And Then I Saw You Again

By SoulLily

1.3K 25 6

"I intended to forget you. And then, I saw you again." Just a short scribbling. Wag nyo nang pansinin :D More

And Then I Saw You Again

1.3K 25 6
By SoulLily

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Copyright © 2014 by BlingGirl

All rights reserve. No part of this story may be used or reproduced in any manner and whatsoever without the author's permission.

A/N: This is just a short dabble inspired by my friend. Naisingit lang habang gumagawa ako ng sandamukal na assignments. XD

You were my  love. You were the only guy I see. You were the one who caused my heart leapt to my throat.

Notice the word 'were'. Yes 'were'. Because I forgot you the moment you got out of my life. Kahit minsan hindi ka naman talaga naging parte nito. It was all one sided. It was all to me. You just saw me as an acquaintance. Isang tao na darating lang at aalis din nang walang naging papel sa buhay mo. You barely look at me. You barely talk to me. So tell me, how could you make me fall? Ako ba ang abnormal at nagustuhan kita kahit sa mga limitadong pagkakataon lang na ibinahagi mo sa akin? Ako ba ang abnormal dahil hindi ko naiwasan yon?

Noong hinawakan mo ang kamay ko. "Wag na. Itago mo na yan," you said while smiling at me. Pinipigilan mo ako noong maglabas ako ng pera sa wallet para ibayad sa taxi na sinakyan natin. Nagkataon na tayong dalawa lang ang nahiwalay sa mga kaklase natin noong araw na yon sa pagsakay ng taxi. Ayaw kong bigyan ng kahit anong kahulugan yon. Alam kong isinaalang alang mo lang ang pagiging gentleman mo noon. Bakit? Kasi, ni hindi mo man lang ako kinausap habang nasa byahe tayo. Tayong dalawa lang ang nasa backseat pero hindi ka man lang tumingin sa akin kahit magkatabi na tayo sa loob ng taxi. Nakatutok ka lang sa cellphone mo. Ni hindi man lang ako sinusulyapan. 

Alam kong aksidented lang  ang pagkakahawak mo sa kamay ko.  Pero kahit na ganon, hindi ko iyon makakalimutan. Dahil ang araw na yon ang unang pagkakataon na nginitian mo ako. The first time you smiled trully at me. Palagi kasing tumatango ka lang sa akin bilang pagbati tuwing nagkakasalubong tayo.

Noong nagkatabi tayo sa bus dahil sa school trip natin. Nahuli akong dumating dahil hindi ako kaagad nakatulog sa excitment nang nakaraang gabi. Wala akong maupuan dahil okupado na ang lahat, maliban sa tabi mo—sa pinakalikod ng bus. Apat tayo doon. Tayong dalawa ang na sa gitna. Hindi mo alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko habang bumibyahe tayo. Nagkunwari ako noon na inaantok kahit na gising na gising ang buo kong sistema dahil malapit ka sa akin. Nagtulugtulugan ako para magkaroon ako ng dahilan para idikit ang ulo ko sa balikat mo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maituloy tuloy na ilapat ang ulo ko sa balikat mo. Palaging 'muntik' lang. Siguro, natatakot din ako sa magiging reaksyon mo.

Medyo nagulat ako nang umayos ka ng upo para mas tumaas ang balikat mo. Ang naisip ko noon, siguro, ginawa mo yon para mailapat ko na ng tuluyan ang ulo ko sa balikat mo. Pero alam kong, assumera lang ako. Ang sabi nila, ganon daw talaga ang mga babae. Madaling mag-assume sa mga bagay bagay. Walang malisya sa part niyong mga lalaki pero sa amin may deep meaning na kaagad. Sa huli, natabunan din ako ng hiya at hindi nagawang tuluyang sandalan ang balikat mo. Noong uwian na, hindi na tayo naging magkatabi. Katabi mo na 'non ang mga kabarkada mo. Doon ko naisip na sinayang ko ang pagkakataon. Baka sakaling may nag iba sa ating dalawa kung itinuloy ko ang pagsandal sa'yo.

Noong minsan na tinulungan mo ako para lumapit sa teacher head ng subject natin. Malapit ka sa mga teacher dahil isa ka sa mga officers. Hindi mo alam ang saya ko 'non nang alukin mo akong tulungan para lumapit sa teacher natin dahil nagkaroon ng problema ang isa kong subject. Habang naglalakad tayo non nang sabay sa hallway papunta sa office, napansin kong may ilan na sinusundan tayoc ng tingin. Nakikiliti ang puso ko habang iniisip ko na kahit sumagi lang nang kaunti sa isip ng mga tao na malapit tayo sa isa't isa. Hindi mo siguro napansin, pero mas lumapit pa ako non sa'yo para gatungan din siguro ang iniisip ng mga tao. You started small formal conversations. Siguro sa'yo, wala lang 'yon. Ginawa mo 'yon para lang hindi maging awkward ang sitwasyon. Pero sa akin, hindi mo alam kung gaanong saya ang nararamdaman ko sa mga pagkakataon na yon.

Nadurog ang puso ko nang nalaman ko ng isang araw na nagkagirlfriend ka. Ishinare mo pa sa group natin sa fb kung paano kayo nagkakilala. Sabi mo, nagmemeeting noon ang lahat ng seniors at siya ang katabi mo ng pagkakataon na yon.  Lahat sila, kilig na kilig. Samantalang ako, umiiyak pag gabi—kapag walang nakakarinig sa akin.  Nanghinayang ako nang sobra. Hindi ako naka-attend non dahil sumama ang pakiramdam ko. Kinailangan kong umuwi kaagad. Natanong ko sa sarili ko, paano kaya kung ako yung na sa tabi mo non? Paano kaya kung tiniis ko na lang ang sama ng pakiramdam ko at um-attend pa rin? Magiging tayo rin kaya?

Simula nang araw na 'yon, pinilit ko nang ignorahin ang nararamdaman ko sa'yo. Ni hindi na kita tiningnan o sinulyapan man lang. Masakit kasi. Palagi kang nagpopost kung gaano ko kaswerte sa girlfriend mo. Kung gaano ka ka-blessed na nakatabi mo siya nang araw na 'yon. Ako namang baliw, binabalik balikan ang post mong 'yon. Parang tinotorture ko lang ang sarili ko.

Hanggang sa graduation, natutuhan kong ignorahin ka na lang. Natutuhan kong ignorahin ang sakit. At nang magkahiwa-hiwalay na ang kalse natin nang mag-college na tayo, nakalimutan na kita nang tuluyan. Ni hindi ka na sumasagi sa isip ko. O kung maiisip man kita, wala na yung nararamdaman ko katulad nang dati.

Naka-move on na nga siguro ako. Nakalimutan na nga siguro kita. Like what I have said, 'were'. Parte ka na lang ng nakaraan ko. 

Pero lahat yon, akala lang pala.

And then I saw you again.

You transfered where I was studying.

Habang nagkaklase kami non, kumatok ka sa pinto. Hindi ko maintindihan kung bakit parang umakyat na naman ang puso ko sa lalamunan ko nang makita kitang bigla. All the memories came back. Habang may ipinapapirma ka sa prof ko, kumuha ako ng papel sa bag ko at nagkunwaring may isinusulat. Hindi kita tiningnan dahil natakot ako at nabigla sa sarili ko. 

Nang makaalis ka, my friend told me..."Oy, kilala mo ba yon? Dalawang beses kang tiningnan eh."

Pagkatapos non, hayan ka na naman sa isip ko. Hindi ka na naman nawala dito. Mababaliw na yata ako. Natakot na naman ako. Paano kung bumalik ang dati kong kabaliwan sa'yo? Paano kung masaktan na naman ako? I don't know what to do.

And suddenly, everything changed....

Here you are, confesing in front of me. I don't know if I'll believe you. I don't know if I'll take all inside what you are saying. Ang sabi mo sa akin "Why don't you look back at me? Ever since back then all I do was to look at you."

Naguluhan ako sa mga sinabi mo. Hindi kita maintindihan. Sa pagkakatanda ko, sa ating dalawa, ako ang ganon. Ako ang tumitingin sa'yo. Ikaw ang hindi pumapansin sa akin.

You said..."Now, I have all the courage. Hindi ako matatakot i-voice out lahat. Hindi na ako magkukunwari. Makikipagunahan ako kung kinakailangan. Hindi na ako magpapatalo sa kung kanino man. Back then, lahat sila, gusto ka. Hindi man lang ako makasingit sa pagpapansin sa'yo. Kapag tayong dalawa na lang, natotorpe ako. Hindi kita magawang lapitan. Nauunahan ako palagi ng hiya. Hindi ko alam kung paano ka kakausapin. When they took a hint about how I feel for you, wala akong ibang naisip kung hindi humanap ng iba. Natakot ako na baka kapag nalaman mo, mailang ka na sa akin. Baka itulak mo ako palayo. But not anymore. This is my chance."

And then you smiled.

I looked at your eyes. I saw all the sincerity in it.

Namalayan ko na lang, tumtulo na ang mga luha ko. Is this true? All the time, wala akong ibang tinignan kung hindi ikaw. Hindi ko nakikita ang mga lalaki sa paligid ko dahil ikaw lang ang nakikita ko.

And here you are, saying that you were afraid that I might push you away?

I'll be damned if I won't tell you that we share the same feelings. It's not a 'were' anymore. It's a 'still'.

~Fin~

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...