Red Moon (Published Book unde...

Azulan10

153K 2.4K 456

RED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2)... Еще

Darkness no.01: The Bloody Case
Darkness no.02: No Cuts, No Glory
Darkness no.03: Hospital Panic
Darkness no.04: Princess and I
Darkness no.05: Second Fear
Darkness no.06: Bite and Blood
Darkness no.07: My own New World
Darkness no.08: The New Beginning
Darkness no.10: Beyond the Red Light
Darkness no.11: Longing for Blood
Darkness no.12: Blood Crisis
Darkness no.13: Verity and Envy
Darkness no.14: The True Liar
Darkness no.15: Man in the Shadow
Darkness no.16: Night on the Bus Stop
Darkness no.17: The Perfect Two
Darkness no.18: A Man with many Secrets
Darkness no.19: Midnight Secret
Darkness no.20: Little House
Darkness no.21: The Lonely Heart
Darkness no.22: The Ex - Vampire
Darkness no.23: The Black Parade
Darkness no.24: The Missing Link
Darkness no.25: Emilio Guilatorre
Darkness no.26: The Code
Darkness no.27: The Flute Master
Darkness no.28: Musicians Final Wish
Darkness no.29: Tears of the Vampire
Darkness no.30: My Decision
Darkness no.31: Dr. Vargas
Darkness no.32: Mice and Kitten
Darkness no.33: The Plan

Darkness no.09: The Night Job

4.3K 76 8
Azulan10

Alas singko na ng umaga. Ilang oras nalang at magsisimula ng sumikat ang araw. At yun ang isa sa mga kinakatakutan ko. Dahil kahit na konting sinag lang nito ang dumampi sa aking balat ay tiyak na masusunog ako at magiging letchong bampira.

"Kailangan ko ng matutuluyan." Pag uulit ko.

Nakatayo parin ako malapit sa counter. Nag pakilala sa akin si Mr. Monde ang may ari ng carinderyang ito. Maliit lang na tao si Mr. Monde. Maputi na ang iilang buhok nito at mataas ang hair line nito sa ulo. Pero hindi naman halata sa pinag kikilos niya. Ika nga niya eh kalabaw lang daw ang tumatanda.

"O sige lika na at sasamahan kita." Wika naman ni Katrina.

Pagkatapos naming mag usap ni Mr. Monde. Ay niyakad ako ni Katrina sa may likod ng carinderia. Ilang kilometro lang ang layo nito mula sa carinderia ay makikita ang isang establisyimento. Mula rito ay may dadaanan kapang maliit na eskinita at yon saka sa akin bumungad ang isang apartment.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.09: The Night Job √v^√v^√v^-------

Bagong pintura ang buong buliding. Halatang halata dahil sa umaalingasaw na amoy ng mabahong pintura sa hangin at sa nakalagay na marka na nakasulat sa isang pirasong karton na bagong pintura huwang hawakan. Naunang nagtungo si Katrina sa unang palapag nang gusaling yon. 

"Lika na!" yaya sa akin ni Katrina. Habang ako naman eh nabulabog sa pagtingin ko rito.

Huminto kami sa pangalawang palapag ng gusali. Mula sa ikalawang kwarto na malapit sa hagdan ay huminto kami sa paglalakad. Dito naba ang magiging kwarot ko? Wika ko sa aking sarili. At yun na nga! Unti unting inikot ni katrina ang doorknob. Binuksan ang pintuan at tuluyan ng binuksan ang ilaw.

 "Lika na sa loob. Ano nga palang panglan mo?." Tanong niya sa akin. 

Agad akong ng isip. Dapat ko munang itago ang totoo kong pangalan. Pero bakit ganon walang pumapasok sa isip ko. Pambihira. Nilibot ko ang aking mata. Mula sa latang basurahan sa gilid ay nagkaroon ako ng ideya sa nakasulat ditong salitang save the earth.

"Ahhh Saver. Yun tama Saver ang pangalan ko." Wika ko habang nakangiti sa kanya.

Pero mukang pati siya eh nawirduhan sa pangalang binanggit ko. Matagal siyang hindi umimik. Pero after a couple of second eh niyaya na niya ako na pumasok.

Katamtaman lang ang kwarto. May isang maliit na kama, Isang aparador para sa mga damit, lamesa, isang monoblock na upuan at isang bintana na malapit sa ulunan ng kama.

"Okey ba Saver?" Tanong ni Katrina sa akin. Habang tinatangka niyang buksan ang bintana.

"Wag!!!" Sigaw ko.

"Huh? Anong wag?" Tanong sa akin ni Katrina na napigilang buksan ang makapal na kurtina.

"May sakit ako sa mata. Bawal ako sa liwanag ng araw." Pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? O sige. Magpahinga ka muna diyan tapos mag text ka lang pag may kailangan ka. Mamaya nalang tayong mag usap. Okey?" Wika niya.

Ngunit tungo lang ang sinukli ko. Umalis na si katrina sa bago kong kwarto. Pagka alis niya ay unti unti ng dumilim ang paligid. May konting liwanag na nakasisilay sa may bintana ngunit hindi naman ito sapat para masunog ako ng tuluyan

Mula sa aking dalang bag ay nilabas ko ang isang laptop. Agad kong chi narge ang ninakaw ko na laptop kay Benedict. Siguro umiiyak nayon ngayon. 

Humiga muna ako sa aking bagong kama. Syempre nakakalungkot . Inaaninag ng konte ang kisame ng bago kong masasabing tahanan. Aminin ko malungkot ang buhay ko ngayon. Pero pipilitin ko itong maging masaya. Pipilitin kong mag kakulay ang ang mundo ko na nababalot ng kadiliman.

X~X~X

Dumating na ang hapon. Sulit na sulit ang tulog ko. Mula sa aking paanan ay nakita ko na nag still na ang ng bi blink kanina na adaptor ng laptop. Ibig sabihin nito eh tapos na mag charge. Agad ko itong binunot. Binuksan ang laptop at agad na nagbukas ng skype acount. Aba si loko nakabukas swerte ko.

"Ben musta na?" Bati ko.

"Oiii pare musta na?" Lahat ay naka capslock mukang galit na galit.

Agad ko siyang tinawagan sa pamamagitan ng video call. Mula sa gilid ng screen ng computer ay pinindot ko ang isang button at biglang inaccept agad to ni loko. Pag accept ni Benedict ay halatang namamaga ang mga mata nito sa kaiiyak. Hindi koba alam kung umiiyak ba siya dahil sa pag alis ko o sa pag kuha ko ng laptop niya?

"Oiii Ben. Pasensya na ahh kinuha ko tong laptop mo." Sabi ko.

"Ano pa nga ba." Sagot naman nito. Na medyo humihikbi hikbi pa.

"Wag kanang magalit dyan. Alam mo namang ito lang ang magiging communication natin ehh. Saka ohh yung mga bilin ko ahhh. Bigay mo kay Kuya yung sulat." Wika ko.

"Oo basta ikaw pare. Nasan kaba?" Tanong nito sa akin.

"Basta saka ko nalang sasabihin." Sa malungkot ko na boses.

"Pare naman kasi pabigla bigla ka ng desisyon." Wika ni Ben habang nakasingot.

"Mas mabuti muna ito." Saka nga pala imbestigahan mo yung tungkol kay Brandon. Wag mong kalimutan." Pagpapatuloy ko.

Masarap ang pagkekwentuhan namin ni Benedict ng biglang may kumatok sa pintuan. Bahagya lang ito kaya naman eh.

 "O sige sige mamaya nalang ulit." Wika ko sa kanya.

 Nagpunta ako sa may pintuan at binuksan iyon bahagya.

"Sino yan?" Tanong ko.

"Si Katrina ito." Wika ng boses.

Inayos ko muna ang lap top. Sinarado ko iyon. Sandaling inayos ng kaunti ang kama at pinapasok ko si Katrina sa loob ng kwarto.

"Okey ka lang dito?" Tanong niya sa akin. 

"Oo ayos lang." Sa normal na boses.

"Alam mo wierd ka. kasi gusto mo sa madilim. Emo kaba?" Tanong nito sa akin.

Tumawa ako ng malakas. Sabagay sa sitwasyon ko ngayon eh kahit na sinong tao eh kung ano ano ang iisipin. Alangan namang ipag tapat ko na bampira ako. Siguro hindi na makagalaw to ngayon??? He he.

"Hindi." Sa maikli kong sagot.

"Ayos ka naba? Yung sugat mo, mga galos?" Tanong nito. Habang sinisipat ang mag galos ko sa braso.

"Ayos na." Wika ko sabay ngiti.

"O ano na ngayon ang plano mo?" Biglang tanong ni Katrina sa akin.

"Ahh gusto ko sanang magkaroon ng trabaho." Wika ko. "Teka wala ka nabang pasok sa baba?" 

"Nako tapos na yung time ko. Ahh kung gusto mo eh. Sabihan ko kay Boss na dito ka muna mag work. Ano?" Wika nito.

"Talaga?" Sa masaya kong mukha. "Kaya lang may problema?" Sa biglang malungkot na boses.

"Huh anong problema?" Pagtatakang tanong ni Katrina.

X~X~X

"Sure na sure Saver!" Wika ni Mr. Monde sa akin. Hinahawakan pa niya ang balikat ko habang sinasabi ang mga katagang yon. 

 "Kahit na pang gabi lang ang pasok mo. Papayag ako. Eh kung hindi dahil sayo eh siguro patay na ang pamangkin ko." Wika sa akin ni Mr. Monde. 

So ganun pala yun pamangkin pala ni Mr. Monde si Katrina. Pambihira nga naman oo. Napaka swerte ko. Sana eh magka sunod sunod na.

"Ahhhmm Teka iho. Okey ka lang?" Tanong ni Mr. Monde pagkatapos niya akong hawakan.

"Hoo? Bakit ho?" Tanong ko rin naman.

"Ang lamig mo eh. Mukang puro lamig sa katawan mo." Pagsasalaysay nito.

"Nako hindi ho." Pag aakila ko. "Ehhh So kaylan po ako mag uumpisa? Sa excited kong sabi.

" Kung gusto mo eh right away!" Sa malakas nitong boses.

"Talaga ho maraming salamat." Wika ko.

Alas syete ang umpisa ng shift ko. Binigyan na nila ako ng sarili kong uniform at Pinakilala rin ako ni Mr. Monde sa iba pang tauhan ng restaurant. Si Mang Bernard ang head cook, Si Karla, Troy at Eman ang mga serbedorot serbedora, syempre isama na natin si Katrina diyan.

Kailangan kong bantayan ang mag kilos ko. Dahil isang pag kakamali ko lang eh tiyak na bisto nila ang sikreto ng inyong lingkod. Akalain mo nga naman oo. Isang detective eh naging serbedoro. Pero okey narin to. Buti nga eh may quick job na agad ako.

Binigay sa akin ni Eman ang listahan ng mga pagkain na sineserve nila. Lahat daw ng presyo at itsura ay kabisaduhin ko. Nakoo! easing easy!!!

"Yan tapos na!" Wika ko. Pagkatapos kong i scan lahat.

"Wow ang bilis naman?" Wika niya. Na nakakunot ang nuo.

"Okey try me." Pagyayabang ko habang nakataas ang noo.

"Okey magkano ang isang order ng letchong manok na medium size?'' Tanong niya.

"Ahhh 250." Agad kong sagot.

"Aba tama!!!" Pagkagulat niya. Anag galing ng memory mo pare ahhh!" Sabay tapik sa braso ko.

"Ako pa?" Pagyayabang ko.

So far eh so good naman ang mga nangyayari. Alas dose ng gabi ang peak hour dahil dito naglalabasan ang mga call center agent. Kaya sa mga oras ring ito ay nasubukan ang tatag ng katawan ko. Pero magpapatalo ba ako diyan syempre hindi. Ako pa!!! PANIS!!!

Isa pang sinasabi nila eh maganda narin akong ilagay sa pang gabi dahil kalimitan daw kasi sa mga gabi naglalabasan ang mga barombado na katulad ng nakasagupa ko kahapon. Isa pang wish ko eh sana last nayun. 

Sa saklaw ng shift ko ay isang babaeng call center agent ang tingin ng tingin sa akin. hinid ko lamang siya pinapansin.   

"Hi pogi!" Wika nito sabay kindat.

"Hi po ano pong order nila?" Tanong ko sa malumanay na boses.

"Ahh ikaw. Joke! yung palagi kong inoorde yung chami please." Wika nito sa malanding boses.

"Yun lang po?" Tanong ko naman.

"Oo yun lang." Sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ko.

 Nag punta ako ng counter para ibigay ang order slip ng bigla akong biruin nila Eman.

 "Oyy Saver tignan mo yun ohh mukang type ka." Bulong sakin ni Eman.

"Ewan ko." Sa nakangiti kong sabi.

Makalipas ng ilang minuto ay nilabas na ang order ng babaeng yun. Syempre tyempo rin na ako ang magbibigay ng order ni call center girl.

"Medyo matagal ang service nyo for today ahh. Pero okey lang basta nakikita kita." Wika nito pagkatapos niyang kunin ang takeout niyang order ng chami.

"Pasensya naho marami hong customer eh." Pag papaumanhin ko.

Todo parin ang pacute nito sa akin. Parang bawat minuto na nilagi nito sa aming restaurant eh walang pinalampas na sandali na di ako tignan. 

Halos sumakit talaga ang mga mussle ko sa dami ng tao. Pero okey lang dahil nag enjoy naman ako. Mula naman sa aking likuran ay kinuha ako ang pamunas nag lamesa. Nag alisan na kasi ang customer kaya naman eh maglilinis na kami.

Ngunit mula sa labas ng restaurant ay may lalaking paparating. Mahaba ang buhok nito at puro rin tatoo. Teka teka?

"Sir sarado napo kami." Wika ko sa malumanay na boses.

"Wala akong pakealam kung magsasarado na kayo. Nandito ako para malaman kung sino ang bumugbog sa kapatid ko." Wika nito ng pasigaw.

Teka teka mukang may naamoy nanaman akong away ahhhh! Talaga bang magnet in trouble ako o magnet ng kamalasan? 

Продолжить чтение

Вам также понравится

2.3K 153 19
[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Bary...
The Book Keeper (Completed) Yumi

Любовные романы

197K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...
Play The King: Act Two akosiibarra

Подростковая литература

312K 21.6K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
Third Eye Jeanevieve

Мистика

345K 8.1K 26
Highest rank: #1 in Paranormal. 🌸 Book cover credits to Coverymyst.