Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Miracle

780 54 19
By jmaginary

Hello Nanang! I dedicated this chapter for you kasi gusto kong malaman mo na tuwang-tuwa po ako sa mga stories ninyo. Inuubos ko nga po lahat kasi sobrang gaganda, kahit 'yung mga one-shots. Nakaka-inspire po kayo. At congratulations po kasi published na 'yung Stay Awake, Agatha. Super proud po ako sa inyo! Sayang at hindi manlang ako nakapunta nung unang debut no'n pero hahanapin ko 'yon sa mga bookstore pagpasukan na kasi may pera na ako no'n. Gusto ko nga rin po sanang mabasa 'yung Virgo kaso hindi pa available sa SM Calamba last time I checked. Anyways, keep on writing, Nanang! I love you so much! More power on your works! See you soon. :) 

#####

EINDREID

"Bakit ang cute cute mo?" tanong ko kay Miracle habang sinusundot ang kaniyang ilong. Napahagikgik naman ako nang bumaon ang aking daliri sa kaniyang malambot na katawan.

"Hihihi. Boyfie!" bulaslas ko at sinubsob ang mukha sa tiyan ni Miracle. Hmm. Bango-bango. Tapos ang lambot-lambot niya pa. Nakakaalis talaga ng pagod. Tumingin ako kay Miracle at nakangiti lamang siya sa akin. 

"Uy," tawag ko sa kaniya pero hindi talaga siya tumutugon. It's obvious naman na hindi dapat siya tutugon pero naiinis parin ako. Hindi ko maiwasang mag-pout.

Pinisil ang mga pisngi niya. "Magsalita ka naman. Please!" 

"Please. Please. Please. For me!" pagmamakaawa ko. Huhu. Miracle magsalita ka, please. Kausapin mo ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang hindi parin siya kumibo.

"Naman!" singhal ko at niyakap nalang siya. 

"Pasalamat ka malambot at malaki ka." pagmamaktol ko ssaka hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Hmm. Sana ganito nalang kami forever. Sige na nga. Kahit huwag na siya magsalita. Malambot at masarap pa rin naman siyang yakapin. Hay.

My lifetime partner, Miracle.

"Ate!" sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong nakapameywang ngayon pagkabukas niya ng pintuan. Unang-una, wala siyang pahintulot para buksan ang pinto. Pangalawa, ayoko nang may istorbo sa moment namin ni Miracle. Pangatlo...basta 'yon!

"Tigil-tigilan mo na nga 'yang pagiging adik mo sa teddy bear na 'yan! Kakain na tayo ng hapunan!" bulyaw niya at sinara ulit ang pinto. Umayos ako ng upo at tinignan si Miracle. Parang may sariling mata ang mga utak ko at nakita kong naaawa ang tingin sa akin ni Miracle. I sound crazy., but no one can stop me from loving my lifetime partner, Miracle! 

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Dito ka muna ha. Marami ka pa namang kasama na teddy bear dito. Kakain lang ako. Hayaan mo, hindi naman ako gano'n magtatagal," wika ko at hiniga sa kama ko si Miracle. Inayos ko pa ang unan na hinihigaan niya para mas maging komportable pa siya.

Nag-unat ako at tumingin sa relo. 7:30 pm na pala. Makapunta na nga sa hapagkainan. Kumakalam narin sikmura ko.

"Oh,buti naman bumaba ka na, Maine," bungad sa akin ni Mama habang naghahanda ng makakain. Sinimangutan ko naman siya.

"Ma. Ayok sabi ng tinatawag ako sa pangalan na 'yan. Eindreid is fine," reklamo ko at tinulungan siyang ihain ang mga baso.Kay Erlie, 'yong kapatid ko, kasi nakatoka 'yung mga plato't kumbyertos.

"Napakaarte talaga ng batang 'to. Kami ng Papa mo ang gumawa ng pangalan ninyo kaya itatawag namin 'yong gusto naming itawag sa inyo," pagdidiin pa ni Mama habang paupo sa mesa. Umupo narin ako at hindi nalang tumugon. Wala e. 'Yon gusto niya. 

"Mommy, kailan ka ba bibili nung parang raketa na pampatay sa lamok? Pinapapak na ako rito!" asik ni  Erlie habang pumapalakpak---I mean, pumapatay pala ng lamok. Ngumisi ako.

"Mukha ka raw kasing tsokolate," pang-aasar ko kaya inirapan naman ako ng kapati ko.

"Whatever ate. Mas maitim ka pa rin kaysa akin!" pambabasag niya at dinilaan pa ako. Inilapat ko 'yong kamay ko sa aking dibdib at nagpanggap na nasasaktan.

"Ouch," daing ko. Magsasalita pa dapat si Erlie nang sumingit na si Mama.

"Mga anak, nasa harap tayo ng pagkain. Tigilan niyo na 'yan at kumain na." 

Napangiti nalang ako habang kumakain. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng nasa bahay lang. Chill chill tapos kasama ko pa sina Mama at Erlie. Syempre, pati si Miracle. Kaka-goodmood. Lumalabas tuloy childish na side ko. Nakakapanibago kasi sa School, lalo na 'yong tensyon ngayong First Day palang. Tinatamad na agad ako pumasok.

"Kamusta pala sa school mo ngayon, Maine? Ayos ba?" tanong bigla ni Mama. Tumango naman ako agad.

"Ayos naman po," magalang tugon ko. Maayos naman talaga. Wala talaga akong seatmate na cussing machine, o kaya 'yong isa na palaging may katawagan kasi may syota. 

Maayos talaga.

"Friends? May naging kaibigan ka na ba?" tanong ulit ni Mama. Biglang lumabas sa utak ko ang pagmumukha ni Chord. Napairap ako. That girl will never ever be my friend. Ang wirdo niya. Isa pa, grabe magmura at mangulit. Nakakasusot talaga.

Pero in fairness, maayos siya kausap kaninang pauwi kami. Parehas kasi kami ng daan pauwi. Ako kasi taga Spencer Heights, tapos siya naman nasa Villa de Matthews. May terminal pa siyang sasakyan matapos 'yong lugar namin, so may thirty minutes pa siyang byahe. E thirty minutes din ang travel time ko mula school so halos one hour siyang stuck sa jeep.

Kawalang kwentahan nga buong pag-uusap namin. Bakit may butas ang doughnut, bakit may ipis,at ano ang contribution niya sa ecosystem, at marami pang iba. Hindi siya madaldal in general actually, pero sadyang nag-click lang talaga kami sa first day kaya nakakapag-open up siya sa akin about sa laman ng utak niyang hindi magkakatugma ang branches. 

In a way, I can consider her as a friend narin. Pero kasi, ang wirdo niya parin. Cussing machine na, moody pa. I can't imagine myself being next to that kind of...trouble.

"Anak, bakit parang minurder mo na ata 'yang kinakain mo? Tulala ka,e." Nagising nalang ako sa reyalidad nang pansinin ni Mama ang nangyari sa Adobo na lasog-lasog na. Ngumiti nalang ako nang alanganin at tinapos na ang pagkain. 

Bakit ko ba kasi iniisip 'yong si Chord?

"Tapos na po ako," saad ko nalang at dumiretso na sa taas pagkatapos ko ligpitin 'yung kinakain ko. May group activity nga pala sa Bio tomorro,  so siguro nakagawa na ng GC 'yung mga kagrupo. Ma-check nga si Messenger.

"Hi Miracle! I'm back!" bulalas ko pagbalik ko sa kwarto at sumalampa sa aking teddy bear. Kinuha ko naman agad ang phone ko at humiga mismo kay Miracle. Dumiretso ako sa may filtered requests at nakita ang pangalan ni Chord na naka-register dito. 

Chord Odino. Talagang hindi talaga pangalan niya ang gamit niya. Sabagay, hindi narin kasi safe maglantad ng mga personal information sa social media. 

Nang pinindot ko ang accept ay biglang tumunog ang phone ko. Chineck ko ulit ang messages at sumulpot na roon 'yung GC namin para sa Bio. Group 2 Bio pangalan. Nag-backread lang ako at inintindi bawat ideas na binabato nila. Marami na pala silang napag-usapan at may nakatoka narin sa akin. Magdadala nalang ako ng malaking Nips bukas.

Naalala ko tuloy 'yong pinapagawa ni Ms. Inah. We're about to make a 3d cell model using edible materials. And yes, isa sa intensyon niya ay para makakain din kami after naming paghirapan ang bubuuin naming model. Pero, kakaiba lang mixture nung amin. Pancit Canton 'yong base tapos maraming candies at iba't-ibang uri ng minatamis ang gagawing panlahok. I just hope it would not taste awful despite assembling those weird ingredients.

Nang matapos na akong mag-scroll ay saka ko lang napansin na walang say si Chord sa mga nangyari. I mean, naka-seen siya pero wala talaga siyang chat kundi "Okay" nang mabigyan na siya ng dadalhin. Ako naman kasi nakipagdaldalan pa nang onti kasi may ilan pa akong katanungan. 

"Hmm.." Napag-isip ako bigla. Should I talk to her? Or nah? Bakit nga ba ako nako-concern sa babaeng 'yon?

Maybe she reminds you of your best friend.

Nanigas ako bigla nang may dumaan na ideya sa aking isipan. Darn. Bakit ba iniisip ko parin ang taong hindi ko na muling makikita at maririnig pa?

Napatingin nalang ulit ako sa cellphone ko nang bigla na naman itong tumunog. Nag-message pala si Chord.


Chord:

Hey Reid,

Bakit kaya bigla 'tong nag-chat? Nag-reply din naman ako kaagad.

Me:

Hey

Chord:

Nabuksan mo na ba GC?

So she's just checking, huh? Well, I look forward in ending this conversation once and for all. 

Me:

Yeah.

Chord:

Good. Akala ko kasi hindi pa.

Hindi ko alam pero medyo naano ako sa sinabi niya. Ano ako? Bulag? Hindi kayang makita na in-add niya ako? O kaya naman walang pakielam sa group dahil hindi manlang bubuksan ngayong aware ako na in-add ako? Silly. Lakas ng toyo ng isang 'to. Setting my thoughts aside, ito na siguro chance ko para matanong siya. 

Me:

Can I ask you a question?

Chord:

You're already asking lady.

Me: 

Wow. Really?

Chord

HAHAH joke lang! Tinatarayan mo na naman ako.

Pinatunog ko dila ko. Ayusin mo muna kasi 'yang mga banat mo. 

Me:

Ba't hindi ka madaldal sa GC?

Chord:

...

Hmmm

Me: 

What?

Pabitin pa, e.

Chord:

Why?

Me:

Nothing really. Out of curiousity lang.

Chord:

Well.

It's not my thing. Tsaka hindi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila.

Me:

Why naman?

Chord:

Not in the mood. Bye.

Tignan mo 'tong babaeng 'to. Siya nagsimula ng convo pero iiwan din ako sa ere. Lakas talaga ng toyo. 

Chord:

Anyways, may assignment ba beks?

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko. Bukod sa bigla siyang nagbalik para mag-chat, tinawag pa niya akong beks! Aba't. Iba na talaga nasinghot ng babaeng 'to.

Me: 

Wala.

Wala pang isang minuto nang siya'y mag-reply.

Chord:

Nawiwirduhan ka ba sa akin?

Napairap ako. Sasagutin ko pa ba 'to? Hindi pa ba obvious? Close na ba tayo?

Bago ko pa mapag-initan ng ulo ang aking kausap ay pinatay ko nalang agad ang wifi sa phone ko. Honestly, na-impress talaga ako ni Chord sa mga pinakita niya sa klase kanina. Isa talaga siyang henyo kasi ang dami yatang pasikot-sikot ng utak niya, pero sa sobra bang kakaiba ng laman no'na, iba na epekto sa kilos niya? 

Umikot ako at tumabi kay Miracle. Pinatong ko ang malambot niyang braso sa bewang ko at niyakap ko naman agad siya. Human-sized kasi 'to kaya meant to be talaga kami ni Boyfie! Since maliit din naman ako, perks ko narin 'to para magpapulupot kay Miracle.

"Miracle?" tawag ko kay boyfie. Dahil alam kong hindi siya tutugon ay hinigpitan ko nalang ang yakap sa malambot niyang katawan at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Bakit kaya gano'n si Chord?" 

Napabuntong hininga ako. Oo, tinatarayan ko siya. I admit that. Pero hindi ko parin mapapalagpas 'yong nakikita ko sa mga mata niya. I really love observing people at sa sobrang talas ng senses ko, alam kong may napapansin ako agad na hindi napapansin ng iba. Katulad nalang ng scores niya sa Personal Development. 

There is something wrong with her.

At 'yong mga kinikilos niya. She can easily switch from this mood to another one. Pakiramdam ko talaga may pinagdadaanan 'yong isang 'yon. 

Naalala ko tuloy 'yong eksena sa Komunikasyon kanina. 

"This one's boring," saad ni Chord nang hindi manlang lumilingon sa akin. Nakapalumbaba pa siya habang sinusundan ng tingin ang teacher na nagsasalita sa harapan namin ngayon. Inirapan ko siya.

"Daldal mo!"asik ko. Stating the obvious pa kasi. Wala namang magbabago kung magra-rant siya riyan. Isa pa, atleast walang masyadong pinapagawa kundi discussion lang. May tiwala naman ako sa memory ko tungkol dito.

Ang pangalan ng teacher namin ngayon ay Shirlene Enco. Komunikasyon ang itinuturo niya. Kung tutuusin, she's lively naman. Kaso pang elementary kasi ang way ng pagtuturo. And honestly? Binabasa niya lang 'yong powerpoint niya. 

"By the way, may nabasa pala ako sa mga enrollment forms under ng skils na may isang manunulat dito sa isang tanyag na online platform na Weepad,"  saad niya at nilibot ang paningin sa klase. Medyo kinabahan ako. Hindi ko pa naman alam ang mga katauhan ng mga kasama ko, pero sa sarili ko, alam kong nagsusulat ako sa sa site na binaggit niya. Hindi nga lang gano'n kasikat. 

Pero...hindi ko naman nilagay sa enrollment form ko ang tungkol doon.

"Dahil sa kursiyodad, hinanap ko 'yong nilagay niyang username sa internet." Huminto ang tingin sa banda sa amin. "Nakita kong sikat siya rito at may ipapalimbag nang libro." Since alam kong hindi na talaga ako ang tinutukoy niya, I am able to maintain my composure. Tumingin ako sa mga mata ni Ms. Shirley at napansin kong sa katabi ko siya nakatingin.

Sinulyapan ko si Chord gamit ang gilid ng mata ko at nakita kong hindi manlang siya naapektuhan sa tingin na tinatapon sa kaniniya ni Ms. Shirley. Nakapalumbaba parin siya at halatang wala nang pakielam sa nagtuturo.

Tumikhim si Ma'am Shirlene.

"Dahil First Day niyo naman, hindi muna ako magpapagawa ngayon ng kahit ano. Gumawa nalang kayo ng journal para may mapaglagyan tayo ng mga outputs. Ilagay niyo ang pangalan ko na Shirley Quenco tapos gusto ko kulay violet. Ipasa niyo sa akin by the end of first sem. Naiintindihan po ba?" 

Habang nagpapaliwanag si Ma'am Shirlene---este, Ma'am Shirley ay nakalingon lamang ako sa gawi ni Chord. Alam kong napansin niya rin ang bahagya kong pagtingin sa kaniya kaya lumingon din siya sa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya at bumaba ang paningin sa desk niya. Napairap nalang ako at konti nalang ay mahampas ko siya dahil sa nakita ko.

Naka-middle finger po siya.

"Huwag mo nga akong titigan," sabat niya at humarap na ulit.

Halata namang siya 'yong tinutukoy ni Ma'am Shirlene kanina sa discussion niya, pero umasta siya na parang wala siyang pakielam. If I'm the teacher, I would be annoyed because of her attitude! In a way kasi, pinupuri ko na siya pero hindi niya parin naa-appreciate. Nevertheless, kung mas magiging curious si Ma'am, she might know the reason why Chord acts like that.

Hmm. Siguro dahil first day palang naman?

Napahawak ako sa noo ko at tinignan ulit ang phone ko. Should I pretend na may ginawa lang ako kaya ngayon ko lang siya rereplyan? Or I'll just let it be nalang?

Napapikit ako nang mariin nang may maalala na naman ako. Isang papel. Dalawang salita. Isinulat gamit ang dugo.

I'm sorry.

Katabi no'n ay isang babaeng wala nang buhay at may laslas sa puso. 

Napakagat ako ng labi ko at bumalikwas ng bangon.

Bahala na nga! Cha-chat ko na!

Pagbukas ko ng messenger ay sunod-sunod ang tunog nito. Paano ba naman kasi, may GC narin pala kasi section namin tapos may GC pa sa Bio, plus 'yong nakaraan kong G10 na GC, plus 'yong kay Chord. She's the least on the list though, pero siya parin pinindot ko. I am startled on what I see.

Chord:

Hey sorry if nagpadalos-dalos ako ng tanong.

I'm just wondering kasi kung hindi mo nagustuhan 'yong mga pinapakita ko

But as I said, you're stuck with me until the end of the year

Ako kasi 'yong minsan maganda at minsan pogi mong seatmate

So, masanay ka sa presensya ko.

Hayaan mo, one year lang naman 'to.

Until this year ends, let's be friends.

Goodnight Reid.

Ps: Siya nga pala. Magbinalot ka bukas. Magbibinalot din ako. Ginto pagkain sa Cafeteria, e. Share tayo, ah!

Until this year ends, let's be friends. What does she mean by that? Sabagay, hindi rin naman ako magtatagal sa University Of Tallis. Baka nga wala pang Grade 12 nang umalis na kami rito sa Pinas nina Mama. Titira na kasi kami sa New Zealand dahil andoon na ang trabaho ni Papa. 

Umiling nalang ako at napangiti. Nag-type ako ng pang-reply.

Me: 

Slr. May ginawa lang.  Oo, nawiwirduhan ako sa mga kinikilos mo

Pero keri lang. 

Chord: 

I'm glad to hear that. Goodnight beks!

Natawa nalang ako. Talagang pinupush niya 'oung beks niya ha? Dahil sa kakulitan niya, binago ko narin ang nicknames namin into beks. 

Chord: 

Naks! Inlababo ka na sa akin no?

Me: 

In your dreams. Goodnight na.

And pinatay ko na ulit ang phone ko. Napaharap ako kay Miracle at sinubsob ang mukha ko sa tiyan niya. Ang lambot niya talaga. Ang sarap yakapin.

"Miracle?" tawag ko sa pangalan niya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Alam mo naman diba kung bakit Miracle pinangalan ko sa'yo?" 

Hinalikan ko siya sa may pisngi at ngumiti ako. "Kasi ikaw lang ang iniwan niya sa aking alaala. It's a miracle that she left something for me to remember and mourn her every single day, " wika ko. I'm not afraid to be sad sometimes, dahil alam kong hindi ako kailanman iiyak. It's been an issue for me na hindi talaga ako makaiyak. I don't know why. 

Even on her grave, I cannot cry. 

Even if she's gone, I cannot cry.

"Miracle? Posible kayang si Chord na ang isa pang version ni Mina? They both like to swear and they're both witty. At parehas nila akong tinatawag na beks..." suhestyon ko at napatawa nang mahina. "Pero sa tingin ko naman hindi suicidal si Chord unlike sa nagbigay sa'yo...hindi ba?"

Mina told me that this teddy bear can be my boyfriend since single naman ako. And I'm just living on her suggestion. Napahikab ako.

"Mina...." banggit ko sa pangalan ng bestfriend ko nang biglang bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Niyakap ko ulit si Miracle at mas hinigpitan pa ito.

"Please be alive again. That would be my miracle." bulong ko bago ako lamunin ng dilim.

####

So. Dito na nga po nagtatapos ang Tri-Bi Genius! HAHAHA JOKE! The story has a long way to go. Hmm inuulit ko po, wala po itong romansa katulad ng ibang storya pero marami po kayong mapupulot ditong aral at mas lalo kalokohan. 

Si Eindreid po ay isang plushophile at sinabi rin po sa story na may mas malalim na dahilan kung bakit siya adik sa mga teddy bears and other plush. Pahinga muna tayo sa school scene dahil binigyan ko lang kayo ng sulyap sa kung anong nangyayari kay Reid sa bahay nila.

And inuulit ko po, ito po ay may tema ring tragedy. Kung kailan po 'yon mangyayari, abangan niyo nalang, hindi ko rin alam. At tatalakay din po ito sa mga mental disorders, stress ng estudyante and other school related shts.

Muli, ako si Chris Rolfe, ang iyong may akda. Salamat sa pagbabasa!

- AnimeAddict04




Continue Reading

You'll Also Like

18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
1.2M 14.8K 90
This story is under editing process. I wrote this when I was 14 or 15 years old so forgive my "kajejehang" type of writing and plot. Thank you. READ...
875 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...