Crazy in Love with Her : Sana...

נכתב על ידי Dontshitonme

393K 12.6K 356

#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove עוד

Author's Note
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Final Chapter
Special Chapter

Chapter 14

7.6K 244 11
נכתב על ידי Dontshitonme

"Alam mo,bro..may kakaiba sayo eh ,noong isang araw ko pa yan napapansin eh?" sita sa kanya ni Ed.

Nginisihan lang niya ito habang abala sa binabasa niyang papel.

"Uy ano na? Baka naman pwede mong i-share yan!" pangungulit nito.

Bumuga siya ng hangin at humarap sa kaibigan.

"Hindi ba pwedeng maging masaya ako paminsan-minsan?" aniya na hindi mapigilan ang ngiti sa mga labi niya.

Napakurap-kurap sa kanya ang kaibigan. Inilingan niya ito. Alam niyang nawiwerduhan ito sa kanya.

"Uy,bro..chicks ba yan? Iba kasi kinang ng mga mata mo eh habang sinasabi mong masaya ka? Iyun bang doktora?"sunod-sunod nitong tanong.

"Don't tell me..nagkakamabutihan na kayo ng doktora ?"nanantiya nitong sabi.

"O nagkita na kayo ng first love mo?"dugtong nito.

Napabaling siya rito. Hindi siya nakaimik.

Bigla nga nawala sa isip niya ang tungkol sa first love niya dahil sinakop na ng doktora ang buong isip niya.

Bigla tuloy siya naguilty. Pakiramdam niya nagtataksil siya sa first love niya dahiL na kay Sana'a na ang atensyon niya.

"Uy,ayos ka lang?" pukaw sa kanya ni Ed.

Bumuga siya ng hangin.

"We're friends now and..gusto ko pa siya makilala ng mabuti,"sabi niya sa kaibigan.

"Wow! Talaga?! Ano? Liligawan mo na ba? Tamang-tama tutulungan kita kung paano manligaw!" bigla naexcite nitong turan.

Natawa siya sa sinabi nito.

Ligaw? Magkaibigan muna,Jeffrey!

"Masyado pang maaga para ligawan ko siya saka kaibigan siya ni Mama sigurado ako hindi kaagad ako makakaporma dun..at saka kilala ang pamilya na pinanggalingan niya,"sabi niya rito.

"Oh talaga? Sino naman?"kuryuso nitong tanong agad.

"Kilala mo yung negosyante na si Dave Dornan? Saka yung may-ari ng isang hospital na si Mrs.Amelia Dornan?"

Napaisip ito saglit at maya-maya pa ay tumango ito.

"Narinig ko na ang mga pangalan nila,I guess mag-asawa sila,"hinuha nito.

Tumango siya. "Magulang siya ng kaibigan ni Mama..si Doktora Sana'a Dornan," aniya na may kasama pagmamalaki patungkol sa pamilyang Dornan.

Nanlaki ang mga mata nito at napaawang pa ang bibig.

"What the fuck? For real?!" hindi makapaniwala nitong saad.

"Oo..dahil yun kay Mama..saka sila ang unang nagkakilala eh,kung hindi ako sinasabit ni Mama sa tuwing magkikita sila hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makilala si Sana'a" aniya na mahihimigan ang pagkamangha niya para sa dalaga.

"Wow! Maresearch nga yang Dra.Sana'a na yan!"excite nitong saad.

Bigla sumama ang pakiramdam niya sa sinabi ng kaibigan. Naikuyom niya ang mga palad.

" Hoy,"untag niya rito ng pinagtaka naman nito.

"Bakit?" anito na may kunot sa nuo nito.

Alam niyang nakikita nito ang pagsama ng itsura niya.

"Huwag kang magkakamali na isama mo siya sa mga babaeng na nasa photo gallery mo ha..kung hindi kakalimutan ko na magkaibigan tayo," banta niya rito na mariin ang bawat salita na binitawan niya.

Hindi makapaniwala na napamaang ang kaibigan sa kanya.

"Seryoso ako dun,bro.." matiim niya saad bago niya ito tinalikuran.

"N-nakakatakot ka naman.."mayamaya usal nito.

Narinig niyang sabi ng kaibigan.

Seryoso siya dun. Sa kanya lang si Sana'a.

Kung ganun,paano yung first love mo? paalala ng isip niya.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Mahirap umasa sa taong hindi naman nakatakda sayo. Nasa harapan na niya ang babaeng alam niyang magpapatibok muli sa puso niya maliban sa first love niya.

Muli naalala niya ang eksena na kung saan niya nakakwentuhan ang doktora. Hindi siya nakaramdam ng ilang at hiya habang nagsasalita siya sa harapan nito ng mga oras na iyun. Pakiramdam nga niya parang matagal na sila magkakilala kaya komportable siya na makausap ito.

Sa tuwing ngingitian siya nito parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Lumiliwanag ang paligid niya.

Nasapo niya ang dibdib kung sana naroroon ang puso niya. Muli gumalabog iyun ng maalala niya ang huling sinabi ng doktora.

Pakiramdam niya hindi ata siya huminga ng mga oras na iyun.

Gusto ka lang niya...as a friend. Huwag kang assuming.

Napailing na lamang siya pagkaraan at inabala na ang sarili pag-aayos ng mga kagamitan na bahagya ng nagugulo dahil sa mga kostyumer nila.

Kung tutuusin kaya naman niya kumuha pa ng makakatulong sa kanila sa shops pero mas mainam na sa kanila na sila na lang dalawa ni Ed ang personal na maghandle ng shops nila. Mas gusto nila na sila na mismo ang gagalaw sa loob ng sa gayun iwas hassle at iwas din gastusin.

המשך קריאה

You'll Also Like

17.3M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
164K 5.2K 69
We fell then we fell out of love. Pangako? Lahat ng pangako nawala.
1.1K 99 15
Her name was Rose. Lia Rose. - @2021
48.5K 2.3K 94
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...