Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Fourteen

280K 4.9K 360
By FGirlWriter

CHAPTER FOURTEEN

Seven years ago...

BIGLANG kinabahan si Dylan nang tawagin ng host ang pangalan niya para sa seventeenth rose ng pinsang si Agatha. Humugot siya ng malalim na hininga at saka nilapitan ang dalaga sa gitna ng bulwagan. Matamis na nakangiti ito habang hinihintay ang paglapit niya.

"Happy birthday, Agatha," bati niya rito at saka inabot ang isang tangkay ng rosas. Nag-bow muna sila sa isa't isa bago sila nagsayaw.

"Akala ko hindi ka na makakarating, Kuya Dylan," anito habang nagsasayaw sila. "Okay ka na ba?"

Kumikirot pa rin ang maliit na pasa niya sa pisngi at ang putok sa kanyang mga labi pero hindi niya na ininda iyon ngayong gabi. Ang mahalaga sa kanya ay makapunta sa pinakamahalagang araw nito.

"I'm fine, Agatha. Lalo na nakita kong sobrang masaya ka ngayong araw," nakangiting sagot niya rito. "Dalaga ka na."

"Bakit ka ba kasi sinuntok nina Kuya Bari?" nag-aalalang tanong nito. "Nag-away ba kayo? Hindi ba sabi natin, wala dapat nag-aaway-away sa'ting magpipinsan?"

Umiling siya. "Kaunting tampuhan lang at sama ng loob iyon. Mga lalaki kami kaya nagkapikunan. Pero, huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit iyon," paninigurado niya pa rito.

Lumabi ito. "Alright. Pero, kahit ano pa rin ang naging tampuhan niyo dapat hindi pa rin kayo nagkakasakitan. Kung puwede ko lang talaga malaman kung bakit kayo nagsuntukan ng ganyan."

You don't have to know that you're the reason why our cousins did these, Agatha. "Huwag na natin pag-usapan iyon, tutal ay ayos naman na. Basta magpakasaya ka lang ngayon. Birthday na birthday mo tapos kami ang inaalala mo."

Ngumiti na muli ito. "Basta, hindi na kayo mag-aaway-away ulit ng ganyan, ah?"

"Hindi na." Inikot niya ito at pagkatapos ay tumunog ang cue para sa huling kasayaw nito—si Tito Philip o ang ama nito ang last rose.

Ngunit bago niya ito iwan ay hinalikan niya ito sa noo. Alam niyang nakatingin sa kanila ang mga pinsan nila at katulad nga ng pinangako niya sa mga ito, he'll forget his feelings for Agatha after that dance.

Pinsan niya si Agatha pero hindi naman sila magkadugo talaga kaya sa tingin niya ay wala namang mali sa nararamdaman. He kept it for two years now. Nang nalaman iyon ng mga pinsan nila noong isang araw, lalo na si Kuya Bari, ay maliit na pasa at putok na labi ang inabot niya...

"May plano ka bang sabihin 'to kay Agatha?"curious na tanong ni Kuya Bari sa kanya

Umiling siya at pinunasan ang dugo sa mga labi. "Wala. Kahit kailan." Walang mali sa nararamdaman niya pero sa harap ng batas ay bawal pa rin iyon. Legal ang adoption sa kanya kaya legal na mga pinsan niya ang babae sa papel.

"Eh, anong plano mo sa nararamdaman mo?" tanong ni Charlie na tinutulungan siyang makatayo kahit pa ito ang malakas na sumuntok sa kanya kanina.

"Itatago. Ibabaon sa lupa. Hindi ko alam." Napamura siya ng naramdaman niya na ang sakit ng suntok nito. Namanhid kasi kanina ang mukha niya na sinapak nito. "Wala naman akong plano na ipaalam pa ito. Ang tingin sa'ting lahat ni Agatha ay mga kuya niya."

"Gago ka kasi. Sa lahat ng puwede mong magustuhan, pinsan pa natin. Sige, sabihin nang hindi mo kami kadugo, pero ano ka ba, Dylan? Agatha's our little princess," saad pa ni Reynald na inaabutan na siya ng packed ice.

"Alam ko naman iyon. That's why I didn't make any move to pursue her. Alam ko naman ang batas." Napangiwi siya ng idikit ang packed-ice sa mukha. Masusuntok niya rin si Charlie, isa sa mga araw na'to.

"Mabuti naman."

Napapalatak siya. "Kaya hindi ko alam kung bakit niyo pa 'ko kailangang suntukin." He cussed again when he felt the pain in his face. "I won't ever put Agatha in an uncomfortable situation."

Walang sumagot sa mga ito.

"Dylan," tawag sa kanya ng pinakamatandang pinsan.

Tinignan niya ito habang nasa pisngi pa rin ang packed ice na hawak.

"Hindi namin 'to ginawa dahil galit kami na malaman na may nararamdaman ka para sa pinsan natin. This our way of telling you, kung gaano kami nag-aalala para sa'yo," paliwanag nito at saka siya nilapitan. "You love her and we know how painful it is to not be loved back the way you want it to be."

Iniwas niya ang tingin rito.

"Pinsan ka namin, Dylan. Loko-loko lang kami minsan pero ayaw naming makita na nasasaktan ka dahil kinikipkip mo ang pag-ibig mo para kay Agatha," dagdag pa ni Ramses.

Napakunot-noo siya. "Matagal niyo na bang alam na..."

"Oo,"  sagot ni Gideon. "Madalas namin napapansin na iba ang effort mo kapag nagpapatulong sa'tin si Agatha, and even the way you look at her... Lalaki kami, hindi puwedeng hindi namin mapansin iyon."

"How did it start?" tanong pa ni River.

He sighed. "Two years ago. Noong sixteenth birthday niya. I just saw her as a beautiful girl and not our baby cousin anymore. The way she smiles, the way she talks... her sweetness and her positive outlook in life... Sinong hindi siya magugustuhan? At a young age, she shines."

"Kuya Dylan?"

Napatingin si Dylan kay Agatha at nginitian ito. "Ipapasa na kita sa Daddy mo."

Tumango ito. "Huwag ka pala aalis mamaya agad, Kuya, ha? May ibibigay ako sa'yo,"

"Sure." Nang makalapit na ang ama nito ay ipinasa niya na si Agatha at saka bumalik sa kanyang puwesto.

Dalawang oras pa ang nakalipas hanggang sa matapos ang party ni Agatha. Naghintay nga si Dylan dahil curious siya sa ibibigay ng dalaga.

"Kuya!"

Napalingon si Dylan at nakita si Agatha na papalapit sa kanya. Hindi na ang royal blue gown nito ang suot, nakapagpalit na ito ng mas kumportableng damit. Nakalugay na rin ang mahaba nitong buhok na may kulot sa dulo.

"Buti nahintay mo 'ko."

Pasimpleng pinawi niya ang pawis sa noo nito. "Nag-enjoy ka ba ngayong araw?"

"Super! Thank God for all of these! Masarap pala mag-debut, kuya Dylan," masayang sabi nito.

Napangiti siya sa genuine happiness na nakikita niya sa mga mata nito. "Nakita mo na ba ang gift ko sa'yo?"

Mabilis na tumango ito at niyakap siya. "Alam ko sa ibang bansa mo pa binili iyong piano book na iyon. Hindi kaya binebenta rito iyon."

He patted her back. "Minsan ka lang mag-eighteen kaya gagastusan ko na." Hindi birong pagsisiyasat ang ginawa niya sa internet at ilang tao rin ang tinawagan niya para lang mabili ang gusto nitong libro ng mga piano pieces na sa ibang bansa lang nabibili. Luckily, he got to avail before Agatha's birthday. He didn't mind the price he paid. Ang mahalaga, masaya ito.

"Thank you, Kuya Dylan! I'm really blessed to have you as one of my cousins. Sa lahat, ikaw ang pinakamabait," sabay kindat nito sa kanya.

He smiled. "Binola mo pa 'ko."

"Hindi, ah. Ay, nga pla! May ibibigay ako sa'yo." Mula sa purse bag nito ay may inilabas itong isang maliit na box.

"What's that?"

Binuksan nito iyon at may inilabas na isang kuwintas. Itinaas nito iyon sa tapat niya. Tinitigan ni Dylan iyon mabuti dahil magulo ang disensyo, pero maya-maya ay nakita niya ang letter "D" doon.

Binigay nito iyon sa kanya. "Ang sabi mo sa'kin noon, feeling mo, walang iyo."

Bahagya siyang napangiti nang maalala ang unang beses na sinabi niya rito ang saloobin ng isang ampon na katulad niya. His adoptive parents provided him everything, pero hindi pa rin maiaalis sa isipan niya na wala naman talagang kanya.

Kumbaga, lahat hiram niya lang. Kung anong meron siya ngayon, hindi naman magiging kanya kundi lang siya inampon.

"You told me that, kahit man lang isang bagay sana ay mayroon kang 'totoo' talagang iyo."

"Natandaan mo pa iyon?" aniya habang nakatingin sa kuwintas. Nahihiya siyang tignan si Agatha dahil sa pagkakatanda nito sa kadramahan niya two years ago.

"Hindi ko makakalimutan iyon, Kuya. That's the first time a tough cousin of mine opened his heart to me."

He chuckled. Iyon din ang panahon kung kailan inamin niya sa sarili na mahal niya ang dalaga. Paano ay pagkatapos niya magdrama, malambing na niyakap siya nito at sinabing, "Kuya Dylan, we don't really own anything in this world. Lahat ng mayroon tayo, pahiram lang lahat ni Lord. You don't have to be sad that you don't own anything. Instead, we should be happy for all the things that God allowed us to borrow from Him."

Sa sinabi nitong iyon, sino ba namang hindi hahanga ng sobra kay Agatha?

"Saan mo naman 'to nabili?" natanong niya rito habang kinikilatis pa rin ang necklace. Kakaiba kasi iyon at ngayon niya lang nakita ng disenyo.

"I made that for you."

Gulat na napatingin siya rito. "W-What? You made this?"

Tumango ito at ngumiti. "Actually, noon ko pa ginagawa iyan. Nagpaturo ako on how to melt silvers and how to form it. Noong isang araw ko lang natapos," pagkukuwento nito. "I made that reallyfor you para kahit papaano, mayroon kang masasabi na iyo talaga. I hoped you like it, Kuya. I just want you to feel that, finally, you have something that's really meant for you. Something that is really yours."

Humaplos ang mga salitang iyon sa dibdib ni Dylan. Hindi niya na napigilan ang sarili. Niyakap niya ng mahigpit si Agatha. He hugged her up to his heart's content and Agatha does not seemed to mind. Ginantihan nito ang mga yakap niya.

"I love you, kuya Dylan." Saglit na humiwalay ito sa kanya. "Tignan mo yung necklace, may letter 'A' din yan."

Tinignan niya nga ulit iyon at napansin ang letrang 'A'. "Wow. Oo nga, ano?"

"'A' stands for my name. I'll forever be your baby cousin, Kuya Dylan," she sweetly said.

Dylan's overwhelmed, really. "Thank you, Agatha."

Tama lang nga ang desisyon niya na kalimutan na lang ang lihim na pag-ibig rito. Dahil kung papipiliin siya sa pagitan ng pag-ibig niya rito o ang maging pinsan lang ito habambuhay, mas pipiliin niya ang huli.

Sinuot niya na ang kuwintas. "Hindi ko 'to huhubarin," aniya rito na tototohanin niya. Ginawa iyon ng pinaka-espesyal na babae sa buhay niya para lang sa kanya. Kanya ang kuwintas na iyon. Iyon ang unang bagay na matatawag niyang kanya.

"Gusto kong hubarin mo iyan, kuya Dylan, sa panahon na makikita mo na ang totoong 'iyo'."

Napakunot-noo siya. "Huh?" Naguluhan siya sa sinabi nitong iyon.

She just smiled at pagkatapos ay nag-aya na itong umuwi. Napailing-iling na lang si Dylan at napahawak sa kuwintas niya. Mukhang hindi naman darating ang araw na mahuhubad niya iyon.

He'll forever wear it like the way he will keep his feelings for Agatha and treat it like it never existed.

***

Present time...

MAGKAHAWAK kamay na lumabas ng airport sina Lana at Dylan. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan sila nito habang pinapakuha nito sa airport vallet ang kotse nito na iniwan nito sa parking lot ng airport.

Hindi na nagpasundo pa si Lana sa kapatid niya dahil nagprisinta na si Dylan na ihatid siya pauwi.

Habang hinihintay nila ang pagdating ng kotse ay napatingin si Lana sa leeg ni Dylan. "Iyang kuwintas mo, hindi mo ba hinuhubad iyan?" curious na tanong niya rito.

"Kapag naliligo lang at minsan kapag nagwo-work out," sagot nito.

"What's so special about that necklace at lagi mong suot?"

Ngumiti ito. "Ito lang ang kuwintas ko kaya ganoon siguro. Anyway, kailan ulit tayo magde-date?"

"Bukas, puwede ako."

"Ang bilis mo pumayag ngayon, ah," nakangising sabi nito.

She rolled her eyes. "Ewan ko sa'yo."

"Allana."

"Yes?"

"Sino ba kasi yung ka-date mo noong nakita kita sa pastryshop?" tanong nito pero sa malayo nakatingin.

"Hindi ko ka-date iyon."

Napakunot-noo ito. "Akala ko nakipag-date ka?"

"Joke lang iyon. Inaasar lang kita."

"So, who's that guy?"

"Si Eugene. Eugene Arguelles."

"Saan mo nakilala?"

Natawa siya nang maalala kung pa'no sila nagkakilala ni Eugene. "Doon sa pastryshop lang din. Nabuhusan ko siya ng strawberry shake ko," hindi na lang niya sinabi na pinaglaba pa siya ni Eugene ng polo-shirt nito dahil irrelevant naman na, she thought.

Saktong dumating sa harapan nila ang kotse na dala ng vallet. Agad siyang sumakay sa passenger seat. Maya-maya ay nasa manibela na si Dylan pagkatapos ilagay ang mga gamit nila sa trunk ng kotse.

"So, this is it?" pagtatanong nito. "Pagbibigyan mo na talaga ako? Pagbibigyan mo na ang kasal natin?"

She crossed her arms. "Hindi muna ako sasagot. Basta ang alam ko lang ngayon... gusto kitang kasama, Dylan."

Napasipol ito. "Mukhang bumabangon ka na sa kama," he meaningfully said. "Medyo pakibilisan at pag nainip ako, bubuhatin na kita papunta sa kama ko."

She laughed and playfully pinched his ear.

Basta kapag naayos niya na lahat at mas nahulog ang loob niya rito, siya pa mismo ang magbabato ng sarili sa "kama" nito.

***

PAGKATAPOS ng reunion party kagabi ay masayang nakatulog si Lana. Nakangiti pa siyang nagising ngayon. Paano kasi ay pinakiramdaman niya ang sarili kagabi. Dahil magka-batch sila ni Reeve sa drama club ay magkasama sila sa iisang table, at pagkatapos nang ilang pakikipag-usap rito at pakikiramdam niya sa sarili, desidido na talaga siyang kaya na niyang mag-move on kay Reeve.

Bumangon siya ng kama at dumiretso sa sariling banyo. Pagkatapos ay kinuha ang wedding ring niya sa crystal bowl ng mga alahas niya. Sinuot niya iyon at pinakatitigan. Hindi niya alam ngunit bigla siyang nasabik na makita si Dylan. May date sila mamayang gabi eksakto!

Kapag napansin ni Dylan na suot niya ang singsing, dapat ma-gets nito ang talagang sagot niya tungkol sa chance na hinihingi nito. She's really falling for him at sa tingin niya ay handa pa siyang mahulog rito dahil alam niyang sasaluhin siya nito.

Nang makaligo at makapag-ayos ay lumabas na siya ng kuwarto. Nakasalubong niya ang kapatid na bagong gising lang rin at mapungay pa ang mga mata nito habang humihikab pa.

"Prince! Hindi ka papasok ngayon?" tanong niya rito.

"Papasok. Pupuntahan sana kita, eh. May sasabihin ako sa'yo."

Sabay na silang bumaba ng hagdan para kumain ng agahan. "Ano naman iyon?"

"Kagabi, nag-away sina Reeve at Agatha," malungkot na sabi nito. "Malalang away. Nakita pa namin ni Trisha."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Bakit sila nag-away? Mukhang okay naman sila kagabi, ah?"

"Natatandaan mo si Johann?"

Napatango siya. Si Johann ay ang batang professor nina Agatha at Trisha sa isang suubject ng mga ito na kinukuha para sa pangalawang kurso ng dalawa. She met the guy before she met Dylan.

"What about him?"

"Napaghinalaan ni Reeve si Agatha at Johann. Eh, kagabi nandoon si Johann. Nasuntok ni Reeve. Ayun. Half-brother pala ni Agatha si Johann kaya magkasama sila lagi."

"What?!" gulat na reaksiyon niya. Ang saya-saya niya kagabi dahil sa mga realizations niya, iyon pala may mga nangyayari na hindi niya alam.

"Nagkasumbatan kahapon. Tapos si Agatha..." Napatingin sa kanya ang kapatid. "Kinompronta niya si Reeve kung mahal lang ba siya dahil halos magkamukha kayo. You know, issue talaga ang resemblance niyo ni Agatha."

Lalong nanlaki ang mga mata niya. "Ha?! Teka, teka... si Agatha talaga ang nagsabi niyon? Alam naman niya na wala na talagang something sa'min ni Reeve." Bigla tuloy siyang nag-alala para sa mga ito.

"Ewan ko ba. Galit lang siguro si Agatha kaya niya nasabi iyon. Her husband accused her of unfaithfulness. Anyhow, pumunta ngayon si Reeve sa Mama niya, makikipag-reconcile na daw siya. He's ready to fix his issues in life. Galing 'no?"

Napatango siya. "Tama iyon. I think it's about time naman na to talk to his mother. Nako, dapat magkaayos sila ni Agatha bago ang birthday niya. May mga plano pa naman si Reeve."

Inakbayan siya ng kapatid. "Eh, ikaw, naka-move na kay Reeve?"

Napangiti siya. "Well, ready na ready na 'ko. I'm starting by helping Reeve on planning his surprise for his wife. Let's be positive na magkaayos sila agad."

"Ayun naman ang gusto ko talagang marinig," nakangiting sabi nito. "Finally, nakapag-decide ka rin!"

Thanks to Dylan. "Ahm, Prince... may tanong ako."

"Ano iyon?"

"Maiintindihan mo ba 'ko kapag may sinabi ako sa'yong isang bagay na matagal kong tinago... you know..."

Napakunot-noo nito. "Huh? I don't get it."

"Ano... gusto kong malaman kung kunwari, may malaking secret ako na itinago at kapag sinabi ko, maiintindihan mo ba 'ko kung bakit ko piniling hindi agad sabihin iyon?"

Nag-isip ito. "It depends, Lana. Bakit? May tinatago ka ba na hindi mo masabi ngayon?"

"Let's say, mayroon nga... Pero hindi pa talaga perfect time para sabihin sa'yo, sa inyo nina Dad."

Matagal siyang tinignan ng kapatid pagkuwa'y, "Basta matanda ka na. May tiwala naman kami sa'yo. If you wanted time, we will give it to you."

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Maybe, sa date nila ni Dylan mamaya ay mapag-usapan nila ang tungkol sa tinatago nilang "kasal". If she's willing now to work it out, kailangan na rin niyang masabi ang totoo sa pamilya niya.

***

ISANG flowery top na isinuot sa isang red skater skirt na hanggang tuhod ang haba. Iyon ang pinili ni Lana na suotin para sa labas nila ni Dylan kinagabihan. Tinernuhan niya pa iyon ng wedge sandals na may taas ng three inches. Kapapagupit niya lang rin ng buhok. Ang dating mahabang buhok ay hanggang balikat na lang at nadagdagan iyon ng highlights. Naglagay din siya ng light make-up para naman magkaroon ng buhay ang pale white skin niya.

Lahat ng paghahanda ngayon ni Lana ay para kay Dylan. Aaminin niyang nagpapaganda siya para sa lakad nilang iyon. When she admitted to herself that she's really falling for him, lagi na lang siyang nakakaramdam ng kilig sa tuwing naalala ito. Para siyang bumalik sa pagka-teenager dahil doon.

Hindi na nagpasundo pa si Lana kay Dylan at ang usapan nila ay magkita na lang sila sa restaurant na pagkakainan nila. Dahil sa excitement siguro ay napaaga ang dating niya. Napatingin siya sa orasan at nakitang masyado pala siyang napaaga ng treinta minutos. Pero, okay lang kay Lana ang maghintay. Nagpakuha na lang muna siya ng iced tea sa waiter na naggiya sa kanya sa isang bakanteng lamesa.

"Ahm, excuse me?"

Napatingala si Lana at nakita ang isang guwapong lalaki na nakangiti sa kanya. "Yes?" magalang na wika niya.

"You must be Lana? Lana dela Cruz-Aguilar?"

Bahagya siyang nagulat na kilala siya nito. "Yes, I am Lana. Have I met you before?"

"Ah, hindi pa. Let me introduce myself," nakangiting sabi nito at saka inabot ang kamay nito sa kanya. "I'm Charlie. Charlie Anderson Ditangco. Pinsan ako ni Dylan."

"Oh," tanging nasabi dahil sa gulat. "Nice meeting you, Charlie." They shaked hands. Hindi niya alam kung bakit kilala siya ng pinsan ni Dylan.

"Mas masaya akong makilala ka. Lagi kang nakukuwento sa'min ni Dylan."

She shyly smiled. "Talaga?"

Tumango ito. "Oo naman. I think natamaan talaga sa'yo yung pinsan naming iyon. Nga pala, siguro nagtataka ka kung bakit ako nandito ngayon."

"Ahm, medyo... Pinadala ka ba ni Dylan? May nangyari ba sa kanya?" nag-aalalang wika niya. Bigla rin siyang kinabahan.

"No, no. Wala namang nagyari kay Dylan. Actually, chef ako sa restaurant na ito. I was on my way to the kitchen nang mamukhaan kita." Tinignan siya nito habang nakangiti pa rin. "Glad to meet my cousin's wife."

Nabato siya sa kinauupuan at nanlaki ang mga mata. "A-Alam mo...?"

May kalakip ng kapilyuhan ang mga ngiti nito. "Of course. Walang maitatago si Dylan sa'ming lalaking magpipinsan. Pero, huwag ka mag-alala, safe ang sikreto niyo sa amin. We respect your decision to hide it for now."

Unti-unti siyang nakahinga ng maluwag. Hindi niya alam kung safe nga ba ang sikreto nila ni Dylan ngunit dahil pinsan ito ng asawa ay pagkakatiwalaan na lang niya ito.

"Masaya kami para kay Dylan dahil after seven long years ay nakahanap na rin siya ng ipapalit sa first love niya."

"H-huh?"

Napahawak ito sa bibig. "Oh, hell! Hindi mo ba alam?" Napailing-iling ito. "Ibahin na lang natin ang usapa—"

"No, it's okay," pagpigil niya rito. "Gusto kong malaman ang kuwento tungkol sa first love niya." Come to think of it, isang beses lang nabanggit sa kanya ni Dylan ang tungkol sa first love nito na hindi nito tinangkilik dahil sa age gap. After that, wala na itong ibang sinabi.

Napakamot si Charlie sa noo nito. "Basta ang first heartbreak niya sa first love niya ay seven years ago. Unrequited kasi. And by the way, napapansin mo ba iyong necklace na suot niya palagi?"

Napakunot noo siya at napatango. "Oo. Bakit?"

"Galing iyon sa first love niya."

"S-Sa first love niya?"

Tumango ito. "Hindi niya hinuhubad iyon dahil ayaw niyang makalimutan ang unang pag-ibig niya. Pero kami, inaasahan na namin na huhubarin niya na iyon dahil nga... nandyan ka naman na. I mean, there's no more reason for him to still wear that necklace, right?"

Napalunok siya at parang unti-unting namumuo ang selos sa kuwintas na palaging suot ni Dylan. Tama lahat ng sinabi ni Charlie. Kung mahal siyang talaga ni Dylan ay wala ng rason para hindi nito hubarin ang kuwintas na sa first love pa pala nito galing.

"Baka naman nakasanayan na lang ni Dylan na suotin iyon," she reasoned out. Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling lang ang asawa niya nang sabihin nitong mahal siya nito.

"Hmm. Siguro nga. But, I think it would be comfortable if he'll remove the necklace, don't you think?"

Ngumiti lang siya at napatango.

"Sige, Lana, babalik na 'ko sa trabaho ko," paalam ni Charlie. "Anong oras ba kayo dapat magkikita ng pinsan ko?"

Napatingin siya sa kanyang suot na wristwatch. "Fifteen minutes from now."

"Okay. I'll leave you here. Kung anumang order niyo, I'll make sure that it would be delicious para ma-enjoy mo."

Tumango siya. "T-Thank you, Charlie."

He charmingly smiled. "Nice to meet you, Lana. You're really beautiful. Ang suwerte nga naman ni Dylan."

Napangiti lang siya at pagkuwa'y umalis na ito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito ng kitchen. Napalis ang mga ngiti ni Lana at bagsak ang mga balikat na ininom ang champagne niya.

Nawala na ang excitement niya para sa gabing iyon. Dahil sa mga nalaman mula kay Charlie, biglang nanghina ang paniniwala ni Lana kung mahal talaga siya ni Dylan.

Hindi alam ni Lana kung gaano na siya katagal na nakatungo habang malalim na nag-iisip.

"Nandito ka na pala, Allana."

Mabilis na napatingala si Lana sa nagsalita at nagsalubong ang mga mata nila ni Dylan. Yumuko ito at ginawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi. Bahagya siyang napangiti dahil naramdaman niya ang tenderness sa halik na iyon.

"Kanina ka pa ba?" tanong pa nito habang umuupo sa tapat niya.

"H-Hindi naman."

Tinitigan siya nito. "You cut your hair and colored it."

Napahawak siya sa maikling buhok. "Ah, oo. Nagsawa na kasi ako sa mahaba kong buhok."

"Bagay sa'yo. Mas bumata ka pang tignan," puri nito na ikinatuwa naman ng puso niya.

"Salamat."

Ngumiti ito at pagkuwa'y kinuha at binuklat-buklat ang menu. "Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw nang bahala. Sabi naman ni Charlie, kahit anong order-in natin, sasarapan niya ang pagluluto."

Bigla nitong naibaba ang hawak na menu. "Nagkausap kayo ni Charlie?" gulat na tanong nito.

Tumango siya. "Kanina. Nilapitan niya 'ko kasi namukhaan niya daw ako... Alam pala ng mga pinsan mong lalaki ang tungkol sa kasal..."

Sandaling parang natigilan ito ngunit nakabawi rin maya-maya. "Yes, they know. Wala naman kaming matatago sa isa't isa. Ano nga pa lang napag-usapan niyo ni Charlie? Baka may mga kalokohang sinabi sa'yo iyon?"

Hindi niya na napansin ang parang pagka-alarma sa mga mata nito dahil napadako ang tingin niya sa leeg nito at sa suot nitong kuwintas. She felt a light twitch in her heart when she remembered why Dylan still wears the necklace.

"Alam mo, gandang-ganda talaga ako sa kuwintas mo," nasabi niya. "Hindi mo talaga hinuhubad iyan, ano?"

Napatingin ito sa sariling kuwintas. "Ah... oo. Oo."

"It's so much important to you, huh?"

Hindi ito sumagot bagkus ay tinignan siya ng mataman. "Anong sinabi sa'yo ni Charlie?" anito sa malalim at seryosong tono.

She ignored his question. Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. "Sabagay may kuwintas rin ako. Hindi ko matapon-tapon. Galing kasi kay Reeve. Mahahalaga talaga ang mga bagay na galing sa first love, ano?" she mocked him.

Napatiim-bagang ito at mahinang napamura. "Damn you, Charlie," he mumbled angrily.

"Bakit ka nagagalit? Buti nga sinabi sa'kin ng pinsan mo. Mukha naman kasing wala kang balak na sabihin sa sa'kin na galing pala sa first love mo ang kuwintas na iyan."

"Hindi naman na kasi importante na malaman mo pa."

Napataas siya ng kilay. "Ganoon? Okay, fine," supladang tugon niya.

Napabuga ito ng hangin. "Let's not fight, please?"

"Nag-aaway ba tayo?" mataray na tanong niya pa rito.

"Lana—"

"Di'ba, sabi mo sa'kin... susundin mo kapag may inutos ako sa'yo? Na lahat ng ayaw ko, sabihin ko lang and you'll gladly surrender?"

Tumango ito. "Yes, of course. You're my wife and you're entitled to it."

Napalunok siya. "Remove the necklace," utos niya rito.

Nanlaki ang mga mata nito. "W-What?"

"Remove the necklace, Dylan. It bothers me. Paano akong maniniwala na mahal mo 'ko kung hindi mo mahubad ang natatanging bagay na nag-uunay sa'yo at sa first love mo?"

Napailing-iling ito. "This is nonsense!"

"Ayaw mong hubarin?"

"Alam mo, Allana, hindi naman nasusukat ang pagmamahal ko sa'yo kung suot ko ang kuwintas na ito o hindi. Isn't it enough that I wear our wedding ring? Ikaw nga hindi mo sinusuot."

Mula sa lamesa ay ibinaba niya ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring nila. Pasimpleng tinanggal niya iyon at itinago sa bag niya. Hindi nito iyon nakita.

Napayuko siya. Ang bilis niyang masaktan sa dahilan na ayaw talaga nitong hubarin ang kuwintas. Hindi man nito sabihin ay napaka-importante pa rin ng kuwintas para rito.

She picked up her bag and stood up. Wala na siyang ganang kumain at ituloy pa ang date na iyon.

"Honey, where are you going?"

Hindi niya ito sinagot at lumabas na ng restaurant. Mabilis na sinundan siya nito palabas.

"Allana, hey. Please, don't go," he pleaded as he reached for her arm. "Napakababaw ng rason para mag-away tayo ngayon. It's just a necklace, honey."

Hinarap niya ito. "Then, remove it."

Napabuntong-hininga ito. "I can't," mahinang sabi nito habang iniiwas ang tingin sa kanya.

Binawi niya ang braso. "You know, handa na 'kong mag-move on kay Reeve, eh. Kasi gusto ko na ring magmahal ng iba. And if you'll just remove your necklace, you can have me, Dylan."

Napatingin ito sa kanya. "Allana..."

"Hindi ko alam kung mahal mo pa ba ang nagbigay sa'yo ng kuwintas na iyan at ayaw mo talagang hubarin iyan. Hindi ko alam kung naka-move on ka na rin. But you said you love me..."

"I do..."

"Hubarin mo ang kuwintas, Dylan."

Nahihirapang napabuga ito ng hangin. "Allana, please—"

"Magpakita ka sa'kin kapag kaya mo ng hubarin iyan." Tinalikuran niya na ito at saka tuluyang umalis.

Hindi na siya hinabol ni Dylan na ikinalugmok ng puso niya. Kailan ba totoong magiging okay lang ang lahat? Iyong magkakasundo sila ni Dylan at tuluy-tuloy na? Ilang beses na lang na magiging maayos sila ng lalaki at pagkatapos ay magkakagulo.

Kung kailan naman inamin niya na sa sarili na nahuhulog na ang loob rito at saka naman malalaman niya ang tungkol sa kuwintas na iyon...

Agad siyang nakasakay nang sariling kotse at pinaandar iyon. Mula sa rearview mirror ay natanaw niya si Dylan na nakatayo sa labas ng restaurant... Pinanood lang nito ang pag-alis niya habang hawak-hawak nito ang suot na kuwintas.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
13.2K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...