SA BABASA NITO

By TheFrustratedPoet

9.8K 114 90

Ito po ay tulang paalala para sa lahat. Maaaring hangaan ka kung aangkinin mo ang alin mang akda dito sa watt... More

SA BABASA NITO

9.8K 114 90
By TheFrustratedPoet

Kung ang aking akda'y iyong natipuhan

Maraming salamat, bago kong kaybigan

Mayron lang tagubiling sa iyo'y iiwan

Nawa'y di angkinin at walang kopyahan

Ang bawat akda ko ay pinagpaguran

Isip, puso't oras, dito ko nilaan

Maaring sa iyo, sila'y simple lamang

Sa akin ay yamang di mababayaran

Ang bawat tao ay may dunong na likas

Minsa'y nakatago kaya't di mamalas

Panulat na hawak malayang ikumpas

Wala ditong bawal pagkat walang batas

Kung nais mo namang ito ay hiramin

Wag kaliligtaang ngalan ko'y banggitin

Upang kahit pano'y kanilang mabatid

Na ang binabasa'y nanggaling sa akin

Ang iyong pagkopya kung walang paalam

Ay matuturing kong kawalang-paggalang

Pagkat tulad nito ay ang pagnanakaw

Pag-angkin sa isang di pinaghirapan.

Humayo't  subukang gumawa ng iyo

May layang sulatin anuman ang gusto

Hanggat may paggalang sa ibang pananaw

Anumang akda mo'y bibigyang respeto.

__________________________~~*~~__________________________

Salamat sa panahong iniukol mo sa aking pahina - ito ang nagbibigay dahilan sa akin upang patuloy na sumulat at magbahagi. Sana'y mabasa mo rin ang iba ko pang mga tula at kwento at makalikha ako ng ngiti/luha sa 'yong mukha. Hindi ko sasayangin ang panahon mo. Lubos kong ikaliligaya kung makapag-iiwan ka ng iyong rekomendasyon, puna o anumang reaksyon patungkol sa aking akda.

Nagmamahal,

Sami Bathan de Ramos

Continue Reading

You'll Also Like

781K 8.3K 52
Highest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong...
2.9K 277 188
Anthology/Book Of Poems Part 3
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]