A Showbiz Love Story

By GorgeouslyInsane

2.8K 30 2

Parehong anak ng mga dating sikat na artista sina Kian at Crystal. They are considered as part of the Showbiz... More

Chapter One
Chapter Three
Chapter Four

Chapter Two

512 4 0
By GorgeouslyInsane

HINDI aaminin ni Crystal kahit kanino pero four years ago, noong twelve years old pa lamang siya, isa yydin siya sa mga teenager na patay na patay kay Kian Remulla.

Sa mura niyang edad ay pinangarap niya rin itong maging boyfriend.

Sino ba namang hindi?

​Galing sa mahabang linya ng mga sikat na aktor at performer ang mga Remulla. Ang great-great-great-grandfather nito, Si Juan Remulla, ay isang Espanyol na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanghal sa theatro.

Naimbitahan ito sa Pilipinas upang magtanghal sa isang pagdiriwang na idinaos para sa kaarawan ng isang mataas na opisyal ng Espanya. Noon ay sakop pa ng mga ito ang bansa.

​Nabighani ito sa isang Pilipina kaya't napagpasyahan nitong dito na mamalagi. Nagtayo ito ng theatro kung saan paminsan-minsan ay nagtatanghal pa rin ito.

​Early 1900's nang mapagpasyahan ng panganay na anak ni Juan na gawing movie theater ang naiwang theatro ng ama nito.

Nagsimula silang magpalabas ng mga silent movies.

Nang mamatay ito ay ipinagpatuloy ng naiwang anak ang pagpapatakbo ng movie theater.

As the Philippine movie industry evolved, so did the theater.

Ang lolo naman ni Kian, ang fourth generation ng mga Remulla, ay hindi naging interesado sa pagpapatakbo ng movie theater. Ang nais nito ay ito mismo ang bibida sa mga pelikula.

He sold the theater and became an action star. Wala naman itong pagsisisi dahil kahit hanggang sa kamatayan nito ay minahal ito ng mga tao.

Nagkaroon ito ng dalawang anak na pinasok din ang mundo ng entertainment. Si Daisy na isang Broadway actress sa New York, at si Henry na daddy ni Kian.

Henry also made a name for himself, and was called the 'King of Philippine Showbiz.'

Dahil sa lahat ng achievement ng pamilya nila pagdating sa pagtatanghal, binansagan sila ng media na 'The Philippine Showbiz Royalty.' Dumadaloy na raw sa mga ugat nila ang pagiging performer.

Kaya naman inabangan talaga ng lahat nang isilang si Kian.

Lahat ay nananabik na makita ang sanggol na tiyak na magmamana ng trono sa mga puso ng mga manonood.

Simula pa lamang three-month-old si Kian ay may commercials na ito. At such a young age, he became an endorser of milk, diaper, and baby oil products.

​Noong mag-apat na taon si Kian ay bumida ito sa isang pelikula na kinagiliwan ng maraming manonood. Sunod-sunod ang naging movies nito.

​Pero saglit itong namahinga noong mag seven years old ito hanggang sixteen years old para makapag-concentrate sa pag-aaral. Gayunpaman ay gumagawa pa rin ito ng commercial paminsan-minsan.

​Hindi makakalimutan ni Crystal noong twelve years old siya. Isinama siya ng mommy niya sa party ng amiga nito. Doon niya unang nakita si Kian sa personal.

​Fifteen years old noon ang lalaki at mula sa pagiging cute, ay lumutang ang kaguwapuhan nito nang magbinata.

Moreno ito, matangkad, may matangos na ilong at mapupungay na mga mata.

​Noong mga panahong iyon ay bago pa lang nagdalaga si Crystal, at dulot ng biglang pagbago ng hormones niya ay maraming tumubong pimples sa mukha niya. Sinabayan pa iyon ng pagkakaroon niya ng braces sa ngipin.
​Naging mahiyain siya at gustong laging mapag-isa.

Tuwing kasama niya ang mommy niya at may makasalubong silang kakilala nito, halata niya sa mata ng mga ito ang disappointment tuwing nalalaman na siya ang anak ni Avelina Crucillo.

​Sobrang layo ng itsura niya noon sa magandang mukha ng mommy niya. May mga panahong kinukuwestiyon niya ang sarili kung totoo ba talagang anak siya nito.

​Noong gabi ng party ay naglakad-lakad si Crystal sa gilid ng pool. Mga ilang minuto na siyang nandodoon nang matanawan niyang lumabas din si Kian at ang dalawang lalaki na kasing-edad nito.

"Oh my god!" Nanlalaki ang mga matang napatulala si Crystal kay Kian. "What do I do? What do I do?"

Para siyang naiihi na hindi niya ma-explain. First time niyang ma-starstruck.

​Sa totoo lang ay sanay na siyang makakita ng artista dahil iyon ang dating trabaho ng mommy niya, pero nang makita niya si Kian ay parang gusto niyang magtititili at magtatatalon.

​"K-Kian!" Bago pa man niya napigilan ang sarili ay napatakbo na siya palapit dito.

​Nagkatinginan ang tatlong lalaki at amused na tiningnan din siya.

​"P-puwede bang magpa-picture?" Natatarantang nilabas niya ang cellphone niya sa bag.

​Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Who are you?"

​"I-I'm Crystal." Nagkakandautal niyang sagot.

​"Anak 'yan ni Avelina Crucillo," bulong ng kasama nito.

​Biglang tumuwid ang tayo ni Crystal. Bigla siyang naging proud sa sarili. For sure, kilala nito ang mommy niya na sikat na artista noon.

​"Avelina Crucillo?" Natatawang ulit ni Kian at muling tiningnan si Crystal mula ulo hanggang paa. "That desperate woman who keeps following my dad around?"

​Natigilan sii Crystal sa narinig.

​"Hindi nakakapagtakang nagmana ang anak niya sa kanya," patuloy ng lalaki.

​Awang ang bibig ni Crystal habang tinitingnan ang tatlo na tinatawanan siya at tumalikod pabalik sa loob ng bahay.

​Saglit na huminto si Kian at tiningnan ulit siya. "And oh, just a piece of advice. Before you go chasing boys around, make sure your face is not full of big red spots and you don't have those ugly braces."

​Naghalgapan sa pagtawa ang mga kasama nito.

​Hindi na napigilan ni Crystal ang mapaiyak. Hindi lang siya ininsulto nito kundi pati ang mommy niya.

​Hindi alam ni Avelina kung bakit iyak ng iyak ang anak niya noong pauwi na sila. Hindi na sinabi ni Crystal dito ang dahilan.

​Kinabukasan, kinausap niya ang yaya niya. Tinanong niya kung sino ba ang daddy ni Kian, at ano ang ugnayan nito sa mommy niya.

​Noong una ay ayaw magsalita ng yaya niya, pero nang magsimula na naman siyang mag-iiiyak ay nagkuwento na rin ito.

​"Naku, 'wag mong sabihin sa mommy mo na ako nagsabi sa'yo, ha," nag-aalalang sabi nito. "Alam ko naman na dadating talaga ang panahon na malalaman mo rin."

​"Bakit po? Hindi ko naman po siguro tatay ang daddy ni Kian, hindi ba?" Kunot-noong tanong niya, kinakatakutang mangyari sa kanya ang mga kuwentong napapanood sa TV.

​"Naku, hindi!" Agad nitong sagot. "Pero kasi, Crystal, noong dalaga pa ang mommy mo, nakatambalan niya si Henry Remulla. Sobrang sikat ang love-team nila noon. Pati nga ako ay fan nilang dalawa, eh."

​"Yun po ba 'yong lalaki na lagi niyang kasama sa mga movies niya?" Salubong ang kilay na tanong niya.

Minsan ay nahuhuli niya ang mommy niya na nanonood sa kuwarto nito ng mga palabas nito dati. Iisang lalaki lamang ang lagi niyang nakikita na katambal nito sa mga pelikula.

​Humugot ng malalim na hininga ang yaya niya at saka tumango. "Oo, ang guwapo niya hindi ba? Lahat ng tao dati iniisip na bagay na bagay sila ng mommy mo. Kasi para daw Cinderella ang kuwento ni Ma'am Avelina. Lumaki siya sa hirap, pero naging sikat na artista. Nakatambalan niya pa si Henry na sinasabi nilang isa sa mga Showbiz Royalty! Alam mo naman ang mga Pinoy. Mahilig sa fairytales.

"Lahat ng movies nila naging blockbuster hit. Pati ang mga soap opera nila, number one sa ratings. Kaya tinawag silang King and Queen of Drama. Noong mag two years ang love team nila, inanunsiyo nila na may relasyon na sila. Grabe, lahat yata ng tao sa bansa noon ay nag-celebrate. Ganoon kasikat ang tambalan nila noon."

​Saglit itong huminto para humugot ng malalim na hininga na tila pinag-iisipan kung itutuloy ang susunod na sasabihin. "Pero may usap-usapan na masyadong control freak si Ma'am Avelina. Huwag kang maingay sa mommy mo, ha? Atin-atin lang 'to."

​Tumango lang si Crystal. Hindi naman mahirap paniwalaan iyon dahil maging siya man ay nakakaranas ng pagiging control freak ng ina.

​"After two years nilang magka-relasyon, parang nagkalabuan na sila. Siyempre, sila ang biggest star ng PGB Network kaya tinatago nila sa publiko kung gaano na talaga kagulo ang relasyon ng tambalang Henry-Avelina."

​"Ang alam ko," patuloy nito. "Si Ma'am Avelina ang unang nakipagkalas kay Henry. Wala pa ako noon dito, pero naikuwento 'yan sa akin nila Manang Beth." Ang tinutukoy nito ay ang matandang matagal nang naninilbihan sa bahay ng mommy niya.

​"Palagi raw tumatawag at pumupunta dito si Henry, pero binabalewala ni Ma'am. Hanggang sa nagsawa na yata si Henry. After one year, noong tumigil na si Henry ay saka naman na-realize ng mommy mo na mahal niya ito. Pero huli na siya."

​"Bakit po?" Salubong ang kilay na tanong ni Crystal. Pakiramdam niya ay nakikinig lang siya sa kuwento ng isang teleserye, at hindi ng kuwento ng mommy niya.

​"Hindi ko nga alam ano ang nangyari eh. Basta bigla na lang inanunsiyo ni Henry Remulla na nabuntis niya ang kontrabida ng soap opera nila ng mommy mo. Naku, kung alam mo lang ang galit ng publiko noon at ng mommy mo." Iiling iling ang yaya niya. "Sobrang na-depress ang mommy mo noon. Hindi nga nila natapos ang soap opera na 'yon, eh. At biglang nawala si Ma'am Avelina sa showbiz."

​"Napakasama pala talaga ng mga Remulla," biglang turan ni Crystal na muling nabuhay ang galit sa ginawa sa kanya ni Kian.

​Simula noon ay hindi na nawala ang inis na nararamdaman niya tuwing naririnig ang pangalang Kian Remulla.

Sixteen years old si Kian nang muli itong bumida sa isang teenage fantasy movie.

​Mas lalo lamang itong sumikat pero hindi gaya noon na kinikilig siya kapag napapanood ito.

Ngayon, tuwing nakikita niya ito sa mga commercial at print ads ay nasisira lang ang araw niya. Kung puwede nga lang na pumikit siya tuwing dadaan sa Edsa ang sasakyan nila dahil sandamakmak ang billboards doon ng lalaki.

Humugot ng malalim na hininga si Crystal matapos siyang magbalik-tanaw sa nakaraan.

"Well, at least I survived this day while being with him on the same stage," bulong ni Cyrstal sa sarili habang tinitingnan ang isang billboard ni Kian.

Lumiko ang kotse na sinasakyan niya papunta sa main entrance ng condo kung saan sila kasalukuyang nakatira ng mommy niya.

​They used to live in an exclusive village in Quezon City. Being one of the biggest stars in the 90's, malaki ang naipundar ni Avelina. Kaya naman nang ma-depress ito at tumigil sa showbiz ay nakaya pa rin nitong ma-maintain ang marangyang buhay.

​Pumunta ito sa America at doon nagpalamig. Doon na rin nito ipinagbuntis at pinanganak si Crystal. Sa tulong ng magaling nitong kaibigang lawyer sa America ay natuto si Avelina na mag-invest sa foreign stock exchange kung saan kumikita pa rin ang naipon niyang pera.

​Dalawang taon na si Crystal nang mapag-desisyunan ni Avelina na bumalik na sa Pilipinas. Sa panahong iyon ay si Manang Beth ang tanging naging caretaker ng bahay sa Quezon City. Ito na rin ang naghanap ng iba pang katulong para sa pag-uwi ng mag-ina.

​Nang malaman ng mga tao na may anak na si Avelina ay naging matunog ulit ang pangalan niya sa balita. Malaking katanungan sa lahat kung sino ba talaga ang ama ni Crystal, ngunit naging tikom ang bibig ni Avelina. Maging si Crystal ay sumuko na rin sa pagtanong noong nagka-edad na siya.

Avelina was most excited whenever she received an invitation for a party where Henry Remulla and his wife, Lenny, were also invited. She'd wear the most expensive clothes, most sought-after bags, and to-die-for shoes.

​It was as if she wanted to prove to the world that she was still high and mighty in spite of all the controversies. She loved throwing parties for her socialite friends. She played in the Casinos like there's no tomorrow.

​It was okay at first. She was, after all, rich and famous.

​It wasn't until the economic crisis in America in 2008 that Avelina realized she was on the verge of losing everything. Malaking porsyento ng pera niya ang naka-invest sa stock market at dahil bumaba ang ekonomiya ay halos nawala din ang lahat sa kanya.
​She considered going back to Showbiz. Ngunit nang panahong iyon ay marami nang bagong mukha sa industriya. Marami nang mas sikat at mas bata.
"Makakaya mo bang tumanggap ng role na hindi ikaw ang bida? Na hindi ikaw ang reyna?" Tanong sa kanya ng kaibigan niyang direktor na kinausap niya noon.

No, she couldn't.

And so she remained a legend. The queen who once ruled the Philippine Show business. The beauty which never seemed to fade with the passing years.

​Sa ngayon ay binenta na nila ang mansyon sa Quezon City at lumipat sa isang 3-bedroom condo unit. Kung tutuusin ay malaki pa rin naman iyon, pero di hamak na malayo sa nakasanayang bahay ni Crystal.

Kung noon ay apat ang katulong nila, ngayon ay si Manang Beth na lang ang naiwan.

​Sa murang edad ni Crystal ay namulat na siya sa katotohanang hindi basta-basta ang pera. You can have it in one moment, and lose it the next.

​Six months ago, may isang reporter na humarang sa mommy niya sa isang party at walang prenong tinanong kung totoo bang naghihirap na siya.

​Magsasalita sana ito para i-deny ang lahat nang mahagip ng mata nito si Henry at Lenny Remulla. It was obvious na narinig ng mga ito ang tanong ng reporter.

​Kitang kita sa camera kung paanong hindi nakagalaw at nakapagsalita si Avelina. Tila naghihintay na lamang ito na lamunin ng lupa.
​Awang awa si Crytal sa mommy niya nang makita ang eksenang iyon sa news. Kahit hindi ito naglalabas sa kanya ng sama ng loob ay alam niya kung ano ang nararamdaman nito.

It was one thing to lose a man. It's another to lose your pride.

​Kaya kahit alam niya na tutol ang mommy niya ay pumasok siya sa showbiz. Hinding hindi niya hahayaan na maghihirap sila. Ito na lamang ang meron siya. At sigiguraduhin niya na ang huling halakhak ay sa kanilang mag-ina--hindi sa mga Remulla.

​Noong una ay tumutol si Avelina ngunit wala itong magawa nang magpumilit si Crystal.

​"What was that?"

​Napatigil si Crystal sa pagpasok sa condo unit nang madatnang nakaabang na sa loob ang mommy niya. Pinag-krus nito ang mga braso at nakataas ang isang kilay.

​"What do you mean, 'Ma?" Takang tanong niya.

​"I saw you with that brat... what's his name? Ah! Kian."

​Crystal sighed and continued to the living room. "Mom, it was just an accident. Oh well, actually," bigla siyang napaisip. "That witch Alexandra tripped me. Hindi man nakita sa camera pero alam ko ang ginawa niya. It was not my fault!"

​Sinundan siya nito sa sala at umupo sa isa sa mga armchair. Tila hindi narinig ang paliwanag niya. "Have you even checked Facebook and Instagram?"

​"No, why?"

​Blanko ang expression ng mukha nito. She always hated that. Isa sa mga downside ng pagkakaroon ng best actress na ina ay hindi niya nababasa ang mukha nito tuwing may importante silang pinag-uusapan.

​Agad niyang hinagilap ang cellphone sa bag at binuksan ang Instragram account.

​"Congratulations," sarkastikong sabi ni Avelina na tumayo sa kinauupuan at nagtungo sa kusina. "Trending ka na ngayon."​

​Si Crystal naman ang napaupo. Nanlumo siya sa mga nabasa. Everybody was talking about her and Kian. Ang karamihan pa ay nagpost ng screenshots nila kanina noong nasalo siya ng lalaki. Marami din ang nagpost ng memes at ginawan ng comic story ang eksenang iyon.

​"I told you." Bumalik ang mommy niya sa sala na may hawak na kopita. "Once you're in showbiz, lahat ng gagawin mo ay pag-uusapan ng lahat. Wala kang kawala. Lahat ay bibigyan ng kahulugan."

​Nanuyo ang lalamunan niya. Ilang buwan niyang inihanda ang sarili sa ganitong pagkakataon. Akala niya malakas na ang loob niya sa kung ano mang issue ang ibabato sa kanya. Ang kaso, hindi siya naging handa na sila mismo ni Kian ang gagawan ng issue!

​"M-mawawala din naman 'to, Mommy. Ilang araw lang makakalimutan din nila 'to. Lalo na 'pag nagsimula na ako sa mga projects ko. Besides, shouldn't I just be thankful na positive ang mga sinasabi nila sa akin? It's my first appearance, pero ako na agad ang nag-trending."

​"Just make sure hindi mo na ulit makakasama sa iisang project o kahit sa stage 'yang Remulla na 'yan," malamig nitong bilin. "You know very well that they're our enemy, don't you?"

​Bumuntong-hininga siya, at tumango. "Yes, of course, 'Ma."

Kahit hindi nito sabihin, wala naman talaga siyang balak na makadikitan ulit si Kian. Kahit pareho sila ng mundong ginagalawan sa ngayon, sisiguraduhin niyang hindi niya ito makakatrabaho.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 9.9K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
846K 29.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
227K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...