Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

In Denial

677 51 32
By jmaginary

EINDREID

"Good morning, bati sa akin ni Chord pagkapasok niya ng room. Tinignan ko lang siya at tinanguan.

"Morning." 

Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya nang maigi. Last time I checked, wala siyang salamin at definitely hindi malabo mata niya. I assume that if a person's vision has dysfunctions, they will absolutely squint without glasses; 'Di bale nalang kung may contacts siya. 

"Chord? May grado 'yang salamin mo?" Naramdaman ko ang presensya ni Janina sa likuran ko nang gumawa siya ng isang tunog na parang may nilapag. I think it's her bag though. Tumingin sa kaniya si Chord.

"Yes," maikling tugon ni Chord. Sumandal naman ako kaya nakita ko ang pag-upo ni Janina sa upuan niyang nasa tabi ko lang. Hawak niya ang cellphone niya at sa tingin ko, kinausap na naman niya 'yong syota niyang si Gane. 

"Mataas?" tanong ulit ni Janina. Tumango nalang si Chord. 

Hmm. I really find it weird. Bakit parang ang tahimik ni Chord ngayon? Hindi naman siya ganito ka-distant kahapon. 

Itinaas ni Janina 'yung kamay niya. "Sige nga. Ilan 'to?" pagbibiro ni Janina kay Chord but the latter gave her a glare. 

Chord clicked her tongue before replying, "First of all, my vision is only blurry and it doesn't create doubled images. Can you people just stop stereotyping everyone who's wearing glasses?  Nakakakita kami. Nakakaaninag. But we ain't cross-eyed." 

Bumakas ang gulat at hiya ni Janina dahil sa sinabi ng babaeng moody habang ako naman ay nakatingin lang at parehas ng reaksyon. 

D-did she just....

I dropped Janina an apologetic glance before I turn my head to Chord. "You're not taking this too far, do you?" I asked, attempting to lighten up the mood. She just rolled her eyes and sigh. Tumingin siya sa harap at nagpalumbaba.

"Fuck this day," usal niya. Nagkatinginan nalang ulit kami ni Janina after that. Hindi man kami nag-usap orally, pero gamit ang mga mata namin, parang nagkaintindihan kami. 

Nagkaintindihan na huwag munang makisabay sa init ng ulo ni Chord ngayon.

"Good morning class." Tumayo na ako agad nang pumasok si Ma'am Inah, 'yong bio teacher namin sa room. Pinaupo niya rin naman kami agad at ipinaliwanag 'yong gagawin naming activity ngayong araw.

I really find it interesting  na we are going to make a 3d Cell Model using edible materials. This is my first time experiencing something hands on like this! Nakatutuwa lang.

"Ito na 'yong sa akin," saad ko at inilapag ang nips na dala ko sa gitna ng bilog namin. Pinaggrupo na kasi kami ni Ma'am Inah matapos niyang ibigay 'yong instructions. Simple lang naman requirement niya; ma-present nang maayos lahat ng parts ng Cell gamit ang edible materials, kaya heto kami ngayon, nagtututulong-tulong gumawa ng Pancit Canton Cake.

"Teka lang. Ayaw talagang malagay sa gitna ng pakwan 'yong bubblegum na 'to, e!" reklamo ni Jerome habang pilit na isinisiksik ang bilog na bubble gum sa gitna sa pakwang wala na ang 1/4 ng katawan. Tumutulo-tulo na pati sa sahig 'yong katas kaya in a way, nagkakalat narin kami. 

Napabuntong hininga ako. Marami-rami rin kaming lilinisin, ah. 

Umiling si Hansel. "Huwag nating gawing base 'yang pakwan. "Inilabas 'yong rectangular niyang baunan." Dito nalang sa Pancit Canton na dinala ko."

Naglagay naman siya ng plato sa gitna tapos pinataob niya 'yong baunan na may laman na Pancit Canton. Nang inalog niya it nang kaonti ay bumaba ang laman nito, at kahit wala na ang Pancit Canton sa baunan, hugis parihaba pa rin siya. Hindi ko maiwasang mapatawa sa itsura.

"Ayos 'yan ah," komento ni Chord. Napatingin naman ako sa kaniya at medyo nakangiti na siya. I can't stop myself from smiling too. At least, she's a bit okay now.

"Sayang naman 'tong Pakwan. Nagmakaawa pa ako kay Mama na bigyan ako nito, e! Hindi naman pala gagamitin. Kakatampo mga pare," usal ni Jerome at bumusangot. Tinapik-tapik naman siya ni Hansel at Ramil.

"Ayos lang 'yan, pre. Kainin nalang natin," suhestyon ni Ramil. Sumang-ayon naman lahat kaya hinati-hati na namin 'yong pakwan. Share-share din kami sa bawat slices. 

"Tignan mo 'tong grupo na 'to. Hindi pa sila tapos pero nakain na sila." 

Halos mabulunan kaming lahat nang mapansin kami ni Ma'am Inah. Napangiwi nalang ako. Oo nga pala. Malinaw ang pagkakasabi niya na after naming maayos 'yong 3d Cell Model at ma-present sa kaniya, doon lang kami pwedeng kumain. 

Nagkatinginan nalang kami ng mga kagrupo ko at bahagyang tumawa. Ayos lang 'yan. Tinawanan nga lang kami ni Ms. Inah.

"O siya, balik na sa paggawa. Kumpleto na ba 'to?" sambit ni Hansel at siniyasat 'yong gawa naming Pancit Canton Cake. 

"Hindi ba tayo magdadagdag ng mga proteins?" singit ko naman. Bigla namang sumulpot ang kamay nung isa naming kagrupo na si Zerin at may hawak siyang nilupak.

"Ito pwede to, oh. Lagay niyo sa gilid, mukha na siyang integral protein," aniya. Sinunod naman agad ni Hansel ang sinabi nung kagrupo namin kaya mas lalong dumami ang sahog nung Pancit Canton Cake namin.

"'Yong Peroxisome ba, ilalagay pa natin?" tanong ko naman. Nakita ko kasi siya sa notes ko.Nag-advance kasi ako nang slight sa Bio dahil nakakagulat minsan magtanong si Ms. Inah. Katulad nalang ng mga taong nag-ambag sa Cell Theory, hindi keri ng stock knowledge 'yon, lalo na kapag hindi talaga tumatak sa memorya. 

Tulad ng computer, kailangan ding mag-refresh ng utak.

"Magkaiba pa ba sila ng Lysosome?" tanong naman ni Zerin. 

Tumango ako. "Ang alam ko."

I'm certain na magkaiba sil,  pero hindi ko matandaan kung ano ang pagkakaiba. Basta ang alam ko, parehas silang responsible sa digestion.

"As far as I recall, 'yong Lysosome ay 'yong organelle na tumutunaw ng mga unwanted materials na nasa cells. Kung minsan may mga excess na products, sila nagda-digest. Habang si peroxisome naman, meron siyang enzyme na ang pangalan ay catalase. Isa 'yon sa mga tumutulong para magkaroon ng decomposition ng Hydrogen Peroxide at maging water at oxygen ito," pagpapaliwanag ni Chord. 

Lahat naman kami ay nakatingin lang sa kaniya at hindi nakaimik agad. Um, hindi naman siya gano'n ka Bio addict diba? This is her nth time impressing us with her oh-so-computer brain.

"I-ikaw nalang mag-explain mamaya kay Ma'am Inah, okay?" suhestyon ni Hansel. 

Tinitigan naman siya ni Chord gamit ang nagtatakang mga mata pero tumango rin naman siya. "Okay." 

I'm really impressed. Talaga bang ganito siya? I'm considering myself wrong for thinking that she's only memorizing everything from the start. She really knows what she is talking about. 

Henyo talaga.

"Ayan, kumpleto na!" bulalas ko at binitbit 'yong Pancit Canton Cake namin. Kung tutuusin ang cute naman niyang tignan, talagang nagmukha siyang Eukaryotic Cell. Ang kaso nga lang, ang wirdo lang ng combination niya. Ang main ingredients kasi ay Pancit Canton at Nips.

And ehem, kakainin namin 'to mamaya.

"Sige, i-present niyo na sa akin 'yan," biglang sulpot ni Ma'am Inah. Tinignan ko naman si Chord at nakita ko na naman 'yong blangko niyang mukha. 

(A/N: May picture sa baba para mas makita niyo 'yung gawa naming Pancit Canton Cake HAHAH. Low reso nga lang. At tsaka medyo mahabang explanation 'yung gagawin ni Chord dito para may ideya rin kayo kung sakaling ipagawa 'to sa inyo. I'm selling our ideas guys. Samantalahin niyo na. Sige na. Go back to reading!)

"Ang nagsilbing Nucleolus po namin ay ang maliit na apple na inalisan ng 1/4 na parte. 'Yong bubble gum po na bilog sa loob ay 'yong nucleus, tapos ito pong mga nakatusok na mga jelly beans ay nagrerepresent nung mga proteins at ilang fats na nasa cell. Ito naman pong nilupak ay isang malaking integral protein na kung makikita niyo naman po ay nakasiksik po talaga sa Pancit Canton."

Kalmado lang si Chord habang nagsasalita na para bang sanay na sanay na siya. 

"Tapos po 'yung nips na nasa ibabaw ay 'yong mga ribosomes at ilang products na napo-produce nung cell, habang 'yong mga nasa ilalim po ay ilang proteins din, saka po 'yong phosphorous heads ng phospholipid bilayer."

Napatitig ako sa mga daliri ni Chord habang nagpapaliwanag siya. Parang mga kandila. Mahaba siya, pero hindi mataba. Ideal siguro ang mga kamay niya sa...commercials.

"Iyong mga sour belts po naman na naririto ay nahati sa dalawa. 'Yong may mga nips po na ay 'yong rough endoplasmic reticulum habang 'yong wala naman po, obviously, ay 'yong smooth endoplasmic reticulum. Ito naman pong medyo nalayo na sour belt ay ang golgi apparatus." 

 Tumango-tango naman si Ms. Inah habang nagsusulat sa papel niyang hawak. Sumimple ng ngiti si Chord nang makita ang reaksyon ni Ms. Inah. Napataas ang kilay ko kung bakit nang may maalala ako. Halos mapahampas ako sa ulo ko. 

Oo nga pala, crush na crush ni Chord si Ms. Inah.

"And lastly," pagpapatuloy ni Chord. "Ito naman pong mga medyo oblong na mga candy ay 'yong mitochondria. 'Yong tatlo naman pong mga bubble gum na magkakaiba ng kulay ay ang lysosome, peroxisome, at centrioles." Binuhat ni Chord ang model namin at siya'y ngumiti. "At ito po ang aming Pancit Canton Cake ala Eukaryotic Cell."

 "Kailangan niyo 'yang kainin, ha?"pagbibiro ni Ms. Inah at bumungisngis  pa bago lumipat sa kabilang grupo.  

Namigay naman na ng mga tinidor 'yong mga kagrupo ko at halos sabay-sabay pa kaming napalunok. 

This is it, pancit!

"Are you ready, kids?" sambit ni Hansel.

"A-aye-aye, Captain..." nauutal na saad ni Jerome habang minamataan 'yong Pancit Canton Cake namin. Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa. Anong trip nila?

"I can't hear you~" kanta pa ni Hansel. 

"Aye-aye Captain!" sagot ulit ni Jerome.

"Ooooh!" paggaya ni Hansel sa opening ng Spongebob at tinusok na 'yong Pancit Canton Cake. Gumaya narin kaming lahat at kaniya-kaniya ring subo. 

Napangiwi ako. 

"Anong lasa?" tanong naman ni Hansel habang ngumunguya. Tinitigan ko lang siya pero hindi ko sinagot. Puno pa bibig ko, at saka isa pa, hindi ba't kumakain din naman siya? 

Ano 'yon, hindi niya alam lasa ng kinakain niya?

Lakas ng toyo, e.

Pero, 'yong tunay, hindi ko lang din alam sasabihin ko sa kaniya. Naghahalo-halo na sa bibig ko 'yong lasa. 

"Matamis na maalat na maanghang na maasim na...matamis ulit, pero may halo nang asukal tapos may makatas din na part." Nakakunot na paglahad ni ni Chord ng kaniyang panlasa habang kumukuha pa ng bagong isusubot gamit 'yung tinidor. 

Ngumisi siya. "Masarap din naman," komento niya at sumubo ulit. 

Bleh, nips and pancit canton are not my kind of combination after all. Yikes!

****

"Re-recess ka pa ba?" tanong ni Chord nang matapos 'yong Komunikasyon namin. 

Umiling ako. "Hindi na. Busog pa ako," saad ko at tumingin kay Janina. As expected, may kausap na naman siya sa phone, at si Gane na naman ata.

"Mamaya nalang, baby. Kakain muna ako. Bye. I love you," rinig naming paalam niya at ibinaba ang tawag. Tumingin naman siya sa akin nang may malaking ngiti sa labi.

"Gusto niyo?" tanong nito at bigla kaming inabutan ng Reese Chocolate. 

"Thanks nalang," sagot ko sabay iling. Bigla ko namang naramdaman ang bahagyang paglapit ni Chord sa amin ni Janina.

"Pwede bang sa akin nalang 'yong share ni Reid?" tanong ni Chord habang nakangisi pa nang malapad.

Takaw.

"Alam mo, gahaman ka!" pagbibiro ni Janina at tumawa. 

Napabusangot naman si Chord. "Edi 'yung share ko nalang, akin na nga 'yan!" wika ni Chord at hinablot na 'yong isang chocolate. 

Humalakhak na ako ng tawa. Lakas talaga ng toyo ng dalawang 'to. 

Nahagip naman ng tingin ko ang isa naming kaklase na si Marlene nang kumuha ito ng tubig at nilagok.

"Shit." 

Kumunot naman ang noo ko nang sabay pang nagmura 'tong dalawa kong katabi. Binalik ko ang tingin ko sa kanila at kulang nalang ay may spark na mamagitan sa paraan ng pagtitig nila sa isa't-isa. 

Um, what's happening?

"So..." matay sa sambit ni Chord habang ngumunguya pa ng chocolate. "Kaagaw pala kita kay Marga, Jane?" 

Napa-mental face palm nalang ako. Jane pala pangalan ng katabi ko at hindi Janina. My bad. At hindi pala Marlene, Marga pala. 

At 'yon pa talaga inisip mo!

Shut up, brain.

 "Diba may syota ka na? Akin lang 'yang si Ms. Pretty, okay?" pangunguna ni Chord. Kumunot naman ang noo ni Jani---I mean, Jane.

"Bakit? Bawal humarot? Kayo ba ni Marga? Hindi naman diba?' pagsusungit ni Jane. Unti-unting nahulog ang panga ko sa narinig. 

Syempre, hindi literal pero seryoso, huwag mong sabihing...

"Bi ka rin ba tulad ni Chord, Jane?" hindi ko makapaniwalang sambit.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Yes yes, bakla. Why?" tanong nito. 

My eyes widened. Ibigsabihin...

"Babae si Gane?!" bulalas ko. Napatingin naman siya sa paligid at sinenyasan akong manahimik gamit ang paglapat ng daliri niya sa kaniyang labi.

"Shh ka nga lang. Oo, babae 'yon. At tsaka Gail 'yon, hindi Gane!" 

Hindi ko na mapanatiling composed ang sarili ko. Alam kong nanlalaki ang mga mata ko ngayon.

Ibigsabihin, napapagitnaan ako ng dalawang bi, at 'yong isa, may syota pa! Hindi naman sa against ako sa LGBT, pero hindi talaga ako komportable sa kanila, lalo na't pag may nakikita akong magkasama na magsyota. 

Naalala ko tuloy nung nag-swimming kami ng mga ka-churchmates ko. Nasa public swimming pool kasi kami nag-rent, so halo-halong tao 'yong andoon. Tapos habang lumilipat-lipat ako ng mga pool, may nakita akong dalawang lalaking naghahalikan na nasa gitna nung isang pool. They're making out like it was the last time of their lives! At aaminin ko, nandiri talaga ko nang todo. I had the urge to puke on the spot that day.

But now, this case is different. May dalawa akong kaklaseng baliko. 

Maybe it's because of the way I was brought up as a Christian that's why I think like this, at saka I don't really interact with people a lot, so I don't really know how to deal with this...kind of people.

It feels foreign, and it's making me feel uneasy. 

"Hulaan ko. Abegail pangalan ng girlfriend mo no?" Para namang nag-shift from being possessive to being curious itong si Chord nang bigla siyang umupo sa may desk ko. Opo, sa may desk po. 'Yong parte po ng upuan na dapat ay pinapatungan lamang ng kamay o braso, pero hindi ng pwet.

Tumawa naman si Jane. "Yes yes. Ito siya oh!" saad ni Jane at pinakita sa aming dalawa 'yong picture nung ehem, girlfriend niya. Isang babaeng may bagsak na buhok na hanggang braso lang, may full bangs, at nakasuot ng off shoulder na blue. Kulay kape rin ang mga mata niya na bumagay sa bilugan nitong hugis.

Ang ganda. Sayang baliko.

"Naks. Jackpot ka rito ah." komento ni Chord at talagang zi-noom pa 'yung picture. Humalakhak naman si Jane.

"Of course. Magaling ako, e." sabat naman ni Jane. Tumawa rin si Chord at nakipag-apir kay Jane.

Is this what they call two birds with the same feather flock together?

"Sabi ko na iba vibes mo, e. You're listening to Halsey and you're eyeing girls. Hmm. Hindi talaga sumasablay ang aking gay radar." 

Hinampas naman siya ni Jane."Talaga ba? Si Marga ba? Straight ba 'yon?" tanong ni Jane. Pasimple naman silang tumingin kay Marga na kumakain ngayon ng sandwich at walang kamalay-malay na pinagpapantasyahan na ng dalawang katabi ko.

"Hmm, boyish siya, e. I mean, the way a person dress isn't enough to define their sexuality naman,  pero hey,  I think there's a possibility?  And also..." sambit ni Chord at tumingin kay Jane. Naging matalim ang titig nito. "She's mine."

Kinilabutan ako sa tono ng boses niya. 

Weirdo.

"Oo na, oo na. Sa'yo na. Akala mo naman magugustuhan ka rin," pang-aasar ni Jane at tumawa. Bumusangot naman agad si Chord at binato siya ng papel. Umiwas naman agad si Jane.

"Whatever. Pakainin kita ng Pancit Canton Cake namin," sambit ni Chord at sinimplehan ako ng kindat. Hindi nalang ako kumibo. Errr...

"Pancit Canton Cake? May gano'n ba?" tanong ni Jane. Tumango ako at nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"Paano--"

"Sa Bio 'yon. Pero teka lang ha, walang kasama si Marga. Tatabihan ko muna. Kayo muna magkwentuhan diyan," mabilisang paalam ni Chord at mabilis na lumipat sa tabi ni Marga. Nakita ko naman agad ang mukha niyang sobrang lapad ng ngiti.

"Harot," sabay naming saad ni Jane kaya nagkatinginan kami. Hindi nagtagal ay tumawa rin kami at nakipag-apir sa isa't-isa. Oh diba, para lang kaming mga tanga.

"Pakiramdam ko talaga, gutom lang 'to. Tara Cafeteria?" pag-aaya niya. Tumayo naman ako agad at kinuha ang wallet ko sa bag.

"Tara."

Ito palang ang simula ng araw ko pero ang dami na agad nangyari. Sinong makakaisip ang combination ng pancit canton at nips? With matching other candies pa? And I cannot believe that Jane is a bisexual! She's so girly!

But as Chord said kanina, the way a person dress isn't enough to define their sexuality agad.

"I'm sorry," dinig kong saad ni Jane. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtataka. Oh tinamaan na ata 'to ng kabangagan virus ni Chord.

"For what?" I asked. She smiled bitterly at naunang maglakad.

"I know the look in your eyes kanina," pagsisimula niya. "Ang ganda, sayang baliko."

Napaiwas ako ng tingin at napakamot sa batok ko. "I..." Nalunok ko yata lahat ng sasabihin ko. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you in any other way."

"Hindi ka naman namin masisi if you're uncomfortable being with us, because from what I can see, you're brought up as a Christian."

"No, I just..." I don't want to use my religion card here. I sighed and faced her. "I just don't know how to deal with people in general."

"Look," sambit ni Jane at nilagpasan na ako. "You don't have to force yourself to pretend that you are okay with our sexual preferences. It is clear that you are not."

Umiling ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita kasi nakatalikod siya. "Oo, bothered ako pero ayos lang naman sa akin. I mean, hanging out with you guys made me see that you're not really different from us. Just...just let me process all of these, okay?"

This time, humarap na siya sa akin at suot-suot niya na 'yong mga ngiti niya, "Oo naman!" bulalas niya at saka kumindat. "Malay mo..." Pagbibitin niya at hinugot ako. Tinuro niya 'yong pwesto nina Marga at Chord. "May tinatangi ka narin pala, in-denial ka lang."

Agad ko namang binawi. "What? Kay Chord? Dont' say bad words!" bulalas ko. Grabe naman itong si Jane, ano-ano naiisip. 

Humagikgik siya, "Wala naman akong sinabing si Chord, ah?"

####

Hello repapips! Bilis ko mag-update no? Anong masasabi niyo sa 3d Cell Model? Totoong pinaggawa 'yon sa amin e at 'yung pic ay totoo rin. Kung sakali mang pagawain kayo ng ganon, gawin niyo nalang guide hahahha.

Anyways, gusto ko nang suminghot ng Vicks kaya bye bye na. 

Hanggang sa muli!

- Chris Oca (AnimeAddict04)

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
641K 40K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
73.3K 2.2K 13
I am Sunny Esguerra, 18 and depressed. He is Levi Mitchell Hope, a living doll. And yes, in love kami sa isa't isa. Ang kailangan na lang naming gawi...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...