Coffee and Cookies (COMPLETED...

Von AleezaMireya

61.7K 2K 252

"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, ma... Mehr

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

4.3K 162 2
Von AleezaMireya

"Hoy! Kathryn!" may pumatak na nilamukos na papel sa harapan niya.

"Ha? Bakit?" aniya, napatingin sa kaibigan. Pinagsalikop nito ang mga braso sa tapat ng dibdib at sumandal sa swivel chair.

Nasa opisina sila ng Coffee and Cookies Cafe, napirma ng tseke pambayad sa mga suppliers nila.

"Kanina pa ako kwento nang kwento rito, wala palang nakikinig. Ilang araw ka na raw tulala at walang kibo. Ngayon, naniniwala na ako kina Aleina. May problema ba?"

Binitawan niya ang ballpen na hawak at pinindot ang laptop, "Wala."

"Wala nga. Wala ka sa sarili mo," anito. Pinagulong ang swivel chair papunta sa unahan ng lamesa niya. "Care to tell me what's bothering you?"

"Wala nga," hindi pa rin niya sinasalubong ang mapag-obserbang tingin ni Lynette.

"Sigurado akong hindi tungkol sa bakeshop ang problema. Smooth sailing ang bakeshop n'yo. At nagkatotoo ang sinabi ko, ilang bisita nina Zaira ang umorder sa iyo, lalo na nang natikman nila ang cupcake mo. Sigurado rin akong hindi tungkol sa cafe ang problema, maayos din ang takbo natin. Kung hindi business, personal life. Love life?"

Love life indeed. Dahil matapos niyang aminin sa sarili na mahal niya ang kuya ni Lynette, lalo siyang natakot. Noon, kahit nawawala na lang bigla ang mga manliligaw niya, maliban sa disappointment, wala na siyang nararamdaman. Pero paano kay Matthew? She was tempeted to put him to her ultimate test. But what if, he too, failed?

Kakayanin ba niya?

"Wala na bang pipirmahan? Babalik na ako sa kusina kung ayos na," tumayo na siya sa bangko, pero tumayo rin ang kaibigan niya. Hinawakan siya sa balikat at pinaupong muli.

"Bakit ba kasi? Akala mo ba'y maitatago mo iyan? Sabihin mo kaya, baka matulungan kita," halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Lynette, wala akong problema. Ayos lang ako," aniya, muling tumayo.

Ilang araw na siyang hindi mapakali. Gusto na niyang aminin sa binata na mahal din niya ito. Pero paano siya, kung sakaling katulad din ng mga naunang manliligaw niya ang binata? Nakuha na nito ang puso niya. Her pride is the only thing she have left. Hahayaan ba niyang ibigay ang lahat nang iyon sa binata?

Pinakatitigan siya ng kaibigan, "Sigurado ka?"

Walang ibang makakatulong sa kanya, siya lang. Haharapin naman niya ang bagay na kinatatakutan niya. Pero sa ngayon, mag-iipon pa siya ng lakas ng loob.

"Namimiss ko lang siguro ang pamilya ko. Uuwi muna ako sa Lipa sa Sabado. Dalawang buwan na nang huli akong nakauwi roon," aniya.






"KUMUSTA ang aking bunso?" bungad sa kanya ni Daddy Art pagkababa niya sa kotse. Humalik siya sa pisngi nito at yumapos sa ama.

"Ayos lang po. Ang mommy?"

"Nasa loob, ipinaghahanda ka ng paborito mong ulam. Ang alam ko'y maluluto na iyon. Kanina ka pa nga inaantay," anang ama niya. Ito na ang nagdala ng Blue Berry Cheesecake na pasalubong niya. Paborito iyon ng kanyang ama. Sa isang kamay nito ay hawak naman ang Tiramisu, iyon naman ang paborito ng kanyang ina.

"May tinapos lang po ako kaninang umaga sa cafe at sa bakeshop kaya tinanghali na po ako nang alis sa Alabang."

"Kumusta ang bakeshop at ang cafe?"

"Ayos naman po, Dad."

"Mommy, narito na ang bunso mo," anang ama niya pagpasok niya sa kabahayan.

"Pumarine na kayo sa kusina, saglit na laang itong Kare-kare. Maluluto na ito," anang ina niya, si Mommy Martha.

"Dito ka ba matutulog mamaya?" anang ama niya.

"Gusto ko po sana Dad, kaso wala pong kasama si Tita Demy roon."

"Namimiss ka na namin, anak. Mas matagal pa ang inilalagi mo sa Alabang na kasama ang Tita Demy mo, kesa sa amin ng Mommy mo. Tapos naalis ka kaagad kapag napunta ka rito."

Nakonsensya siya dahil sa sinabi ng ama. Simula nang nag-aral siya, hanggang sa makagraduate at magkaroon ng sariling negosyo ay talagang halos hindi na nga siya nakakauwi ng Lipa. Kapag magpapasko at bagong taon ang pinakamatagal na inilalagi niya sa bahay kapag nauwi siya. Pero nabalik siya kaagad sa Alabang. Ang dahilan niya ay dahil sa negosyo. Pero ang totoo, ayaw lang niyang makasama ang mga kamag-anak sa side ng ina.

Ang ina niya ang taga-Lipa. Ang tatay niya ang taga-Alabang. At kung papipiliin, mas gusto niya sa Alabang, mas panatag siya na kasama ang mga pinsan sa side ng Daddy n'ya kesa sa mga pinsan sa ina. Samantalang ang mga ate niya, kahit kaninong pinsan, walang problema, sa side man ng Daddy o Mommy nila.

"Sige po, tatawag ako sa Tita Demy na dito po ako matutulog ngayon. Bukas na po ako uuwi sa Alabang," aniya sa ama.

"Uuwi? Parang kami talaga ang bakasyunan mo, anak. Dapat dito ka nauwi lagi. Kailan ka ba mapipirmi dito sa atin?"

"Dad, wag n'yo na po masamain ang nasabi ko, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Naroon po kasi ang business ko kaya mas madalas ako roon."

"Magtayo ka na ng branch mo rito sa Lipa. City naman na ito, marami ka na ring magiging costumer dito."

"Tingnan po natin makalipas ang ilang taon. Pero sa ngayon, doon po muna ang focus ko," humulig siya sa balikat ng ama.

"Kahirap ng ganireng apat nga kayo, wala man lang kaming kasama ng ina mo rine. Pare-parehas kayong wala sa bahay. Natuwa mga akong hindi ka flight attendant at pagluluto ang inaral mo, akala ko'y dito ka sa atin. Sa malayo ka pa rin napunta."

"Malapit lang po ang Alabang, Daddy."

"Ano pa nga bang magagawa ko. Malalaki na kayo at may kanya-kanyang desisyon na sa buhay," anang ama niya.

She felt guilty. Sa pag-iwas sa mga kamag-anak ng ina, at dahil totoong nalibang siya sa pinamamahalaang mga negosyo, hindi niya napansin na nakaligtaan na rin niya na may mga magulang siyang dapat pasyalan. Napagdesisyunan niyang i-extend pa nang dalawang araw ang pagtigil sa Lipa para mas makasama nang matagal ang ama at ina.

"Uuwi raw ang mga ate mo sa birthday mo. Sana ay dito ka magcelebrate. Ilang taon na, na nauwi ka rito ay tuwing tapos na ang kaarawan mo."

"Marami lang pong inaasikaso sa cafe at bakeshop."

"Laging iyan ang dahilan mo, anak. Noong bago ang business mo, nauunawaan ko, pero maayos na ang takbo ng mga business mo ngayon. Maging ang kapihan natin ay nadagdagan ang kinikita dahil doon," anang ama niya.

Nagsusupply sila ng kape sa mga local coffee shops sa iba-ibang parte ng Batangas at mga karating probinsiya. Iba-ibang variety ng kape ang tanim nila, may Robusta, Excelsa at Liberica. Ang Liberica ang pinagmumulan ng kapeng barako. Pero hindi tulad ng ibang Liberica na tumutubo sa ibang parte ng Pilipinas, ang Liberica sa Batangas ay maganda ang kalidad. Dahil na rin sa magandang kalidad ng lupa sa Batangas, ang bunga ng Liberica roon ay mabango at matapang. Noong i-display niya sa cafe ang mga kape na kinukuha sa kapihan nila ay marami ang nagpahiwatig na gustong bumili noon, hanggang sa naging regular sales na rin nila ground coffee.

"Hi, Mommy," humalik siya sa pisngi ng ina at yumapos dito mula sa likuran. Sinilip niya ang nakasalang sa kalan. "Ang sarap! Ang lapot ng sarsa!"

"Kakain na tayo. Kanina pa kita inaantay. Akala ko'y lilipas ang tanghalian na wala ka pa rin."

"Sorry po, may inasikaso lang po ako, bago umalis ng Alabang."

"Lagi na lang inuuna ang business. Tama ang ama mo. Sana naman ay dito ka sa atin magcelebrate ng kaarawan mo. Aba'y laging ang side ng ama mo ang kasama mo tuwing kaarawan mo. Tinatanong na ng mga pinsan mo dito sa Lipa kung may nobyo ka raw ba. Ganoon na katagal nang huli ka nilang nakita at nakasama. Wala na silang balita sa buhay mo, anak."
 
Sabagay, walang masama kung dito sa Lipa naman siya magcelebrate ng birthday, tutal, bahay nila iyon. At dahil nasabi ng ama na uuwi ang mga ate niya, tiyak na ang mga ate niya ang mas madalas na kakausapin ng mga pinsan.

"Sige po, aayusin ko po ang schedule ko. Hindi na ako tatanggap ng order sa araw na iyon. O kung sakali man, yung siguradong magagawa ko po ang order, para makakauwi pa rin po ako rito."

Bumitaw siya sa ina at naupo sa lamesa. Naihanda na ng kasambahay nila ang hapag-kainan, maging ang cake na dala niya ay nasa lamesa na rin. Nakapagslice na ang kanyang ama at kumakain na.

Tumawa siya at sinenyasan ang ama na lagot ito sa ina niya pero binaliwala siya ng ama, tuloy ang pagkain ng cake.

"Aba, Artemio! Kumain ka muna ng kanin bago ka magmatam-is," anang ina niya. Ipinatong ang sinandok na kare-kare sa lamesa.

"Konti laang ito, makakakain pa rin naman ako ng kanin," anang ama niya.

"Ano gang kaunti, hayan at mauubos mo ang ang slice," umiiling na sita ng ina niya. "Sa uli-uli nga'y wag mo nang dalhan ang ama mo niyan. Kahirap sawayin."

"Minsan lang naman po, Mommy," aniya, tiningnan ang ama. "Kaya Dad, mamaya mo na po ituloy iyan, kumain na po muna tayo ng kanin."

Kinuha ng ina niya ang platito na may lamang Cheesecake at inilayo sa ama. Maging ang Cheesecake at Tiramisu na nasa lamesa ay ipinalagay muna sa ref.

"Isasama mo ba ang manliligaw mo? Nasabi sa amin ni Ate Demy na may manliligaw ka raw roon," anang ina niya nang nag-uumpisa na silang kumain.

Bukod sa pagbisita sa mga magulang, ang isa pang dahilan ng pag-uwi niya sa Lipa ay para makalimutan panandalian si Matthew. Pero mukhang maging dito ay hindi niya natatakasan ang binata.

"Sabi ni Ate Demy ay kapatid daw ni Lynette," anang ama niya. Kilala ng mga ito si Lynette, naisama na niya ang kaibigan sa Lipa. Nakatulog na rin ang mga ito sa bahay nila noong nagswimming sila sa Laiya.

"Ano ang pangalan, anak? Sinabi na ni Ate Demy, nakaligtaan ko laang," anang ama niya.

"Matthew po."

"Kailan mo siya ipapakilala sa amin, anak? Ang mga ate mo'y ilan na ang naipakilalang nobyo sa amin, ikaw ay wala pa kahit isa," anang ina niya.

Paano siya may maipapakilalang nobyo sa mga ito, hindi na nga siya ligawin, sa tuwing may magkakainteres na manligaw sa kanya ay biglang nawawala rin, oras na makilala ang alin man sa mga ate niya.

"Kung isama mo kaya sa birthday mo, anak? Tamang-tama, hindi lang mga ate mo ang makikilala niya. Pati ang mga pinsan mo. Para matahimik sa kakatanong kung kailan ka raw ba magkakaboyfriend," anang ama niya.

Masarap ang pagkain sa harap niya pero parang nawalan siya ng gana. Hanggang ngayon ba naman? Ayos lang sa kanya kung alam niyang totoong concerned ang mga ito. Pero alam niya ang totoong dahilan kaya interesado ang mga pinsan niya sa love life niya.

"Bakit po ba pinoproblema nila ang tungkol doon? Ako nga po hindi ko pinoproblema iyon. Sabihin n'yo po, busy ako pagpapayaman kaya wala pong panahong makipagboyfriend," aniya, hindi naitago ang inis sa boses.

"Hayaan mo na. Baka gusto lang makilala kung sino ang magiging boyfriend mo. Simula nga naman ay hindi ka nagkanobyo. Nasabi ko na rin na may manliligaw ka. Kaya imbitahan mo para makilala nila. Pati ang mga tiyahin mo, gusto ring makilala si Matthew," anang ina niya.

"Sinabi n'yo sa kanila?" nagulat siya roon.

"Oo, ikunuwento ko rin na araw-araw kang pinapadalhan ng bulaklak, at binibisita ka sa cafe n'yo. Doon siya napunta at hindi ka isinasama kung saan-saan," anang ina niya, halata ang saya mukha.

"Kaya nga kahit hindi pa namin personal na kilala ay boto na kami ng nanay mo. Mukhang mabuting tao. Sana'y makilala na namin siya, anak. Isama mo rito. Tiyak, gugustuhin din ng mga ate mo na makilala ang manliligaw mo na iyan," anang ama niya.

Pero siya ang may ayaw ipakilala ang binata sa mga ate niya. Iyon ang ultimate test niya. At wala pa siyang ipinakilala sa mga ate niya na hindi naakit sa mga ito. Paano kung ganoon din si Matthew?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4M 29.2K 16
Sa panahong nag-join forces ang lahat ng kamalasan sa mundo upang gawing miserable ang buhay mo, anong hihigit pa kaya sa tuwa mo kung makatagpo ka n...
19.6K 297 23
Sypnosis "Huwag kang masanay sa mga bagay na alam mong mag-iexpire, there's no such thing like everlasting love, forever, or whatever. Pinapaasa lang...
1.7M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.