Coffee and Cookies (COMPLETED...

AleezaMireya tarafından

61.8K 2K 252

"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, ma... Daha Fazla

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10

Chapter 9

4.3K 166 13
AleezaMireya tarafından

"Hay naku, Kathryn, kaya umabot ka sa edad na bente-otso na wala man lang maging boyfriend, kasi napakaboring mo! Vodka lang, hindi mo pa subukan. Walang lasa yan!" anang pinsan niya, si Myrtle.

"Oo nga. At saka birthday mo naman, anong masama kung malasing ka?" sabi naman ni Cathy.

"Sakit ng ulo lang ang aabutin ko. Okay na ako rito sa flavored beer."

Mali ang akala niyang sa bahay siya magcecelebrate ng birthday niya. Matapos ang pananghaliang ihinanda ng mga magulang para sa kanya ay niyaya siya ni Maribelle na lumabas. Iyon pala ay dahil may ihinandang surprise birthday party ito, kasama ang mga pinsan niya sa isang resort sa Mabini, Batangas. Nasa bar sila sa loob ng resort at pinipilit siya ng mga pinsan na uminom ng vodka. Pero dahil hindi naman talaga siya mahilig uminom, hindi siya mapilit ng mga ito.

"Naku! Juice na lang 'yan sa mga kabataan ngayon! Ano ka ba naman, Katryn," nakaismid na sabi ni Avie.

"Ayos na ito. Wala akong planong maglasing. May gagawin pa ako sa cafe bukas."

"Cafe na naman. Bakeshop na naman. Napakaboring mo talaga. Pa'no ka magbababoyfriend n'yan? Dapat maglalabas ka! Tingnan mo, sa ating magpipinsan, ikaw lang ang walang boyfriend na kasama," ani Cathy.

Nakakaramdam na nang pagkainis si Kathryn, pero pinipigil niya. Birthday niya ngayon, bawal nainis o nagalit.

"Wala ring boyfriend si Ate Maribelle," depensa niya.

"Si Maribelle ang nakipagbreak sa clingy ex-boyfriend n'ya. At saka sa ganda ng ate mo, sisiw lang doon magkaboyfriend uli. Pinipilahan na nga ng manliligaw ngayon pa lang. Ikaw, kahit minsan hindi pa nagkakajowa," ani Myrtle.

"A word of advice cous', daig nang malandi ang maganda! Kaya go, manlandi ka na. Inumin mo na itong vodka para lumakas ang loob mo," ani Avie.

"Tama!" nagtawanan at nag-apir pa ang tatlo.

Nasaktan siya sa sinabi ng mga pinsan pero pinilit niyang ngumiti. Hindi rin niya inabot ang vodka na inaalok sa kanya.

"Ayoko talaga," ipinatong nita sa bar ang beer na hawak, "pupunta muna ako sa cottage ko, malolowbatt na ang cellphone ko. Magchacharge muna ako."

"Kung ayaw mo talaga, babalik na kami sa restaurant. Doon ka na lang pumunta," ani Cathy.

Tinanguan niya ang mga ito bago siya tumalikod. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya immune sa salita ng mga pinsan na nagpapahaging na sa kanilang magpipinsan, siya ang hindi biniyayaan ng ganda.

Bukod sa talagang lowbatt na ang cellphone niya, magpapalipas lang siya ng inis saka siya babalik sa restaurant.

"Little sister!" Happy birthday!" bati ng Ate Adelline na nakasalubong niya sa pasilyo. Gumanti siya nang yakap sa kapatid. Wala pa ito kanina dahil kaninang umaga lang ito dumating sa bansa, rest period nito, at nagpasabing hahabol sa birthday celebration niya.

"Salamat, ate," nakangiting sabi niya. Lumampas ang tingin niya sa balikat ng kapatid at gayon na lang ang gulat niya nang makita si Rex sa likod nito.

Kita rin niya ang gulat sa mukha ni Rex, maging ang alanganing ngiting ibinigay nito sa kanya.

"Bye the way, I want you to meet Rex, my boyfriend."

"Hi, kumusta? Happy birthday pala."

"Ayos lang. Salamat," sagot niya.

"Happy birthday," iniabot ng ate niya ang regalong dala. "Share na kami ni Rex d'yan. Sana magustuhan mo."

"Salamat, pero hindi na sana kayo nag-abala, ate," tinanggap niya ang regalo, ngumiti siya bago sumulyap kay Rex. "Pumunta na kayo sa restaurant. Sasaglit lang ako sa cottage ko."

"Saan ba 'yon?" anang ate niya.

"Dumiterso lang kayo, ipagtanong n'yo ang reserved area para sa birthday party ko, ituturi na kayo ng mga staff doon. Malolowbatt na ang cellphone ko, magchacharge lang ako. Itatabi ko na rin pati muna itong regalo n'yo."

"Okay. Bilisan mo, ha."

"Opo," aniya, muling nginitian si Rex at saka tumalikod.

Pinakiramdaman niya ang sarili, pero wala siyang sakit na naramdan. Dahil ba sanay na siyang laging nawawala ang interes ng lalaki sa kanya kapag nakita ang isa man sa mga ate niya?

Marahil.

At kung kanina ay nanghihinayang siyang hindi man lang niya inimbita si Matthew para ipakita sa mga pinsan na may manliligaw siya, ngayon ay bigla siyang napaisip. Paano kung isinama niya ang binata at nakita nito ang mga ate niya? Ano kaya ang gagawin ng binata? Mawalan din kaya ito ng interes sa kanya?

Nagpalipas siya nang ilang minuto sa cottage bago iniwan ang cellphone sa kwarto at naglakad pabalik sa restaurant. Nagtaka siya nang mamataan si Rex na kasandal sa dingding sa may pasilyo, lumakad ito pasalubong sa kanya nang makita siya.

"Hi, Kathryn," halata sa mukha nito ang pagka-asiwa. "Happy birthday ulit."

"Salamat. Bakit na rito ka? Si Ate Adelline?" 

"Nasa Lady's Room," ramdam niya ang tensyon at pag-aalangan nito. "Ah, hindi ko alam na kapatid mo si Adelline."

"Hindi ko siya kamukha? I get that a lot. Silang tatlong ate ko, sa side ni Mommy ang kamukha, ako lang ang sa side ng Daddy ko."

Tumango ang lalaki, halatang hindi iyon ang tunay na topic na gustong ipakipag-usap sa kanya. "Tungkol sa panliligaw ko sa iyo noon..."

Binara na niya kaagad ang lalaki, "Nanligaw ka ba?" aniya na sinabayan ng tawa para maibsan ang tensyon ni Rex. "Alam mo, para sa akin kasi, ang nanligaw, yung pinuntahan ako sa bahay, yung nag-effort at personal na sinabi sa akin ang intensyon. Kapag hindi nagpunta, hindi ko kinokonsidera na naging manliligaw ko."

Nakahinga nang maluwag si Rex.

Nginitian niya itong muli, "Bagay kayo ni Ate Adelline. Ingatan mo s'ya," aniya bago nilampasan ito.

Dumiretso siya sa restaurant pero bago pa man siya makalapit sa pinto ay napatigil na siya. Nakita niya si Matthew, nakaupo at kausap ang Ate Maribelle niya. Hawak ni Matthew ang cellphone nito at iniabot sa kapatid niya. Ang Ate Maribelle naman niya ay ngumiti matapos tingnan ang cellphone, muling ibinalik iyon kay Matthew.

Nag-usap sandali ang dalawa, kita niya ang saya sa mukha ng binata. Ang ate naman niya ay nakapangalumbaba pa at nakikinig sa ikinukuwento ni Matthew. Pinindot uli ni Matthew ang cellphone, ibinigay sa ate niya, tiningnan muli ng ate niya iyon, kinuha rin nito ang sariling cellphone at pinindot, wari'y may kinuhang kung anong impormasyon sa cellphone ni Matthew. Matapos iyon ay ipinatong ang mga cellphone sa lamesa at muli na namang nag-usap ang dalawa.

They are talking and acting as if they have known each other forever.

Love at first sight? Sa kanya?

Una pa lang talaga, tama ang pagdududa niya sa sinabi ng binata. Na-love at first sight ang binata, siguro nga, pero hindi sa kanya, sa Ate Maribelle niya iyon naramdaman ng binata.

Sure, cellphone lang iyon, pero personal na gamit iyon ng binata. The intimacy of sharing a personal thing is what struck her. Sa tagal nang pagkakakilala niya sa binata, hindi pa man lang niya nahahawakan ang cellphone nito, pero ang binata ay ilang ulit pang iniabot ang cellphone sa ate niya.

The pain that grip her heart is unbearable. Hindi niya inasahan iyon. Imbes na dumeretso sa loob ng restaurant ay umatras siya. Tears suddenly clouded her vision, she blinked and tried to held them back. She surveyed the room. Everybody is with their respective partners. Siya lang ang wala.

Is this really her birthday celebration? Surprise party ba ito ng mga pinsan para sa kanya, o pagtitipon ng mga ito para ipangalandakan na masasaya ang love life ng mga ito, at ginawang venue lang ang party niya?

She's not close to them, but she thought, why not? They are reaching for her, so she obligued. Akala niya, makalipas ng dalawampu't walong taon, matatanggap na siya sa sirkulasyon ng mga pinsan niya. Clearly, she's not. She was being used. They just want to display how happy their life is.

And how miserable her life is.

Muli niyang nilingon si Matthew at ang Ate Maribelle niya. Nag-uusap pa rin ang dalawa. Ipinagtataka niya kung paano nalaman ng binata ang tungkol sa pagtitipon gayong hindi niya ito inimbita.

Ayaw niyang makilala nito ang mga ate niya. Natatakot siyang mawala ang interes sa kanya ng lalaki oras na makita nito ang mga ate niya.

And look at the two now.

Nag-iwas siya ng tingin. Muling tumingin sa mga pinsan na nagpapaligsahan na tungkol sa mga boyfriend.

Nobody is looking for her. Nobody really care for her. She was a wall flower before, and it sucks to know they still treat her the same.

The tears that she tried to hold back freely flowed on her eyes. 

Natagpuan niya ang sarili niya sa tabing dagat. Nakaupo sa buhangin at nakatanaw sa baybayin. Ang luha ay patuloy sa pagpatak. Tinanggal niya ang pagkakapuyod ng buhok at hinyaan iyong liparin ng hangin. Ganoon din ang gagawin niya sa kanyang sarili, tatanggalin na niya ang lubid na matagal na nakatali sa kanya.

Madalas tuwing nagbabake siya, nakasuot siya ng chef toque. Partly to hide her hair. She is not proud of her hair. Naiinggit siya sa mga ate niya, sa tuwid na buhok, malaporselanang kutis, sa taas, sa personalidad ng mga ito.

But she can never be her sisters. Now that she finally come to terms with that, she somehow felt free.

But hurt. Deeply hurt.

Tears continue to run down her cheeks.

Ang espesyal na pagtingin na naramdaman niya kay Matthew ang nagbigay sa kanya ng kumpiyas na maging siya, na magtiwala na maganda siya. Unique on her own way. Ang sabi pa naman niya sa sarili ay sasagutin na niya ang binata pagbalik niya sa Alabang. Masuwerte pa rin siya at hindi niya ito sinagot kaagad. Paano kung sila na at saka pa nito nakita ang ate niya? She can't bring herself to that thought.

But now, she finally and fully accepted, she will spend her life creating the most wonderful cake she can make. Dahil ang mga cake na ginagawa niya ang tanging bagay na magandang nagmula sa kanya. Buong buhay niya, pakiramdam niya, isa siyang cookie at ang mga ate niya ang cake.

Boring, hard, unappetizing cookie.

Kaya hindi siya nagbabake ng cookies sa cafe nila. Si Aleina ang gumagawa ng mga cookies na ibinebenta nila sa umaga. She focuses on cakes. Dahil kahit man lang doon ay lumevel siya sa mga ate niya.

Pathetic, she know.

But she learned that now. Pagod na siyang maawa sa sarili. Kung laging mababa ang tingin niya sa sarili, sino pa ang titingala sa kaniya? She should appreciate herself more. Kung walang magmamahal nang tapat sa kanya, siya na lang ang magmamahal sa sarili.

At least kahit nasasaktan siya ngayon, may naitulong naman si Matthew sa kanya. Tinulungan siya nitong magising sa katotohanan. Nobody will truly and deeply love her. So, she better love herself.

Pero sa ngayon, kailangan niyang makalimot, kailangang malimutan niya ang sakit sa puso. Tumayo siya, pinahid ang luha sa mga mata at lumakad papunta sa bar.

"Ma'am, hinahanap po kayo kanina ng mga ate n'yo, mga limang minuto na po siguro ng nakararaan. Ibinilin po niya na ipaalam daw po sa inyo na hinahanap nila kayo."

"Ah, oo, nakita ko na sila kanina," aniya, naupo sa bangko sa harap ng counter. "Asan na 'yong vodkang iniaalok sa akin kanina?" aniya sa bar tender.

Kung siya lang ay gusto na niyang umalis, pero hindi maaari, delikado na, kaya imbes na umalis, pipiliin na muna niya ang sandaling paglimot. Alak ang kasangga niya ngayong gabi.

"Ma'am?" anang bar tender, marahil ay nagdududa kung seryoso siya. Kanina ay naroon siya at inaalok ng vodka, pero inayawan niya, tapos ngayon, siya na mismo ang nahingi.

"Sige na, Martin," aniya, binasa ang pangalan sa name plate nito. "Birthday ko, siguro naman, pwedeng maglasing kapag birthday."

Tumango ang bar tender at inabutan siya ng alak.

Inisang lagok niya iyon. Sabi ng pinsan niya ay wala raw iyong lasa, pero para sa kaya ay may kaunting lasa. Parang lasang wheat ang alak kaya hindi siya nahirapang lunukin. Mayroon lang siyang naramdamang kaunting init sa dila at lalamunan. Ibinagsak niya nga baso sa counter. Muli siyang tumingin kay Martin. "Isa pa."

"Sigurado po kayo, Ma'am?"

"Birthday ko nga! Maglalasing ako. Sige na, isa pa!" aniya.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

7M 228K 65
His Punishments can kill you
26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
103K 4.4K 30
(Broken Duology Book 1:Broken Cloud) Cloud Diamante-Alcantara. He's the young man you do not know what he's in. Mabait, magalang, at masunurin. Pero...