The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 56: Road to Forever

1.9M 51.2K 19.2K
By blue_maiden

CHARLES

"One, two, smile."

Ngumiti siya na para siyang anghel. Masakit man, pero sa malayo ko na lang siya nakikita. Aaminin ko na mataas talaga 'yong pride ko kaya simula no'ng nag-away kami no'n dahil kay Xander, hindi pa ako nagkalakas nang loob na kausapin ulit si Serina. Bwisit na pride kasi 'to e! Hindi ko talaga maalis. Ganon 'ata talaga kapag gwapo ka e.

"Okay, Serina and Xander. Break muna tayo," sabi ng photographer.

Hinawakan ng gagong Xander na 'yon 'yung kamay ni Serina. Konting-konti na lang talaga, masasapak ko na siya e. Bubugbugin ko siya hanggang sa masira 'yong pangit niyang mukha. Sa itsura lang niya, halata nang wala siyang gagawing tama sa girlfriend ko.

Sandali, girlfriend ko pa nga ba si Serina? Kami pa rin kayang dalawa? Tss, oo naman, hindi pwedeng hindi! Pero kasi...

Taena naman. Totoo pala talaga 'yong relationship status sa Facebook na 'It's Complicated'.

"Serina, roon muna tayo?" Tumango sa kanya si Serina tapos inalalayan siya ng unggoy na 'yon sa lamesa sa hindi malayo. "Napagod ka siguro? Magpahinga muna tayo."

"Salamat, Xander."

Ngumiti sa kanya si Serina. Tss, nakakangiti ka pa riyang amazona ka? E ako nga halos gabi-gabing umiiyak. Biruin mo, 'yong pusong bato na katulad ko, umiyak dahil sa 'yo? Hindi pa ba sapat sa 'yo 'yon para mapakita ko lang na mahal na mahal kita?

"Ang gwapo ni Xander!" sabi ng isang babae sa harap ko.

"Tall, white, and handsome pala siya 'no?" dagdag ng kasama niya.

Nandito kami sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Jeydon. Marami ring babae rito na nanonood ng photo shoot nina Xander at Serina. Aaminin ko, sikat na modelo si Xander at ayon lang siguro 'yong lamang niya sa 'kin. Akalain mo 'yon? 'Yong unggoy na katulad niya, naging sikat na model?

"Sino ba 'yong kasama ni Xander?" sabi no'ng isang babae na kasama nila.

"Hindi ko alam e. Ang pangit naman." Lumaki bigla 'yong mga mata ko sa sinabi nila.

Pangit si Serina? Nagpapatawa ba sila? Alam ba nilang mukhang anghel 'yang girlfriend ko? At sa kanila pa talaga nanggaling 'yon? E mukha rin silang unggoy e."

"Nilalandi niya si Xander para sumikat din siya. Ang cheap niya," dagdag non'g isa.

Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. "Sa mga pagmumukha niyong 'yan, mas mukha kayong cheap," singit ko.

Nagulat silang apat sa 'kin.

"Sino ka naman?" pagtataray ng isa.

"Ako 'yong boyfriend ni Serina."

"Mukha nga. Pareho kayong pangit e," sabi no'ng isa. Aba! Wala pang tumatawag na pangit sa 'kin maliban kay Manang at kay sweety pie.

"Kaya nga. Kaya pala si Xander na 'yong nilalandi ng girlfriend mo kasi ang pangit mo." Tumawa silang apat.

Taena! Ako, pangit?!

Dahil lang sa ayokong makita ako ni Serina, nagsuot ako ng shades at cap. Para sa mga babaeng 'to, tatanggalin ko 'yon. Makikita nila ang tunay na batayan ng kagwapuhan.

Pagkatanggal ko pa lang ng cap at shades ko, nanlaki agad 'yong mga mata nila at literal silang napanganga.

"Wow... ang gwapo pala niya," sabi no'ng babaeng tumawag sa 'kin nang pangit.

"Oo nga... mas gwapo pa 'ata siya kay Xander." Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila.

"Sa susunod na sabihan niyo na malandi 'yong girlfriend ko, ako 'yong makakalaban niyo," seryoso kong sabi.

"Ah... uhm... so-sorry po," sabi nilang apat. Nagmadali silang umalis, mukha kasing nahihiya na sila sa 'kin.

Tiningnan ko ulit si Serina at mukhang pagod na nga siya. Kung nando'n lang sana ako, bibigyan ko siya nang kissperin at yakapsul. Kaso wala e, ibang lalaki 'yong nasa tabi niya ngayon. Punyeta! Ang komplikado talaga.

Pwede bang mahal niyo 'yong isa't isa pagkatapos ay happy ending na?

"Serina and Xander! Take ulit tayo!" sabi no'ng photographer.

Unang tumayo si Xander pagkatapos ay sumunod sa kanya si Serina. Bago siya makalayo, bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Nanlaki 'yong mga mata niya at parang gulat na gulat siya no'ng nagtama 'yong mga mata namin. Pucha! Oo nga pala, wala na nga pala akong shades at cap.

Sa puntong 'yon, biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko at parang gustung-gusto ko siyang lapitan at yakapin.

"Serina! Tara na!" tawag ni unggoy.

Natigilan pa rin si Serina habang nakatingin siya sa 'kin. Mukhang nag-aalangan siya kung lalapitan niya ako o babalik siya roon sa photo shoot.

Hindi ko na pinatagal 'yong pag-aalangan niya. Halata naman na mas pipiliin niya si Xander e. Tumalikod ako pagkatapos ay pumunta ako sa motor ko at nagsuot ng helmet.

Bago ako umalis, nilingon ko ulit siya pero wala na, nando'n na siya sa kupal na Xander na 'yon. Sabi na nga ba. Magsama silang dalawa! Mukhang masaya na naman si Serina sa lalaking 'yon.

Binilisan ko 'yong pagpapatakbo ng motor ko dahil na rin sa inis. Parang gusto ko tuloy na uminom. Binilisan ko 'yong pagpapatakbo ko pagkatapos ay pumunta agad ako sa bar nina Troy. Best friend muna ulit kami ng alak.

Pagkadating ko roon, um-order agad ako ng dalawang bote ng alak. Kailangan ko na namang magpakalango sa alak para mawala 'tong lecheng sakit na nararamdaman ko.

Ano ba kasing nangyari sa 'min ni Serina?

Nagsimula lahat ng 'to no'ng nagselos ako sa Xander na 'yon. Hindi nakapunta si Serina sa date namin kasi may biglaang photo shoot daw sila no'ng unggoy na 'yon. Hindi ko kinausap si Serina nang isang linggo dahil sa sobrang pagseselos ko. Alam ko naman na mali rin ako roon kasi hindi ko man lang siya kinausap at hindi ko rin siya pinakinggan pero kasi gano'n talaga ako e! Gusto ko sa 'kin lang si Serina. Selfish man pero mahal na mahal ko lang siya. Isa pa, kapag nakikita ko siya na kasama niya si Xander, mukhang masaya naman siya na parang wala man lang nangyari sa 'min.

Akala ko wala lang pero masakit pala talaga na makita mong masaya sa iba 'yong mahal mo.

"Mas pipiliin mo ba 'yang shokoy na 'yan kaysa sa 'kin ha, Serina?" sabi ko sa sarili ko sabay inom ng alak. "Bahala ka, ikaw rin 'yong magsisisi sa huli. Pinakawalan mo pa 'yong gwapong katulad ko." Tumawa ako pero kasabay no'n, may luha na tumulo mula sa mga mata ko. Para akong baliw.

Ganito na pala epekto sa 'kin ni Serina. Para na akong baliw rito. Pinipilit kong tumawa pero naiiyak pa rin ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ako 'to e. Hindi ako iyakin.

"Ano bang ginawa mo sa 'king Serina ka at mahal na mahal kita ha?" tanong ko ulit sa sarili ko pagkatapos ay uminom ulit ako ng alak.

Nakakadalawang bote na agad ako nang hindi ko namamalayan. Medyo nanlalabo na 'yong mga mata ko pero um-order pa ulit ako ng isa pang bote ng alak.

Para sa 'kin, si Serina na 'yong babaeng nakikita ko na makakasama ko na panghabang buhay. Gusto ko na nga siyang pakasalan e. Pagka-graduate ko, balak ko na talaga kaso lintek na Xander 'yon, umepal pa sa 'min ni sweety pie.

Naiiyak na naman ako kapag naaalala ko 'yong mga panahon na masaya kaming dalawa. Amazona 'yon si Serina. Palagi niya kong sinasaktan pero kahit gano'n, mahal na mahal ko pa rin siya.

Wala siyang arte sa katawan na kahit na sa fishball stand ko lang siya dalhin, wala siyang reklamo. Lahat ng kalokohan ko, sinasabayan niya. Kapag may problema ako, siya 'yong nagiging sandalan ko. Para sa 'kin, wala na akong kahit anong mahihiling pa sa kanya.

"Serina... bumalik ka na sa 'kin."

Nilabas ko 'yong engagement ring na binili ko no'ng nakaraang linggo. Ngayon sana ako magpo-propose sa kanya dahil ngayon ang fourth anniversary namin. Biruin mo 'yon, gano'n na kami katagal? Napagtyagaan ko 'yong pagkaamazona niya. Natawa tuloy ako bigla.

Napatingin ako sa entrance at naibuga ko 'yong iniinom kong alak no'ng nakita ko sina Serina at Xander. Lasing na ba ako at kahit dito, nakikita ko silang dalawa?

Hindi ko na lang sila pinansin at uminom na lang ako. Panigurado, hindi sila 'yan at namamalik-mata lang ako.

Kahit anong iwas ko, hindi ko pa rin mapigilan na tignan sila. Parang hindi nga ako namamalik-mata. Mukhang silang dalawa nga 'yon.

Hindi ko na lang inalis 'yong tingin ko kay Serina.

Kasama niya pa rin si Xander pero biglang may humarang sa kanilang tatlong lalaki. Napatayo ako sa kinauupuan ko pagkatapos ay lumapit ako roon pero nando'n pa rin ako sa likod kung saan hindi nila ako makikita.

"Xander, 'wag mong kalimutan na may kasalanan ka pa sa 'kin," sabi no'ng isa.

"Pwede ba? 'Wag dito. May kasama ako," sabi ni unggoy. "Umalis na kayo."

"Aba, may chicks ka pala. Hi, miss beautiful!" Nag-init bigla 'yong ulo ko. Tangina nito ah. Wala siyang karapatan na bastusin 'yong mahal ko. "Gusto mo bang bigyan ka namin sa harap ng chicks mo ha?"

"Go away!" Hinawakan niya 'yong kamay ni Serina pagkatapos ay hinila niya palayo pero pinigilan sila no'ng isa pang lalaki.

"Akala ko makakalayo ka nang ganon-ganon na lang?" Hinila niya si Xander pagkatapos ay bigla niya 'yong sinuntok. "Ano? Masarap ba?"

"Xander!" sigaw ni Serina.

"Sige, Xander, papalagpasin na namin 'to pero iiwan mo sa 'min 'yang chicks mo rito." Napatingin si Xander sa kanya pagkatapos kay Serina.

"Serina, babalik ako."

Nagulat ako no'ng bigla na lang siyang tumakbo palayo. Naiwan na si Serina roon sa tatlong ugok.

"Sa 'min ka na ngayon, miss beautiful."

"Halika rito. Maglaro muna tayo." Tumawa silang tatlo.

Lumapit siya kay Serina pero bago pa niya maidampi 'yong kamay niya sa sweety pie ko, lumabas na ako pagkatapos ay sinuntok ko agad siya.

"'Wag na 'wag mong hahawakan kahit dulo ng daliri niya."

Nagulat silang lahat, kahit si Serina.

"Sino ka naman ha?!"

"Boyfriend niya ako." Nagkasamaan kami ng tingin.

"E gago ka pala e!" Lumapit sa 'min 'yong isa at parang susuntukin niya ako. Tinulak ko palayo si Serina pagkatapos ay sinuntok ko 'yong lalaking sumugod kaya napahiga agad siya.

Nakita agad 'yon ng dalawa pa niyang kasama kaya sinugod din nila ako. Umiwas ako pero nasuntok ako no'ng isa. Medyo napaupo ako pero nakatayo rin agad ako. Hinawakan ko 'yong kamay no'ng isa pagkatapos ay binalibag ko siya. No'ng nakita 'yon ng kasama niya, hahampasin sana niya ako ng bote ng alak pero nakaiwas ako. Sinuntok ko siya sa mukha na nakapagpabagsak sa kanya.

"Para 'yan sa pangbabastos mo sa girlfriend kong hayop ka!"

Susuntukin ko pa sana siya pero biglang sumigaw si Serina sa likod. "Sa likod mo, Charles!"

Pagkalingon ko, nakita ko na lang 'yong lalaking una kong sinuntok na may hawak-hawak na upuan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na ako nakaiwas pa. Natamaan 'yong ulo ko at parang nagdidilim 'yong paligid ko.

"Charles!"

Naaninag ko si Serina na lumapit sa 'min pagkatapos ay sinuntok niya 'yong lalaking sumuntok sa 'kin. Kahit na ang sakit ng katawan ko ngayon, hindi ko mapigilan na matawa sa ginawa niya. Kahit kailan, amazona talaga siya.

Tumakbo palayo 'yong tatlo no'ng nag-whistle 'yong bouncer. Lumapit agad sa 'kin si Serina. "Charles, dadalhin na kita sa ospital!" Parang naiiyak pa siya.

Hinawakan ko 'yong mukha niya. "'Wag na. Hindi naman 'yong ospital ang makakapagpagaling sa 'kin kung hindi ikaw." Hinampas niya ako bigla sa braso ko.

"Baliw ka talagang tanda ka! Bugbog-sarado ka na, nag-pick-up line ka pa riyan!" Natawa siya na parang naiiyak pa rin.

"Ayos ba? Gano'n daw talaga kapag gwapo ka," pabiro kong sabi.

"Teka, gusto mo ba sa bahay niyo na lang kita dalhin?" nag-aalala pa rin niyang sabi.

"Pwede ba?" tanong ko.

Tumango siya pagkatapos ay inalalayan niya ako patayo palabas ng bar at papunta sa kotse niya.

Medyo nahihilo pa rin ako sa totoo lang pero ayokog ipakita 'yon kay Serina.

"I'm sorry, Charles," sabi niya habang nagmamaneho. Hindi ko man makita 'yong mukha niya, alam kong naiiyak na siya. "Ang dami kong nagawang kasalanan sa 'yo."

Hinawakan ko 'yong kamay niya. "Ako ang may mali. Masyado akong nagselos na hindi naman dapat. Masyado akong ma-pride e. Sorry, sweety pie."

"Alam mo bang hindi rin ako pumunta sa concert ng Maroon 5 kahit na gustung-gusto ko? Kasi ikaw 'yong gusto kong makasama. Hindi si Xander." Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko kung gaano niya kagustong makita 'yong Maroon 5. "Pwede pa naman tayo manood sa susunod nilang concert 'di ba, sweety pie?" Nilingon niya ako habang nakangiti siya.

"Oo naman. Kahit saan pa 'yan, sweety pie."

"So, bati na tayo?" sabi niya.

"Bakit? Nag-away ba tayo?" tanong ko tapos sabay kaming tumawa. "Pagsubok lang 'to, sweety pie, at masaya ako na nalagpasan natin siya."

"Happy fourth anniversary, sweety pie." Napangiti ako dahil akala ko, nakalimutan niya 'yon pero hindi pala.

Sakto, huminto na kami sa harap ng bahay. Binigyan ako ni Serina ng isang matamis na halik.

"I miss you, Tanda."

Hinawakan ko 'yong mukha niya pagkatapos ay hinalikan ko rin siya pabalik. Hindi ko na napigilan na halikan siya nang matagal.

"I miss you more, amazona kong girlfriend." Hinampas niya ako bigla. "Ouch! Sweety pie, masakit pa 'yong katawan ko."

"Sorry, sorry! Mabuti pa, ipapasok na kita sa loob." Inalalayan niya ako pababa.

Pagpasok namin sa bahay, walang tao sa loob. Umalis sina Mama para bumili ng damit para sa graduation namin ni Manang. Inalalayan pa rin ako ni Serina papunta sa kwarto ko. Inihiga niya ako sa kama ko.

"Dito ka lang. Kukuha ako ng pagkain tsaka gamot." Hinawakan ko muna 'yong kamay niya bago siya makaalis.

"Salamat, sweety pie."

Habang wala si Serina, nilabas ko ulit 'yong engagement ring. Bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. Alam ko, panahon na talaga para mag-propose na ako sa kanya. Sa mga nangyari ngayon, hindi ko na kakayanin pa kapag nawala pa siya sa tabi ko.

Medyo masakit pa 'yong katawan ko pero pinilit kong maging malakas. Tumayo ako pagkatapos ay pinatay ko 'yong ilaw ng kwarto ko. Gusto kong maging enggrande 'yong proposal ko pero naisip ko na basta maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal, sapat na 'yon.

Isa pa, nag-effort naman ako na gawin 'yong mga 'to kanina.

"Sweety pie?" Nilapag niya 'yong hawak-hawak niyang tray sa lamesa pero bago pa siya makapunta sa kinakatayuan ko, binuksan ko 'yong mga Christmas lights na ginawa ko kanina. "Sweety pie, ano 'to?"

Pinatugtog ko 'yong iPod ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at hinila ko siya roon sa mga petals na nilagay ko sa sahig kanina.

Inaya ko siyang sumayaw habang naka-play 'yong . Nasa bewang niya 'yong mga kamay ko at 'yong mga kamay niya naman ay nasa leeg ko. 'Yong mga pulang Christmas lights lang 'yong ilaw namin. Ang romantic ng place para sa 'kin. Sana magustuhan niya 'to kahit na simple lang. Alam ko naman na importante sa mga babae 'yong wedding proposals e.

"Kung mamahalin mo ako, 'wag sana... 'wag sanang matapos pa 'yon," banat ko.

Hinampas niya ko. "Nakakainis ka! Kinikilig ako!" Natawa kami pareho ni Serina. "Para saan ba 'to?"

"Para sa 'yo," tapos kinindatan ko siya. Nag-pout lang siya.

"Si Allan ka ba?" Mukhang babanat din siya. Sige nga, tignan natin.

"Bakit?"

"Kasi Allan nang ibang laman 'yong puso at isip ko kung hindi ikaw lang..."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Boom panes! Tiklop ako sa pick-up line niya na 'yon ha. Kahit kailan talaga, siya lang 'yong nakakapagpatiklop sa 'kin.

Huminga ako nang malalim pagkatapos ay pumikit ako. Tiningnan ko siya.

"Serina..." Lumuhod ako sa harap niya.

"Hoy, Charles, ano 'yan ha?" Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Sa dami ng pangarap na meron ako, kahit ikaw lang ang matupad, masaya na ako."

"Charles, ano ba 'yan ha?" Parang naiiyak na siya. Mukhang may idea na naman siya kung ano 'yong gusto kong gawin.

"Serina, aamin ko na matanda na talaga ako at ayoko na rin namang patagalin pa 'to e. Ayoko nang mawala ka pa sa buhay ko dahil isang malaking gago at tanga na lang ako kapag pinakawalan pa kita. Mahal na mahal kita kahit na may pagka-amazona ka..." Nilabas ko 'yong singsing sa bulsa ko. "Walang permanente sa mundo. Kaya sana simula ngayon, payagan mo ako na apelyido ko na 'yong gamit mo."

"Are you?" naiiyak niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Serina Jimenez, will you marry me?"

Naiyak na siyang tuluyan. Tumango siya. "Yes, Charles. I will... I will marry you."

Sa sobrang saya ko, niyakap ko agad siya pagkatapos ay binuhat ko siya at inikot. Pagkalapag ko sa kanya, hindi ko na napigilan na halikan siya. Sobrang saya ko na parang natalo ko pa 'yong nanalo sa lotto.

"Hey, forever! On the way na kaming dalawa riyan ni Serina!"

I think I'm the luckiest guy on Earth.

Continue Reading

You'll Also Like

614K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
8.6K 102 41
Your online guide to learning Bisaya, quick and easy! Have you ever heard someone speaking Cebuano/Bisaya? Are you curious about what they're talking...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...