-Chapter 13-
(REINN)
Waaaaaaah!!! nakakahiya!! nakita kami ni Micah!!!
"Ate, why didn't you-"
"Shh.. Let her Cia. Your kuya has the right to choose the person he loves. You don't wanna marry the person you don't love, don't you?" nag-taas ako ng isang kilay. Isa pa palang title ng story na ito ang pwede kong i-suggest, "Perks of being a Nice Person".
Di na nakasagot si Cia. Niyaya ko siya sa labas at wala na rin naman sila. Umupo kami sa bench kung saan nakaupo kanina si Keira. Psh, pasalamat siya at di ako sensitive. Siguro kung maarteng tao ang nakakakita sa scene na ganun, baka mandira sila.
"So tell me about your feelings to kuya Cedric then I'll tell about how I feel to kuya Skandar. Okay?" kalmadong sabi ni Cia. Buti pa yung bata naiintindihan ako.
Napabuntong-hininga ako.
"Okay. I'd like to be honest to you. I've been a fan of your kuya since then. He actually inspired me in so many things. Things that my family can't give, but still I know there's a reason behind that..." I sighed again.
"Sa totoo lang, crush ko kuya mo. Or more of being like, I like him. Unexpected talaga ang pagiging classmates namin which gave me a reason to like him more. I was so lucky to have him as a friend though." napatingin sa akin ang bata.
Di ko alam kung bakit ko sinasabi kay Ian ito. I know there's a posibility na sabihin niya 'yun but still, sinabi ko parin. Siguro dahil sa masyado ko nang kinikimkim ang emosyon na ito with all those years. Its been four years since Micah started working on the show business industry and it also mean four years ko na itong nararamdaman.Pero sinasabi ko naman to sa mga friends ko. Di ko lang alam kung bakit feeling ko di ko panabubuhos ang lahat.
"So, you really like my kuya?" tumingin ako sa kaniya. Curious talaga siya.
"Uh-huh." wala nang paligoy-ligoy pa. Bahala na kung may makarinig basta ang akin lang ay umamin na akokay Ian.
"I like him...like A LOT." but 'I don't know where i lost control, I cant take it any longer. Must've been somewhere between your smile and the way you say my name'. Napakanta paako ng "Welcome Distraction" ni Taylor Swift sa isip ko.
"I like kuya Skandar, ate. I know that Im too young but im turning ten on March. Huh, I just wish I could grow up already." tumingin ako sa kanya at nakita siyang namumula. Napa-ngiti ako dun.
Sabay kaming napa-buntong hininga. Tinitignan namin ang mga bituin sa sky. Naisip ko naman ang "All of The Stars" ni Ed Sheeran.
Niyaya ko na Cia na bumalik dahil baka hinahanap na kami. Tumayo na kaming dalawa at nagsimula nang maglakad pabalik. Nakasalubong namin si Micah.
"Uh-uhm, kanina ka pa ba diyan?" siopao!!! baka narinig niya yuung pinagusapan namin ni Cia! Kung pwede lang na lamunin na ako ng lupa.
"Don't worry. Just now.....Hanap na kayo sa loob." sabi niya. Napansin ko na nauna nang pumasok si Cia.
Pero teka, diba dapat kasama niya ngayon si Keira? Aba! Kung nanliligaw siya ay di dapat niya iwanan!
"T-teka, si Keira-"
"Don't worry, nagpahatid na si Keira kanina sa kanila." sabi niya. Ano bang nangyayari sa akin??
Papasok na sana ako ng humarang siya. Nakayuko pa rin ako. Sa sitwasyon na ganito, for me 'eye-contact' is avoided.
"Hey. Why are you avoiding me, huh?! Since when I courted Keira, you've always been asking me to go to her or to follow her.....Tell me, what's wrong?... Magkaibigan na naman tayo ah. Bakit mo pilit na nanilalayo ang sarili mo sa akin?"
The fudge! SERIOUSLY?! Talaga bang gusto niya si Keira at ako ngayon ang pino-problema niya?
"Tell me, have you ever been inlove?" that question struck him.
Pumasok na ako sa loob at iniwan ang speechless na Micah. Yung totoo?! Gusto niya ba-wait, diba dapat love niya yun? Hay, hirap ng walang experience.
Nagyaya na si kuya na umuwi kaya nagpaalam na kami. Sakto namang dumating si Travis na pinapunta daw para ibigay ang regalo ng pamilya ni Micah. Nag-alok na din si Travis na ihatid daw kami tutal, nagkayayaan silang magbabarkada sa bahay namin.
Nasa likod ako ngayon sa loob ng kotse ni Travis. May pinag-uusapan sila habang ako ay busy na tinitignan ang bawat bahay na dinadaanan namin.
'Bakit mo ba kasi tinanong yun?' tanong ko sa isip ko. Di tuloy ako nakapag-paalam ng maayos kay Micah. Sirang-sira na talaga image ko sa kanya!!! huhuhu!! T.T
Tumunog ang phone ko. May nag-text:
.----
From: +639**********
Uhm. Sorry about what happened. May I invite you to our New Year concert? We badly needed someone na makakasama namin. Masyadong busy ang ibang singers kaya ikaw ang naisip ko.---Cedric
.----
"OMO!" tinakpan ko ang bibig ko.
'Ayan kasi, di kontrolin ang pag-freak out mo'
"Why? Is there anything wrong?" tanong ni Travis. 'Spokening dollars' din pala tong isang to.
"Ah-eh, wala. Naalala ko lang kasi 'yung kanta ko-este kanta ni Taylor Swift. Na-figure out ko na kung sino yung reason behind that." nice palusot Reinn. Nandamay ka pa ng tao.
"Eh sino?" chismosa naman 'tong si Travis.
"Secret! Para sa mga swiftie na kagaya ko lang ang pwedeng makaalam. Okay?" tinignan ko ang oras. 11 na pala.
"Okay."
"Okay- nagbabasa ka ng 'The Fault In Our Stars no??!!" para kasi siyang si Agustus Waters kung sumagot.
"Yep."
AHAHAHAHAHA!!!!!! Seryoso?! Wahahahahaha!!!
Pero, paano kung ako kaya si Hazel Grace? Edi may ma-meet akong prince charming? Hahaha
But, just what if.....
..........
(After how many days...)
Aja. Kaya ko 'to! aja!
"Nervous?" Siopaooooo!!! Pinakaba pa ako lalo ni Micah. Ayun na eh!
"Isn't it obvious?" di ko na napigilan ang sarili kong sabihin 'yan in an exhausted way.
Umalis siya ng kwarto. Dedmahin ba daw ako?! Tss.
"Ms. Reinn, 10 minutes remaining. Be ready." paalala ng isa sa mga crew ng New Year's Eve concert. Pumayag kasi ako sa alok ni Micah. Wala na daw kasing available at yung slot na 'yun ay di na pwedeng i-postpone.
Aigoo!! Pinagpapawisan na ang mga kamay ko sa kaba.
As you see, pumayag ako sa offer sa akin ni Micah na samahan siya sa performance niya.
Ni-practice ko muna yung mga songs na kakantahin namin. Sa unang song kasi ni Micah ay di na muna ako lalabas pero pagdatibg ng secong verse, papakilala na niya ako then after 3 songs ay kakanta ako ng solo. Acoustic guitar pang ang gamit ko nun.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!"
WAAAAAAHH!! Naka-pasok na sina Micah sa stage!!!
Lumabas na ako ng kwarto paramawala ang kaba ko. Rinig na rinig kasi ang tilian ng mga tao. Pumuwesto na ako dun sa lifter at nag-practice ng konting 'awkward dancing' moves ni Taylor Swift incase na kailangan sumayaw sa performance.
"....And out of all these things i've done. I think I love you better now.."
Waaaah!!! eto na!!
"Ladies and gentlemen, let's give it up for my best friend, Reinn Gomez!!!"
Tumaas ang lifter at nakadating na ako ng stage. Part ko na.
"Im gonna paint you by numbers, and color you in. If things go right we can frame it and put you on the wall..." kanta ko. May pa-turo turo pa ako nun.
"And its so hard to say it, but i've een there before..." siya lang ang kumanta. "Now i'll surrender up my heart, and swap it for yours!" sabay na kami nito with matching eye contact para may chemistry.
Buti nalang talaga at madalas akong manood sa youtube ng Taylor Swift videos kaya alam ko na ang gaawin pag nasa concert ka.
Tuloy-tuloy lang kami ng sabay then pagdating sa brigde part ay siya lang ang kumanta. Then sabay na ulit kami hanggang matapos. Ang gwapo ng boses niya.
"WOOOOOOHHHH!!!!" nag-tilian nanaman ang mga tao. Kahit ako gusto kong tumili dahil first time ko ngang maka-punta sa concert niya tapos kasama pa ako sa stage aka special guest daw ako.
Sumunod ay kinanta naming ang Everything Has Changed at Two is Better Than One. Di muna siya kumanta ng sarili niyang kanta dahil sa hiatus na kinakaharap niya. Napilitan nga ang mga producers na kunin siya kahit na bawal yun kapag naka-showbusiness break sila.