Fate and Destiny

By JustMeStffny

30 1 0

Fate: it's out of your control. Destiny: it's what you are meant to do. They're having difference, but you... More

Fate and Destiny

30 1 0
By JustMeStffny


This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, event, situation and incident are either the products of the author's imagination.

Kindly read.

Plagiarism is a Crime punished by Law.

-----

Summer De Leon's Point Of View

"Painom ako Summer!" Napairap ako sa kawalan ng marinig ko nanaman ang boses ni Nike.

"Bakit ba kasi hindi ka nagdadala ng bottled water?" mataray kong sabi.

"Mabigat kaya sa Bag" aniya sabay kuha ng tubigan ko sa loob ng bag ko at sabay tungga dito ng isang lagukan.

"Salamat!" aniya sabay kindat sakin. Kaagad namang naginit ang pisngi ko sa pag kindat niya pero hindi ko yun pinahalata kaya inirapan ko siya.

Nike Del Valle, bestfriend ko slash gusto ko. Yes simula palang Highschool gusto ko na siya hanggang ngayong 3rd year college na kami. Kung itatanong niyo kung kami ba? Hindi, dahil may girlfriend siya at yun yung kaibigan ko.

----

"Okay Class, we'll be having our Festival Dance Contest on December 16. This will be your performance in PE. All of you must join this contest. Either sa props or sa performer. Its your choice. Ang magkakalaban ay ang bawat section. I need the list ng mga kasali. Ia- announce ko nalang sainyo kung ano ang mga rules. Class Dimissed." Ani ng Prof namin sa Pyshical Education. Walang hilig ang section namin sa mga contest gaya ng ganto pero wala kaming choice kung hindi sumali. For the sake of our grades.

"1... 2.... 3...." Sigaw ng Choreo namin habang nag pa practice kami dito sa may Plaza. Isang linggo narin ang lumipas matapos mai announce samin ang tungkol sa Festival Dance. Wala akong hilig sa pag sayaw pero kailangan ko ito para sa grades ko. Yung Choreo namin inarkila lang din namin dahil wala namang marunong sumayaw samin para magturo.

"Summer and Nike kayo ang mag kapartner dito dahil kayong dalawa ang may hawak ng Santo. Bukas magdala kayo ng Santo, yung makakaya lang na buhatin." Naka form na kami ng circle ng sabihin ni Kuya Ricky na magkapartner kami ni Nike. Napatingin ako sakanya at ganun din siya sabay kindat.

"At Summer" Napatingin ako kay Kuya Ricky ng tawagin niya ko. Bisexual siya, may Girlfriend pero may inaawrahan ding lalaki. Madali lang siyang I-close dahil mabait siya.

"May damit akong ipapahiram sainyo. Hindi ka naman siguro conservative diba?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kuya Ricky.Narinig ko din ang pagtawa ni Nike sa pwesto niya. Nakakahiya!

"Hindi naman po, bakit po?"

"Mababa kasi ang neckline nun almost kita na ang cleavage." Agad napatigil sa pagtawa si Nike sa sinabi ni kuya Ricky. "At ikaw Nike, fitted yung leggings mo. Wag kang tatawa tawa diyan." Hindi ko magawang tumawa para asarin si Nike sa narinig kong ipapasuot sakin. Seriously?

"Hindi po ba pwedeng ibang Costume nalang?" Biglang tanong ni Nike.

"Hindi pwede, iyon ang bagay sa Dinagyang Festival kaya it will suit you"

"Hindi naman po nag susuot ng kita cleavage si Summer" Malalim na boses niyang sinabi kaya natahimik yung mga kaklase ko pati na rin si kuya Ricky. Akala ko dahil fitted yung Leggings niya yun pala dahil sa damit ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko.

"Okay lang po Kuya Ricky. Isang araw lang naman po" Ngumiti sakin si kuya Ricky at nag pa dismissed na siya. May dalang Motor si Nike kaya hindi na niya kailangan mamasahe. Afternoon class pa kami kaya Morning session ang practice namin. Kailangan pa naming pumasok ngayon kaya before 12noon nakauwi na dapat kami.

"Tara na Summer. I'll drive you home" Walang emosyong ani ni Nike sakin. Gusto ko sanang mag protesta pero no choice na din dahil male late ako pag nag inarte pa ko.

"Bye Janelle, Preya, at Lara. Maya nalang" Paalam ko sa mga kaibigan ko. Nginitian lang nila ko ng mapang asar pero binaliwala ko nalang sila. Wala akong pinagsasabihan na may gusto ako kay Nike dahil ayoko ng gulo. Gulo sa pagitan ko at sa bestfriend ko na girlfriend ni Nike ngayon.

"Saan ba bahay niyo?" tanong niya kaya tinuro ko sakanya yung daan papunta samin. Hindi naman malayo sakto lang pero hindi din naman kayang lakarin.

"Bakit ka pumayag? Kita mong ang dami daming titingin diyan sa hinaharap mo kapag ganun yung suot mo. Akala mo naman walang makikita dyan kung makapayag ka" nakagat ko yung labi ko dahil sa sermon niya. Baka mahulog na ko ng tuluyan. Pero hindi pwede. Hindi pwede.

"Sorry" mahina kong tugon. Sakto naman ding pag stop niya sa tapat ng bahay namin andun sila mama kasama yung tita ko na nagiihaw sa labas ng bahay namin. Si papa kasi nasa Barko, seaman habang si kuya nag tatrabaho na.

"O' sino yang kasama mo Sam?" tanong ng tita ko.

"Magandang tanghali po. Nike po, kaklase ni Summer" tiningnan ako ni tita kaya pinamulahan ako ng pisngi. Gash. nakakahiya. Mali sila ng iniisip!

"Juliet, tingnan mo itong dalaga mo may Boyfriend na" natatawang sigaw ni tita kaya nanlaki yung mata ko.

"Tita!!"

"Good noon Mrs. De Leon, Nike po" Nakipag beso beso naman si Mama kay Nike. Nakakahiya.

"Naku, tita nalang o kaya mama para mas maganda." ani ni mama sabay tawa. Nahihiya na talaga ko hindi ko naman boyfriend si Nike.

"Pumasok ka muna kaya Hijo, kumain ka muna dito" pagyayaya ni Mama kay Nike na sinang ayunan ni Tita Marbel.

"Ay hindi na po tita, may pasok pa po kasi mamaya. Mauuna na po ako, sa susunod nalang po. Salamat po!" ani ni Nike sabay ngiti kay mama at tita. Ang gwapo.

"O'sige. Magiingat ka, salamat ulit. Sana mapasyal ka ulit dito" Nag ngitian lang silang tatlo bago pumasok sila mama at tita sa loob ng bahay para ilagay yung inihaw na isda sa may Dining Area.

"Bakit hindi mo binawi kila tita na di kita boyfriend." Ani ko ng maiwan kaming dalawa sa labas.

"Ikaw nga din eh" Aniya sabay tawa. Napangiti narin ako sabay hampas sa braso niya.

"Gunggong! Mag iingat ka. Mamaya nalang. Salamat" ani ko sabay ngiti sakanya. Tinanguan lang niya ko at sabay pinaandar na yung Motor niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pero alam kong mali ito. Oo mali to, kaya Hindi pwede.

-

"And the Champion is...... Class A-2!! Congratulations!" Nag palakpakan sa tuwa yung mga kaklase ko ng banggitin yung section namin habang masaya akong nakangiti sakanila. Ang gaan pala sa feeling na nakikita mo yung mga mahahalaga sayong tao na masaya.

"Summer! Nanalo tayo!! Ang galing niyo kasi ni Nike mag dala ng santo at may pabuhat buhat pa. Ang daming kinilig sainyo" Natawa nalang ako sa iba kong kaklase na puro ganun ang kinukwento. Madaming nagsasabi na bagay kami at kung kami daw ba pero hindi nila alam, walang kami dahil bestfriend ko ang Girlfriend ni Nike.

"Congratulations!" sabay lapit ng mga kalalakihan sakin na taga ibang section.

"Salamat!"

"Summer pwede daw bang pa picture si Joshua? pati narin si Leon at ako na rin pala" Nahihiyang tanong sakin ni Erick kaya natawa ko.

"Sure."

"Nike? pwedeng pa picture naman kami isa isa tapos lahat kami na kasama si Summer" sabay abot ni Erick ng phone niya kay Nike pero tiningnan lang sila ni Nike ng walang emosyon kaya ako na ang kumuha at nagbigay sakanya.

"Sige na Nike" Inirapan niya lang ako at kinuha yung tshirt niya sa balikat niya at inaabot sakin.

"Gagawin ko dito?"

"Just wear it, kaya ka namamanyakan eh. tss" kumunot naman yung noo ko pero agad ko din namang sinuot yung tshirt niya dahil nakikita na din yung cleavage ko na kinakabadtrip niya. Ang bango ng damit niya.

"1...2...3... *click*" nakadami kaming picture kaya badtrip na badtrip si Nike dahil ang dami daw request nila Erick kaya natatawa nalang ako. Haynako.

"Seeyou next year guys! Mamimiss ko kayo!" sigaw ng iba kong kaklase ng nakapag ayos na kami ng sarili at nagpasya ng umuwi. Christmas Vacation na kasi ngayon kaya busy na din yung iba sa Family nila.

"Summer, niyayaya ka nila Mama na mag christmas eve samin" Nagulat ako sa sinabi ni Nike ng maiwan nalang kaming dalawa dito sa Classroom.

"Huh? bakit daw? Si Aishe hindi ba pupunta doon? Nakakahiya uy. Huwag na" Ani ko sabay tawa para malighten up yung atmosphere.

"Pupunta din si Aishe. Pero niyayaya ka nila Mama andun din sila Mommy, bahala ka magtatampo yung mga yun sayo lalo na si Alonzo" Napatigil naman ako at napatingin sakaniya ng banggitin niya si Alonzo. Agad siyang ngumiti dahil alam niyang di ko maayawan si Alonzo na bunso niyang kapatid na dalawang taong gulang palang. Naalala ko tuloy kung paano ko nakilala yung Pamilya niya.

-

"Where are you?" Naalala ko pa noong tinawagan niya ko sa phone ko gamit ang malamig na tono mula sa kabilang linya.

"Pauwi na ko" nahihilo hilo kong tugon sakaniya.

"Nasaan ka nga? Bakit wala kang kasama? Nasaan sila Preya? Bakit hindi mo kasama?" sunod sunod niyang tanong sakin. Napairap nalang ako sa kawalan dahil sobrang sakit na nga ng ulo ko dahil sa nainom kong alak kanina kasama sila Preya tapos tanong pa siya ng tanong. Birthday kasi ni Lara at sa isang Highend na Bar kami dinala na mga kaibigan niya, hindi naman talaga ako umiinom pero dahil sa kakulitan nila mapagbibigyan mo nalang talaga sila.

"Sige na ibababa ko na. Nandito ako sa St. Francis. Bye!" Mabilis kong binababa yung tawag at nagsimula ng maglakad. Mas madali kung sasakay ako pero dahil narin sa hilong hilo ko at hating gabi na at wala ng masakyan na jeep pinili ko nalang din na maglakad.

Nang makaramdam ulit ako ng hilo, umupo muna ako sa gather na nadadaanan ko. Naka Highwaist pants at spaghetti top lang ako dahil alam kong ihahatid naman nila ko pero pare pareho na kaming may tama kaya nagkanya kanya na kami. Argh! Life sucks. Sakit sa ulo!

*Beeeeeeeep*

Agad akong napatingala at nakita ko si Nike na nasa harapan ko habang nakasakay sa Motor na may matatalim na tingin sakin. Tumayo ako at inirapan siya at pinagpatuloy na ang paglalakad sa madilim na daan ng St. Francis.

"Bakit ka ba sunod ng sunod sakin?" mataray kong tanong sakaniya habang siya ay parang pinapatay na ko sa talim ng tingin. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon kaya sana huwag na siyang makisabay pa. argh!

"Bakit ka naglalakad mag isa dito sa dilim?"

"At anong pakialam mo kung naglalalad akong mag isa dito sa dilim?" Mataray kong sabi sakaniya habang patuloy pa rin ako sa pag lalakad ng naka pikit ang mata. Shocks! Ang sakit na talaga ng ulo ko!

"At ano ding pakialam mo kung nandito ko ngayon sa harapan mo para sunduin ka?" Napadilat ako ng mata at tiningnan siya ng matalim.

"Alam mo Nike, hayaan mo nalang ako at doon ka nalang sa girlfriend mo, kay Aishe." Nahihilo na talaga ko. Geez.

"Anong kinalaman dito ni Aishe? P'wede ba Summer wag ng matigas ang ulo at sumama ka nalang sakin?" Aniya habang patuloy parin sa pag papa andar ng motor niya ng sobrang bagal dahil sinasabayan niya lang ang paglalakad ko. "stubborn" rinig ko pang bulong niya kaya nag init ang tenga ko at hinarap siya ng nanggagalaiti. Pero bago pa ko makapag protesta binuhat niya na ko ng parang sako at dahan dahang inupo sa likod ng motor niya. Bababa na sana ko pero dahil sa hilo ko nanatili nalang akong nakaupo sa likod niya, naramdaman ko naman ang pag sakay niya at pag papa andar ng motor niya.

"Good" aniya pero pinag sa walang bahala ko nalang iyon at pinulupot ko nalang ang dalawang kamay ko sa baywang niya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Iidlip muna ko, kahit saglit lang. Ang sakit talaga sa ulo, swear hindi na ko uulit. argh!

"Tssk. Napapala mo" Maarte niyang sabi bago ko nakatulog ng bahagya sa balikat niya, bago ko maipikit ang mga mata ko naramdam ko ding hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang isa niyang kamay habang ang isang naman ay ginagamit niya sa pag mamaneho.

Naalimpungatan ako ng maramdam kong may may dumamping kamay sa noo ko. Napamulat ako at nakita ko ang isang hindi masyadong katandaang babae na nasa harapan ko at tila ine-eksamin ang lagay ko. Babangon na sana ako ng pigilan niya ako.

"Take some rest muna Hija, Mama pala ko ni Nike. You can call me Tita Jessa" umayos ako ng pagkakahiga at medyo umangat ng kaunti upang makausap ko din ang mama ni Nike. Nakikita ko na siya sa Picture pero iba parin pala talaga kapag sa personal mo na nakita.

"Ikaw si Summer diba? Naikwento na ni Nike ang nangyare saiyo at napagalitan ko pa dahil hindi ka manlang sinamahan doon sa Birthday ng kaklase ninyo" pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi ng mama niya. Bakit ganito? bakit parang normal lang na may ibang dinadala na babae si Nike dito?

"Okay lang po yun Tita, naiintidihan ko naman po kung ayaw niya. Nasaan nga po pala siya?" Nahihiya ko pang sabi dahil kung kelan unang kitang ko sa pamilya ni Nike duon pa ko lasing. Great!

"Pinabili ko ng Lugaw para mahimasmasan ka, inaapoy ka ng lagnat ng dinala ka dito ni Nike. Maigi nang mabuti na ang pakiramdam mo ngayon. O'siya maghahanda lang ako sa kusina maiwan na muna kita"

"Salamat po tita" nginitian niya ako bago siya dumiretso sa kusina nila. Pinagmasdan ko ang buong bahay nila Nike, simple at maaliwalas tingnan, medyo malaki din dahil nalaman kong Chef pala ang papa niya sa Barko.

"Alonzooo!!" napabalikwas ako ng upo dahil sa narinig kong sigaw ng babae. Nakita kong bumababa ng hagdan ang tantya kong nasa dalawang taong gulang na batang lalaki habang hinahabol siya ng dalagitang babae na hawig na hawig ni Nike. Nanlaki pareho ang mata namin dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Sorry po Ate, Hala Alonzo! Makinig ka naman nakakahiya oh!" Pabulong niya sigaw habang hinahabol si Alonzo, ung batang lalaki. Tumakbo si Alonzo sakin at may inabot siyang Gummy Bear na kulay red at sumampa sa sofa at nagtago sa likuran ko. Natawa nalang ako ng bahagya dahil sa kakulitan nila.

"Alonzo ano bayan!! Mama si Alonzo oh!!"

"Ano ba yang ingay niyo?!" Napatingin ako sa pintuan nila kung saan pumasok si Nike. Naginit agad ang pisngi ko sa hiya dahil wala akong naalala sa nangyare kanina. May dala siyang lugaw at susi ng motor nila.

"Kuya si Alonzo kasi ginugulo si Ate Summer" Nagulat ako kasi kilala na pala ko ng kapatid niyang babae na nasa katorseng taong gulang na.

"Wala yun, okay lang sakin" pagkasabi ko noon dumiretso si Nike samin ni Alonzo at binuhat niya ito para patulugin na siguro. Anong oras na kaya?

Lahat kami nagulantang nang nagwala at umiyak ng malakas si Alonzo. Napamura ng malutong si Nike dahil sa kaingayan ng nakababatang kapatid.

"Alonzo ang ingay mo! It's 2am for goodness sake!" Frustrated na sabi ni Nike. Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi niya.

"A-alas Dos na?" nahihiya pa ko dahil sa sama ng tingin ni Nike sakin.

"Opo Ate Summer" Sagot ng kapatid niyang babae dahil mukhang walang balak sagutin ni Nike ang tanong ko.

"Shiena hatid mo na 'tong si Alonzo sa kwarto niyo" Pero bago pa makuha ni Shiena si Alonzo kumaripas na ito ng takbo papunta sakin at niyakap ako habang nakaupo ako sa sofa nila. Napangiti naman ako habang silang dalawa ay naiinis na sa kakulitan ni Alonzo.

"Hayaan niyo muna, mukhang ganito naman siya sa lahat ng bisita niyo" ani ko sabay tawa. Inirapan lang ako ni Nike. Ano kayang problema nito?

"Hindi kaya ate. Saiyo nga lang ganyan 'yan kahit kay Ate Aishe hindi siya ganyan" Napangiti ako ng hilaw dahil sa hiya ng pagkukumpara samin ni Aishe. Napansin ko ding nag iba ang timpla ng mukha ni Shiena ng banggitin niya si Aishe. Hmh? bakit kaya?

"Antahan mo ko, weyit go same" (Kantahan mo ko let it go summer) natawa naman ako sa tawag niya saking "Same" at pagkakabulol niya. Kinuha niya pa yung Gummy bear at sinubo iyon sakin. Narinig ko ding napaismid si Nike sa gilid.

"Call her 'ate' Alonzo!" Narinig kong ani ng Mama nila ng naghanda na siya ng mangkok para sa lugaw. Nakakahiya!

"Yaw, krash ko sya eh" Lalo kaming natawa lahat dahil sa sinabi ni Alonzo. Umupo na kami sa sala nila at duon nalang nagpasiyang kumain. Hinayaan ko muna silang kumain habang kinakalong at kinakantahan ko si Alonzo ng Let it Go.

"The cold never bothered me anyway"

Nakatulog na si Alonzo sa hita ko habang kinakantahan ko siya kaya binuhat siya ni nike at dinala na sa kwarto nila. Pagkatapos ay kumain na din ako, nakakahiya dahil nakatingin sila habang nakain ako. Awkward.

"Pasensya na po Tita sa abala, nakakahiya naman po" sabi ko ng ihahatid na ako ni Nike sa amin ng bandang 4:30 ng madaling araw.

"Naku Hija, wala 'yun. Kakauwi lang din namin galing Ortigas ng dinala ka ni Nike dito kaya walang abala at never ka makaka abala. O'siya magiingat kayo. Nike ihatid mo yan ah? Huwag ng kung saan saan pa pupunta naku ka" Natawa naman po ako sa inasal ng mama niya. Ang cute nilang pagmasdan at ang gaan sa pakiramdam na nakasundo mo agad sila.

"Bye Ate Summer. Ingat ka po." Paalam ni Shiena sakin pagkatapos ko siyang yakapin.

"Thankyou babygirl. Goodnight. Salamat po ulit sainyo Tita." Ani ko pagharap ko kay tita Jessa at nakipag beso sakanya. Ang bilis lang nila makasundo kaya ang saya sa feeling.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Nike sa gitna ng byahe namin.

"Hmh. Oo salamat ulit sainyo. Nakakahiya. Baka malaman pa ito ni Aishe at mag kaaway pa kayo" mahina kong sabi pero hindi na siya nagdugtong pa ng sasabihin kaya buong byahe tahimik kami. Awkward.

"Goodmornight. Thank you so much" Ani ko sabay pisil sa pisngi ni Nike ng tumapat na ang motor niya sa bahay namin. "May atraso ka pa sakin tsk" aniya at inirapan niya lang ako sabay ngisi at paharurot ng motor niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya kahit di ko matandaan kung anong naging atraso ko sakanya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko pero agad ding nawala ng naalala ko si Aishe. Shit. Hindi pwede ito! Simula ng Araw na kasing ito ng makilala at makasundo ko ang Pamilya ni Nike ay napalapit na sila sakin ng husto at palagi na kong imbitado sa bawat handaan nila. Hindi ko iyon binigyan ng malisya dahil alam naman nilang kaibigan ko lang si Nike, na mag kaibigan lang kami.

-----

"Seeyou bukas sa swimming guys ah?" Thursday ngayon at sobrang bilis ng araw para maging last day namin bukas. Hindi ako nakapunta kila Nike ng Christmas Evening dahil umuwi kami sa probinsya at doon nag pasko. Naintidihan naman iyon nila Nike. Maigi na din dahil andoon si Aishe. Iwas muna sa gulo.

Biyernes ang naisip na araw ng mga kaibigan namn para sa swimming namin sa isang resort na pag mamay-ari ng pamilya ni Preya. Sagot na niya lahat except sa tranportasyon at pagkain. Kaya nagkaroon kami ng ambagan para sa mga kailangang bilhin. Good for 3 days lang kami doon. Buong tropa namin ang kasama kaya magiging masaya talaga 'to para samin.

"Summer? May dala ka bang power bank?" tanong ni Silver.

"Wala eh. Charger lang talaga yung dala ko." Isa isa ng sumakay sa van yung mga kaklase ko. Dalawang van lang yung inarkila namin dahil sakto naman na lahat. Nasa tabi ng bintana si Nike habang katabi ko, sa kanan ko naman si Lara at sunod si Preya tapos si Janelle. Ewan ko ba dito kay Nike at gustong gusto sakin tumabi.

"Matulog ka muna kaya" bulong ni Nike sa gilid ko kaya hinilig ko nalang yung ulo ko sa balikat niya. Ala-singko palang ng madaling araw kaya mga tulog sa byahe ang mga kasama namin.

Lumipas ang mahigit dalawang oras na pag babyahe nakarating narin kami sa Resort nila Preya dito sa Laguna. Kami kami lang ang magkakasama sa rest house at iyong dalawang mag asawa na nangangalaga sa buong resort.

"Nandiyan na pala kayo. Halika kayo at naghanda na ko ng pagkain niyo sa kusina" Bungad samin ni Lola Tina iyong asawa ni Lolo Brino. Matagal na pala silang nangangalaga dito sa Rest house dahil bihira lang ito bisitahin ng pamilya nila Preya.

"Wow! Sarap nito Lola Tina ah! The best!" Sigaw ni Raydie nang nagsimula na kaming kumain at iwan ang mga gamit namin sa kanya kanya naming kwarto. Lima ang guest room dito ay may tig-pitong kama sa bawat kwarto. Ang mga kasama ko ay sila Preya, Lara, Janelle, Yasmin, Nicole at Chloe.

"Naku Lola Tina. Nagpapa good shot lang po sainyo yan para kay Preya!" Sigaw naman ni Yasmin kaya nagkahiyawan na sa gitna ng kainan. Namula si Preya habang si Raydie naman ay ngising ngisi. Matagal na kasi silang dalawa na may gusto sa isa't isa, ewan ko lang kung bakit hindi parin sila hanggang ngayon, nagkakahiyaan siguro.

"Puro kayo buhay pagibig. Sino na ba dito ang mag nobyo at nobya?" Tanong ni Lolo Bruno.

"Si Joseph po at si Mikaela, tapos po si Lara at Aj. Sunod po si Kenji at Sophia" Sunod sunod na sabi ni Chloe habang tumatawa. Pinandilatan lang sila ng mata ng mga binanggit niya. Totoo namang mga mag nobyo at nobya sila.

"Eh kayo hijo at hija? sino kayo yun sa nabanggit nitong si Chloe?" tanong ni Lola Tina habang nakatingin sakin at kay Nike na nasa tabi ko habang nilalagyan pa ko ng kanina sa pinggan ko. Agad akong pinamulahan ng pisngi dahil sa kilig at hiya.

"Naku Lola, wala pong kami." Pagkasabi ko nun hilaw din akong tumawa na nag pa awkward ng atmosphere ng hapagkainan. Narinig ko pang sumipol si Paul kaya tiningnan ko siya ng masama pero nagiwas lang siya ng tingin.

"Tina, hayaan mo muna yung mga batang magsaya. O'siya. Maiwan na muna namin kayo ah? Tawagin niyo nalang kami sa dulong kwarto sa Ikatlong palapag."

"Sige po"

"Salamat po Lo, La. Ang sarap ng luto niyo"

"Swimming tayo after natin kumain? Tara?" Tanong ni Yasmin samin habang sumusubo ng kanin.

"Mag ayos muna tayo ng gamit natin sa kwarto Yasmin at pagkatapos dun tayo maligo" Suhestyon ko na sinang ayunan ng lahat kaya napairap nalang si Yasmin.

"Sa dagat o sa pool mag si swimming? tingin niyo? Saan?" Tanong ni Preya.

"Woaaah may pool din pala dito. Ang cool!" Sabi ni Kevin.

"Omg excited na ko!" Ani ni Nicole at may pagpalakpak pa.

"Pool muna tayo at sa dagat nalang tayo sa susunod" Sumang ayon naman kami sa sinabi ni Lara kaya pagtapos kumain at dumiretso na kami sa kwarto namin.

"Mamimiss ko kayo ng sobra girls!" Pagda drama ni Janelle sa amin ng matapos kaming mag ayos ng gamit. Ako din naman. Nagsuot na din kami ng swimsuit sa loob ng see through nilang damit. Naka white two piece ako habang nasa ibabaw ang tshirt na puti at maong short.

"Gusto kong ma achieve yang katawan mo Summer. Nakakainggit" natawa ko sa sinabi ni Preya kaya pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin. Maliit nah baywang ko at makinis na maputi ang balat ko. Malaki din ang balakang ko gayun din sa butt and breast ko. Masyado kong pinagpala ng Diyos sa pigurang 'to.

"Mga baliw! Tara na baka inaantay na nila tayo sa baba" Dumiretso kami sa may sala at nakita na namin sila na nanonood ng cartoons.

"Buti naman bumaba pa kayo" Nakabusangot na sinabi ni Raydie kaya binato siya ng unan ni Preya at sapul naman ito sa mukha niya.

"Tara na, para mamaya kakain ulit tayo" Ani ni Joseph kaya natawa kami dahil mukha na naman siyang patay gutom.

"Anong suot mo?" Tanong ni Nike sa gilid ko habang sinasabayan ang paglalakad ko,medyo nahuhuli na kami dahil mga excited ang kasama ko pumunta sa likod bahay nila Preya dahil andun ang Pool nila.

"White bikini why?" pagtatanong ko pero hindi na niya ko sinagot kaya naglakad nalang din ako ng tahimik. Pagdating namin dun puro selfie at tilian nila Yasmin ang naririnig namin. Mayroon kasing speaker at ilang disco lights, madilim kasi sa bandang likod ng rest house nila Preya at mukha sinadya naman para sa party party at nakaka relax. Nagdala sila ng mga snacks para daw kung sakaling magutom kami.

Naghubad na ang iba samin at nagsimula ng magtampisaw sa tubig. Umupo lang ako sa may tabi ng mga pagkain at kumuha ng chichirya. Pinagmamasdan ko sila ng makita ko sa paningin ko si Nike na nakahubad at sobrang well built talaga ang katawan niya. Yung biceps niya naka korte ng tama at ang abs niyang walang palya. Ngumisi siya ng nakita niyang nakatitig ako sa katawan niya kaya inirapan ko siya. Hambog!

Nang maubos ko na ung kinakain ko at nung ako nalang ang natirang di pa naliligo. Naghubad na ko ng damit at nagsimulang pumunta kila Preya.

"Woah woah woah Summer. Hot na hot ah?"

"Coke na coke kamo pre!"

"Kakaiba ka Summer!"

Narirnig kong asar nila Paul sa kabilang side ng pool. Umiling iling nalang ako dahil sa kalokohan nila. Pag baba ko sa tubig naramdaman ko agad ang lamig sa balat ko. Shiz! Dapat dun nalang ako sa Hot water.

"Kyaaaaah!!" Napasigaw ako ng may pumulupot na braso sa baywang ko kaya napatingin sakin ang ilan at nagtanong kung bakit. Bago pa ko makasagot hinila na ko pababa nang kung sino mang nasa ilalim ko.

Pagdilat ng mata ko sa ilalim nakita ko si Nike na nakangiti at nagpose na "huwag kang maingay sakanila" kaya napatango tango lang ako dahil sa gulat at lalo kong nagulat ng lumapat ang labi niya pisngi ko. Wteff Nike?!

"Huy girl! Anong nangyare sayo?" Tanong ni Nicole sakin pag ka ahon ko habang hinihingal pa ko dahil sa tagal ko sa ilalim ng tubig. Walanghiyang Nike yun!

"W-wala yun!" Hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa hingal ko. Narinig namin ang malakas na tawa ni Nike sa may falls. Sinamaan ko siya ng tingin at base palang sa kilos naming dalawa alam na nilang lahat kung anong nangyare sakin.

Umahon ako at dumiretso sa Hot water. Nakita ko ding sumunod si Nike sakin at kaming dalawa nalang ang nandito, saktong malayo pa itong Hot Lagoon sa mga kasama namin.

"Bakit mo yun ginawa Nike? Baliw ka na ba?" Mataray kong tanong sakaniya. Lumapit siya sakin na halos magdikit na ang mga katawan namin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. 

"Wala. Im just mad" Malamig niyang tugon kaya napakunot yung noo ko.

"Ano namang kinagagali-"

"Damn. Sa suot mo Summer. Bakit di ka pa ba nakakahalata?!" napalakas na yung boses niya kaya nairita ko dahil hindi ko alam kung anong pinuputok ng butchi niya!

"Ano naman sayo kung ganito ang suot ko? Ha Nike?!" Pabalik na sigaw ko sakaniya na alam kong naririnig na kami ng mga kaibigan namin.

"You're showing too much skin, Summer. Bakit ba ang kitid ng utak mo at hindi mo iyon maintidihan?" Nagulat ako pero lalong kumulo yung dugo ko.

"Pwede ba Nike. Hindi mo ko pag mamay-ari kaya tigilan mo yang panenermon sakin!" Sa galit ko tumayo ako at iniwan sila lahat dun. Kusang tumulo yung luha ko habang pabalik ako ng Rest House. Nawalan na ko ng gana. Hindi ko maintidihan si Nike. Lahat ng pinapakita niya may meaning at malisya para sakin natural dahil gusto ko siya. Nasasaktan ako kasi alam kong umaasa ako sa mga pinapakita niya sakin, alam kong lalagapak ako ng todo sa lupa once na malaman kong wala lang pala lahat ng pinapakita niya. Na wala lang ako para sakaniya. Na si Aishe parin pala talaga ang pililiin niya. Na si Aishe ang GF niya dahil mahal niya.

Naligo ako at nagpalit na ng damit. Hindi ko na namalayang nakatulog din pala ko ng tatlong oras mahigit. Kaya pagbaba ko katatapos lang pala nila kumain ng tanghalian at mga bagsak sa sofa. Napatingin silang lahat sakin pero ang unang hinanap ng mata ko si Nike. Nakita ko siyang malalim na nakatingin sakin habang namumungay ang mga mata. Nakainom sila? nakita ko din sa lamesa ang ilang bote ng Jack Daniels at ilang pulutan na parang paubos na? Teka? kanina pa sila nag iinom? tsk.

"Kanina pa kayo nag iinuman?" Tanong ko sakanila na tila wala na sila sa wisyo.

"Oo Summer. Bakit di ka pala bumababa kanina, di ka manlang ginising nila Lara?" Ani ni Kevin sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay Preya.

"Ang himbing kasi ng tulog mo kanina kaya hindi ka na namin inistorbo Summer. Sorry" mga wala sa tino nilang sabi sakin.

"Dat hindi ka muna nagpalit. Ang sexy mo kaya sa Bikini mo" Napatingin ako kay Paul na sumisipol sipol pa at tintingnan ako ng malagkit. Hindi ko na sana siya papansin ng biglang tumayo si Nike at sinuntok si Paul. Nagsigawan naman ang ilan dahil sa gulat.

"Nike ano ba! Tumigil ka na nga!" sigaw ko pero patuloy parin sila sa pag susuntukang dalawa.

"Hayop ka pre! Huwag mong pagnasaan si Summer baka kung anong magawa ko sayo!" Sigaw ni Nike habang tuloy parin sa pag suntok.

"You dont own her Nike, kaya fuck off dude. Siya nga di nag rereklamo ikaw pa kaya?"

"Ano ba! Tumigil na kayo!" Sigaw ko pero wala paring tumitigil. Pinigilan na ni Kevin si Paul at si Aj si Nike.

"Summer, dalhin mo muna si Nike sa kwarto nila. Kami na munang bahala kay Paul" Sabi ni Preya na tila bumalik na sa wisyo dahil sa nangyare. Hinila ko si Nike habang gegewang gewang siya kaya naka akbay siya sa balikat ko. Hindi ko siya dinala sa kwarto nila at sa isang guest room ko siya dinala. Gusto ko din kasi siyang makausap.

Pagkahiga ko sakaniya sa kama hinubad ko yung tshirt niya at nakailang beses pa kong lunok dahil sa napaka intense na ginagawa ko. Pumunta kong CR at kusina para kumuha ng basang towel at ng tubig na malamig. Pinunas ko yun sa mukha niya at pinainom siya ng tubig para mahimasmasan siya. Naka Aircon dito kaya alam kong hindi na siya pagpapawisan kaya habang sinusuot ko yung damit niya hinila niya ko kaya napahiga ko sa katawan niya. Namula ko sa hiya at sa kaba.

"Ano ba Nike! Tumigil ka nga! Magpahinga ka at iiwan muna kita dito." Umalis ako sa yakap niya dahil sa kabang nadarama. Nakita ko ding sinuot niya yung damit niya. Palabas na ko ng magsalita siya na nagpatigil sakin.

"Wag mo muna kong iwan. Im jealous, Summer. Can't you see?" Nawindang ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapag salita. Humarap ako sakaniya at nakipag titigan ng ilang saglit sa mata niyang mapupungay.

"C'mon" Sabi niya at tinap yung kabilang side ng kama. Parang may sariling utak ang katawan ko kaya unti unti akong napahiga din sa tabi niya. Niyakap niya ko at doon na tumulo yung luha ko. Deym. Bakit ka umiiyak sa harapan niya Summer?

"Shh. Wag kang umiyak. Totoo yung sinasabi ko" Aniya na lalong nag pahagulgol sakin. Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Gulong gulo na ko Nike. Hindi ko alam kung gusto mo ba ko o sweet ka lang talaga. Pero ngayon? ano itong sinasabi mo? pano si Aishe?" tuloy tuloy na tanong ko.

"Shh let's just treasure this moment. Forget them just for today please?" Tumingin siya sa mata ko kaya napatango nalang din ako. Unti unting lumalapit ang labi niya sa noo ko at marahan akong dinampian ng halik doon, napapikit ako dahil damang dama ko ang sinseridad sa sinabi niya. Amoy alak parin ang hininga niya na may halong mint kaya pati ako ay nalalasing na. Alam kong mali. Pero gusto ko munang sundin ang puso ko kahit ngayon lang. Gusto ko munang sumaya kasama si Nike.

After niya ko halikan sa noo, nagkwentuhan kami tungkol sa family niya at sa family ko. Pagkatapos nun nakaramdam ako ng antok kung kaya't nakatulog na ko sa bisig niya. Bahala na kung anong mangyare bukas. Basta alam ko. Masaya ko. Sobrang saya ko.

---

"Good morning girl!" Nagising ako sa boses ni Yasmin sa gilid ko. Pagdilat ng mata ko nakita ko yung pamilyar na kwarto namin nila Preya. Teka? Bakit nandito na ko? Si Nike? Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Hinatid ka dito ni Nike kagabi, nag iihaw sila sa labas ng mga boys" Hindi na ko tumingin sakanila dahil alam kong tintingnan ako ngayon nila Yasmin, kumpleto pala kaming babae dito kaya kumalabog ang puso ko. O'what now?

"Magsabi ka nga samin Summer, ano nang meron sainyo ni Nike?" Alam ko nang ganito ang itatanong nila pero hindi ko akalain na makakaya nila yung itanong sakin ng walang pag aalinlangan. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kelan pa Summer?" Nanliliit ang boses ni Preya sakin, nahihimigan ko doon ang frustration. Napapikit ako ng mariin at hinarap sila. Okay, let's face it. Me and Nike are having a secret relationship, wala palang lebel pero alam kong ganito din ang kahihitnan noon, kung.

"K-kagabi nung hinatid ko siya sa guest room, inamin niya saking..." napapikit ako dahil sa tensyong bumabalot samin. "saking nag seselos siya. Niyakap niya ko at d-doon na ako nakatulog sa tabi niya" paliwanag ko. Walang umimik at mabibigat na buntong hininga lang ang bumalot samin.

"Kelan pa nga Summer? Im asking! Damn!" Nagulat ako sa sigaw ni Lara sakin, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka frustrate. What did you done Summer?

"M-matagal na. Simula palang nung naging malapit na siya sa aki-"

"God Summer! Kaibigan mo si Aishe? Paano mo natataim iyon?!" Tila nang gigigil na sa galit Lara. Nangingilid na ang luhang nasa gilid ng mata ko. No, huwag kang tutulo. Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ka nasasaktan Summer. Pinunsan ko iyon gamit ang aking palad.

"Maniwala kayo sakin, pinigilan ko naman. Sinubukan kong tigilan 'tong pagkakagusto ko sakaniya p-pero hindi ko talaga kaya" nanliit na ang boses ko sa huling sinabi ko. Napasinghap sila sa sinabi ko.

"Okay Summer, Alam namin na sobrang lapit niyo sa isa't isa. Oo we are supporting you pero hindi sa ganitong paraan. We thought Nike was just treating you like a sister. May hint na kami pero gawd, hindi ko inaasahan na bibigay ka Summer. Hinayaan ka namin dahil alam naming alam mo ang tama sa hindi. Pero hearing this? O'sucks."
Tiloy tuloy na sabi ni Yasmin. Okay, I get them. Pero damn, ang sakit parin.

"Im sorry"

"Hindi ka naman namin matitiis, we will still support you. Nag aalalala lang talaga kami sayo. You know. We just want you to be happy. Kung gusto mo si Nike, gawin mo ang gusto mo sa tamang paraa-"

"Preya, what the eff?!" sigaw ni Lara dahil sa pinagsasabi ni Preya. I get her, hindi siya against samin ni Nike. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Anong gusto mong gawin ko Lara? Suportahan si Nike kay Aishe kung hindi naman niya ito talaga mahal at si Summer naman talaga ang gusto niya?" natahimik kaming mga babae sa loob. Nananahimik lang sila Sophia, Chloe, Mikaela, Janelle at Nicole. Tila gustong magsalita pero dahil sa pag burst out nila Lara at Yasmin ay hindi na sila makapag salita.

"Okay, okay! Girls, walang makakalabas sa lahat ng pinag usapan natin. Hayaan natin si Summer at N-nike ang mag handle ng pinasukan nilang gusot. Im sorry, na carried away lang. Nag aalala lang talaga ko. I'll support" Sabi ni Lara. Niyakap niya ko at ganun din si Yasmin sumunod na din sila Preya. Gawd. Im so thankful to have them.

---

"Pinaghirapan naming ihawin yan para sainyo girls. Konting appreacition naman diyan" Sabi ni Raydie ng makitang parang pinagsakluban kaming mga babae ng langit at lupa. Nasa hapag na kami at kumakain, tinawag nila kami sa kwarto dahil dinner na pala. Nasa tabi ko si Nike at ramdam ko ang tensyon saming mga babae.

"Smile, bakit ang lungkot mo?" Bulong niya sa tainga ko kaya napa atras ako ng bahagya sakaniya. Humalakhak naman siya dahil sa pagkagulat ko. Loko loko!

"Sorry if I scared you. I just don't want to see you sad. C'mon. Nagihaw ako ng pork para sayo. Kumain ka na, ang payat mo na oh" pang aasar niya pa. Inirapan ko siya at humalakhak nanaman siya. Kumalabog ang puso ko dahil below the belt na itong ginagawa niya, o malisyosa lang talaga ko?

"Kung wala kang girlfriend Nike, mapagkakamalan kong kayo ni Summer" tawa pa ni Silver na ikina-ubo ni Lara. Tumawa ko ng hilaw dahil sa tensyon.

"Shut up, Silver"

Pagkatapos naming mag dinner nanood lang kaming mga babae ng isang movie at nagpasiya ng matulog. We still have two day's and one night.

---

"Saan ang next destination natin?" tanong ni Chloe habang kuha ng kuha ng picture sa tanawin. Naikot na namin ang buong resort nila Preya at sobrang ganda talaga dahil may mga museum ng mga lamang dagat lang. We also went to 'White Sand' sa may kabilang parte ng resort nila. Super sulit ang punta namin dito. Maganda at nakakarelax.

"Speed boat? Sa may kabilang Island tayo? Sa Falls and Hot spring?" Sabi ni Preya. Nanlaki ang mata namin dahil sa sinabi niya.

"Seriously Preya?" Namamanghang tanong ni Yasmin. Ohgod. Nae-excite ako.

"Yes, but hindi na namin iyon pag mamay-ari. Pero don't worry sagot ko na. Sa tito ko naman iyon" paliwanag niya. Nagayos na kami at kanya kanya sakay sa Speed boat nila Preya habang papunta sa kabilang Isla.

"You're cold. Anong problema Summer?" tanong ni Nike sa tabi ko habang nanonood sa agos ng dagat dito sa parteng likod ng speed boat. Kaming dalawa lang ang nandito.

"Hindi ka ba nabo-bother? This is Forbidden Nike. May gf ka at ano ako? Kabit? oh no way." Sabi ko na parang dissapointed.

"Im sorry, pagbalik natin makikipag hiwalay na ko Summer."

"Tingin mo Nike ganun kadali iyon? kaibigan ko si Aishe. Anong iisipin niya? Inahas kita? Nilandi kita kaya pagkatapos mo sakaniya saakin naman? Nike. Hindi ganun kadali ang gusto mong mangyare" Nangingilid na ang luha sa mata ko. No dont effin cry summer. Lumapit agad siya sakin at niyakap ako, umiyak ako ng marahan sakaniyang dibdib. Nahihirapan ako. Torn between my man and my bestfriend. Amoy na amoy ko ang pabangong regalo ko sakaniya noong birthday niya. Ang bango niya.

"Im sorry, okay I know it takes time. I'll wait. We'll wait. Right Summer? we'll wait" Sabi niya habang pinagmamasdan ako sa mata. Tumango ako kahit hindi ko alam kung lalaban ba ko kasama niya o hindi. Ang gulo, siguradong lagot ako kay Aishe, sa pamilya ko at sa pamilya ni Nike.

Nakayakap lang ako sakaniya buong byahe patungong kabilang Isla. Wala namang pumansin samin dahil kahit di nila aminin, alam kong may hint na sila sa ginagawa namin. Napapikit ako ng marahan dahil sa gulong pinasok ko.

"Ohmygod! Ang ganda dito Preya! Nicole come here, Take me a photo" nagmamadaling sigaw ni Chloe ng makarating na kami dito sa Isla Hiro. Ang resort ng tito ni Preya. May tatlong lagoon doon na hotspring ang tubig at sa likod noon ay ang falls na asul na asul ang tubig. What a view.

Kumunot ang noo ko ng paulit ulit kong naririnig ang ringtone ni Nike. Nakita kong hawak lang niya sa isang kamay ang phone niya at hindi sinasagot ang kung sino mang tumatawag doon. Ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sakin. Holding hands.

"Sagutin mo yan, baka si Aishe na yan" kumunot ang noo niya at binaliwala ang sinabi ko. Nakita kong tinurn on niya ang airplane mode at binuksan ang camera niya.

"Lets take a selfie" Nag picture kaming dalawa na parang kami. Kinalimutan muna namin ang bumabagabag sa amin. Kinuhanan din kami ni Kevin ng whole body. Puro stolen shots ang kuha sa akin ni Nike kaya inirapan ko siya.

"Nike. Hindi ba kayo mag swimming?" walang bahid ng emosyong tanong ni Paul. Umismid ako at hinawakan ang kamay ni Nike para pigilan siya sa balak niyang gawin.

"Maliligo din kami Paul" sabi ko at nginitian siya. Hinila na ko ni Nike at dinala sa Cottage namin.

"Ayoko talaga kay Paul. Iba siya kung tumingin sayo" Kinurot ko lang ang pisngi niya at tinawanan. Nagsimula na kong magtanggal ng tank top at shorts. I want to take a dip. Ngayon naka two piece skin color akong bikini.

"What the f, summer?" iritang tanong ni Nike sakin. Inirapan ko lang siya at nagsimula ng lumangoy sa gitnang parte ng isang lagoon.

"Its a Bikini Nike. What did you expect?" sarcastic kong sabi. Natawa naman sila Silver sa pagsigaw ko. Nakarinig ako ng paghampas ng tubig sa harapan ko pero wala namang tao. Lilingon na sana ko kila Preya na nagtatawanan na sa ibang lagoon ng may pumulupot na braso sa baywang ko mula sa likod. Napasinghap ako.

"Nike!!" Tiling sigaw ko na kumuha sa atensyon nila Paul. Nakita kong inirapan niya ako at natawa lang sila Raydie.

"I think im crazy" bulong niya sa pagitan ng leeg ko. Gusto kong tumawa dahil sa kiliti pero hindi ko magawa dahil sa tibok ng puso ko.

"Yes, you're really are crazy" Sabi ko. Nanatili kaming ganun at minsan ay tinuruan niya ako at nagpapabilisan kaming lumangoy.

"Kain na tayo guys!" Sigaw ni Sophia mula sa cottage. Nandoon na pala anv iba. Umahon na ako at niyaya si Nike na kumain. Pagdating namin doon puro kwentuhan at asaran lang ang nangyare.

"May dala ako gitara at beatbox. Let's jamming guys!" Excited na sigaw ni Nicole.

Pagkatapos ayun nga ang naisipan namin gawin tutal bandang alas-dos palang naman ng tanghali. Si Joseph ang nagbi beatbox habang ako ang magigitara.

Nagsimula na ko sa pag strum. Naisipan nila mga bagong kanta ang tugtugin ko. Natuto akong mag gitara noon elementary palang ako ng tinuruan ako ni papa. Kasali kasi si papa sa banda noon. Puro tawanan ang nangyare samin. Ang saya sa feeling.

"Summer kanta ka naman. Balita namin magaling ka daw kumanta ah?" Kantyaw nila Raydie sakin kaya wala na kong nagawa kung hindi kumanta.

Kyle Juliano: Crashing

Iyon ang kinanta ko dahil paborito ko 'to. Pagkatapos kong kumanta puro sila puri sakin. Nakakahiya!

"Lamig ng boses mo Summer."

"Nakakainggit"

"Nakaka inlove tae"

Kanya kanyang komento nila. Ngayon lang kasi ako kumanta sa harapan nila.
Humilig sa gilid ko si Nike at bumulong sa tenga ko.

"Damn, ang ganda ng boses mo" Hindi ako umimik at tumitig lang ako sa kamay kong nasa hita niya.

"Let's go back guys? Mag gagabi na din oh? Mahirap bumyahe sa dagat pag pagabi na" Yaya ni Preya. Nagligpit na kami at sumakay na sa Speed Boat. Nag drive? Si Aj. Mayroon pala sila noon kaya alam niya magpatakbo nito.

Mga pagod kami sa kakaligo kaya nakaupo lang kami sa loob ng speed boat habang nag kukwentuhan.

"Ang ganda dito sa Resort nila Preya. I hope someday i can visit here again" Sabi ni Raydie na tila seryosong seryoso. Pumasok si Paul na may dalang ilang Jack daniels galing sa Cooler na dala nila kanina. Nagkatuwaan na kami at medyo nakakarami na.

"You should stop now Summer. Nakakarami ka na" Bulong ni Nike sa gilid ko.

"Ngayon lang naman Nike" Tumango siya at nilagok ulit ang isang bote ng Jk. Lahat kami may tama na ng makarating kami sa Resort nila Preya. Madilim na din kaya nataka kami ng makakita ng isang kotseng pulang nakaparada sa tabing rest house nila Preya.

"Sino yun Preya?" Tanong ni Joseph.

"Maybe, her mom and dad?" ani ni Sophia. Nagkibit balikat lang si Preya at dumiretso na kami sa loob na bukas na bukas ang ilaw sa sala. Katabi ko si Nike at sabay kaming naglalakad. Ang braso niya ay nakapulupot sa baywang ko ng nakapasok na kami sa loob ay hindi pa rin niya ako binibitawan. Gusto ko ng matulog ang sakit na ng ulo ko dahil sa alak. Here we go again. hays!

Pagpasok namin nahinto ang mga kasama namin. Pagkapasok namin ni Nike nanlaki agad ang mata ko at ganun din siya.Parang nawala lahat ng hilo at sakit ng ulo ko. Nawala ang tama ng alak saming lahat ng makita namin siya dito. Agad kong naitulak si Nike palayo sakin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Damn.

"What the hell, Nike?!" Napapikit ako sa sobrang lakas niyang sigaw. Tumingin ako sakaniya at puno ng galit ang kaniyang mata. Tumingin siya sakin na parang nandidiri at sa braso ni Nike at baywang ko. Ohmygod!

"S-summer" Nanghihina niyang sinabi at tuluyang ng tumulo ang luha niya. Umiling ako para sabihin sakaniyang mali siya. Idiot! Anong mali sa nakita niya? Totoo lahat iyon. Walang halong hindi sinadya. Dahil lahat iyon ay sinadya, ginusto. Dinaluhan siya ni Nike at agad niyakap. May kumirot sa puso ko. Pero hindi ito ang oras para isipin ang sarili ko.

"A-ano ito?" tanong niya pa sa mahinang boses.

"Let me explain Aish-" naputol ang sasabihin ninNike ng tinutulak at pinaghahampas na ni Aishe ang dibdib ni Nike habang umiiyak. Sumisikip ang dibdib ko.

"How dare you Nike?! Bakit mo 'to nagawa sakin?! ha?! May pagkukulang ba ko ha?! Dapat sinabi mo para mapunan ko iyon hindi iyong, i-iyong pati ang k-kaibigan ko malalaman kong karelasyon mo! walanghiya kayo!" Patuloy sa paghagulgol si Aishe. Napaluha na ko at agad akong dinaluhan nila Preya. Umiyak ako sa balikat niya.

"Shh Calm down" Pagpapatahan ni Nike. Hindi ko alam kung para ba sa akin o kay Aishe. Wala akong pakealam.

"At ikaw Summer! Bakit mo 'to nagawa sakin ha?! Kaibigan ba talaga kita?! Pinagkatiwalaan kita Summer! What did you done?! Malandi ka! Walanghiya kayo!" Patuloy na pag sigaw niya sakin. Gustong gusto na niyang sumugod pero hawak siya ni Nike. Sige lang Aishe. Kahit masakit ilabas mo lang para kahit papano mabawasan ko ang sakit sa puso mo. Im sorry.

Dinaluhan ako ni Paul at niyakap. Napatingin si Nike samin na kaagad nagdilim ang paningin. Umiling ako para sabihing huwag na muna siya gumawa ng panibagong gusot. Umiwas lang siya ng tingin at umigting ang panga. Hinahagod naman ni Preya ang likod ko. I dont deserve their comfort. Napuno ng iyakan at matinding tensyon ang namagitan sa amin. Naupo kami lahat sa sofa. Kaharap ko si Nike napatuloy pa rin sa pagpapakalma kay Aishe. Umiwas ako ng tingin dahil sa kirot ng puso ko.

"Kelan pa, Nike?" Tanong ni Aishe pero wala namang balak sagutin ni Nike iyon kaya bumaling sakin si Aishe. Abot hanggang ulo na ang kaba ko. Pakiramdam ko'y wala na kong dugo at putlang putla ako dito.

"Kelan pa Summer?" Walang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa kaba. Pinisil lang ni Preya ang kamay ko na sinasabing sumagot ako. Wala akong mahanap na salita.

"I SAID KELAN PA SUMMER?!" Matinding sigaw ni Aishe kaya napahagulgol nanaman siya. Argh!

"M-matagal na" napapaos kong sinabi. Nanlaki ang mata niya at tila diring diri sa akin ngayon. I cant blame her.

"Anong matagal na summer?!" sigaw pa niya. I guess I really need to be honest.

"M-matagal ko ng gusto si Nike, Aishe."

"Slut!" Sigaw ni Aishe na nagpagulat sa akin. Gusto kong ipaglaban ang sarili ko na ginawa ko namang huwag mahulog ng tuluyan, na ituktok sa kokote ko na gf niya si Aishe kaya hindi pwede pero ako ang mali. Mahirap lumaban kung mali ang ipinaglalaban mo. Pinatigil naman siya ni Nike pero wala atang makakapigil ng poot niya.

"Dapat ay pinigilan mo dahil ikaw ang babae!!" Sigaw niya. Napapikit ako.

"Pinigilan ko naman-"

"Hindi mo pinigilan dahil kung pinigilan mo edi sana hindi na humantong sa ganito!" Umiiyak niyang sigaw sakin.

"Pinigilan ko Aishe. Makinig ka man o hindi pinigilan ko ang sarili ko. Nahirapan ako ng sobra dahil malapit na kami sa isa't isa. Nahulog na din ako Aishe. I-im sorry. Hindi ko kinaya kasi ang hirap ng umahon ulit" Umiiyak kong paliwanag sakaniya. Nakita kong pumikit ng mariin si Nike sa tabi niya. Napasinghap si Aishe at agad na tumayo at sinampal ako ng malakas. I deserve this.

"Malandi ka!!" Sigaw niya ng awatin na siya ni Nike ng umamba ulit siyang sumugod. Namanhid ang kaliwang pisngi ko sa sampal niya, ramdam ko ang sakit at galit niya doon.

"Im sorry. Im sorry" Paulit ulit kong sinabi habang umiiyak. Nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa luhang umaagos mula sa mata ko.

"Sorry, minahal ko si Nik-"

"What the hell?!" hindi makapaniwalang sigaw niya at maya maya ay pare pareho kaming nagulantang ng matumba si Aishe. Nawalan siya ng malay! Nahimatay siya! Ohmygod! It's my fault. Humagulgol na ko at humingi ng tawad sakanila sabay takbo na sa kwarto namin at sinarado iyon. Walang nagbalak na pumasok, hinayaan kong umiyak ng umiyak ang sarili ko sa kama hanggang sa nakatulog na ako dahil sa pagod, sakit at pagdadalamhati. Kasalanan ko 'to.

---

"Summer, gising na" Napadilat ako ng tawagin ako ni Yasmin. Tumingin ako sa salamin at nakitang namumugto ang mata ko, totoo nga lahat ng nangyare kagabi. Sana panaginip nalang iyon.

"K-kamusta na daw si Aishe?" Naiilang kong tanong sakaniya. Siya nalang ang andito sa kwarto namin. Nasaan sila?

"Nasa sala, kasama ang parents niya at ni Nike. Pati na rin sayo Summer" Malungkot niyang sabi. Kumalabog ang puso ko sa nalaman.

"Kanina pa?"

"Kani-kanina lang. Pinapagising ka ng mama mo kaya pinuntahan na kita dito." ani niya na tila binabasa ang reaksyon ko. Hindi na ko nag abalang mag ayos at bumaba na ko sa sala at nakitang nakaupo ang mga magulang namin. what the fudge is this? Council?

"M-mama" bulong ko ng makita ko ang pag aalala sa mata niya. Tumakbo agad ako doon at niyakap sila ni Tita. Silang dalawa lang ang nandito. Umismid ang magulang ni Aishe ng makita ko.

"Shall we proceed?" inaantay nila ang pag oo ko kaya tumango ako at umupo sa tabi nila Tita. Niyakap ako ni mama. Im sorry Ma.

"Dahil sa malanding yan kaya si Nike nawala na ng oras sakin tita!" Sigaw ni Aishe kaya na alarma ang mama ko.

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang anak ko" Madiing sabi ni Mama kay Aishe. Inirapan lang niya si mama kaya kumulo ang dugo ko. Wag niyang idadamay ang nanay ko dito at makikita niya talaga ang hinahanap niya kahit ako pa ang mali dito.

"What happened Hija?" dissapointed na tanong ni Tita Jessa sakin. Kumirot ang puso ko.

"Im sorry tita- "

"Wag mong ma tita tita ang nanay ni Nike!" nanggagalaiting sigaw nanaman ni Aishe. Umigting ang panga ni Nike sa tabi ng mama niya at papa niya. Nakauwi na pala si tito galing barko. Lalo akong kinabahan ng tingnan ako nito ng malamig na tingin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Wala dito ang mga kaibigan namin siguro'y nasa seashore sila. Paano nakapunta dito sila mama? Alam ba nila lola tina at lolo brino?

"Pumunta ko dito dahil lahat ng tawag, texts at chat ko kay Nike hindi niya sinasagot kaya naman pala may maharot na nakapaligid. Isa pa, Monthsarry namin ngayon Summer, kaya ko pumunta dito para surpresahin siya pero ako ang nasurpresa. Ohmygod!" tumulo nanaman ako luha niya kaya dinaluhan siya ng mama niyang matalim ang tingin sakin. Wala kong masabi.

"Kelan pa ang relasyon niyong ganto Summer?" tanong ni Tita Jessa. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko. Sasagot na sana ko ng inunahan ako ni Nike.

"Noong unang araw lang namin dito sa Resort. Iyon lang yun at wala na." Dinurog ang puso ko sa sinabi niyang 'wala na'. Alam kong ganito na ang kakahinatnan na sa huli ako ang maiiwan dahil pipiliin niya parin si Aishe.

"Hindi ikaw ang kausap ko Nike" Malamig na sinabi ng mama niya.

"Nung isang araw lang po, hindi ko po inasahang ganito ang mangyayare. Ang sakin lang po ay gusto ko si Nike, m-mahal ko po siya pero mulat ako na hindi magiging kami at hindi pwede. Pero dumating na nga po sa ganito, hindi ko po kinayang pigilan, all the time sinubukan ko naman po, pero ayaw h-hindi ko talaga kinaya t-tita-"

"That's because inakit mo siya!!" sigaw ulit ni Aishe.

"Calm down anak" Dalo ng mama niya. Umiyak na ko ng bongga dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Patawarin niyo po ako sa ginawa ko tita, tito, sainyo po tita jessa at tito Rino. Mama at tita. Lalo na sayo A-aishe. I guess mali nga ako. Oo kahit baligtadin man ang ikot ng mundo ako parin ang mali dahil ako ang babae pero ako ang hindi umiwas." tumigil ako at suminghot. Inaantay nila ang susunod kong sasabihin kaya nagpatuloy ako.

"Hindi ko na po ulit gagawin ang nagawa kong mali ngayon, im sorry kung madaming na apektuhan. I guess nabulag lang ako ng pag-ibig. Huhupa din ito, sorry sainyo. Aishe sana mapatawad mo ko pag dating ng panahon. Iiwas nalang ako at hindi na mangangambala" pagkasabi ko noon, naluha na si tita jessa. Naiyak ako dahil napalapit na sila saakin. Napasinghap ang magulang ni Aishe sa sinabi ko. Akala siguro nila ay magmamatigas ako. Hindi, pinalaki akong maayos ng magulang ko. Ayoko na ulit mag kamali. Tumingin ako kay Nike na ang talim at dilim ng tingin sakin. Napalunok ako. Im sorry baby.

"Mauna na kami, Pasensiya na sa nangayre at makaka asa kayong hindi na kami mang gagambala pa" Malamig na sinabi ni mama at hinila na ang kamay ko palabas. Nakita ko ang ilang bag ko naka impake na sa may pintuan. Kinausap din nila mama at tita sila Lola tina at lolo brino ganun din si Preya. Pagkalabas namin doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Kinuha ni tita ang gamit ko kay Lara. I smiled at her para magpasalamat.

Nakita ko ang kotse namin na nakaparada. Pumasok agad ako at doon humagulgol. Umandar na ang kotse namin na si mama ang nag drive at si tita ang nasa front seat.

"Sa America ka na mag aaral ngayong school year" Sabi ni mama, lalong dinurog ang puso ko. Alam kong para saakin din ito ngunit di ko matanggap. Ang sakit. Hindi na ko sumagot dahil nag patuloy lang ako sa pag iyak. Umikot ang kotse namin palabas ng Rest house ng makita ko si Nike na nasa pintuan ng rest house nila Preya. Madilim ang tingin niya sakin at nakita kong may sakit doon. Nanlaki ang mata ko dahil titig na titig siya sakin habang paalis na kami ng resort. Tinted naman ang sasakyan namin ngunit paano niya ko nakita? Hinilig ko nalang ang ulo ko at pumikit. Tumutulo parin ang luha ko. Walang makakahupa ng sakit sa puso ko. I left him. I left my heart with him.

Sa paglabas namin ng Resort, doon ko narealize na. Wala na, wala ng Nike Del Valle. Wala na ang lalaking mahal ko. Mali ang nagawa ko at mahal ko si Nike pero hindi iyon dahilan para manatili sakaniya, manatiling malapit sakaniya. Makakalimot din ako, huhupa din ang sugat at sakit sa dibdib ko. Tumigil ako sa pagiyak at sumilip sa bintana ng kotse.

Maybe this is our fate. Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Hindi ako pwede sakaniya ganoon din siya. Wala kaming happy ending dahil pareho kaming nagmahal ng mali. I already accept it. This is our Destiny. This is my fate and Destiny. Goodbye Nike Del Valle. Im really sorry, my baby.



Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
544K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
53.9M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...