. Buti nalang tabi tabi kami! Kada teacher iba iba kami ng seating arrangement kaya medyo nakakahilo pa. At mukhang walang balak pumasok ang Bad Burn dahil nasa kalagitnaan na si Ma'am sa pag didiscuss ay wala parin sila. Mas mabuti nga yon ey. Matapos ang ginawa nila kay Yelle!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Khaizer's P.O.V
Yow Swaegs!! Khaizer Tyron Xavier. Older brother ni Baby Cute, I mean ni Arianne.
Insfires man~~~
Andito kaming mag babarkada ngayon sa headquarters namin dahil wala ni isa samin ang balak pumasok sa next subject dahil hate namin ang math, maliban lang kay Clion at James. Pero Nawe-weirduhan lang ako kay Clion kasi hindi halata talaga sa itsura niya. Kung kay James hindi ako mag tataka pero kay Clion isa parin iyong kataka-taka.
"Ngayon lang ako nakakita ng babae na lumaban sayo pre!" Tapik ni Sceven kay Rexter.
Oo nga pala.Kamusta na kaya sila Baby Cute at lalong-lalo na si Yelle. Sobrang sensitive non! Kahit na hindi ko siya kapatid ay tinuturing ko narin siyang parang kapatid kasi only child lang siya. Peste kasi tong maknae namin eh!
"Curse them! Nang dahil dun sa babaeng matangkad, natapon sa damit ko yung juice. Take note favorite ko pa naman kong T-shirt nayon bwisit!" Hanggang ngayon iritado parin siya.
"Pero hindi naman sinasadya nung babae maknae. Just be glad na nagsorry pa siya sayo." Sabi ni Zennon. Nang dahil sa sinabi niya ay lahat kami ay napatingin sa kanya.
Nang maramdaman niya na nakatingin kami sa kanya ay tumingin siya samin at binigyan kami ng what look.
"Hindi lang kasi kami makapaniwala hyung, mas kinakampihan mo yung mga babae kaysa kay maknae." Sabi ni clion. May punto din naman si Clion dahil halos lahat ng nakakatapon ng juice sa damit namin ay sinusugod niya kasi clothes matters to him.
"'Di naman sa kinakampihan ko sila, ang akin lang is mag kaiba yun. Pakinggan niyo ako ha. Iba naman kasi ang sitwasyon noon sa ngayong nangyari. Yung nga nakakabuhos sa mga damit niyo ay mga lalaki. Pero ngayon babae ang nakabuhos--ay mali pala, nakabunggo kay maknae kaya natapon yung juice. Babae yun guys! At ang mga babae ay nirerespeto. Hindi sinasaktan!" Sabi ni Hyung.Wow! Kaya Idol ka yon ey!
Nagulat nalang kami ng tumayo si Hyung at pinagpipingot silang lahat maliban lang sakin.
"Aray hyung!"
"Hyung naman! Masakit!"
"Yah! Stob it!"
"Huhue masakit!!!"
"Hyung tama na! Aray!!"
"hey stop it! Argh!"
Kanya kanya silang daing. Tiningnan sila ng masama ni hyung kaya tumahimik sila. Alam nila na kung anong mangyayari pag hindi sila tumahimik.
"Hyung! Madaya! Bat di kasama si Khaizer hyung!" Reklamo ni Calix kaya tiningnan ko siya ng masama kaya napatikom nalang siya ng bibig. Di nga ako kasali idadamay niya pa ko.
Tumingin naman sakin si Hyung kaya napalunok naman ako. Hindi ako mapakali ng maglakad papalapit sakin si Hyung. Napapapikit nalang ako pero nagulat ako ng tinap ni hyung ang balikat ko.
"Good job Khaizer. Kasi hindi ka sumali sa pangbubully dun sa mga babae." Sabi ni Hyung at nginitian ako.
"Paano ko naman sila bubullyhin? Kapatid ko ang isa doon tapos yung isa parang kapatid ko na, kaibigan naman nila yung isa. Lagot ako kay Mommy at Daddy pag nalamaman nilang binully ko kapatid ko...." Bulong ko.
"May sinasabi ka ba Khaizer?" Nanlaki ang mata ko kaya mabilis akong napailing kaya ngumiti si Hyung at humarap sa kanila. Phew!
muntik na ko don -_-.
"At kayo naman! Mag so-sorry kayo doon sa tatlong babae." Sabi ni Hyung.
"What?!"
"No way!!"
"Me no like!"
"Hinding-hindi ko gagawin yan!"
"Seryoso ka hyung?!"
"Just a waste of time"
"Mag sorry kayo kasi mali ang ginawa ninyo. Kung hindi kayo mag so-sorry... Baka hindi niyo magustuhan ang gagawin ko." Sabi ni Hyung at lumabas na ng head quarters para siguro kumain. Mahilig yun kumain ey. Katulad ni Baby Cute.
Napatingin naman ako sa anim na parang pinagsakluban sila ng langit at lupa.
Mag so-sorry kaya ang mga 'to?
'Cause us, Bad boys, will never say sorry...especially to someone who fights against us...