Can't Get Over You

By janekhuletz007

131K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ More

See You Again
Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
Can't Help It
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Fear of Losing Someone
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Agustin Siblings
Sorrow & Loneliness
The Little Man
Dreams Never End

Lovely Day

4.5K 201 38
By janekhuletz007

Jade's POV

Napakasaya sana ng araw ko kung hindi ko lang nakita ang hitad na si Nathalie sa loob ng studio. Tumatawa pa ito habang nakikipagkwentuhan sa mga kapwa niya models. Hanggang sa mapasulyap ito sa akin.

"Hi Jade.." Maarteng bati nito at feeling close na nakipagbeso pa sa akin. "Glad to see you again."

"Yeah.. same here." Ngiting plastik na tugon ko sa kanya. 'Oh, girl ang bigat ng dugo ko sayo.' Naiiritang sabi ng utak ko.

Sa totoo lang ay isa ito sa dahilan kung bakit ko sinagot agad si Althea. Ayaw kong makitang umaali-aligid na naman sa kanya ang babaeng hitad na ito.

"So ikaw pala ulit ang stylist namin."

"Ah.. Yes! Is there something wrong?"

"Uhm.. wala naman. Alam kaya ng girlfriend mo na nagkakatrabaho tayo rito?"

"Importante bang malaman niya?"

Napatakip siya ng bibig habang natatawa. "My god! Ms. Jade you're so mean. No worries I will not steal her from you. Unless..." Pabitin nitong sabi.

"Unless what?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Nagkibit ito ng balikat na animoy nang-aasar pa dahil sa nakakaloko nitong mga ngiti.

She was going to say something nang biglang may tumawag sa pangalan nito. "Nathalie I have something for you, please come here." Pareho pa kaming napalingon sa baklang nagsalita. Isa itong manager na humahawak ng mga talents. So malamang na kukuhanin rin nito ang babaeng ito upang gawing artista.

"Hi Mamang.. I missed you. Mabuti at napadaan ka dito." Sinulyapan muna akong muli nito para siguro mag-excuse sa akin. Ngunit tinalikuran ko na siya. Wala na rin naman kasi ako sa mood para makipag-plastikan pa sa kanya.

Huminga ako ng malalim para irelax ko ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa babaeng iyon. Dahil talagang masisira lang ang araw ko sa kanya.

"Hi Jade.. Goodmorning to you." Malapad ang ngiting bati sa kin ni Ivan. Teka anong ginagawa ng lokong ito dito?

"Oh, Ivan! Huwag mong sabihing isa ka rin sa mga bagong models nila?"

Nakangiting lumapit siya sa akin at nagbeso. "Yes, may problema ba don?"

Naiiling na napatawa ako sa kanya. Naalala ko kasi yong pag-amin ko sa kanya noong nakaraang araw. "Wala naman Ivan. Siguro kung hindi tayo nagkausap tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon ay baka isipin ko na naman na sinusundan mo ako."

"Uy! Grabe siya." Aniyang bigla ring napatawa. "Hindi ko naman alam na ikaw rin ang stylist nila eh."

"Yeah I know right! Pagkatapos kong umamin sayo. I don't think so kung hahabulin mo pa rin ako."

"Well, gustuhin ko mang habulin ka pa rin ay wala na rin naman akong mapapala. Kasi nga inlove ka na diyan sa taong sinasabi mo."

"Sinabi mo pa! Lalo na ngayon na sinagot ko na siya." Masiglang balita ko sa kanya. Ngunit sa muli kong pagsulyap sa kanya ay nawala na ang mga ngiti sa mukha niya.

"Talaga Jade? So kayo na pala.. Congrats huh?" Malungkot ang tinig niyang sabi sa akin.

Huminga ako ng malalim at tinapik siya ng bahagya sa balikat niya. "Hey! Don't be sad Ivan. Ngayon na sumisikat ka na ay baka lalong magkandarapa ang mga girls sayo."

Pilit ang ngiti na tumingin ulit siya sa akin. "Tsk! Bakit kasi pinakawalan pa kita. Ang laki kong gago Jade."

"It's okay Ivan. Matagal na yon eh. Makakahanap ka rin ng para sayo talaga." Malungkot pa rin ang mukha na napatango-tango siya habang nakatitig sa akin.

Hindi sinasadyang napabaling ang tingin ko sa gawi ni Nathalie. Nakatingin ito sa amin at tila biglang napa-smirk nang magkasalubong ang aming mga tingin.

"Bitch!" Mahinang naibulalas ko.

Narinig iyon ni Ivan kaya napatingin rin ito kung saan ako nakatingin. "Ohw! She's Nathalie right? Wow! She's so hot and sexy." Ang lungkot nito ay tila napalitan ng excitement. Para siyang asong naglalaway habang hinahagod ng tingin ang babaeng hitad. Kung si Althea lang siguro ito ay baka kung ano nang nagawa ko sa lokong ito. Pero dahil si Ivan siya ay walang jealous effect sa akin. Sa halip ay parang natutuwa pa ako para sa kanya. Ang mga lalaki nga naman. Natatawang napailing na lang ako.

"Yeah she is! Ligawan mo baka mapasagot mo siya."

Nakangising bumaling ulit siya sa akin ng tingin. Bagkus ay nagpakawala ng mahinang tawa. "But of course you are totally different from her. Hindi kita pwedeng ikumpara sa kanya. You are special to me Jade. Ang mga ganyang klase ng babae ay ikinakama lang." Inis na hinampas ko ito. "Oh, bakit?" Tumatawa nitong tanong.

"Ang bastos mo eh. Kahit ganyan yang si Nathalie ay babae pa rin yan. Kaya dapat iginagalang mo pa rin."

"Hindi ko siya binabastos. I'm just telling the truth. Look at her Jade. She's liberated woman. Ang mga ganyang klase ng babae ay bihira ang nagseseryoso sa isang relasyon. Unless bigla siyang mainlove."

"Tss! Ewan ko sayo." Irap ko sa kanya. Natawa lang ito sa akin.


Althea's POV

Hays! Ang sarap palang mabuhay kapag ganitong kasaya ang puso. Feeling ko ay nagtu-twinkle ang paligid ko. Oh men! Napapa-smile rin ako ng kusa na hindi ko namamalayan. Mukha na tuloy akong nabubuang na parang ewan.

Pati mga ka-team ko sa work ay naninibago sa pagiging cool at palangiting awra ko. Sanay kasi sila na seryoso lang ako palagi at minsan lang kung ngumiti.

Pagkatapos kong maglunch sa labas kasama si pards ay nagpaalam ako sa kanya na may dadaanan pa ako. Ngunit hindi ko sinabi sa kanya kung saan. Hindi pa kasi nito alam ang tungkol sa restaurant na bubuksan ko. Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya kapag grand opening na.

"Wow! Parang mas lalo ka yatang gumaganda Althea ah."

Napangiti lang ako sa banat ni Wila. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa totoong status namin ni Jade. Pihadong matutuwa rin sila kapag nalaman nila. "So kelan tayo mag-aappoint ng mga applicant? Para ma-train nyo na rin ni Sally."

Konting-konti na lang kasi at pwede na itong mag-open. Kumpleto na sa mga gamit at tanging mga empleyado na lang siguro ang kulang.

"May mga nainterview na kami ni Sally. So ikaw na ang bahala para sa final interview nila." Tugon ni Wila sa sinabi ko. "Kelan ka ba free para mag-interview sa mga applicant natin?"

"Hmm.." Nag-isip muna akong sandali kasi parang magiging busy na ako dahil kay Kuya Gab. Marami siyang ipinapasang trabaho sa kin. Kung minsan ay isinasama pa ako nito sa mga meetings niya. "Maybe I will talk to Jade for that Wila and Sally. You know medyo busy na ako eh."

"Asus! Para na talaga kayong magjowa. Hindi ka pa rin ba sinasagot ng gagang yan?" Natatawang sabi naman ni Sally. Busy ito sa kung ano mang tina-type nito sa harap na laptop.

Natigilan tuloy ako at bigla ring napatawa. "Hindi ko alam kung pano ko ito sasabihin sa inyo."

"Hala! Bakla kayo na?" Biglang naibulalas ni Wila na hindi maikakaila ang pagka-excitement sa tinig.

"Oh my gosh! Kinikilig ako." Sabi naman ni Sally na napatigil sa ginagawa niya at tuwang-tuwang itinutok na ang tingin sa akin.

"Oo sinagot niya na ako noong isang gabi and yes kami na ni Jade." Nangingiting pag-amin ko sa kanilang dalawa.

"Yiiiiiiiiehhh...." Sabay na irit ng dalawa. Tawang-tawa naman ako at wala nang mapagsidlan ang saya sa puso ko.

"By the way, dumaan lang talaga ako dito para bisitahin kayo. Kailangan ko na ring bumalik kasi pihadong hahanapin na naman ako ng Kuya ko."

"Sige pero next time i-treat mo kaming magpinsan. Hanep! Masaya talaga ako para sayo Thea. Ang tagal mo pinangarap yang si Jade eh." Sabi ulit ni Wila. Kaya napatawa na naman ako.

"Oo ba kahit saan nyo pa gusto. Pasasalamat ko na rin sa pagsuporta nyo sa amin ni Jade."

Jade's POV

Naiinis ako dahil kahit anong ipasuot ko kay Nathalie ay bumabagay rito. Bakit kasi napakagaling nitong magdala ng damit. Kahit basahan pa siguro ang ipasuot ko sa kanya ay carry pa rin niyang dalhin. Ugh! Badtrip siya huh!

Kumindat sa kin si Ivan nang ipartner ito ng photographer kay Nathalie. Naiiling na napatawa lang ako sa kalokohan nito. Alam ko kasing gumagana na naman ang kamanyakan nito. Dahil sa mga daring na pagpa-pose ng babae.

Waring nakaramdam ang babae na fini-flirt siya ni Ivan. Kaya medyo umiiwas na ito. Ngingiti-ngiti naman ang loko na parang natutuwa pa sa pagpapakipot ng babae.

Ilang oras pa ang dumaan bago kami natapos sa pictorial. Marahil on the way na rin ang girlfriend ko para sunduin ako. May usapan kasi kaming sabay na magdidinner ngayong gabi.

"Jade..." Gulat na napaangat ako ng tingin.

"A-althea.. ang aga mo ah. Ineexpect ko ay mamaya ka pa."

Nakangiting lumapit siya sa akin at bumeso. "Ayoko namang pag-hintayin ang prinsesa ng buhay ko." Pabulong niyang sabi sa akin na siyang ikina-blush ko. "Hala! Namula ka naman agad Bibi. Kinilig ka?" Aniyang tawang-tawa sa akin.

"Tse!" Natatawa ko ring hampas sa kanya.

"Ang cute mo talaga Bibi.. Kaya dead na dead ako sayo eh."

"Althea stop it! Hindi ka ba nahihiya na baka may makarinig sayo?"

"Bakit naman ako mahihiya? Proud na proud pa nga ako eh."

"Tss! Ewan ko sayong babae ka." Sabay irap ko sa kanya. Kinuha ko na ang mga gamit ko at hinila na siyang palabas ng studio. "Halika na nga.. makita ka pa ng hitad dito. Landiin ka na naman."

"Hitad? Sino, si Nathalie?"

"Althea my darling!!" Speaking of babaeng hitad na haliparot. Napatigil kami pareho sa paghakbang nang marinig namin ang pagtawag nito. "Oh my gosh! You're so great!" Bebeso sana ito sa girlfriend ko ngunit bigla kong inilayo si Althea sa kanya. "Hey! What's wrong with you?" Masungit nitong litanya sa akin dala na rin ng pagkapahiya.

Gulat na gulat rin siyempre ang girlfriend ko. Wala siyang idea kung anong tumatakbo sa utak ko para ipagdamot ko siya na makipagbeso kay Nathalie.

"I'm sorry Nathalie pero nagmamadali kasi kami nitong girlfriend ko eh. Di ba love?"

"H-huh? A-ah yeah.. Nagmamadali nga kami." Pinanlakihan ko kasi siya ng mga mata kaya kahit naguguluhan sa sinabi ko ay sumang-ayon na rin.

Nathalie rolled her eyes. Halatang hindi nakumbinsi sa sinabi ng girlfriend ko. "Alright! If you say so." Anitong nagwalk out na pero yong mukha ay tila hindi maipinta.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napatawa. "Ang cute mong magselos Bibi."

"Dapat lang iyon sa mga malalanding katulad niya."

"Alright! If you say so." Aniyang ginaya ang pagkakasabi si Nathalie. Kaya nagkatawanan na naman kaming dalawa.

"So where are we heading now?"

"Maybe in heaven?" Sabay ngiti niya ng nakakaloko sa akin kaya nahampas ko siya sa braso niya. Tawang-tawa na naman siya sa naging reaction ko.

"Masyado pang maaga love." Pagsakay ko sa biro niya.

Tila nagulat siya sa endearment na itinawag ko sa kanya. Kaya mas lalong lumapad ang mga ngiti niya. "Ano nga ulit tawag mo sa akin?" Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Pwede mo bang ulitin Bibi? Ang sarap pakinggan eh."

Pinamulahan na naman tuloy ako ng pisnge. "Althea ano ba! Tara na.. alis na tayo." Nauna na ako humakbang sa kanya upang itago ang muling pag-iinit ng pisnge ko. Ngunit hindi pala siya nakasunod sa akin. Kaya muli akong napalingon sa kanya.

"Ano, hindi pa ba tayo aalis?" Malungkot ang itsura na tumingin lang siya sa akin. Kaya't nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ulit tumingin sa kanya. "Okay fine! Love.. lablab or whatsover. Tara na alis na tayo." Napangiti ko na siya ngunit hindi pa rin siya kumikibo sa kinatatayuan niya. "Aalis pa ba tayo or iiwan na kita diyan?" Hindi ko na napigilang pagsusungit. Masyado na kasi siyang nagiging pabebe.

"Jade..." Tawag sa akin ng papalapit na si Ivan.

Saka pa lang nagkumahog itong baliw kong girlfriend para ilayo ako. Paglingon ko lay Ivan ay kakamot-kamot ito sa ulo habang nakahabol ang tingin sa amin.

"Anong ginagawa ng lalaking iyon dito Bibi?" Aniya nang makasakay kami sa sasakyan niya.

"Calm down love." Pansin ko na natigilan ulit siya sa itinawag ko sa kanya. Halatang gustong-gusto niya iyon. Dahil pigil ang mga ngiting nag-iwas siya ng tingin sa akin. "He's also a model like Nathalie. So I was being surprised too seeing him here."

Muli siyang tumingin sa akin na may pag-aalala sa mukha. "Ginugulo ka ba ng lalaking iyon?"

"No! Hindi niya ako ginugulo. Actually we're friends now." Napasimangot naman siyang bigla sa sinabi ko.

"Bibi ex-boyfriend mo siya. Bakit nakikipagkaibigan ka pa sa kanya? Knowing na galit na galit ang Kuya mo don dahil sa ginawa sayo dati ng lalaking yon."

"Love napatawad ko na siya at part na siya ng past ko. So you don't have to worry about him anymore. Okay? And besides alam niya na rin ang tungkol sa akin na I'm into girl na. Kaya friends na lang talaga kami."

"Pero pano kung agawin ka niya ulit sa akin?"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Paano niya gagawin iyon kung inlove na ako sayo?"

Muling sumilay ang nakakaakit niyang mga ngiti. Tapos ang cute pa niya kasi nag-blush pa siya. "Bibi naman eh.." Pinisil ko ng bahagya ang ilong niya. Nakangiting napapikit siya dahil sa ginawa ko.

"Love alam mo namang mahal kita. Kaya wala kang dapat na ikaselos kay Ivan or sa kahit kanino man."

Seryosong tumingin ulit siya sa akin diretso sa mga mata ko habang titig na titig na waring binabasa kung anong totoong nilalaman ng utak ko. "Pakasal na tayo Bibi." Bigla niyang naibulalas.

Hindi ko ineexpect na sasabihin niya iyon kaya napatawa ako sa kanya. "Kakasagot ko pa nga lang sayo. Nag-aaya ka na agad ng kasal?"

"Eh ano naman? Noong hindi pa nga tayo may nangyayari na rin sa atin eh." Ganting banat naman niya na siyang ikinasimangot ko. Parang timang na tinawanan pa niya ako.

Naka-cross arm na hinarap ko siya. Napipikon na rin kasi ako sa pagtawa niya. "Magpapakasal lang ako sayo kapag nabuntis mo na ako."

Saka lang siya tumigil sa kanyang pagtawa. Pagkatapos ay seryosong tumingin sa akin. Ineexpect ko na maiinsulto siya dahil wala naman siyang sperm cell na maaring makabuntis sa akin. Ngunit nagkamali ako nang bigla siyang napangisi.

"Pwede kong gawin yon Bibi. Marami akong pera. Kayang-kaya kong gawan ng paraan yang condition na ibinibigay mo." Aniyang ipinatong ang isang kamay sa hita ko. Napalunok ako nang kumilos iyon at humagod pataas then pababa.

"You're crazy Althea! Don't tease me. We're still here." She just chuckled na tila mas lalo pang ginanahan sa kanyang ginagawa. Ang nakakainis ay hinahayaan ko lang siya.

"Malapit lang ang condo ko dito. Gusto mo bang umuwi muna tayo don?" Mapang-akit niyang sabi sa akin.

"Yeah please.." Na-aarouse na tugon ko sa sinabi niya. Napangisi muna siya sa akin bago nagsimulang mag-start ng engine. "You're such a teased Althea.. I hate you!"

Sa halip ay napahagikhik pa siya ng tawa. "I love you so much Bibi. You are my everything. Nag-iisa ka lang at walang katulad." Hinagilap niya ang isa kong kamay at kanyang hinolding hands.

"I love you too.." Medyo nahihiya ko pang tugon sa sinabi niya. Hindi pa kasi ako sanay eh.

"Ahem!" Nangingiti naman niyang tikhim na hindi maitago ang kilig.




To be continued... 😁😁😁







Gusto kong humalakhak ng tawa. 😂😂😂 Ang dami ko kasing time para mag-UD wala lang talagang maisulat si Awtor. But when I started to write na ay dumire-diretso lang siya. 🙄😂😂

Hello 🤗 ate VanessaSauro Thanks for the motivation. Granted your request po. 😄

Sana magvotes po ulit kayo. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
19.7K 819 48
A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia but end up hiding her feeling for her be...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
84K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...