When She Became Fierce

By ChocoChocolat

632 1 0

More

Prologue
1
2 - The Past
3- Not Again
4- My First Project
5- Off to Tagaytay - Part 1
6- Off to Tagaytay - Part 2
7- Puzzled
8- The Unexpected

9- The Confrontation

30 0 0
By ChocoChocolat

Ang tagal naman ng oras. "Hayy!" I sighed because of severe boredom. Kung kelan pauwi na at 15 minutes na lang ang natitira saka naman bumagal ang takbo ng oras. Huling subject na bago maguwian. Bakit ba kasi ginawa pang mandatory ang Life and Works ni Rizal. 

I kept on looking at my watch, counting every tic tacs from it. 15 minutes seems like 15 years to me right now. Argghhhh!

"Inip much?" bulong ni Xavier na nasa tabi ko. 

"I have a meeting after class my friend." sagot ko sa kanya.

"With loverboy Carl?" tanong niya na may napaka lapad na smile sa mukha na kala mo eh nanunukso.

"Yes.." tipid kong sagot. "And he's not my lover." dagdag ko sabay irap.

"Class be ready for the final exam, after the final exam next week ay sembreak na." sabi ng professor namin.

"Yooooooooooooon!" sabay sabay na sigaw ng mga classmate ko na excited na sa bakasyon.

Hayy salamat natapos na rin ang klase na ito. Dinampot ko lahat ng gamit ko mula sa upuan at tumungo palabas ng pinto ng classroom.

"Bakit ka ba nagmamadali eh 3pm pa lang?" tanong ni Xavier na hindi ko namalayang nasa likod ko pala.

"I have a meeting with Carl. Ngayon ko ipapakita sa kanya lahat ng Design na ginawa ko for his Resto." paliwanag ko kay Xavier at muling naglakad sa hallway.

"Eh bakit mukhang worried ka? O Excited?" si Xavier ulit.

"Baka kasi hindi niya magustuhan." alalang sabi ko habang pababa na ng hagdan.

"Gusto ka nun." sabay kalabit sa tagiliran ko. 

Baliw talaga 'tong kaibigan ko na 'to. Kahit alam na nila ni Christian na kami na ulit ni Raymond eh tinutukso pa din nila ko kay Carl na as if may gusto sa akin si Carl at as if hindi nageexist si Raymond sa buhay ko.

"Sira Ulo!" sabi ko sa kanya at binatukan siya ng malakas.

"Ang brutal mo my friend." sabi ni Xavier habang kinakamot kamot ang ulo niya,

"May progress na ba yung the moves ni Papa Carl?" pangungulit pa niya.

Kita mo talaga si Xavier. Kala mo Cupid in the making. Grabe kung mag-match ng couple. Yung totoo ano ba pinakain ni Carl sa kanya at panay ang tukso niya sa akin para kay Carl?

"Wala. We don't talk about personal matters.." tipid kong sagot. Naalala ko nanaman yung araw na nakita niya kami ni Raymond. Nag-aalala pa din ako na baka isumbong niya ako kay Papa. 

Paano ko ba siya papakiusapan na wag niyang sabihin kahit kanino? Though he told me na it will be our secret hindi pa din ako kampante. PAano ba ako makakasiguro? Hindi pwedeng malaman ni Papa ang sa amin ni Raymond. Not now. Hindi sila pwedeng madisappoint sa akin. Mahal ko ang parents ko at ayaw ko sila nakikitang malungkot. But I love Raymond as well.

Bakit ba kasi hindi na lang nila magustuhan si Raymond? Nagbago na siya. He became a better man. Nakikita ko 'yun. He's been trying so hard to show me how much he loves me. Mas marami na siyang time for me. Unti unti bumabalik yung tiwala ko sa kanya. He even became sweeter this time. Mas naging thoughtful siya. He never fails to text me and call me everyday kahit na hindi kami gaanong nagkikita. 

"Hoy Stepanyang!" sabi ni Xavier habang winawagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "Anong drama mo at natutulala ka dyan?"

"Wala ang gwapo mo kasi nakaka star struck.. Hahaha!" biro ko sa kanya. Hindi ko masabi kung ano yung nasa isip ko. Saka na lang.

"Yan gusto ko sayo may friend eh, you're too honest." sabi ni Xavier with matching dashing smile on his face.

"Dahil dyan ililibre mo ko." kantyaw ko sa kanya sabay beautiful eyes.

"Di pwede ngayon. Bleh! May meeting ka diba?" sabi ni Xavier

"Ay Sheeez! Oo nga pala. Una na ko may friend malalate na ko sa meeting." sabi ko at saka mabilis na dumeretso sa parking lot.

Nakalusot si Xavier dun ah. Naisahan ako, basta talaga sa panlilibre laging lumulusot yung kaibigan ko na yun.

---------------------------------------------------------------------------

"Blk 4 Lot 17... Asan ba yun?" wika ko sa sarili ko habang hinahanap ang bahay ni Carl. Siya ang kameeting ko ngayong lunch. Nakiusap siya na instead of meeting me somewhere else ay dito na lang gawin sa bahay niya because he still needs to practice in cooking the dishes na isasama sa menu para sa restaurant na itatayo. 

"Ahh ito na pala." wika ko ulit sa sarili ko. Ipinark ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay ni Carl at saka bumaba at nagdoorbell. 

"Oh nandiyan ka na pala? Hindi ka ba nahirapan hanapin yung bahay namin?" sabi ni Carl pagkabukas niya ng gate ng bahay nila.

Simple lamang ang bahay nila Carl. Sa tantya ko ay nasa around 150 to 170 square meters ang lot area nito. Medyo luma na ang disenyo.

"Ahh hindi naman masyado kasi malapit lang dito nakatira yung kakilala ko." paliwanag ko sa kanya habang papasok ako sa loob ng bahay nila. 

"Sino? Si Raymond?" nakangiting tanong niya.

Kinabahan ako noong binanggit niya ang pangalan ni Raymond. Nanumbalik yung kaba ko na kasing tindi ng kaba ko noong nakita niya kaming magkayakap. Natatakot ako dahil baka sabihin niya kay Papa yung nakita niya. Hindi ko pa kayang aminin sa parents ko na kami na ulit ni Raymond. Kung noon hindi sila pumayag tiyak ko na ngayon ay mas lalo silang hindi papayag dahil sa ginawang panloloko sa akin ng boyfriend ko noon.

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Carl instead ay ibinaling ko sa iba yung tingin ko at pinilit kong ibahin ang usapan.

"Who designed your house?" tanong ko kay Carl.

"Trying to avoid the topic? nakangising tanong niya. "To answer your question, second owned ito. Hindi kami ang unang mayari, ibinenta lang ito sa Daddy ko." Paliwanag ni Carl.

Nilibot ko ang mga mata ko sa bahay nila. Wala akong makitang espesyal. Dull at boring ang bahay na ito. Wala man lang accent. Puro puti pa ang kulay. Asan ang taste ng gumawa nito?

"Dito tayo sa kitchen. May niluluto pa kasi ako." sabi ni Carl while leading the way to their kitchen. "Kumain ka na ba ng lunch?" tanong pa ulit ni Carl.

Biglang kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom. "Ahh eh hindi pa ako naglulunch."

Natawa siya ng marinig ang pagkulo ng tiyan ko. "Dito ka na kumain."

"Aba dapat lang noh alangan naman hindi mo ako pakainin. Because you asked me to come over for a lunch meeting you have to treat me lunch." dire-diretsong sabi ko.

Napakunot lamang ang noo niya na para bang nagtataka sa sinabi ko. Hayy... Me and my big mouth. Ano ba itong pinagsasabi ko. Client namin ang kaharap ko pero para akong bata kumilos sa harap niya. Kung nandito si Papa ay tiyak pagagalitan ako nun. Parang naririnig ko si Papa na nagsasalita na "Stef that's not the proper way to talk to a client, be professional act professional."

"Opps I'm sorry, I didin't mean it that way. What I meant is ahhh." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagtawa niya.

"You're funny Stef. I didn't know you have that kind of personality. You're so bubbly." natatawang sabi niya.

Napadiretso ako ng tayo and i acted lady like. Nakakahiya talaga. Ano ba kasi 'tong pinaggagagawa ko. Kung ano sinasabi ko.

"Upo ka." sabay bigay sa akin ng stool at saka ako umupo sa tabi ng kitchen counter.

Muli kong nilibot ang mata ko sa kitchen nila. Sa part ng bahay nila na nakita ko parang ito lang ang maganda.

"Your kitchen is lavishing. I like it." pagpuri ko sa kusina niya. Naku sana makabawi ako sa mga sinabi ko kanina. Sige Stef daanin mo na lang muna siya sa pambobola.

"Thanks! Don't worry Miss Hungry malapit na itong maluto." nakangiting sabi niya.

Ang bango ng niluluto niya. Lalo akong nagugutom. Pinagmasdan ko si Carl habang nagluluto. Ang gwapo din pala talaga ng isang ito, at ang sexy niyang tignan habang hinahalo yung niluluto niya.

"Stef you're drooling. Masarap ba yung amoy ng niluluto ko at naglalaway ka diyan?" natatawang sabi niya.

"Ahh I'm Sorry." sabi ko at pinunasan ko ang kaunting laway ko mula sa labi ko.

Sino ba namang hindi maglalaway? Ang yummy na nga ng amoy ng niluluto niya eh ang yummy pa nung nagluluto mismo. Kung wala lang akong boyfriend at liligawan ako nito ni Carl eh papatulan ko 'to agad. HAHAHAHA! Ang landi mo lang Stef! 

"Tikman mo." sabi ni Carl habang inaabot sa akin ang isang kutsara. "Teka mainit." sabi niya ulit at saka inihipan yung nasa kutsara. "Say ahhhh!" sabi niya habang bahagyang naka nganga at isusubo niya sa akin yung kutsara. 

Sweet-sweetan lang ang peg? Naku Carl tigilan mo ko ha baka bumigay ako sa'yo.. HAHA! Joke

"Ummmm... Eh hindi ko naman nalasahan. Ang konti naman kasi eh dapat madami." pag-angal ko kay Carl. Actually nalasahan ko naman siya. Pero bitin eh dapat madami, gutom na gutom na kaya ako.

"Sige isa pa." sabi ni Carl at muli akong sinubuan ng niluto niya.

"Ahh pwede isang bowl na? Para malasahan ko talaga? protesta ko ulit. Nakakagutom na. Nagrerebolusyon na yung tiyan ko.

"Ang cute mo. Nakakatuwa ka din pala noh? Kala ko nung una suplada ka." Sabi ni Carl. An awkward lang ha.

"Di ko talaga malasahan eh kasi kaunti lang pinapatikim mo dapat madami na." sabi ko para basagin yung awkward feeling.

"Hindi na tikim yun kung madami, kain na yon." Sabi ni Carl habang pine-prepare niya ang plate namin. "Let's eat!" yaya niya sa akin.

Dito lang kami kumain sa kitchen counter nila. Kahit papaano ay comfortable naman. 

"Ang sarap ng kare-kare na niluto mo. Panalong panalo. Alam mo ba paborito ni Papa ito?" sabi ko.

"Really? Sige maguwi ka para may pasalubong ka kay Tito Daniel." 

"Talaga? May take home pa ko? Naku eh dito na lang tayo lagi magmeeting sa bahay ninyo." sabay tawa ko. "Joke lang!" yan nanaman ako hindi mapigilan yung bibig ko.

"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga Stef." Ano ba itong si Carl? Kanina niya pa sinasabi na nakakatuwa ako. Ano ako cartoons? Clown? Performer sa Stand up Comedy Bar? 

Sinimulan na naming iduscuss lahat ng kailangan namin pagusapan tungkol sa restaurant na itatayo. May mga new designs siya na gusto niyang idagdag at may mga iba siyang gustong irevise.

"Oh paano yan uwi na ako baka hinahanap na ako ni Papa eh." pagpapaalam ko sa kanya sabay kuha ng bag ko at T-square.

"Uwi ka na?" tanong nya na parang malungkot yung tono ng boses niya.

"Oo, ayaw mo ba?" pabiro kong sabi.

"Dito ka muna, nood tayo ng movie." sabi niya. Haler? ano daw? iniinvite niya ako manood ng movie for real? anong nakain nito?

"Ako na magpapaalam sa Papa mo." sabi niya pa ulit sabay wink.

 "Wag na, I have to go na rin kasi." sabi ko.

"Date with? What's his name again? Ahh! Raymond. Right, right!" sabi niya. Nakakaasar toh ahh. bakit ba niya laging sinasali si Raymond dito?

"Nope. Thesis, I have to do my thesis work." naiinis kong sagot.

"Really?" tanong nya habang naka cross-arms pa.

"Look! Please I'm begging you don't tell anyone about him." pagmamakaawa ko sa kanya.

"I won't. I promised you that already." matabang na sagot niya.

"Sige na. I have to go home. Good night!" Naglakad na ako palabas ng main door ng bahay niya bitbit ang mga gamit ko.

Gusto kong itanong sa kanya yung bakit niya ako hinalikan noon sa noo noong nasa Tagaytay kami para matapos na lahat ng gumugulo sa utak ko. Pero paano? Nahihiya ako. Ah Sh*t. 

Nasa main door na ako ng bahay ni Carl nang automatic na lumingon ako para harapin siya,

"C-carl.." nauutal kong bigkas sa pangalan niya.

"Yes? May nakalimutan ka?" nagtatakang tanong niya.

"B-bakit mo ko hinalikan noong nasa Tagaytay tayo?" Bakit ba ko nauutal? Kaya mo yan Stef! Stay confident. 

"Me? I kissed you?" nakangising tanogn niya,

"Yes you did! When I was sleeping in the car. You kissed me in my forehead." sabi ko habang nakapameywang pa.

"Hahaha!" seriously? tawa lang isasagot niya sa akin?

"What's funny?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot pero nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. "Hayaan mo na nga never mind! Alis na ako."

Nakaka-isang hakbang pa lang ako nang bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan.

He looked at me intently and held my both shoulders facing him.

"Because I can't help but to kiss you. You look beautiful while you were sleeping." He said in his most earnest way.

Hindi ako nakakibo parang hinihigop nya lahat ng ideas sa utak ko.

"Wait I thought you were sleeping? Bakit alam mo na I kissed you?" tanong niya sabay poke sa noo ko.

"I'm not sleeping nung time na yun because I wasn't comfortable, feeling ko may matang nakatitig sa akin kaya di ako makatulog." sabi ko sabay irap.

"Maganda ka pa din kahit nagtataray kahit kumakain ka na parang construction worker. Kahit tulog or gising you're still beautiful." nakangiting sabi niya.

"Bolero!" sabi ko sabay hampas sa dibdib niya. 

Nahuli niya yung kamay ko na pinanghampas ko sa kanya. Pinilit kong bawiin yung kamay ko pero hinawakan niya ito ng mahigpit.

Feeling ko ang pula pula ng mukha ko. Oo na affected ako sa pambobola niya. 

"Lalo kang gumaganda kapag nagbblush ka." 

Nahihiya ako sa sinabi niya. Alam ko ngayon mukha na akong kamatis dahil sa pamumula ng mukha ko.

"Tumigil ka na nga sa pangaasar mo. Bolero ka di ako naniniwala sayo." pilit akong tumawa para di niya mahalata na affected ako.

"Totoo naman eh. Maganda ka... and I like everything about you." sabi niya habang hawak pa din yung kamay ko.

"Bakit din ang sweet mo sa akin? We barely know each other." tanong ko

"Isn't obvious? I like you. I like you. I like you.... and I'm hoping to know more about you." 

Nabibigla ako sa kanya. Ni hindi man lang sya nagpaliguy-ligoy. Straight forward talaga?

"Why?" yan na lamang ang tanging nasambit ko.

"I don't know. I just like you. Simple ka lang walang arte. I can't explain it but I want to take care of you." sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

Di ko maintindihan pero parang kinikilig ako sa mga sinasabi niya. Ayaw ko man maniwala pero bakit ganun? Bakit ako kinikilig? Ano ba Stef? May boyfriend na ako hindi tama na nakikipag-usap ako ng ganito sa ibang lalake.

"I have a boyfriend, he takes care of me." mahinang sabi ko. Napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak niya. "Nawiwili ka na sa kakahawak sa kamay ko." sabi ko sabay bawi sa kamay ko. Binitawan naman niya yung kamay ko this time.

"Kung ako ang boyfriend mo I won't meet you in a hidden place. Instead, ipagmamalaki kita and I will be a proud boyfriend." sabi niya habang nakatitig pa din sa akin.

"It's my decision to hide our relationship kasi Papa doesn't like him. He totally disapproved our relationship."

"Wag kang magtampo sa Papa mo. He is just protecting you. In the same way I feel, Your father just wants to protect you."

"I know that." naiiyak kong sabi.

He wiped the tears that fell from my eyes.

"Stef I can be your friend. If you want to share anything just tell me." sabi niya sabay yakap sa akin.

"You're taking advantage!" natatawang sabi ko habang yakap niya ako.

Sanay naman ako na yakapin ng lalake dahil puro lalake din mga kaibigan ko. I don't feel awkward at all.

"No I'm not! Umiiyak ka kasi, I just want to comfort you." sabay kalas sa pagkakayakap niya sa akin.

"I'm fine Carl. I just get so emotional kasi I love Papa so much but I love Raymond too." I explained.

"Sabi mo may boyfriend ka na who takes care of you, but if in case you need a friend I'm just here. I can take care of you too." sabi niya sabay pat niya sa shoulder ko.

Nagpaalam na ako para umuwi na. Habang nagd-drive ako pauwi kung ano-ano ang naiisip ko.

Lalo lang dumami yung tanong sa utak ko. Nasagot man ni Carl yung ibang tanong ko pero nanganak lang ito ng nanganak ng mga panibagong tanong. Why does he like me kahit na hindi naman kami close pa? Bakit gusto niya akong alagaan? Ano bang nakikita niya sa akin? Hindi ko nagegets lahat. Arrrrrrgh! Ewan!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Hanggang sa muli. :)

-ML

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 194K 59
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...
11.2M 214K 42
Here's what I have to do within 30 days: --Help him move on. --Make him fall for me. --Fall in love with him. Para sa ikaliligaya ng mga kaib...
72.1K 2.7K 46
Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her...
Wattpad App - Unlock exclusive features