•Narrative•
In-accept ko 'yong Message Request. Bakit?
Una, dahil kaklase ko siya. I need some sort of, pakikisama.
Pangalawa, baka ipagkalat pa ng Mokong na 'di ko siya inaaccept. E 'di issue na naman.
Pangatlo, mukha naman kasing harmless ang Mokong. Sadyang maloko lang talaga siguro.
Pang-apat, wala. Bunga lang talaga ng ka-angaan ang lahat. 'Di ko naman talaga gusto na i-accept siya no'ng una. Kaso, 'di ko sinasadyang napindot 'yong check button. Huhuhu.
Pagka-accept ko, agad na nagmessage ulit si Arrow. Sa pag-uusap namin, doon ko siya mas nakilala. Hindi man sobra-sobra, at least, nalaman ko na ang rason niya bakit parang gustung-gusto niya pa ang pang-aasar sa amin.