She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 7 - "The Contest"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 15 - "Falling"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 17 - "Boy Next Door"
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 32 - "Is it Over?"

29.4K 438 25
By niknicx

Yuri's POV

"Oh ano na, kumpleto na ba lahat?", tanong ni Jazz.

"Kulang pa. Kulang na kulang.", sagot ko naman.

"Huh? Teka nga bruha ka, akin na nga yang maleta mo!", pagkatapos akong hawiin ng gaga na halos ikahulog ko pa sa kama, kinuha nga ang maleta ko tsaka parang inspektor na guard sa MRT na inisa isa gamit ko sa loob.

"Tsk. Alis nga jan! Isasara ko na para matimbang ko na!", inagaw ko ulit tong maleta ko.

"E bat isasara mo na e kulang pa nga diba?", inagaw nanaman niya saken.

"Kulang nga!"

"E bat nga isasara mo na!"

"E hindi naman kasya jan si Chad k.... ARAAAAY!", heto nanaman ang infamous na pambabatok nya sa sexyng batok ko!

"Yaaaan. Yan ang mapapala mo sa kalanturan mo!", iiling iling pang sabe ni Jazz habang sinasara na ang maleta ko.

"Bestfrieeeennd! Mababaliw na k.."

"Matagal ka nang baliw!", pagputol naman niya sa sinasabe ko.

"Huhuhu! Miss na miss ko na si Chad. Sobrang nag-aalala pa ko.", binitawan ko lahat ng hawak ko tsaka umupo sa kama habang nakadukdok ang muka ko sa tuhod ko.

"Bestfrieend, halos 1 week ko na siyang di nakikita. Kahit text hindi siya nagpaparamdam. Pati sa school hindi na rin siya pumapasok. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.", napabuntong hininga nalang ako.

"Haaaay, wag ka na muna masyadong mag isip jan, malay mo naman isusurprise ka lang nun sa airport mamaya. Wala ba kayong pinag awayan?", sa wakas, nagseryoso din tong bestfriend ko. Tumabi pa siya saken pagkatapos ay hinimas pa ang likod ko.

"Wala! Sobrang okay pa kami nung huli siyang nagpunta dito. Pagkatapos nun, hindi na siya nagparamdam. Yung tatlong itlog naman, pumapasok sa school pero umiiwas sila saken bestfriend! Di ko na alam gagawin ko! Aalis pa naman ako.", naramdaman ko na ang pamamasa ng mga mata ko.

"Oy! Wag ka ngang umiyak gaga ka! Pag namaga yang mata mo, hindi ka makakapag photo shoot mamaya! At mas lalong tatagal ka sa Macau. Tapos wala ka dito sa birthday ni Chester. Tapos magtatampo siya sayo. Tapos mag aaway kayo. Tapos magbe-break na kayo. Tapos magiging strangers na tingin nyo sa isa't isa. Tapos m..... ARAAAAAY!", kurutin ko nga sa singit ang bruha!

"HOY! Wag mo nga idamay ang lovelife ko sa lovelife mo. Ang layo ng narating ng storya mo ha!"

"Ouch! Foul yun ah. Ang sakit bestfriend!", umakting pa ang bruha na masakit daw ang dibdib nya.

"Oy, bat kailangan mong maging OA?"

"Aba! Kala mo naman kung sino tong hindi OA?"

Hindi na ko sumagot, yumuko nalang ulit ako sabay yakap sa tuhod ko.

"Tsss. Halika nga dito!", naramdaman ko naman na niyakap ang ni Jazz. Kahit ganito kaming mag-usap, kahit binabara ko siya lagi, ramdam na ramdam kong mahal namin ang isa't isa na parang kapatid na talaga ang turingan namin.

Ala-sais na ng umaga at alas-otso ang flight namin ni Lester papuntang Macau. Hinihintay ko nalang na sunduin niya ko tsaka kami sabay na pupunta sa airport.

Labag man sa loob kong umalis, naisip ko na rin na kailangan ko to para kay Chad. Gusto kong isurpresa siya sa Friday pagbalik ko dito kahit halos isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Oo, madalas siyang ganito, biglang nawawala tapos bigla nalang babalik. Pero iba ang kutob ko ngayon, malakas ang pakiramdam ko na may hindi okay sa mga nangyayari.

"Kiana Babes! Yoooohooo!"

"Kiana Babes!"

"Oy, tama na pagmumukmok mo jan, anjan na yung gwapong asungot.", narinig kong sabi ni Jazz.

Huminga ako ng malalim tsaka ako tumingin sa salamin. Buti nalang maganda ako, ang lakas maka good vibes! Hooo!

"Oy, size 9 1/2 ha! Mura daw dun!", at nagawa pang magbilin ng bruha.

"Oo, alam ko kung gano kalaki yang paa mo! Kagandang babae, panlalake paa!", di na siya sumagot, inismiran nalang ako tsaka binuhat yung hand carry na bag ko habang hatak ko naman tong maleta ko.

"Kiana Babes! Kiana Babes! Kiana Ba...."

"PWEDE BANG TUMAHIMIK KA?", sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Panu naman kase, sigaw ng sigaw e pasikat palang ang araw!

"Oh, wag ka namang mabadtrip. Kagwapong nilalang ng sumundo sayo oh! Dapat nakasmile ka!", todo smile nanamang sabi niya. Kahit kelan talaga, lageng kita ngipin neto pati bagang!

"O iha, aalis ka na pala. Mag iingat ka dun ha? Susulat ka.", biglang sulpot naman ni Tita Tessie sa likod ko habang palabas ng pinto.

"MUDRA! Ang OA mo! Dalawang araw lang si Yuri don! Sulat na agad? Jusko naman tong nanay ko oh!", pambabara naman ni Jazz sa nanay nya.

"Ay ganun ba? E sabi kasi ni Vilma dun sa pelikula nya, susulat daw siya pagdating sa Hongkong.", napafacepalm nalang si Jazz dahil kay Tita Tessie.

"Sige na bestfriend! Alis na, wag mo nang intindihin tong si Mudra!"

"KIANA BABES! AKIN NA YANG MGA DALA MO!", sigaw nanaman nung asungot!

"Oy gwapong asungot na buntot ni Yuri! Mahiya ka naman sa kapitbahay na tulo laway pang natutulog!", mahinang sigaw ni Jazz.

"Sorry naman, naha-hyper lang sa ganda ng Kiana Babes ko.", todo smile nanamang sabi niya sabay kindat saken.

"Halika na nga! Ayokong tumakbo sa airport kaya bilisan na naten.", sabi ko nalang sabay tingin sa paligid na nagbabakasakaling makita ko manlang kahit yung kotse ni Chad :( Pero wala talaga kaya sumakay na kami sa naghihintay na Taxi.

"Ingat bestfriend! Galingan mo ha!", sigaw ni Jazz habang papalayo ang taxi na sinasakyan namin.

"Oh ano Kiana Babes, excited ka na ba?"

"Inaantok ako, gisingin mo ko pag nasa airport na."

"Ang sungit naman ng Kiana Babes ko! Dibale na, maganda ka pa din."

"Alam ko, wag ka nang magulo.", pumikit nalang ako at nagkunwaring tulog dahil gusto kong isipin si Chad. Hindi pa rin nawawala yung pag asa ko na sana magpakita siya sa airport bago makaalis ang eroplano namin. Para sa kanya pa naman tong pag-alis ko. Haaaaay.

*Poke Poke Poke!

"Psssst!"

*Poke Poke Poke!

"Pssst! Kiana Babes! Nandito na tayo", narinig kong sabi ni Lester habang kinakalabit ako.

*Poke Poke Po...

"AAAARG! Oo na!", napasigaw tuloy ako nang di oras dahil sa pangungulit nitong si Lester. Pero nang tumingin ako sa paligid...

"Akala ko ba nandito na tayo?", panu naman kasi nasa gitna kami ng traffic dito sa EDSA. Rush hour pa naman ngayon.

"Nandito na nga tayo! Nandito sa puso ko.", sagot naman nya na may halong nakakalokong ngiti.

Haaaay. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na talaga kong magagawa sa kanya. Binuksan ko nalang ang bag ko tsaka ko kinuha ang cellphone ko. Wala paring message si Chad kahit "Happy Trip" lang ang nakalagay. Hindi kaya nagtatampo siya dahil kasama ko si Lester? Nagseselos kaya siya? Pero alam naman nyang sa kanya lang ako e.

*Poke Poke Poke

Naramdaman ko nanaman ang pangagalabit nitong kasama ko.

"Ano nanaman?"

"Mmmm, Kiana Babes wag ka na masungit pleeeeease!", nag puppy eyes pa ang loko.

"Iniisip mo ba yung boyfriend mong ungas?"

"OY! Ikaw ang ungas! Wag mo ngang sasabihan ng ganun si Chad ko."

"Ooo, high blood na lalo. Oo na sige na, alam ko namang lamang na lamang siya sa puso mo kumpara saken."

Napatingin naman ako sa kanya nang sinabe nya yun. Bigla kong naramdaman na may tinatago siyang lungkot. Oo nga pala, nakalimutan kong nasaktan ko siya dahil naging kami na ni Chad.

"Mmm, I'm sorry."

"Hehehe, okay lang yun Kiana Babes, at least nakakasama kita.", biglang bumalik yung mga ngiti nya na nakasanayan ko na.

"Pero hindi ba siya nagalit na kasama kita ngayon? Kasi nung isang linggo kulang nalang paliparan ako ng kutsilyo nun sa kusina niyo e. Haha!"

"Haaay, hindi ko nga alam e. Mula noon, hindi na siya nagpakita saken."

"Ahhh, kaya ba wala ka sa mood ngayon? Wag ka na mag alala Kiana Babes, hindi ka naman matitiis nun. Sigurado ako, kung hindi man ngayon, pag balik mo dito sa birthday nya, magiging okay na ulit kayo. :))"

"T-talaga?"

"Oo naman! Lalaki ako kaya alam ko yun! Alam kong mahal ka niya. At mahal din kita kaya tignan mo, di ka namin kayang tiisin. Haha!", hindi ako sigurado pero naramdaman kong pilit na pilit si Lester ngayon na maging hyper. Na-guilty tuloy ako bigla. Nasungitan ko pa siya kahit napakabait nya saken.

Ilang minuto pa ang tinagal ng traffic bago namin marating ang airport. Habang inaayos ni Lester ang mga bagahe namin, hindi ko pa rin maiwasan na tumingin sa paligid dahil nagbabakasakali akong nandun si Chad. Pero bigo pa din ako. Wala akong nakita kahit na anino nya.

Chad, ano na bang nangyare sayo?

Maki's POV

"Paksheeet! Bakit ba naman kasi traffic sa EDSA!", sigaw ni Dale na nakaupo sa passenger seat.

"Wag ka ngang sumigaw! Ang ingay mo e!", sagot naman ni Enzo na nasa backseat.

"Oy! Hindi kita kinakausap ha!"

"E sinong kinakausap mo? Yang seatbelt mo? Baliw ka ba?

"Oy, kung meron mang baliw dito, ikaw yun. Abnoy!

"Ikaw!"

"Ikaw!"

"Ikaw ang abnoy!"

"TANG *NA naman oh! Hindi ba kayo titigil? Ngayon niyo pa naisipang magsagutan. Hindi nyo ba alam kung gano kaseryoso tong ginagawa naten?", hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit.

Nasa gitna kami ng EDSA at kailangan naming habulin si Yuri sa airport. Sobrang hindi namin inaasahan ang mga pangyayari. Hindi siya pwedeng matuloy sa Macau dahil siguradong may masamang mangyayari sa kanya! Alam kong hindi mabuting tao si Demi! Pero hindi namin alam na may mas isasama at ikadudumi pa pala ang ugali niya! Wala siyang kunsensya!

*FLASHBACK

"Son"

"Mom."

"Ahhh, good evening po tita.", bati ko kay Witch nang lumabas siya sa pinto ng bahay nila pagkaalis na pagkaalis ni Demi.

"Mr. Kitzman, would you mind giving us a chance to talk?", pagbaling saken ni Witch.

"Mm, no Tita. I'll go ahead.", ito na yata ang pinakamaling desisyon ko. Tumingin ako kay Chester tsaka nagpaalam na umalis.

Mula ng oras na yon, hindi na nagparamdam o nagpakita samin si Chester. Kung ano man ang nangyari, walang nakakaalam. Pero sigurado akong may kinalaman dito si Demi at si Tita.

Martes ng hapon nang mapagpasyahan naming tatlo na magkita kita sa HQ dahil naaalarma na kami sa nangyayari. Nauna kaming dumating ni Dale. Matagal tagal din kaming naghintay kay Enzo. Maya-maya pa biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Enzo na hinihingal at pawis na pawis.

"Dude! Anong nagyare sayo?", tanong ni Dale. Pabagsak namang umupo sa sofa si Enzo sabay inom ng softdrinks ni Dale na nakapatong sa lamesa.

"Pre! Masama to. Masamang masama.", kinabahan ako sa sinabi ni Enzo dahil bihira lang siyang magseryoso ng ganito.

"Sinundan ko yung kotse ni Tita. Hinatid siya ni Tatay Richard sa isang bangko sa Makati. Habang nasa loob siya, lumapit ako kay tatay Richard para makibalita kung anong nangyare kay Chester. Takot na takot yung muka niya habang nakatingin sa entrance door ng bangko kung saan pumasok si Tita."

"Tapos? Sumagot ba si Tatay?", tanong ni Dale. Tatay ang tawag namin kay Tatay Richard na family driver ng mga Adriano.

"Pre, mula nung hinatid mo si Chester sa bahay nila, yun na rin yung huling beses na nakita siya ni Tatay."

"Anong ibig mong sabihin?", nag aalalang tanong ko.

"Wala sa mansyon si Chester."

"HUH? Panu? Nasan siya?", tanong ko pa.

"Hindi niyo ba napansin si Demi? Ang kutob ko magkasama sila.", sagot ni Enzo.

"Hindi Dude. Nakita ko siya sa parking lot ng school kanina.", biglang nabaling ang atensyon namin sa sinabi ni Dale.

"May kausap siya sa telepono, tingin ko yun din ang kausap niya nang marinig mo siya Maki. May sinasabe siya na siguraduhin daw na matutuloy ang plano para kay Yuri. Dude, kailangan nating bantayan si Yuri."

"Pero pano natin gagawin yun? Aalis siya bukas ng umaga papuntang Macau!", sagot ko.

"Kailangan natin hanapin si Chester.", sabi ni Enzo.

"Pero saan natin siya hahanapin? Kung wala siya sa mansyon, mahihirapan tayo dahil kulang na ang oras natin." - Dale.

"Si Chester lang ang may scheduled flight bukas para masundan si Yuri. Masama ang kutob ko sa Lester na yon." - Enzo.

"At isa pa, sabi ni Tatay, may pinapagawa daw na Townhouse si Tita sa Subic. Palagay daw niya ay doon itinago si Chester.", dugtong ni Enzo.

"Ano pa ang ginagawa natin? Halika na!", pag-aaya ni Dale.

"Pero paano kung wala siya dun? Masasayang ang oras natin. Baka di natin abutan si Yuri bago siya umalis.", sabi ko.

"E kung warningan muna natin si Yuri?", suggestion ni Dale.

"Hindi. Hindi niya pa pwedeng malaman. Wala pa tayong sapat na ebidensya. Kilala naten si Yuri, matapang na babae. Hindi natin alam kung ano ang pwede nyang gawin. Baka lalo lang gumulo ang lahat. Halika na, kung aalis tayo ngayon, aabutan natin ang flight niya bukas.", paliwanag ko.

"Ako na ang magdadrive para mabilis.", sagot ni Enzo.

Pagkatapos ng mahigit apat na oras na byahe at paghahanap, narating din namin ang sinasabing Townhouse ng mga Adriano sa Subic. Ineexpect namin na hindi magiging madali ang paghahanap kay Chester. Pero mas higit pa sa inaasahan namin ang naabutan namin sa lugar na yon.

Napakaraming bantay. Mga nakaputing uniform sila na nakapalibot sa buong compound.

Bumaba kami ng kotse at nagtago sa mga halaman na nakapaligid sa bakod ng townhouse. Hindi kami pwedeng magpahuli.

"Ano nang balita sa loob?", narinig naming pag uusap ng mga bantay sa may gate.

"Hindi pa rin daw tumitigil sa pagwawala si sir."

"Aba, matibay yung batang yun ah. Tsk. Tsk. Hayaan niyo, mapapagod din yan.", sagot nung mas nakakatanda. Dahil dito, nasiguro naming nandito nga si Chester at hindi okay ang kalagayan niya.

"Tara na!", sagot ni Dale na sumesenyas na sumugod na kami.

"Hindi! Dito lang muna tayo. Hindi tayo pwede sumugod agad dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari. Hindi natin kabisado ang lugar nato." Alam naming tatlo na kaya naming patumbahin ang lahat ng to, pero pag ginawa namin yun, sigurado akong lalong lalaki ang gulo dahil makakarating kay Tita ang lahat.

"Anong balak mo?", tanong sa akin ni Enzo.

"Hahabulin natin si Yuri bago pa siya makaalis. Ang mahalaga, alam na natin kung nasan si Chester. Bumalik na tayo. Kailangan hindi makaalis si Yuri ng bansa."

*END OF FLASHBACK

"C'mon! *BEEEEEP BEEEEEP! Wala na bang ibang daan?", tanong ko.

"Dude, kahit saan tayo dumaan ngayon, traffic. Rush hour e.", sagot ni Dale.

Napabuntong hininga nalang ako at napayuko sa manibela. Yuri please, wag ka munang aalis!


Yuri's POV

Sa tagal ng inupo ko dito sa waiting area, walang dumating na Chad ko. Sana tama si Lester. Kung nagtatampo man siya, sana pagbalik ko, maging okay na ang lahat. Kailangan ko lang mag isip ng magandang regalo para makabawi ako sa kanya.

"Kiana, let's go. Aalis na ang eroplano.", pagtawag sakin ni Lester.

Sa huling pagkakataon, tumingin pa kong muli sa paligid pero wala talaga. Wala na kong nagawa kundi sumakay ng eroplano at maghintay na dumating ang araw ng byernes.

Natulog lang din ako buong byahe dahil sabi ni Lester, pagdating daw namin sa Macau, deretso shooting na kami.

Nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin na tulala lang ako. Dapat puno ako ng exitement dahil first time ko makapunta dito e. At isa pa, sikat na sikat ang magazine na pagmomodelan ko. Kaso wala, wala akong kagana gana.

"Kiana, hintay ka lang dito ha. Bababa lang ako sa lobby. Parating na daw yung service na susundo sa atin dito papunta sa set. Hihintayin ko lang.", paalam ni Lester. Tumango lang ako.

Pagkalabas niya ay humiga lang ako sa kama tsaka ko naisipan kunin ang cellphone ko. Nakalimutan kong i-check kanina kung nagtext manlang si Chad kaya kahit wala akong roaming number, tinignan ko pa rin. Baka may dumating na message bago pa ko sumakay sa eroplano.


*1 message received

O_____O

Nanlaki ang mga mata ko! Napatayo ako bigla at lumakas ang tibok ng puso ko! Kitang kita ko ang pangalan ni Chad sa inbox ko! HINDI NIYA KO NATIIS :) Nagtext pa din siya bago ako umalis!

Excited akong binasa yung message niya. Chaaaaad my looooves! :)))

From: Chad my loves

Yuri. Yuri. Yuri.. My poor Yuri. Just wanna say, my condolences to your broken heart. Chester and I are getting married. Soon I'll be Mrs. Madeline Adriano. So get lost okay? I don't wanna see your face ever again!

Biglang nagsikip ang dibdib ko dahil sa nabasa ko. Pero bago pa man tumulo ang luha ko napansin kong may isa pang MMS message.

Tuluyan ko nang nabitawan ang cellphone ko tsaka ako napaluhod dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Voice message ang laman ng MMS... Nanginginig na boses ni Chad na hindi ko inasahan na maririnig ko mula sa kanya.

"Ms. Chua. Our game is over. I'm getting married. Goodbye."

----------

may OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT NA SI CHESTER ADRIANO A.K.A COMMANDER :D

Please click the external link :D

STILL LOOKING FOR OPs :) pm me wah. love you all :)))

]

Continue Reading

You'll Also Like

15M 494K 68
Ang Campus Nerd na pinagdidirian at nilalait ng mag estudyante sa RDA. Pero, paano nalang sa isang iglap,ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian...
11.7K 498 14
[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when she discovered the real story behind he...
2.6M 11.8K 5
Si Shirley Evangelista a.k.a agent Crow ay isang agent mula sa BSA. Nagpapangap itong ordinaryong studyante ng Adams University hanggang sa isang rol...
412K 2.3K 5
Every action has good or bad consequence and choosing to live or to die is not easy especially if the one you loved is involved. Zamora Series 1: Ar...