Umbra Inferis #1: That Posses...

By RealAica

4.3M 120K 7.1K

Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain orga... More

Disclaimer
Characters
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Unknown Chapter
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Read!
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100: Wakas
Pasasalamat: Not an Update
Special Chapter
Plugging!
Thank You!
Update

Chapter 34

39.3K 1K 15
By RealAica

Chapter 34

   Weeks have already passed since the incident. I heard na pinapili sina Margarette at Ishimiyo ng option: expulsion or detention room. I mean would choose the detention room if I wanted to stay in this school.

   But I heard something about it. The detention room as per se is not quite easy. Mas mamarapatin daw ng iba na magpa expel nalang kaysa mapunta roon. And I was deeply curious kung ano nga ang roon.

  Because the day after, some of them were put into the ICU.

" Can Margarette still compete, though? Sa tingin ko ay malala ang natamo nilang mga sagot. We might stand a chance this year."

" Sana nga hindi na makasali si Marga, ano?"

    Ilang linggo na rin ang dumaan at ni isang beses ay hindi ko sila nakasalamuha. Well, they're both college students, that could explain pero kahit ang iba ay hindi rin sila nakita.

" Are you well now, Nemesis?" tanong ni Kenshin nang makalapit ito. Sumimangot ako.

" Bakit? Susugatan mo na naman ba ako?"

Hilaw itong humalakhak. " That could be possible if you wish to partake in the duel. We don't have much choice."

    Kenshin already asked for forgiveness. Hindi na ako nagtanim ng sama ng loob. He acknowledged his own mistake.

" Nemesis!"

" Ano na naman?!"

" Ba't ba nagagalit ka agad?!" inis na puna ni Iverson.

" Huwag ka na sabing sumali!"

" Alam mo, pala desisyon ka talaga!"

   Tumakbo ako patungo sa dorm at mabilis itong isinirado. Bukas na ang duel. Sasali kaya ako? Ilang araw na kasi akong kinukulit ni Iverson na huwag nalang daw sumali. The poor soul maybe got traumatized. Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.

Andrei:
Boss! Nasa Pilipinas kami.

   Mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga nang mabasa ang nakuhang text mula kay Andrei.

Ako:
Sinong kasama mo?

Andrei:
Sina Shane, malamang. Gala raw.

Ako:
Alam mong hindi ako papayagan.

Andrei:
Kasama namin si Ace.

    Nanlaki ang mata ko at hindi maiwasang ngumiti. Agad na tumayo ako at naghanap ng masusuot. Napasulyap ako sa relo ko at nakitang pasado ala una na.

   Hehe. Babaliin ko muna ang mga batas mo, Mr. President. Mukhang wala naman siyang balak na parusahan ako eh.

   Nagmadali akong pumuslit at gaya noong lumabas kami ni Louige ay winala ko ang guard. Nakapangalumbaba ito at mukhang puyat na puyat sa kakarobbing kagabi. Napahalakhak ako ng mahina nang tuluyan nang makalabas at mabilis na kinuha ang sasakyan ni Iverson na nasa akin ang susi.

    Sinundan ko ang GPS nina Andrei at napapalatak ako nang medyo malayo nga sila. Nasa syudad sila at nasa isang mall pa ang mga ugok. Ba't nadala pa nila si Ace kung nasa Japan naman si Spade?Pwera nalang kung hindi nga doon dumeretso si Spade? Hmm. I smell something...

    Tatlong oras ang nilakbay ko bago ako makarating sa mall. Nagpalinga-linga ako para siguraduhing wala nakasunod sa akin. Dumeretso na naman ako nang walang mahanap.

    Maganda ang pinili nilang mall dahil walang maraming tao. Sumakay ako sa isang escalator patungo sa isang fastfood chain at hindi pa man ako tuluyang makalapit ay may biglang yumakap sa tuhod ko kaya napahinto ako.

"Mom!"

"Baby Ace!"

    Napahalakhak na lamang ako nang makitang naiiyak ito habang nagtatampong nakatingin sa akin. Ang kulay asul nitong mata ay nagniningning sa luha at malungkot ang ekspresyon ang ibinibigay sa akin.

    Habang pinagmamasdan ang itsura niya ay hindi ko mapigilang mapaisip. Ang kulay brown nitong buhok ay namana niya sa ama niya pati na ang matangos nitong ilong at makapal na kilay. Pero ang bilugan at kulay asul nitong mata pati na ang haba ng pilik mata at mapula at makurba nitong labi ay sa tingin ko sa ina niya namana.

    Nakakapagtaka lamang kung bakit siya iniwan ng ina niya. Mabait pa naman siyang bata. Tahimik pero masunurin naman. Medyo suplado minsan pero kapag nakuha mo ang kiliti niyan ay ngingiti na. Matalinong bata si Ace. Mahilig siyang tumingin sa akin kapag may ginagamot ako, isang kinahihiligan na hindi ko nakita kailanman kay Spade.

"Hoi, Louie!"

    Napakurap kurap ako nang tawagin ako ni Hans. Pinanlakihan ako nito ng mata habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Ace. Napakunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.

"Kung makatingin ka kasi kay Ace ay parang totoo mo siyang anak, nakakapangilabot," wika niya. Binalingan niya naman ang tatlo na patango tangong nakatingin din sa amin. Napakamot ako sa ulo ko at kinarga ang bata.

"Ganoon ba? Baka nga talaga anak ko ito," natatawa kong sabi. Nanliliit naman ang matang tinignan ako ni Shane.

"Alam mo, kung nakita lang kitang nabuntis ay iisipin ko talaga na anak mo si Ace."

"Tss. Hindi nga kami magkamukha," nakasimangot kong sabi. Natawa naman sila.

"Kasi naman kung makatingin ka sa kaniya, akala mo isa kang ina na hindi sanay na mawalay sa anak niya. Napakalambot ng tingin mo sa kaniya at may pagmamahal pa," paliwanag ni Shane. Nginiwian ko siya at itinuon na ang atensyon ko kay Ace.

   Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. Hindi niya kasi naiintindihan ang sinasabi namin dahil salitang Ingles, Hapon at Greek ang alam niya. Nagsasalita siya ng Hapon sa klase lamang nila at Greek kapag kausap ang ama niya at lolo niya. English o Hapon naman kapag sa amin.

"What are you talking about, Mom?" tanong nito sa maliit na boses. Napatawa ako at piningot ang ilong niya.

"Nothing. We're planning on where to take you so you could enjoy your trip here in the Philippines," sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nakangiti ko siyang minamasdan habang hinihimas ang likod niya.

    Talagang namiss ko ang batang ito. Hindi ako sanay na madalang ang pagkikita namin dahil simula nang dumating siya sa buhay ni Spade ay naging malapit ako nang sobra sa bata na hindi na ako tumatanggap ng mga misyon na pangmalayo at pangmatagalan. Simula kasi noong weeks old pa lamang siya ay ako na ang nag aruga kahit na ayaw pa ni Master Club dahil naaabala na raw nila ako.

"Mom, when are you planning to go home?" muli niyang tanong. Natigilan ako at malungkot itong tinignan.

"I dont know, Ace. But I'll come to visit you often, okay?" pampalubag loob ko pa dito. Mabigat ang loob na tumango ito na para bang naiintindihan niya na nasa isa akong importanteng misyon.

"Okay," sagot niya at nagpatuloy na.

"Nasaan nga pala si Spade?" tanong ko nang maalala ang dahilan kung bakit nadala nila si Ace.

"Nasa Tuscani raw. Nagkaproblema ang kompanya nya roon," sagot ni Genessa. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

    Sinong niloloko ng ugok na iyon? Oo, isa siyang business tycoon pero kailanman ay wala akong nabasa sa mga papeles niya tungkol sa kahit na anong negosyo o kompanya niya roon.

  Hmm. Maari kayang may importante doon? Tsk. Ano ba 'yan! Excited akong makilala ang ina ni Ace eh. Sigurado akong maganda ang ina niya. At maaring tama ang hula ko dahil nito kasing mga nakaraang araw ay iba ang kinikilos ni Spade kaya maaring may nangyari para apektuhan siya nang ganoon. Clingy 'yun sa akin pero di iyon uuwi sa akin nang ganoon ganoon lang.

   At alam ko rin ang katotohanan na hindi totoo ang feelings niya sa akin. Akala niya hindi ko alam na napepressure lamang siya dahil maganda ang samahan namin ng anak niya tapos pinepressure din siya ni Master Club. May saltik din kasi ang matandang iyon eh. Maaring iba ang pakikitungo niya sa akin pero dahil lang iyon pakiramdam niya ay may malaki siyang utang na loob sa akin. Hindi dahil gusto niya ako.

"Ano palang ginagawa niyo dito?"

"Ay, oo nga pala. Iniba ang venue ng racing. Dito na sa Pilipinas gaganapin kaya agad na tinext kita," sagot ni Andrei.

"Pass muna ako."

"Wee? 'Yang mukha mo magpapass?Hmm. Pwera nalang kung nahulog kana sa singkit na yun, Louie?" biglang sabat naman ni Shane. Binigyan nila ako ng nanunuksong tingin pwera nalang kay Genessa.

"Malamang na hihindi siya dahil maari nitong maapektuhan ang organisasyon natin."

"Hoi, Genessa ah. Ba't ba kinukontra mo kami?" sumbat naman ni Shane.

"Kasi 'yun naman ang totoo."

"Sabihin mo nalang na bitter ka dahil hindi pa nagtatapat si Hans sayo!"

"Bakit naman nadawit pa ang pangalan ko diyan?"

"Totoo naman kasi!"

"Dre, 'wag kasing torpe."

"Mommy, what are they talking about?" tanong ni Ace nang mapansin ang ingay.

"It's nothing. Let's go? We're going somewhere."

"You'll gonna teach me how to use knives again?"

    Nabilaukan ako sa sinabi niya. Hilaw akong ngumisi at umiling. Hindi na kita tuturuan uli. Ang bilis mong matuto eh.

"No. I'm gonna tell you later."

    Mabilis na umalis kami, iniiwan sila na nagbabangayan sa katorpehan at kabitteran nila sa buhay. Bahala kayo diyan.

 
   

Continue Reading

You'll Also Like

26K 648 39
Shana Elykah Illustre, the angel incarnate and very opposite version of her dearest best friend Kassandra Styte, faces difficulties in overcoming her...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
2.6M 87.8K 105
Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years of finding a decent job that meets Nass...