DESTROY ME (Paradise #1)

By Chelsea_13

118K 3K 1.1K

#Fantasy #DarkRomance "I don't want this to be safe. I want our love to be destructive in the best way possib... More

🔯Synopsis🔯
🔯 Caution + Dictionary🔯
Part 1 | Here lies the memory of You
-пролог-
-один-
-два-
-три-
-пять-
-шесть-
-семь-
-восемь-
-девять-
-десять-
-одиннадцать-
-двенадцать-
-тринадцать-
-четырнадцать-
-пятнадцать-
-шестнадцать-

-четыре-

5.4K 149 41
By Chelsea_13

- четыре | four | chatyro -

trigger warning: self-harm


Nang kinagabihan, naghahabol ako ng oras.

Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang mga class presidents patungkol sa mga events namin for next year kaya inabot kami ng siyam-siyam sa school.

Kung hindi lang nagkataong magkasunod ang field trip at ang Prom namin ay hindi kami ngangaragin ng student council para mag prepare, kaso ayun nga at halos isang buwan lang ang pagitan, kaya no choice kaming magplano ng maaga.

Sayang nga at balak ko pa sanang hilain si Ajax para magpalibre ng meryenda. Masarap pa naman ang binebentang tusok-tusok sa likod ng school— kaso wala na siya sa room pagbalik ko at ang dami ko rin namang kailangan tapusing requirements kaya hindi ko na siya hinanap at umuwi na ka agad.

Mag lalaba pa rin pala ako ng uniform bago pumasok sa trabaho! Hay. Ang dami ko namang gagawin! No time to make landi talaga. Kainis!

"Unexpected merging of Esquivel and Fonacier Group of companies on the newly improved Regeneration project, slammed shut by the government!"

Ibinaba ko ang dyaryong binabasa at kinuha muli ang ballpen na nahulog ko kanina. Alas otso na ng gabi pero wala pa rin akong naiisip na isulat para sa reaction paper tungkol sa balitang 'to!

Bakit ba kasi hindi ko 'to ginawa last week? Pakshet. Sa dinami-dami pa kasing gustong ipareaction paper ni ma'am, 'yung mahirap pang magets eh!

"Ate, ano ulam?"

Hinalikan ako sa pisngi ng nakababata kong kapatid na si Valeria, pagkalabas niya ng kwarto namin at umupo sa tapat ko. Tinuro ko naman ang isang platito ng kaning lamig sa lamesa.

"Ayan, tapos tinirhan din kita ng tuyo. Nasaan na nga pala sila Zo at Darlene? Gabi na ah."

"Nasa may piso-net ate."

"Nanaman? Binigyan na naman sila ng pera ni mama?"

"Si kuya Jopeth ang nagbigay. Kinulit kasi siya ng kambal eh."

Napataas ako ng kilay. Madalang lang maglabas ng pera ang batugan kong kapatid na 'yon. Sana next time, mag bigay naman din siyang pera pambayad ng renta at hindi aasa sa kinikita ko sa nightclub.

"Wow. Himala at may pera 'yang panganay natin. 'Di rin niya pala matitiis mga anak niya 'no?"

Tumayo ako at agad na kinuha mula sa taas ng lumang ref namin ang tuyo na inalmusal din namin kanina. Nanlaki ang ngiti sa akin ni Val nang inilapag ko 'yun sa harapan niya. Alam kong paborito niya 'yon.

"Ubusin mo na 'yan ah. Pero wala nga lang suka muna. Ayaw na tayo pautangin ni aling Vicky eh," ani ko sa kapatid ko. "Alam mo naman...tawas na lang ata ang hindi natin nauutang sa kanila."

Agad sa aking tumawa si Valeria, "Eh? Naka-utang na ako ng tawas para kay Zo ate!"

"Ay!"

Nang matandaan kong may putok ang pamangkin ko ay napasapo na lang ako ng aking noo at sumabay sa pagtawa ni Val.

Grabe, nakakahiya naman na pala talaga umutang kay Aling Vicky, nilimas na namin ang paninda niya!

"Sure kang akin na 'to ate Ara? Parte mo 'to 'di ba?"

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Mas kailangan niya naman 'di hamak ng makakain dahil periodical exams na nila sa makalawa. Baka magutuman siya at walang maisagot sa test, mahirap na. Semi-private pa naman 'yung pinapasukan niyang highschool. Strikto ang mga madre doon sa grades at results ng exam, baka sumabit pa 'tong si Valeria at mawalan ng scholarship dahil lang sa nalipasan ng gutom.

"Ano ang kinain mo?"

"Bananacue."

"At?"

Inikutan ko siya ng mata. "Kumain ka na lang nga diyan! Ang dami namang tanong!"

Bumusangot ang kapatid ko, umaastang papagalitan ako. Minsan, hindi ko na rin sigurado kung sino ang mas matanda sa aming dalawa. Lagi na lang niya ako napapagalitan sa mga maliliit na bagay kagaya na lang nito.

"'Yun lang ate? Kahapon Kamotecue ka lang din ah!"

"Anong 'yun lang? Rich in Potassium 'yon! Alam mo ba 'yon? Healthy 'yun 'no!"

Hindi ako pinansin ni Valeria. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Nagluto si mama kanina ng adobo, wala ba siya sa'yong itinira?"

Umiling ako. Dahil halos gabi na ako laging nakakauwi sa bahay, hindi na ako umaasa na may natitira pa sa aking pagkain. Sa dami ba naman naming nagsisiksikan sa bahay, suntok sa buwan na lang talaga kung may maabutan pa akong pagkain pagkauwi ko.

"Okay lang pala ako ate..." Bumagsak ang ngiti ng kapatid ko at itinulak sa akin ang platitong may tuyo. Miski 'yung kanin niya ay pilit niya sa akin pinapakain. "Kainin mo na'yan. May trabaho ka pa 'di ba mamaya?"

Napailing na lamang ako. "Ano ka ba, may tira naman siguro mamaya doon sa club, doon na lang ako kakain."

"Sigurado ka ate?"

Kasabay ng pagkalam ng sikmura ko ay ang pagngiti ko. Hay. Sana talaga at may mga maling order na magawa sa club mamaya para makakain ako. O kaya may mayamang customer na man lilibre ng hapunan.

"Ara!"

Sakto namang patapos na sa pagkain si Val, lumabas ang nanay namin mula sa kwarto niya.

Wala siyang ibang suot bukod sa towel niya sa ulo at isa pang towel na nakapulupot sa katawan. May nakasunod din sa kaniyang mas nakababatang lalaki na nag susuot ng t-shirt. Ngumiti siya sa amin pero hindi namin siya pinansin ni Val. Iniripan pa nga siya ng kapatid ko.

Customer lang naman siya ni mama.

"Nasaan na naman ang tatay mo ha?"

Umiwas ako ng tingin nang halikan siya ng lalaking 'yon sa pisngi bago magpaalam. Agad namang bumalik sa kwarto niya si Valeria. Sa aming lahat, siya lang ang hindi makasikmura sa pagiging puta namin ni mama.

"Nasaan pa ba? Siguradong nandoon sa may kanto 'yon at tumotoma."

Nang-sabihin ko 'yon, handa na akong makarinig ng pagratrat ng nanay ko patungkol sa ginagawang pagwawaldas ng pera ni papa, galing sa pagiging kargador niya sa pier, para lang sa red horse ng mga kaibigan.

Simula pa kasi pagkabata ay ganito na ang kinalakihan ko. Sanay na sanay na ako. At sa totoo lang, ni hindi ko na nga alam kung bakit pa sila nagsasama hanggang sa ngayon.

Hindi ba dapat, kung wala ka ng nararamdaman bukod sa galit para sa isang tao, dapat hiwalayan mo na'to? Kung wala ng pag-ibig na namamagitan sa inyong dalawa, bakit kailangan pang kumapit?

Tutal parehas lang naman silang nag-susumbatan sa t'wing nagkikita, bakit hindi na lang nila tapusin ang lahat, hindi ba?

"Tang ina. Wala na ngang tinutulong dito sa bahay! Palamunin talaga 'yang tatay niyo eh 'no? Bwisit!" Singhal nito habang nagtitimpla ng kape.

Pinagtimplahan niya rin ako at naupo siya sa harapan ko. "Siya nga pala, Ara, ano? 'Di ka pa rin ba papayag sa offer sa atin ni Madam? Ilang buwan na lang at legal ka naman na. Malapit ka na maging disi-otso oh. Pwede ng hindi pasayaw-sayaw at pagpapahawak-hawak lang ang gawin mo sa EDEN. At isa pa, 'di ka naman na virgin hindi ba? Ano pa ang inaarte mo? Takot ka bang mabuntis? Eh pwede naman nating ibenta ang baby kapag nagkataon!"

Napabusangot ako sa sinabi ni mama. Hindi niya ba talaga maintindihan na hindi pa ako handa?

Kung mga kasing edad ko lang o mas matanda ng kaunti ang magiging customer ko ay baka pumayag pa ako. Pero 'yung mga lalaking pinagtutulakan nila sa akin? 'Yung mga mayayamang malapit na ma-tegi? Tch. No way over my puke. Baka nga panis na ang semilya ng mga 'yon eh!

"Ma...ayoko pa okay? At malaki-laki rin naman ang kita ko ngayon 'di ba? Nababayaran ko naman na ng paunti-unti ang mga utang mo sa paligid 'di ba?"

Umismid ang nanay ko sa akin at kinuha ang binigay niyang kape at siya na ang umubos nito. Binilisan ko naman ang pagtapos sa reaction paper ko dahil isang oras na lang at duty ko na naman doon sa EDEN. Hindi na ako pwedeng ma-late at mainit na ang dugo ni Madam Celestine sa mga pabebeng katulad ko.

"Pag-isipan mo pa rin, anak. Sayang ang ganda at kinis mo kung hindi mapakinabangan."

Wala sa loob na tumango ako sa sinabi niya at naghintay ng kasunod. Hindi niya kasi ugaling tawagin akong 'anak' kaya alam kong may ginawa na naman siyang hindi ko magugustuhan.

"Ano na ma?" Giit ko. "Alam kong may sasabihin ka pa. Magpapabili ka na naman ba ng make-up mo at—"

"'Yung apat na libo mo pala sa—"

Sandali kaming nagkatitigan ng magaling kong nanay bago ako nakaramdam ng kung anong pagbagsak sa dibdib ko. Hindi ko na siya hinintay na matapos at agad akong tumakbo papasok sa kwarto namin ni Val.

Naabutan ko ang kapatid kong nakahiga sa sahig at nagsusulat. Gulat siyang napabalikwas sa akin nang marinig ang malakas na pagkalabog ng pintuan.

"Ate anong—"

Pumunta ka agad ako sa orocan cabinet namin at hinugot ang pinakahuling drawer doon. Inilabas ko ang lahat ng panty ko at hinanap ang perang kinita ko noong umaga na 'yon galing kay Kean na itinago ko sa pinaka-ilalim.

Narinig ko namang umubo sa may pinto si Mama.

"Sinisingil na kasi tayo ni Ising sa renta natin...wala akong pera kaya..."

"Para sa field trip ko 'yun ma!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw.

Para rin 'yun sa prom! Sa graduation gift ko kay Valeria! Sa mga damit na gusto kong bilhin para mapalitan ko na 'yung mga damit kong may butas! Para 'yun sa kakainin natin araw-araw!

Ang dami ko pang gustong isumbat pero hindi ka agad ako makasalita. Hindi ko lubusang maisip kung saan na naman ako makakakuha ng ganoon kalaking pera.

"At 'di ba, binigay ko na sa'yo ang pambayad sa bahay noong isang araw pa? Nasaan na 'yon ma?!"

Imbes na humingi ng tawad ay nandilim ang mukha ni mama at pagalit na lumapit sa akin para hilain ang buhok ko. "Manahimik kang punyeta ka ah. 'Wag mo ako masigaw-sigawan! Ano akala mo...porket kumikita ka na ganyan ka na maka-asta? At mas uunahin mo 'yang pesteng field trip na 'yan kaysa sa pagbabayad ng bahay? Wala na 'yung unang binigay mo! Pinambili ko na ng mga damit ko! At hoy! Ha! Para namang hindi mo kikitain agad 'yan! Ibuka mo na lang ulit ang hita mo sa mga kaklase mo!"

Nang mga oras na 'yun ay hindi ko na napigilan ang umiyak. Sobrang nanlulumo ako sa pagkawala ng pinaghirapan kong pera.

Plano ko na sanang huli na 'yung kay Kean kanina para sa taon na 'to at hindi na ako magpapagamit ulit sa lalaki para lang sa pera. Gusto ko na sana munang ipahinga ang katawan ko kahit saglit lang.

Tapos ganito lang pala ang mangyayari?

"Paano naman 'yung ibinigay ko sa inyong kita galing sa club noong isang linggo 'di ba? 'Di pa rin ba 'yon sapat?"

Natigilan si mama at nag-iwas ng tingin. Pinupunasan naman ni Val ang pisngi kong basang-basa na ng luha. Lahat ng sweldo ko ay ibinibigay ko sa kaniya. Lahat ng kinikita ko sa pagiging puta ng school namin diretso sa kaniya. Diretso sa mga bunganga nila para may makain sa araw-araw.

Ngayon na lang ako nag-ipon para sa sarili ko tapos...tapos...

"Kailangan ko rin kasing bumili ng bagong make up kaya..."

Napasigaw ako sa inis at galit. Hinawi ko ang kamay ng kapatid ko at napahilamos ng mukha.

Nakakapagod naman na 'tong buhay ko! Bakit naman ganito ang nangyayari sa akin!

"Saan ka pupunta?"

Hindi na ako nagpalit o naghilamos man lang. Kinuha ko lang ang wallet kong puro barya ang laman at nag tsinelas na.

"Hoy! Tinatanong kita! Saan ka na pupunta?" Bulyaw sa akin ni mama nang padabog kong binuksan ang pinto.

Huminga muna ako ng malalim para pigilan pa ang mga nagbabadiyang luha na gustong kumawala pa sa akin bago ako nakasagot.

"Magbebenta na ng katawan para may pang make up ka!" Sigaw ko pabalik bago tuluyang tumakas sa pesteng bahay na meron kami.

⚔️⚔️⚔️

Pagdating ko sa pinagtatrabahuan ko, pinagpalit ka agad ako ng mga ate ko doon ng isang makintab na bikini top at pekpek shorts. Tinulungan na rin nila akong mag make-up at mag-ayos ng buhok.

Mabuti na lang daw at wala pa si Madam Celestine kaya nakapag simula na akong mag serve ng beer sa mga customer nang hindi napapagalitan dahil sa pagiging late.

Nandoon ang asawa niya pero tanging paghawak lang sa pang-upo ko ang nakuha ko mula dito.

Kaya kagaya nang nakasanayan, pagiging waitress muna ang toka ko roon habang nag peperform sa stage ang ibang regulars. Nang oras ko naman na para sumayaw sa harapan kasama ng iba pang menor de edad ay nagsimula namang dumami ang mga matatandang customer namin.

May nakita pa akong ibang foreigners na naka-amerikana ang pinapasok ng mga usherettes. Isa doon ay tinuro ka agad ako sa kasamahan niya nang dumaan kami sa kanilang harapan.

"Ito ang costume niyo ngayong gabi ah. Galingan niyo girls, big time ang mga manonood sa inyo ngayon! Good luck! Sana makabingwit kayo ng mayaman!"

Itinaas ko ang thongs at manipis na bra na ipinasa sa akin para suotin. Pakshet. Parang kulang na lang talaga maghubad na kami sa stage!

"Ayos ka lang ba Ara?" Tanong sa akin ni ate Shiela habang inaayusan ako ng make-up.

Si ate ang pinakamatanda sa amin, at siya rin ang pinakiusapan ni mama para papasukin ako dito. Alam niya rin ang lahat ng problema ko sa bahay kaya hindi na ako nag-aalangan sa kaniyang mag kwento.

"Iba rin talaga ang abilidad ng nanay mo eh 'no?"

"Hindi ko na alam ate ang gagawin ko..."

"Gusto mo bang pautangin kita? May natitira pa naman akong ipon..."

Nanlaki ang mga mata ko. Big deal din kay ate Shiela ang pera dahil may dalawang anak siyang pinapakain, kaya hinding-hindi ko matatanggap ang tulong niya. O nang nino man.

Mahirap ng magka-utang na loob sa iba. Dagdag aalalahanin na naman 'yon kung paano makakabayad sa kanila.

"O-okay lang ate Shiela...gagalingan ko na lang ngayon..."

Tumango siya at tinapos na pati ang buhok ko. Simpleng braid lang 'yung ginawa niya sa akin pero bumagay ito sa ganda ng make-up na inilagay niya.

Tiyak makakakuha ako ng desenteng customer ngayong gabi.

"No take home pa rin ba?" Tanong niya.

"Oo ate," ani ko naman.

Sumenyas si ate Shiela sa isang bouncer para sabihing hindi ako magpapauwi kung sakali mang may mag request na customer ng gabing 'yon at hanggang hawak lang. Nag thumbs-up naman ang bouncer at iginiya na ako kasama ng iba pang mag sasayaw, papunta sa stage.

You know I've been hurt before tonight
I'm taking off my shirt, getting way too high again...

"Dibs na ako doon sa naka red tie na oldie ha," bulong sa akin ni Natasha, isa sa mga kasama ko, nang magkasalubong kami sa stage. May step kasi doon sa routine namin kung saan kailangan naming gumiling ng magkaharapan.

Hindi ako kagalingan sa pagkanta pero alam kong may ibubuga naman ako pagdating sa pagsayaw kaya ngumisi lang ako sa sinabi niya. "Bahala ka," sagot ko. Kahit na hindi ako makapag-uwi ng costumer ay tiyak may kita naman ako ng gabing iyon dahil marami namang nagkakagusto sa pagsasayaw ko kaya hindi ako nag-aalala.

"Good," ani nito. Matapos noon ay hinalikan niya ako nang walang pasabi direkta sa labi na ikinasigaw naman ng mga nanonood sa amin.

Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya at matapos namin maghiwalay ay matapang na hinubad ang suot niyang bikini top at inihagis ito sa audience. Sinundan naman siya ng iba pa naming kasamahan na hangad ding makauwi ng costumer.

Itinago ko ang pagngiwi ko nang maraming bastos na salita ang itinapon sa amin ng mga baboy na nanunuod.

Gusto pa nila ng mas malaswa doon pero ako ayoko na kaya marahan ko na lang itinulak si Natasha para hindi siya mapahiya kung sa kali mang may balakin siya.

We're swerving around Mulholland Drive

Got one hand on the wheel, one hand on my thigh...

"Sorry, trabaho lang," nang-aasar na sabi nito.

"Pakyu," nakangiting sagot ko naman bago ko siya iniwan at lumipat na ng ibang side.

Dahil hanggang hawak lang ang pinapayagan kong gawin sa akin ng mga lalaki o babaeng mag tatable ay mas inartehan ko pa ang pag-giling na ginagawa ko. Nagbunga naman ito nang may isang matandang lalaki ang lumapit sa may stage at may hawak na ilang libo sa kamay. Iwinagayway niya ito sa akin. Pinasundan pa ito ng iilang mas malapit sa akin na ikinatuwa ko naman.

Lumuhod ako para kagatin 'yung mga perang ibinibigay nila bago ko isuksok ito lahat sa aking bikini at hawakan isa-isa ang kanilang mga pisngi at maarteng kumindat. "Thank you, darling," ani ko na ikinahiyaw naman nila muli.

Tinapos ko 'yung huling kanta na walang aberya at maraming perang dala. Pagkababa sa backstage ay agad naming ibinigay 'yon kay ate Shiela para i-surrender kay Madam Celestine. Porsyento lang ang makukuha namin doon at sa swelduhan pa namin 'yon mararamdaman.

Ang totong perang kikitain ko sa gabing 'yon ay 'yung makukuha ko sa pag ta-table.

"Ara, 'di ka raw muna mag ta-table ngayon. Pinapatawag ka ni Madam sa opisina niya."

Nasa kalagitnaan na ako ng pagpapalit ng panibagong costume nang pumasok ang assistant ni Madam sa dressing room. Bumagsak ang balikat ko sinabi niya.

Sa pag ta-table na nga lang ako umaasa ng kita ngayong gabi tapos mawawala pa?

"Bakit daw?" Inis kong tanong doon sa napag-utusan. Nagkibit balikat lang ito sa akin at pilit akong pinasunod.

Nagreklamo rin kasama ko si ate Shiela pero nang wala na kaming nagawa ay nangako na lang siyang hahanapan ako ng extra na araw para makapag-sayaw ulit at mabawi ang mawawala sa akin ngayon.


⚔️⚔️⚔️


"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" Bungad sa akin ka agad ng may-ari ng EDEN pagkaupo ko pa lang sa tapat ng mahabang table niya. Marami siyang kasama sa loob. Mga alipores na handang sumunod sa lahat ng iuutos niya. 

Nakasuot siya ng kaniyang signature red dress na abot hanggang talampakan at sari-saring mga gintong kwintas din ang nakasabit sa leeg. Naninigarilyo ito at kasalukuyang kinukulot ang buhok ng assistant niya. Ni hindi man lang niya ako tiningala nang pumasok ako at ipinagpatuloy lang ang paglilipat niya sa magazine na hawak. 

Kilala si Madam Celestine sa pagiging masungit at terror na boss sa lahat ng night clubs doon sa red district kaya nang makaramdam ako ng takot at pangambang sisisantihin niya ako ay sigurado akong normal lang 'yun para sa kagaya ko. Wala siyang awa sa mga katulad namin. Ayon sa kaniya, mga ipis lang kaming naghahanap buhay.

"H-hindi po," umiling ako at pinagmasdan kung paano nagtaas ang dalawang puti at makakapal na kilay niya sa sinabi ko.

Kung tutuusin mas matanda lang siya ng kaunti kay Mama eh, pero siguro sa kasamaan ng ugali ay maaga siyang naging mukhang matanda at namuti lahat ang buhok niya. Miski 'yung buhok niya sa napakalaking nunal niya sa kilay ay namumuti na rin.

"May nag reklamo sa aking customer noong Linggo."

"Tungkol po saan?"

"May mga marka ka raw sa kamay," sambit nito.

Awtomatiko tuloy akong napahawak sa magkabila kong braso at pala-pulsuhan. Pinagtitigan ko at nakita ngang may lumilitaw na mahahabang peklat dito kahit na nalagyan ko na ito ng make-up kanina. Hindi maganda ang bagong concealer na nabili ko! Humuhunas!

"W-wala naman po ito, Madam. S-sugat lang po noong nag ka riot sa amin..." palusot ko sa kaniya.

Mabilis kong itinago ang mga kamay ko sa likod ko.

"P-promise po, wala lang ito. Lagi ko rin po itong tinatapalan. Baka lang po masyado akong napawisan kaya nila nakita. H-hindi na po mauulit."

Nagsimula na akong pagpawisan nang isipin ko kung sino-sino pa ang nakakita ng mga ito. Sinigurado ko namang tapalan ang mga peklat ko na 'yon bago pa man ako sumayaw sa stage ah! Sa bahay kaya, may nakapansin? Si Val kaya, nakita niya? Si...Ajax? May nakita kaya siya kaninang umaga?

Pakshet. Huminga ako nang malalim. Hindi na ako naubusan ng problema! Simula sa bahay na ninakawan ako ng sarili kong ina, hanggang dito sa trabaho! Napakamalas ko naman!

"Tumigil ka na. Hindi mo ako maloloko," matabang nitong sambit at pinandilatan din ako na mukhang nanggigigil.

"I already handled several pathetic girls like you, Ara. Kilala ko na kayo. Now, wala akong paki kung gusto mo ng mamatay, basta lang 'wag mo ipakita 'yang kabaliwan mo sa mga customer ko!" singhal niya pa sa akin. Agad akong napaiwas nang inihagis niya sa akin ang hawak na magazine. Tumama ito sa upuan sa tabi ko at natahimik ang lahat sa kwarto. 

Naglakad papalapit si Madam sa akin at dinuro ako nang dinuro. "Kilala ang EDEN ko na may mga malilinis na babae. Mga makikinis! Pristine! Hindi suicidal! Kung gaganyan ka rin lang, sana ituloy mo na sa susunod para 'di ka na makaperwisyo ng negosyo! Binabayaran nila ako para sa mga katawan niyo, tapos bibigyan ko sila ng damaged goods? Ano na lang masasabi ng mga tao tungkol sa EDEN, huh?"

Marami pa siyang sinabing kung ano-ano tungkol sa ginawa ko raw na pagsira sa reputasyon niya pero para na lang akong nabingi at 'di makagalaw sa kinauupuan.

Tumatagos ang mga pinagsasabi niya sa akin habang bumalik na naman ang isip ko sa madidilim na panahon kung kailan ko nakuha ang mga peklat ko na pilit kong itinatago. Nang mga oras na 'yon ay nakaramdam ako nang matinding kagustuhang balatan ang sarili at tanggalin ang mga peklat na ayaw nilang lahat na makita.

Putang ina. Isang taon ko na nilalabanan ang mga sarili kong demonyo. Hindi ko akalain na sa ilang salita lang ni madam Celestine tungkol sa mga markang nagawa ko sa sarili ay pawang nawawalan na naman ako ng lakas na lumaban.

Sana nga talaga itinuloy ko na lang, sabi ko sa aking sarili pagkalabas ko ng opisina niya. Dire-diretso akong naglakad patungo sa entrance ng nightclub— Namamanhid at parang lumulutang na naman ang kaluluwa ko sa kawalan.. Sana itinuloy ko na lang talaga para matapos na ang lahat ng mga problema, tang ina. 


***


⚔️⚔️⚔️
comment | vote | share the love | thank you! | both russian and morsamoris words and their meanings nandoon sa part ng caution + dictionary
#DestroyMeWp

Continue Reading

You'll Also Like

4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
30.4K 1.3K 66
Akira Alexies Jane Smith. Isang Mafia Queen at Gangster Queen. Isa siyang gay na may taglay na ganda meron siyang kulay pula na mata na nag sisimbolo...
61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
19.9K 1K 24
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.