The Princess' Heart (Complete...

By loveorhatethisgurl

5.1M 48.4K 3.7K

Love story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon.. More

Prologue
Chapter 1: Masquerade Ball
Chapter 2: Weekend Date
Chapter 3: The Noise
Chapter 4: Death Anniversary
Chapter 5: Man to Man
Chapter 6: The Suitor
Chapter 7: Bacon and Mushroom
Chapter 8: Birthday Party
Chapter 9: Cinderella's Shoe
Chapter 10: Cruise Trip
Chapter 11: Locked Up
Chapter 12: Mysterious Girl
Chapter 13: I'm no Cinderella
Chapter 14: Bad Day
Chapter 15: A Chance
Chapter 16: Double Date
Chapter 17: Heart vs Mind
Chapter 18: Bet
Chapter 19: Stormy Afternoon
Chapter 20: First Night
Chapter 21: Talk of the Town
Chapter 22: Misha
Chapter 23: Kaylee's Confessions
Chapter 24: Flashback
Chapter 25: Kurt's Plan
Chapter 26: Xander's Version
Chapter 27: A night to remember
Chapter 28: I'm Your Man
Chapter 29: Roller Coaster Ride Feeling
Chapter 30: What a Relief!
Chapter 31: Alexander's Secret
Chapter 32: A Favor to Ask
Chapter 33: Man in Black
Chapter 34: Blackmail
Chapter 35: Monthsary
Chapter 36: A Threat
Chapter 37: An Accident
Chapter 38: Not an Accident
Chapter 39: Untitled Feelings
Chapter 40: Missing Bacon
Chapter 41: Unanswered Questions
Chapter 42: Evil Witch
Chapter 43: Dreams vs Reality
Chapter 44: Night Life
Chapter 45: Revelation
Chapter 47: Stood Up
Chapter 48: Prisoner
Chapter 49: Invitation
Chapter 50: The Plan
Chapter 51: He's here
Chapter 52: Note
Chapter 53: Unexpected Guest
Chapter 54: STOP!
Chapter 55: Untitled
Chapter 56: Double Celebration
Chapter 57: "I d....."
Chapter 58: Where?
FINALE
Author's Note:
Andrey's Love Story POLL
Codes
Announcement

Chapter 46: Coincidence

57.6K 507 39
By loveorhatethisgurl

Louise’s POV

Ilang araw nadin ang lumipas simula nong gabing nagpakalasing ako.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko non at naisipan kong pumunta ng bar.

“Ahh!”

Hindi ko na dapat isipin ang nangyari. Maiinis lang ako.

“Misha, anong gusto mong gawin?”

Tanong ko kay Misha habang nakahiga siya sa mga hita ko.

*MEOW*

“Hay!”

Napabuntong hininga nalang ako. Kanina pa ako andito sa bahay at walang magawa. Wala naman kasing pasok.

“Princess.”

“Ano?”

Tanong ko kay Kuya habang nasa tapat ng telebesyon ang mga mata ko.

“Gusto mo sumama sa’min ni Eli? Kakain kami sa labas.”

Nang-aasar ba siya? Bakit naman ako sasama sa kanila? Maglalambingan lang sila don at lalangamin habang ako lalangawin. Maiingit lang ako at maaalala ko na naman ang taong hindi ko dapat isipin.

“Ano sasama ka?”

Tanong ulit ni Kuya.

“Hindi na. Dito nalang ako.”

“Sigurado ka? Wala kang kasama dito mamaya pa uuwi sila Mama.”

“Alam kong mamaya pa uuwi sila Mama kuya kaya hindi mo kailangang ipaalala sa’kin. Hindi mo kailangang ipamukha sa’kin na mag-isa nalang ako.”

Naiinis kong sagot kay Kuya.

“Princess alam mo namang hindi iyan totoo.”

“Kuya please kung aalis ka, umalis ka na. Ayokong makipagtalo sa’yo.”

Wala ng ibang nagawa si Kuya kundi ang umalis.

Mag-isa na naman ako. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin ko.

Tinawagan ako ni Kaylee kanina dahil gusto niyang makasama ako. Alam na niya kasi ang nangyari samin ni Xander at sigurado akong nag-aalala siya para sa’kin. Pero ayoko talagang makipaghalobilo sa mga tao ngayon. Gusto ko na munang mapag-isa.

Dahil rinig na rinig ko na ang pag-iyak ng mga monsters ko sa tiyan ko, minabuti ko nang pumunta ng kusina para maghanap ng makakain.

Binuksan ko ang ref namin pero may iba atang hinahanap itong mga alaga ko.

“Misha, sandali lang ako ha? Bibili lang muna ako ng makakain.”

Kinuha ko na iyong susi ng kotse ko sa taas saka ako umalis.

“Magtatake out nalang ako dahil walang kasama si Misha sa bahay.”

Pinuntahan ko iyong pinakamalapit na fast food chain sa bahay namin. Dahil walang drive thru eh kailangan ko pang ipark ang kotse ko at bumaba.

Pumasok na ako sa loob ng fast food chain at pumila. Ito talaga iyong pinaka ayoko sa isang fast food chain, ang pagpipila.

“Princess?”

Nagulat nalang ako ng tawagin ng lalaking nasa likod ko at pangalan ko.

“Aaron?”

Bulalas ko pagkatapos ko siyang lingunin.

“Anong ginagawa mo dito?”

Tanong niya.

“Ano ba namang klaseng tanong iyan? Anong ginagawa ko dito? Syempre mag-oorder ng pagkain. Alangan namang manood ng sine?”

“hehe. Oo nga noh. Libre na kita.”

Sabi ni Aaron habang nakakamot sa ulo niya ang kanang kamay niya.

“Huwag na. Nakakahiya naman. Isa pa magtatake-out lang naman ako.”

“Cge na Princess please? Please?”

Naalala ko tuloy iyong nangyari nong gabing nalasing ako at nakasalubong ko si Xander. Kung hindi dahil kay Aaron baka ano ng nangyari sa’kin.

Tatanawin kong isang utang na loob iyon.

“Cge na nga.” Sabi ko sa kanya.

Wala naman sigurong masama kung sasabayan ko si Aaron sa pagkain.

Pinaupo nalang ako ni Aaron at siya nalang daw iyong bahala sa order namin.

Pagkatapos ng sampung minuto, nakabalik nadin si Aaron sa table namin dala dala ang inorder niya.

“Ang dami naman niyan.” Sabi ko.

“Kailangan mo kasing kumain ng marami. Hehe”

Nagkwentuhan lang kami ni Aaron ng kung ano ano habang kumakain kami.

Sa totoo lang hindi na ako naiilang sa kanya ngayon. Siguro nakalimutan ko na iyong ginawa niya sa’kin noon.

“Excuse me Louise, can we join the both of you? You see, wala ng ibang table available oh. If it’s okay with you, kung hindi eh sa iba nalang kami makikijoin. Pero syempre iisipin kong hindi ka parin nakaka get over kay Xander kapag ginawa mo iyon.”

Napatingin nalang kami ni Aaron dahil bigla nalang sumulpot si Megan sa eksena.

“hehe..”

Saka siya ngumisi ng mahina.

“Megan, sabi ko naman sa’yo huwag na.”

Sabi ni Xander dala dala ang order nila ni Megan. Sa lahat ba naman kasi ng pwede nilang puntahan bakit dito pa?

“So ano Louise papayag ka? I saw you kasi mula sa labas kaya pinilit ko si Xander na kumain kami dito. Hehe”

Nananadya ba talaga siya?

“Alam mo Megan, umalis ka na bago ko itapon ang inumin ko sa’yo.”

Sabi naman ni Aaron.

“Xander oh! Inaaway ako!”

Ang landi landi talaga ng Megan na’to.

“Ano pang hinihintay niyo? Maupo na kayo.”

Sabi ko sa kanilang dalawa. Halata naman sa ekspresyon ni Aaron ang pagkagulat.

“Princess..”

Bulong sa’kin ni Aaron.

“Okay lang Aaron.”

Dahil magkatapat kami ni Aaron, tumayo na siya at lumipat sa tabi ko. Si Megan naman at si Xander naupo sa harap namin.

“Thank you Louise.”

Sambit ni Megan.

“Siyanga pala Princess. Nakita ko iyong Kuya mo kanina may kasama siyang babae. Ang ganda nong kasama niya, girlfriend niya ba iyon?” Tanong ni Aaron.

“Oo si Eli iyon.” Sagot ni Xander

Tinitigan ko lang si Xander. Bakit siya iyong sumagot? Siya ba tinatanong?

“Hindi ikaw ang tinatanong ko pare.”

“Oo nga babe, hindi ikaw tinanong kaya hindi ka dapat sumagot.”

Babe? At kelan pa naging baboy si Xander?

“Sa alam ko ang sagot sa tanong mo. Masama bang sumagot?” sabi ni Xander

Tumahimik nalang si Aaron.

Nakakailang iyong sitwasyon namin. Hindi ko sila kayang nakikitang magkasama. Naiinis ako. Ang sarap tirisin na parang kuto ni Megan.

“Princess, ano nga pala pangalan ng Kuya mo?” tanong ni Aaron

“Andrey.” Sagot ulit ni Xander

“Nanadya ka ba Pare?”  Naiinis na tanong ni Aaron.

Pero tumahimik lang si Xander.

“Excuse me, punta lang akong comfort room.”

Sabi ko saka ako tumayo at dumeretso sa comfort room.

Nakaharap lang ako sa salamin habang tinititigan ang repleksyon ko.

Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ni Xander.

Bakit kailangan niya pang ipagdiinan na alam niya lahat tungkol sa’kin at sa pamilya ko.

Naiinis ako sa kanya. Mas lalo niya akong pinapahirapan. Naiinis ako sa kanilang dalawa ni Megan.

“Huwag kang umiyak Louise. Hindi ka dapat umiyak.”

Pinigil ko ang mga luha ko. Hindi na ako dapat umiyak. Tapos na ako sa pag-iyak para kay Xander. Hindi ko na dapat sayangin ang mga luha ko sa kanya.

Sinuklayan ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Saka ako lumabas ng comfort room. Pero nagulat nalang ako ng makita ko si Xander sa labas mismo ng comfort room.

“Louise..”

“Anong ginagawa mo dito? Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo.”

“Louise kailangan nating mag-usap.”

Hindi ko kayang tingnan si Xander sa mga mata niya.

“Parasan pa? Gusto mo ulit sabihin na wala na tayo at kayo na ni Megan? Huwag kang mag-alala dahil alam ko na iyon.”

“Louise hindi mo alam ang lahat. Isa pa bakit ka ba sumasama kay Aaron?”

Hinawakan niya ang mga braso ko para tignan ako sa mga mata.

“Pwede ba Xander bitawan mo ako at ano bang pakialam mo kung sumama ako kay Aaron? May masama ba don?”

Pinilit kong kumawala sa pagkapit niya pero talagang malakas si Xander.

“Meron Louise. Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa niya sayo noon.”

Sabi niya.

“At ikaw Xander? Baka nakakalimutan mong mas malala pa ang ginawa mo sa’kin kesa sa ginawa ni Aaron sa’kin.”

Binitawan ako ni Xander. Dahil siguro tinamaan siya sa sinabi ko sa kanya.

“Hindi mo naiintindihan Louise.”

“Naiintindihan ko ang lahat Xander. At iyong ginawa mo kanina. Kailangan mo ba talagang ipagdiinan na mas alam mo ang tungkol sa’kin at sa pamilya ko kesa kay Aaron?”

Tumahimik lang si Xander at hindi sumagot. Tatalikuran ko nasanasiya ng bigla nalang akong napatigil dahil sa sinabi niya.

“Ginawa ko iyon dahil nagseselos ako Louise.”

Paraakong naging statwa na hindi na makagalaw.

Hindi Louise. Ginugulo lang ni Xander ang isipan mo. Nagsisinungaling lang siya.

 

“Hihintayin kita sa park ngayong Biyernes 7 PM. May importante akong sasabihin sayo Mushroom.”

Mas lalo akong naguluhan dahil sa pagtawag niya sa’kin ng Mushroom. Bago paman kung ano ang pumasok sa isipan ko, minabuti ko ng humakbang papalayo kay Xander.

“Tapos ka na ba Princess?”

Tanong ni Aaron.

“Tayo na Aaron.”

“Pero hindi pa ako tapos sa pagkain.”

“Kung ayaw mo mauuna na ako sayo.”

“You’re going na Louise? Bye, sinisira mo lang date namin ni Xander.”

Pahabol ni Megan.

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng fast food chain. Sumunod naman sa’kin si Aaron..

…………..

AN: I think less than 10 chapters nalang ang natitira for TPH..Thank you sa support guys.. You’re the best (:

Continue Reading

You'll Also Like

22.9K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
614K 15.6K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
23.3K 624 30
Trying to be a rebel daughter, binigay ni Angela Jelessa Re Sadida ang pagkabirhen sa isang estrangherong lalaki dahil gusto siyang ipakasal ng kanya...