Rayelle's POV
I find it weird? That 'Bad Burn' group? May mga magaganda naman palang ugali, tas makikihalo sa may pagka ano? Sa masama ang ugali? Haist! And "BAD BURN"? ano yun? Nanununog? Masamang sunog? Bakit ganun name ng group nila? LT ehh HAHAHAHA
"Unnie, ba't Bad Burn name ng group nila?" tanong ko, it's kinda weird kasi for me
"Honestly, I don't know why. Nagulat nalang kami nang naging sikat 'yang Bad Burn. Walang nagtangkang magtanong kung bakit 'Bad Burn' ang name ng group because they are scared, WE are scared." sagot ni unnie. Gawd, mala horror ata 'tong grupong ito. Nakakatakot daw eh. HAHAHAHA juk lang po.
Nang matapos kaming kumain, nagsitayuan agad kami. When we are about to exit the cafeteria, may nakabangga ako. Ano? Naging clumsy na din ba ako? Nahawaan na ba ako ni Arianne?
"Mianhae! OMG!" pagpapaumanhin ko, medyo nagpapanic ako kasi ang nakabangga ko ay si... No other than...
Pharexter Ezekiel Pendelton
"You think saying sorry in korean will remove this freakin' stain in my shirt!?" sigaw niya. Shemz! May hawak kasi siyang juice and siguro sa pagtama ko sakanya, natapon ito sakanya. Haist! Bat kasi nalipat sakin ang kaclumsyhan mo Arianne? Tanga ko kasi eh, di natingin sa dinadaanan!
"We are deeply sorry Rexter---" di natapos ang pagsasalita ni unnie nang sumigaw ulit itong si Pharexter.
"Don't call me Rexter! Hindi tayo close!" sigaw niya na may panlilisik pa ng mata. Haluh! Katakot toh! Ang tanga ko kasi eh!
"Why do you have to shout Mr. Pendelton? Nagsosorry na nga kami diba? And for your shirt, we can---" di din natapos sa pagsasalita si Arianne nang muling sumigaw 'tong si Pharexter. Ba't ang hilig niyang sumigaw? And mamutol ng pananalita? Wala ba siyang manners?
"This shirt is my favorite one! And ito rin ang pinakamahal! Hindi niyo ito mababayaran!" sigaw niya samin. Nakaka attract na 'to ng audience.
"Sino bang may sabi na babayaran namin huh!? Pwede naming labhan 'yan! 'Wag ka kasing assuming! Ang hilig mo kasing sumabat nang hindi pa tapos ang sinasabi ko. Don't you have manners?" taas kilay na tanong ni Arianne. What a savage girl!
"I... Arghh!" frustrated na sigaw niya. "Oyy ikaw!" turo niya sakin, "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkastain itong shirt ko, why won't you speak huh!? Will you only let your friends defend you? Ang hina mo naman!" he teasingly said that hurt my feelings, di din nakatulong na tumawa ng napakalakas ang mga kaibigan niya. Nandito na pala sila? Ba't ba kasi ang hina ko? Why can't I defend myself?
I build my courage, matagal tagal ko nang hindi nadedefend ang sarili ko. Siguro pwede na ngayon diba? Wala na namang sigurong mangyayaring masama like what happened before? Kahit ngayon lang, maidefend ko anh sarili ko at hindi na umasa kay Arianne. Lalo na, andito na din si Airy unnie. I don't want my image in this university to be the "weak."
"Bakit ba namomroblema ka diyan sa shirt mo? Bakit, kung nastain ba yan or nasira, ikakamatay mo? You act like it's your life. Pwede namang labhan yan o palitan!" sigaw ko na ikinagulat ni Arianne. Matagal tagal ko ng hindi toh nagagawa.
"Oh! Palaban pala itong si Ateng!" sabi ni Clion, "Rex, papatalo ka nalang ba sakanya?" Clion teasingly asked, nakatulala kasi 'tong Pharexter na toh sa mga sinabi ko eh.
Naghiyawan naman ang buong Bad Burn, while Khai oppa? He's starring at me worriedly. Kahit papano ay itinuturing niya akong little sister niya kasi I'm an only child.
"Rex, hayaan mo na. Tara na. Nasasayang lang oras natin sakanila!" pagpipigil ni Khai oppa kay Pharexter. May balak na naman ata ulit na lumaban eh.
"No! I won't back down!" ayaw talagang paawat nitong lalaking ito!
"Ano? Bakla ka ba? Papatol ka saming mga babae?" Pang-aasar na tanong ni Arianne. Kala ko naka silent mode na ito eh.
"What the--" hindi na natuloy ni Pahrexter ang sasabihin nang sumigaw si Khai oppa. Nakataas na kasi ang kamao ni Pharexter, syempre, ang kapatid, to the rescue!
"PHAREXTER! TUMIGIL KA NA!" sigaw ni Khai oppa na ikinagulat ng lahat. Ngayon lang ata nakita ng lahat kung paano magalit ang isang Khaizer Tyron Xavier. Hindi naman ata nagagalit itong si Khai oppa dito?
Napatingin kami kay unnie nang humawak ito saamin. Nandito pa pala si unnie? Takot na takot na ata?
"You, girls, umalis na kayo dito!" sigaw ni Khai oppa saamin kaya umalis na kami. Before we completely left the cafeteria, nakita kong nag thank you ng pabulong si Arianne kay Khai oppa and oppa smiled.
Nang makalabas kami, nagtinginan agad saamin ang lahat. Anyare? Ba't nakatingin saamin 'tong mga 'to?
"Sila yung mga babaeng nanlaban sa Bad Burn!"
"Iyang pinakamatangkad yung nakabangga kay Pharexter!"
"OMG! Yung bebs ko!"
"Gusto niya lang ata si Pharexter bebs kaya binangga niya!"
"Ang landi naman!"
"Ang lakas naman ng loob nila!"
Ilan lang iyan sa mga narinig kong mga bulong ng mga tao dito. Kakalabas lang namin ah? Ambilis naman ata ng balita? Bakit ganun sila makasalita? Yan ang mga tanong ko sa isipan ko. Naluluha na ako.
Nang makita ni Arianne na paluha na ako, bigla niya akong niyakap. Alam niya kung gaano ako kasensitive. Nakita din ni unnie ang pagyakap sakin ni Arianne at hinagod niya ang likod ko. I'm really lucky to have these friends!
"Hey girls! Look who's here!" sigaw ng isang babae, si Flame ata ito. I remember her from the introductions kanina
"Siya yung bumangga kay Rexter diba?" tanong ni Hermione.
"Yepp! Lagot yan kay Aizhel, HAHAHAHA" sabi ni Kierra.
"Hi there girlies, kamusta naman kayo?" ngisi ni Aicee
"Tumabi nga kayo!" sigaw ni Arianne, ang protective talaga nito. That's why I love her.
"Paano kung ayaw namin?" sabi ni Hermione. Please lang, tumabi na kayo! I'm in the middle of fully breaking down.
"Please lang, umalis na kayo. We don't have time to talk to you." sabi ni unnie.
"Na-ah! Ayaw nga namin!" sabi ni Kierra at itinuro ako, "Iyakin pala itong kaibigan niyo eh! What a crying baby!" pang-aasar niya saakin. Shemz! Ayoko na!
"Anong nangyayari dito!?" sigaw ng isang babae.
"'Wag kang mangialam dito Ainsley!" sigaw ni Aicee. Siya pala si Ainsley, kaklase namin.
"Why won't we meddle? This is a form of bullying ya' know!" sigaw ng kasama ni Ainsley. I think Ianthe is her name.
"Hindi naman kayo kasali dito, so, 'wag ng mangialam!" sigaw ni Kierra. Ayaw kasing patalo eh!
"Babanggain natin sila. 'Wag kayong matakot, nandito lang kami." bulong saamin ng isa pang babae na kasama nila Ainsley, "I'm Maddieson, kung hindi niyo natatandaan."
"Girls!" sigaw ni Ainsley, ito na ata ang sign na babanggain na namin sila? Hinigpitan ni Arianne ang yakap sakin kaya sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at hinayaan ang mga luha kong pumatak, hinawakan na din ni Airy unnie ang kamay ko. Naghawak hawak na ang lahat at naghahanda na sa pagbangga sakanila.
(Ainsley-Arianne-Me-Airy-Ianthe-Maddieson)
Sabay sabay kaming naglakad at binangga sila Aicee. Gulat na gulat sila sa ginawa namin. Hinila kami nila Ainsley at tumakbo papalayo.