MY SINGDERELLA

By HeartRomances

32K 715 63

Magaling na mang-aawit si Cindy..ngunit hinayaan niyang itago ang talentong iyon sa iisang dahilan..ang kanya... More

Teaser:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Finale:

Chapter 11:

927 23 2
By HeartRomances

MY SINGDERELLA

By:Reinarose

Lagi na ay hindi mapakali si Cindy..napapadalas ang labas nina Candy at Dave..wari ay nagwewelga ang puso ng dalaga..may nararamdaman siyang...selos..tama..selos..pero saan?..kanino?..selos ba dahil hindi na sila madals magkasama ni Candy..or selos dahil lihim na din niyang magugustuhan si Dave..

"Ahhhhhh!" sigaw ni Cindy...ok lang na sumigaw siya..wala na naman kasi si Candy..kasama na naman ni Dave...wari ay nginangatngat ng matinding panibugho ang puso ng dalaga.."Ano ba ang pinaggagagawa nyo?" sigaw na naman ni Cindy.

Mag aalas dose na ngunit wala pa din si Candy..hindi na nakayanan pa ni Cindy..iginupo na ito ng antok..

...

Kinabukasan..maaga pa ding gumising si Candy kahit late na late na itong umuwi ng nagdaang gabi.

"Napapadalas yata ang uwi mo ng late ah!" wika ni Cindy.

"Ha! Ok lang yun, si Dave naman ang kasama ko eh!" nakangiting tugon ni Candy.

"Candy, kahit na siya pa ang kasama mo, hindi ka dapat nauwi ng late na." pangaral ni Cindy.

"Cindy, common! Napakaaga pa para sermunan mo ako!" sagot ni Candy.

"Candy, kapakanan mo lang ang iniisip ko!" wika ni Cindy.

"I know! But malaki na ako, let me decide para sa sarili ko." wika ni Candy.

"Candy, natututo ka na sumagot!" wika ni Cindy..sa mahinahong tinig.

"Cindy, this is my life! Alam ko ang makakabuti para sa sarili ko!' sagot ni Candy..sabay tayo..walang paalam na umalis ng bahay.

Napasapo naman sa kanyang ulo si Cindy..hindi niya akalain na darating ang time na matututong managot si Candy.."And that's your fault, Dave!" galit na sabi ni Cindy..

...

Pumasok si Cindy sa eskwelahan..dala dala ang bigat sa kanyang dibdib..masyado ng lulong si Candy kay Dave..Paano kung malaman nito ang talagang pakay ng lalaki?..tiyak na abot hanggang langit ang magiging galit ng kapatid sa kanya.

"Hayyyyyyy!" nabigkas ni Cindy.

"Ang lalim noon ah!" puna ni Bebang..co-teacher ni Cindy.

"Konti lang!" sagot ni Cindy.

"Anong problema mo?" tanong ni Bebang.

"Wala naman," malungkot sa sabi ni Cindy.

"Ah! Kaya pala mukhang pasan mo ang mundo!" komento ni Bebang.

"Hayyyyyyyyy!" muli ay buntong hininga ni Cindy.

"Si Candy, tama?" tanong ni Bebang..nangalumbaba lamang si Cindy.

"Sabi ko sa'yo, kapag yang step sister mo ay natutong tumayo sa sariling mga paa, makakalimutan kana niyan!" wika ni Bebang.

"Hindi naman sa ganoon!" pagtatanggol pa ni Cindy sa kapatid.

"Kinalimutan mo ang lahat ng dahil sa kanya! Ang pangarap mo, pati ang lalaking unti unti mo ng nagugustuhan!" sabi pa ni Bebang..alam lahat ng kaibigan ang tungkol sa kanya..magkaklase sila..ito din ang sinasabihan niya ng lahat ng kanyang sikreto.

"Bebang, hindi ko isinusumbat ang mga bagay na ibinigay ko sa kapatid ko, dahil kusang loob kong ginawa lahat iyon!" wika ni Cindy.

"Tama! Ngunit hindi marunong pahalagahan ng kapatid mo! Masaya ka ba sa lahat ng pagpapaubayang ginagawa mo?" tanong ng kaibigan.

"Oo!" sagot ni Cindy..ngunit hindi galing sa kanyang puso.

"Labas sa ilong!" nawika ni Bebang.

"Bebang naman eh!" angal ni Cindy.

"Siya tama na yan, sumama ka sa akin at may pupuntahan tau!" wika ni Bebang.

"Saan?" tanong ni Cindy.

"Sama na kasi! Dami pang tanong eh!" kunwari ay inis na sabi ni Bebang.

Natatawa namang sinundan ni Cindy ang kanyang bestfriend, ito lang talaga ang nakakapagpatawa sa kanya bukod kay Candy..kapag siya ay may problema..sumakay ang dalawa sa tricycle..hindi inaasahan ni Cindy ang lugar na pinagdalhan ni Bebang sa kanya..ang Videoke haus na paborito niyang kantahan noon..

"Buhay pa pala ang videoke haus na ito!" wika ni Cindy.

"Oo naman,mas gumanda pa nga." sabi ni Bebang.

"Bakit tayo nandito?" tanong ni Cindy.

"Para magdasal!" pabalyang sagot ni Bebang..isang kutos ang ibinigay ni Cindy dito.

"Aray! Masakit yon ha!" wika ni Bebang.

"Nagtatanong ng ayos, ayusin mo din ang sagot mo!" nakairap na wika ni Cindy.

"Obvious naman kasi ang tanong mo eh! Tara na nga sa loob!" sabi ni Bebang at saka hinila si Cindy papasok ng videoke haus.

Naupo ang magkaibigan ng makakita ng bakanteng table..agad agad ay pumindot si Bebang ng song..kinuha ang mike at iniabot kay Cindy.

"Ano yan?" tanong ni Cindy.

"Try mong kainin, baka makakain yan!" papilosopo na namang sagot ni Bebang.

"Bebang ha!" wari ay may pagbabantang wika ni Cindy.

"Obvious naman kasi lagi ang mga tanong mo?" sabi ni Bebang.

"Ayaw!" tanggi ni Cindy.

"Sigè na Bff! Idedicate m sa akin ang kantang iyan, para kahit paano mabawasan ang nararamdaman ko! Gusto kong marinig muli ang boses mo," malungkot na sabi ni Bebang.

Napabuntonghininga naman si Cindy..broken hearted nga pala ang kanyang Bff..kaya tumayo si Cindy at pinagbigyan ang hiling ng kaibigan.

Nagsimulang kumanta si Cindy.

"PUSONG BATO"

Nang ika'y ibigin ko

Mundo ko'y biglang nagbago

Akala ko ika'y langit

'Yun pala'y sakit ng ulo

Sabi mo noon sa'kin

Kailan ma'y di magbabago

Naniwala naman sa'yo

Ba't ngayon iniwan mo

Habang nakanta si Cindy..tinititigan niya ang kaibigan..halata sa mga mata nito ang sakit dulot ng panloloko ng lalaking minahal.

Chorus:

Di mo ba alam dahil sa'yo

Ako'y di makakain

Di rin makatulog

Buhat ng iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig 

Sana'y di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato

Naisip ni Cindy..masakit ang lokohin..pero mahirap din ang hindi mo subukang magmahal..

Kahit san ka man ngayon

Dinggin mo aking awitin

Baka sakaling ika'y magising

Ang matigas mong damdamin

Chorus:

Di mo ba alam dahil sa'yo

Ako'y di makakain

Di rin makatulog 

Buhat ng iyong lokohin

Kung akoy muling iibig 

Sana'y di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato

Chorus:

Di mo ba alam dahil sa'yo

Ako'y di makakain

Di rin makatulog

Buhata ng iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig

Sana'y di maging katulad mo

Tulad mo na may pusong bato

Tulad mo na may pusong bato

Tulad mo na may pusong bato

Tulad mo na may PUSONG BATO..

Nang matapos ni Cindy ang kanta..nakaramdam ng kakaibang saya ang dalaga..napakatagal ng panahon na hindi siya kumanta..ngayon lang ulit..napakasarap sa pakiramdam..

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 657 74
Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong...
1.6K 25 12
Bata pa lang si Kristina ay paborito na niya ang kuwento ni Cinderella, kaya kahit ngayong dalaga na siya ay patuloy pa rin siyang naniniwala na bala...
87.4K 2.1K 25
Alam ni Ishaella na gahaman sa babae ang lalaking kanyang iniibig. Alam niyang malayo siya sa babaeng nagugustuhan nito, kaya kahit sa malayo ay lihi...
135 0 16
Si Aiden isang college student at isang honor student na piniling makapag tapos ng pag aaral, makahanap ng trabaho at maipag malaki ang kanyang pamil...
Wattpad App - Unlock exclusive features