Generation War

By Dark_JED

441 46 0

Taong 1960 nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng pamilyang XEE at RILL, Lingid sa kaalaman ng pamilyang XEE k... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter6
Chapter 7
Chapter8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter12

Chapter 4

26 4 0
By Dark_JED

A/N sobra naman ang pagkabitch ng intro ng pinsan ko sa last chapter ang sama no? pagpasensyahan niyo nalang po hahahaha salamat po sa mga nagbabasa nito kung sino man kayo. We love you all especially sa mga magagandang babae na nagbabasa. Now on with the next chapter
_________________________________________
C H I L D H O O D M E M O R I E S

Nei's PoV"

Nandito na ako sa canteen ngayon kumakain kasama ang maingay kong kaibigan na si kyro.

"Uy bro sigurado kang okay ka lang?"

Nababanas na ako sa ingay nitong lalakeng to sobra. I mean I
appriciate the concern and all but,
he's so annoying.

At biruin mo ilang beses na siyang nagtatanong na kung okay lang ako since nung nakarating kami dito sa canteen. Hindi ko na nga maenjoy ang kinakain ko eh.

"Oo nga! ang kulit mo sobra. Tyaka pwede manahimik ka muna? Can't you see that I'm trying to enjoy my meal here?"

Mahinang sabi ko pero madiin

"Sorry naman. Sadyang nag-aalala lang ako kasi hanggang ngayon namumula pa rin ang yang mukha mo sa sampal at sapak niya eh."

Di ko nalang siya pinansin kasi kapag pinansin ko pa siya mas lalo lang tatagal ang usapan. But he does have a point though, kanina pa nga namumula ang mukha ko dahil sa babae na yun.

Tinuloy ko nang kainin ang meal ko nang may bigla akong nasulyap si gilid ng mata ko. Guess who? The one and only leighra. At sakto pa dahil sa amin siya dadaan. Kaya hinulog ko ang balat ng saging na kinain ko kanina sa dadaanan niya.

Nakita ko kung pano nanlaki yung mga mata niya dahil sa wala siyang makitang makakapitan....kaya bago pa siya nahulog ng tuluyan Sinalo kona siya hindi ko alam kung paano pero sinabi nalang bigla ng utak ko na gawin ko yun eh. Nung nasalo ko siya bigla nalang akong natulala sa kagandahan niya. Sobrang ganda niya talaga parang once in a blue moon ka lang ata makakakita nang ganitong klase ng kagandahan.

Pero syempre hindi ko sasabihin na maganda siya,kaya bago paniya maimulat ang mga mata niya tumikhim at nagsalita nako.

"Ehem! miss baka gusto mo ng tumayo nangangalay na ko, masyado ka atang nasisiyahan."

Nung minulat niya mga mata niya, halatang halata sa kanya na gulat na gulat siya. Kala mo na nakakita siya ng multo.

Bigla nalang siyang sumimangot nung sinabi ko yun. Bakit? totoo naman ah kanina pa siya sa mga braso ko no at nangangalay na ako.

Pero nung patayo na sana siya bigla ko nalang siyang binitawan tsk para naman kahit papano eh makabawi ako sa kanya.

At mas lalo pa siyang na nagalit at namula, nasaktan din ata siya pero sadyang di niya lang pinapahalata. Aba ang taas ng pride mo ah tignan natin kung saan aabot yan.

Pero tumayo siya bigla at lumapit sa akin sabay.... "PAK" sinampal niya ulit ako pero mas malakas kesa sa room. Sa sobrang lakas napatahimik ang buong canteen at lahat ng tao tumingin sa kanya.

Hindi na ako nakapag react pa dahil sa bilis ng pangyayari.

"Ano tinitingin tingin niyo!?"
pasigaw na sagot pagkatapos niyang sabihin yon nilingon niya ko ng may matatalim na tingin at sinabeng
"You want war? then Bring it on"

Napa ngiti nalang ako bigla.

"As you wish"

Alam kong narinig niya pero hindi na siya sumagot.

Napa ngiti nalang ulit ako bigla. Atleast i saw her beautiful face so, it's all worth it.

Bumalik na lang ako sa pagkain ko pagkatapos ng eksenang nangyare pagkatapos nun tinext ko si Luiz.

(SmS)

To: Luiz
Bro, kelan dating niyong dalawa? At saan ba tayo magkikita kita?

Sent

Walang pang isang minuto nang nag reply siya, wow ang bilis niya ah

From: Luiz
Maybe Tom. Morning I'm not really sure kung anong oras pero what i'm sure about is that we will meet at my family's restaurant. Bakit bro miss mo na kami agad? Hahaha.

Napapailing nalang ako sa kalokohan ng gagong to. Pero di na ako nag reply alam niya na yun, bahala siya sa buhay niya matalino naman yun eh gets niya na yun.

Anyways with that aside. Naghihintay ako sa kapatid kong baliw, na dapat nandito na kanina pa. Nasaan na kaya yun, usually di naman siya nalelate ah.

After 5mins tumayo nako dahil wala pa din siya. Ano kaya nangyari sa baliw na yun.

Dumeretso na kaagad ako sa classroom dahil may next subject pa ako. I don't want to get scolded by my freaking english teacher again.

LUIZ's PoV"

I was reading some books when my phone vibrated.

Oh si nei pala ano kailangan ng isang to? Pero syempre di ko malalaman hangga't di ko nababasa. So I read it.

From: Cienzaw
Bro, kelan dating niyong dalawa? At saan ba tayo magkikita kita?

Aba namiss ata kami ng isang to

To: Cienzaw
Maybe Tom. Morning I'm not really sure kung anong oras pero what i'm sure about is that we will meet at my family's restaurant. Bakit bro miss mo na kami agad? Hahaha.

Naghintay ako ng ilang minuto para sa text niya pero walang reply.
Haays di pa rin siya nagbabago tamad  pa rin mag type. Kahit simpleng "Ok" man lang, sa bagay ano pa nga bang aasahan ko sa isang yun.

Ahm Hi Guys, I'm Luiz Rayshin Roah the brains of the gang. Yes I maybe a nerd but I'm also a gentleman and a ladiesman. But keep in mind na malaki ang pinagkaiba ng "Fuckboy" Or "Chickboy" sa Ladiesman. May respeto ako at walang plano manakit ng babae in a physical or in a emotional way.

And by the way I'm not the typical nerd that you know or see. Hindi porke't nerd, e baduy na pumorma or may big glasses. But yes I do have glasses but not the typical nerdy glasses. Yung pang reading glasses lang, pero I only use that when I'm reading. What I usually use are contact lense. That's enough about me for now, let me introduce you about our gang and their personalities.

First ofcourse, our leader
Cienzaw Nei Rill, masungit siya AS IN HAHAHA pero mabait siya pag...........tulog HAHAHAHA. Pero seriously, mabait siya in his own way.

Naalala ko nun kung bakit kami naging magkaybigan.

Flashback

Gusto kong sumali sa mga naglalaro doon sa may playground kaya pumunta ako don.

"Hi, can you be my playmate?"

Nakangiti ko pang tanong dun sa batang naglalaro.

Pero saka kolang napansin na madami pala sila

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis nila ako.

"Who are you?"

Parang nandidiring tanong saken ng bata pero imbes na magalit o mainsulto ako ngumiti ako at naglahad ng kamay.

"Im luiz" sabay lahad ng kamay, akala ko tatanggapin niya yung kamay ko pero nagulat ako ng tinulak niya ako at pinagtawanan ng mga kasama niya.

"Gusto mo kaming maging playmate? Look at you! Your a hopeless and defenseless nerd who can't even stand or fight at his own."

At nagtawanan nanaman sila.
Aalis na sana ako dahil kahit bata pa ako naiitindihan ko na ang ibig sabihin nila, na isa akong mahina.

Pero bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko, may isang batang umakbay saken at sinabeng

"Anung karapatan niyo para maliitin siya? E kayo nga tong madami pero pumapatol sa isang bata. Matapang lang naman kayo dahil madami kayo.
Papalag ba kayo saken!? Ano, isa isa lang at tingnan naten kung sinong duwag"

Akala ko papatulan nila yung batang nagtanggol saken pero nagulat ako dahil nakita ko ang takot sa mga mata nila.

"Ano!? Hindi paba kayo lalayas o gusto niyong sipain ko kayo paalis ng playground na to!?"

Pasigaw na sabe niya sa mga batang nang bully saken kaya ayun, nagsi takbuhan sila.

Napanganga nalang ako dahil ang tapang niya.

Tinapik niya ako kaya bahagyang sumarado yung bibig ko.

"Hi? Ahm..By the way i'm luiz and you are?"

Awkward na tanong kopa dahil sa natatakot din ako sakaniya.

"Im cienzaw" nakangiti niyang sabi.

"Ahm thank you sa pag tanggol ha?"

"Wala yon, basta next time wag kanang mag papa api sa kanila"

Payo niya sa aken kaya lalo akong napangiti at walang hiya hiyang sinabe ko na

"Can you be my Bestfriend?"

"You're already my friend, tara!"

Yaya niya saken kaya nung umuwi ako sa bahay ay ang saya saya ko dahil finally, may kaybigan na ako.

Ang sabe pa niya saken ay may ipapakilala pa siya saken, mga kaybigan daw niya kaya lang next time na lang daw dahil wala yung mga kaybigan niya.

Magmula noon naging magkaybigan na kame

'END OF FLASHBACK'

So..yeah ganun nga ang mga nangyari bago kami naging magkaybigan ni Cienzaw. And I know na napaka hirap paniwalaan na si Nei ang tumulong sa isang walang laban na bata na  katulad ko nun. Hehe I told you he's really kind but he doesn't want to show it often anymore now a days.

Di namin alam magkakaibigan ang rason kung bakit siya naging cold and all pero we know that its really deep.

"Luiz! Help me with this dish and stop your daydreaming over there and help the others too-"Mom

Well, pano ba yan tawag na ako ni Mom, kailangan kong tumulong dito kundi yari ako kay Mom,gusto ko sanang ipakilala pa yung iba kaya lang....tawag na ako so till next time.

That's all for now, bye ladies and gentlemen. See you on the next chapter, especially you beautiful ladies out there.

----------------------------itutuloy-------------------

Continue Reading

You'll Also Like

104K 651 24
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
1M 54.2K 34
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
38.5K 1.2K 22
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
4M 87.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...