Label: Best Friends

By jglaiza

162K 3.3K 232

That moment when you're in love with each other but fate doesn't want you to be together. ** "Everything Has... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Epilogue

Nineteen

3.6K 83 4
By jglaiza

Chapter 19
Friendship

**

I talked to Eunice one night after a few days. Nakausap ko kasi si Angelo at nasabi niya sa aking nakausap na raw niya ang kaibigan niya noong college kami. Nang malaman ko iyon ay nagpasya akong sabihin iyon agad kay Eunice.

“Nakahanap na ako ng abogadong tutulong sa atin. Kapatid siya ng kaibigan ni Angelo noong college,” sabi ko nang papasukin ako ni Eunice sa kwarto niya.

Umaliwalas ang mukha niya pagkasabi ko no’n. Tumango siya pagkatapos ay agad ding natigilan. Tumingin siya sa akin.

“Ate, okay na kayo ni Kuya Angelo?” tanong niya. Saglit akong natigilan pero agad ding napangiti.

Ang totoo niyan, mula nang sabihin ko kay Angelo ang tungkol sa kalagayan ni Eunice, medyo naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi naman sa masama ang pakikitungo niya sa akin dati. I mean, hindi na siya masyadong umiiwas sa’kin hindi tulad dati. Iyon nga lang, pansin kong naiilang siya sa’kin.

“Well, hindi pa masyado. Pero napapansin kong mas okay na kami ngayon kaysa nitong mga huling araw. Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa kalagayan mo at ang tungkol sa plano natin. Pumayag naman siyang tumulong sa atin,” sagot ko.

She nodded. Hinawakan ko ang kamay niya at mas ngumiti pa.

“Thank you, Eunice. Dahil sa’yo, dahil sa inyo ni Niel, nabibigyan ako ng pag-asa na magiging okay rin ang relasyon namin ni Angelo. At kahit na hindi niya sabihin, nararamdaman kong masaya rin siya para sa inyo. Although alam kong mali pa rin ang ginawa ninyo ni Niel, may parte sa akin na ipinagpapasalamat ang nangyari sa inyo,” pagpapatuloy ko.

She smiled. “Magiging okay rin ang lahat, Ate. Magiging masaya rin tayong lahat.”

Napahinto kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Hindi pa man kami nakakatayo ay bumukas na iyon. Pumasok mula roon si Niel. Nagulat siya nang makita ako.

“Uh… pasensya na. Babalik na lang ako mamaya,” aniya. Pero bago pa man siya makaalis ay mabilis akong tumayo.

“Hindi. Ako na lang ang aalis. Tapos na rin naman kaming mag-usap,” sabi ko bago lumapit sa pintuan. Bago ako makalabas ay nilingon kong muli si Eunice. “Huwag kang masyadong magpupuyat, Eunice. Pagkatapos niyong mag-usap, matulog ka na rin.”

Tumango siya kaya tumalikod na ako. Pero bago iyon ay tinawag ako ni Niel.

“Uh… is it okay if I sleep here?” he asked.

Saglit akong nag-isip. Well, wala naman sigurong masama kung papayagan ko siya? Kailangan lang na hindi ito malaman nina Mommy.

“Hmm… okay lang naman. Pero siguraduhin mo lang na kapag lumabas ka, hindi ka makikita nina Mommy at Daddy. And make sure to lock the door para hindi sila basta-bastang papasok. I’ll lock the door to our room, too. Mabuti na ang sigurado,” sabi ko.

Wala namang ibang pumapasok sa kwarto namin kundi ako at si Niel pero mas maganda na ang sigurado.  Tumango naman si Niel. Nagpaalam na ako sa kanila pero bago ako lumabas ay biniro ko pa si Eunice.

**

Napagpasyahan naming kausapin ang abogadong kakilala ni Angelo sa araw ng day-off namin. Before that day, I asked Angelo the name of the lawyer we’re going to meet. He told me I know him.

The name of the lawyer is Atty. James Dela Cruz. Kapatid iyon ng kaibigan ni Angelo at classmate namin noong college. Of course, I know him. Paminsan-minsan namin siyang nakikita noon sa school kaya nakilala namin siya.

Nagkita-kita kami sa isang restaurant sa Makati sa araw ng Sabado. Kasabay kong pumunta doon sina Eunice at Niel at makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na rin si Angelo kasama si Atty. James.

Tumayo kami nang makita sila. Agad na nahagip ng tingin ko si Angelo. I was surprised when he smiled at me when our eyes met. Dahil doon ay napangiti na rin ako.

“Guys, this is Atty. James Dela Cruz, my friend,” pagpapakilala niya sa amin. Bumaling naman siya kay Atty. James. “Pare, sila ang mga kaibigan ko. Of course, you know Bea, my best friend. Then her sister, Eunice and Bea’s husband, Niel.”

Hindi ko na halos nasundan ang sinasabi nila dahil sa gulat sa narinig. Did I hear it right? He introduced me as his best friend? Tama naman ang dinig ko, ‘di ba?

Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Iyon lang naman ang sinabi niya pero ang saya na ng pakiramdam ko. Siguro, unti-unti ay magiging maayos na talaga kami pagkatapos nito.

Pagkatapos magkakilala ng lahat ay nagpasya kaming pag-usapan na ang tungkol sa annulment. Most of the time, kami lang ni Niel ang kinakausap ni Atty. James since kami naman talaga ang nangangailangan ng annulment. Paminsan-minsan naman ay sumasagot din sina Angelo at Eunice para makatulong.

Hindi na namin halos namalayan ang oras. Malapit nang gumabi nang matapos ang usapan. Pagkatapos magpaalam ni Atty. James ay nagpasya na rin kaming umuwi.

“Ako na ang maghahatid sa inyo,” sabi ni Angelo bago pa man kami makapagpaalam sa kanya para umuwi.

Agad akong umiling. “Huwag na. Magco-commute na lang kami.”

Hindi kasi kami nakapagdala ng sasakyan kanina dahil tinamad kaming mag-drive. Nagpahatid lang kami sa driver namin kanina papunta rito. Kung tutuusin, pwede naman naming tawagan ang driver para sunduin kami pero baka kasi matagalan pa kapag naghintay kami. Rush hour pa naman kapag ganitong hapon na.

“I insist. May dala naman akong sasakyan. Isa pa, Eunice is pregnant. Para rin hindi na siya mapagod,” pagpupumilit ni Angelo.

Saglit akong napaisip at sa huli ay napabuntong-hininga. Well, my main concern is Eunice since she’s pregnant. Okay na rin siguro na sumabay kami sa kanya.

Nang makauwi kami ay pinauna ko na munang pumasok sina Eunice at Niel bago ako magpaalam kay Angelo. Nang makapasok sila ay saka ko siya hinarap.

I smiled. “Salamat sa paghatid. Salamat din sa tulong mo.”

“No problem. It’s my pleasure to help,” he replied.

Nanatili kaming nakatayo roon habang nakatingin sa isa’t isa. I know I should go inside now but for a reason, I can’t move. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, may kailangan pa kaming gawin ngayon. Kahit naman siya, hindi rin umaalis sa kinatatayuan niya.

Maybe he felt it, too. Maybe he felt that we need to talk right now. Tumikhim ako.

“Um… gusto mo bang pumunta muna sa playground?” lakas-loob kong tanong.

Nang tumango siya ay nauna na akong naglakad papunta doon habang nakasunod naman siya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya hindi na lang din ako nagsalita.

Wala ng tao pagdating namin sa playground. Malamang ay umuwi na ang mga batang naglalaro rito kanina. Gabi na rin naman. Lumapit ako sa isang swing at umupo doon. Ganoon din naman ang ginawa ni Angelo at umupo sa kabilang swing.

No one dared to talk again. Iginalaw ko ang mga paa ko para gumalaw ang swing. Habang ginagawa ko iyon ay napatingin ako sa langit. There are no stars tonight but the moon is shining brightly above us. I closed my eyes as I felt the cold wind kissing my skin.

Memories from our childhood suddenly flashed on my mind. I smiled.

“Why are you smiling?” I heard Angelo asked. I opened my eyes but didn’t look at him.

“Wala lang. May naalala lang ako,” sagot ko. “Do you still remember the first time we met? It’s here, right?”

“Of course, I remember. Paano ko naman kakalimutan iyon?”

Mapait akong ngumiti. “Ah. Akala ko kasi nakalimutan mo na kasi nakalimutan mo na rin na best friend mo ‘ko.”

Hindi siya sumagot. Napahinto ako sa pagduyan. I shouldn’t have said that. Kahit papaano, maayos kami ngayon hindi tulad nitong mga nakaraang araw. Pero dahil sa sinabi ko, baka magbago na naman ang pakikitungo niya sa’kin.

Why can’t I just shut up?

“I’m sorry.”

Natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita. And it’s not what I expect him to say. I looked at him and saw that he’s looking at me, too. I saw regret in his eyes. Hindi ako nakapagsalita.

“I’m sorry for ruining our friendship, Bea. Pinagsisisihan ko na iyon. Hindi ko dapat ginawa ‘yon. Hindi ko dapat hinayaan na masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman natin sa isa’t isa,” aniya. Malungkot siyang ngumiti at napaiwas ng tingin. “Siguro naiinis ka sa’kin ngayon kasi sinasabi ko ‘to kung kailan alam kong magiging maayos na ang lahat. Siguro iniisip mo, ginagawa ko lang ‘to kasi ganito na ‘yong sitwasyon. It’s okay if you don’t want to be my friend anymore. Gusto ko lang humingi ng tawad sa’yo kasi alam kong mali ang mga ginawa at sinabi ko sa’yo.”

Hindi pa rin ako sumagot. Well, totoo naman ang sinasabi niya. Bakit ngayon lang siya nagso-sorry sa’kin? Bakit hindi noong mga panahong wala pang ganitong nangyayari? Bakit hindi noong mga panahong alam naming imposible pa ring maging kami?

Siguro kasi alam niyang ngayon, pwede na ulit kami kasi parehas naman kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. We’re in love with each other. Niel and I are getting annulled. Siguro naisip niya, baka bigyan ko siya ng chance para mapatunayan niyang mahal niya ‘ko.

Alam kong dapat hindi ko siya bigyan ng chance pagkatapos niyang sirain ang pagkakaibigan namin. Pero paano ko ba matitiis ang taong mahal ko? I want to give him a chance because I want to be with him, too.

Kung tutuusin, halos pareho lang naman kami ng iniisip. Both of us wanted to grab this opportunity to be together. Maghihiwalay na kami ni Niel. Baka naman… baka naman pwede na kami ni Angelo. Baka naman pwede pa kaming magkaayos. Baka naman pwede pa naming ibalik ‘yong dati.

Huminga ako nang malalim bago tumayo. Pumunta ako sa harap ni Angelo na kasalukuyang nakayuko ngayon. Hinawakan ko ang mukha niya saka ko siya pinatingala sa akin. Ngumiti ako.

“Can you be my best friend again?” I asked. He creased his forehead.

“You’re not mad at me?”

Umiling ako. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

“Gusto ko na lang bumalik tayo sa dati. Miss na miss ko na ‘yong best friend ko, eh.”

“Bea…”

“Let’s take everything slow, shall we? Gusto kong bumalik tayo sa dati pero dahan-dahan lang. Pwede ba ‘yon?” tanong ko.

Mabilis siyang tumango. “I’ll do anything you want me to do.”

Pagkasabi niya no’n ay tumayo siya saka ako niyakap nang mahigpit. Ngumiti ako bago siya niyakap pabalik. Ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman kong hinalikan niya ang sentido ko.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
12.1K 295 20
Jianna Astrid never asked for something else, all she wanted was for Russel to be true to her. She trusted and loved him the way she could never imag...
317 133 32
Larena Safire Willford has 4 close friends, magulo ang lovelife nilang apat and she's very tired of dealing with her friend's love mess. She didn't e...
447K 9.9K 43
Silent Lips Series #2 ** Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sina Natalie Marquez at Jasper Zee Valderama. Alam ni Natalie ang mga sikreto ni Jasper...