Saving The LOVE STORY

ArcosLove által

57 7 0

Isang istorya ng babaeng mahilig mag basa at addict sa Wattpad App, sobra kiligin sa mga sweet lines at hanep... Több

Saving The LOVE STORY
ATTENTION⚠
Chapter 1 : Real world
Chapter 2; Heart of Wattpad
Chapter 3: Meet the Gangster

Chapter 4: Stay

6 1 0
ArcosLove által

"Ibig sabihin ay wala kang bahay? " hindi makapaniwalang tanong saakin ni Gaze, at oo eto ako ngayon kausap sya, kaylangan ko sigurong humingi ng tawad sa Author na gumawa kay Gaze, dahil nakiki eksena ako. Anak ng...

"Hmmn" tipid na tango lang ang ibinigay ko.

Paano ko kasi maipapaliwanag ng maayos, paano ba ko makikipag usap kung alam ko naman na hindi dapat ako nandito.

"Paanong nangyari yun, nag ka amnesia ka ba, sinong magulang mo? "

"Mahirap kasing sabihin, mahirap ipaliwanag, please wag ka ng mag tanong"

Sabi ko saka ko tumungo, hindi ko na kaya, nag mumuka na kong tanga para sakanya.

"Paano yan, saan ka titira? "

Hindi ako sumagot, ano ba kasing sasabihin ko, wala naman kasi akong alam na lugar dito, kaya hindi rin ako makapag sinungaling.

"Kung ganon, dito ka muna, tutal wala akong kasama sa bahay-"

"Hindi pwede! "

Mabilis na sabi ko kaya medyo nagulat sya.

Natawa sya sa itsura ko "wag ka mag alala, hindi kita sisingilin, saka wala kong masamang pinaplano sayo, safe ka dito" sabi nya,

Paano ba to,

"B-baka kung anong isipin ng Girlfriend mo" mahinang sabi ko saka napatungo ulit,

Wala kong narinig na sagot, hindi ko makita kung anong itsura nya ngayon, nakakainis.

"Wala kang pupuntahang iba, kunsensya ko pa pag may nangyari sayong di maganda, dito ka muna hanggang kaylangan mo ng matutuluyan, pangako, ligtas ka dito"

Napatingin ako sa kanya, napalunok ako dahil parang kumikinang ang mga mata nya, shit,, ang gwapo nya, pangako babasahin ko ang kwento mo.

~

Nakahiga ako ngayon sa kwartong ibinigay nya para sakin, hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko lulusutan to, hindi nag paparamdam saakin si Madam Watts, hindi ko alam baka lalong nagulo ang wattpad World dahil sa biglaang pag eksena ko sa isang kwento.

GAZE HERROL, at hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung saang kwento nabibilang si Gaze, hindi ko alam ang kwento nya, naiinis ako, akala ko nabasa ko n lahat ng kwento na alam kong sikat--- t-teka baka nga hindi sikat ang story ni Gaze, baka nga hindi napapansin ang story nya, ibig sabihin kung mabago man, walang makakaalam, at walang mag rereklamo, walang bashers, goshhh. Feel safe.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito, bumukas at nakita ko si Gaze na may dalang pagkain.

"Kumain ka na muna" nakangiting sabi nya kaya napangiti nalang din ako.

"Salamat, nag abala ka pa"

"Pag pasensyahan mo na, di ako masarap mag luto kaya instant noodles lang ang maipapakain ko sayo"

Natawa ako sa ka cutan nya, para syang bata.

Kinuha ko ang pagkain at sinimulang kumain.

"Kain tayo, saluhan mo na ko"

Umiling sya saka kinuha ang isang upuan at pabaliktad na umupo ito sa harapan ko, nakabaliktad ang upuan.

Nailang tuloy ako dahil nakatitig sya saakin.

"B-bakit? " natatawang tanong ko.

"Watty Licaton"

Napalunok ako sa lambing ng bosea nya.. No. Wag ganyan.. Shit..

"Bakit ba,  Gaze Herrol? " panggagaya ko sa kanya kaya napatawa sya ng mahina.
"Kakaiba ang pangalan mo, nakapag aral ka ba, ilang taon ka na ba? "

"Nag aaral palang ako, 16 years old"

"Whooa, 16 ka palang, pwede pala kitang maging kapatid"

"Bakit ilang taon ka na ba? "

"23 na ko, kaya dapat kuya ang itawag mo sakin" sabi nya saka tumayo at ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

Kuya...

Napangiti ako..

Napangiti ako ng mapait..

~

"Aalis ka, kuya Gaze? "

Tanong ko ng makita na bihis na bihis si Gaze, ang totoo naiilang ako sa pag tawag ng kuya, pero dahil yun ang gusto nya, wala kong magagawa.

"May trabaho ako ngayon, gusto mo bang sumama? "

"Nako, wag na, dito nalang ako, hindi pa nga ako makalakad ng ayos"

"Sige, kung sakali na lalabas ka, mag iingat ka delikado sa labas" sabi nya saka lumapit saakin at ginulo ang buhok ko bago kumaway at umalis na ng bahay dala ang kotse nya.

Napahinga nalang ako ng malalim, habang pinag mamasdan ang kotse nya na unti-unting nawawala sa paningin ko,

Gaze, ano ba kasing kwento mo, nakakainis, kung nasaakin lang sana ang cellphone ko.

~

Lumabas ako ng bahay, at nag lakad lakad ako, marami ng tao kumbaga sa isang istorya, kumpleto na talaga, parang totoo, isang masayang syudad.

Napadpad ako sa mapunong lugar, napalunok ako ng maalala ang gate na nakita ko kahapon. HU, for real nakita ko talaga, nabasa ko na ang story na yon, at maganda talaga.

Umupo ako sa isang bleachers para mag pahinga, nasakit ang paa ko at kumikirot pa.

"Ms? "

Napalingon ako sa isang lalaki, nakatingin ito saakin na para bang kinikilala nya kung sino ako

"Hmmn? "

"Ikaw yung babaeng kasama ni Gaze kahapon diba? "

Napakunot ang noo ko, at hindi ako nag salita, nakatingin lang ako sa kanya,

"Don't worry, I'm a friend of him, I'm Luk" nag lahad sya ng kamay, pero hindi ko ito tinanggap.

Tumayo ako at nag simulang mag lakad pero sumakit ang paa ko kaya inalalayan ako ni Luk.

"Careful, dumudugo ang paa mo"

Napapikit ako at napatingala, shit... Ayokong tignan. Wag kang titingin.

"Ihahatid na kita-"

"No, umalis ka na please" sabi ko.

Ayokong may masira pang kwento, shit kaba magalit na talaga sakin ang mundo kapag isang kwento pa ang nagulo.

"Pero dumudugo ang paa mo-"

"Wala kong paki, umalis ka na please"

"Hindi kita pwedeng iwan dito!! "

"Pwede, kung gusto mo-"

"Ayoko, baka kung mapaank ka"

Hindi na ko nakipag talo pero hindi ako tumingin sa kanya, lalong sumasakit ang paa ko, at nararamdaman ko ng nababasa ang paa ko, shit, dugo.

"Ughh, ang tigas pala ng ulo mo" mahinang sabi ni Luk sabay talikod sakin.

"Dude, tsk, nandito ko sa Loc. 8 ,tangina mo,  kasama ko yung babae mo,  gago ka,  ang tigas ng ulo, dumudugo na ang paa ,oo nga, tangina mo ka gago, sige, oo na nga gago"

Nanatili parin akong nakatingin sa langit, ayokong makita ang paa ko, nasakit na, at naiiyak na ko sa sakit.

Gaze...

"Kaano ano mo si Gaze? "

Napatingin ako kay Luk, at nakasandal sya sa puno habang hawak ang cellphone nya.

"K-kuya ko sya-"

"Ahahahaha, kuya, walang kapatid si Gaze"

Tsk, anong magagawa ko, eh kuya daw ehh, batukan kaya kita dan.

"Girlfriend ka nya? "

Sinamaan ko ng tingin si Luk kaya tumawa ulit sya, gagong to, di ba nya kita na ang laki ng gap namin.

"Ngayon alam ko na"

Hindi ko nalang sya pinansin at pumikit nalang ako, ilang saglit din akong ganon, nag aantay na mawala ang sakit, pero ayaw mawala.

"Wetty!! " napamulat ako ng marinig ko ang lamilyar na boses, kaya napaiyak na talaga ako ng tuluyan.

"K-kuya Gaze" hikbi ko kaya agad nya kong nilapitan at niyapos ang ulo ko, idinikit sa dibdib nya.

"Shhh, dadalhin na kita ng ospital okay, tahan na"

Binuhat na ko ni Gaze at maingat na ipinasok ako sa loob ng sasakyan nya.

"Hey, wala bang thank you dan, iniligtas ko ang munting prinsesa mo"

"Gago ka, umalis ka na bago kita masapak"

"Oh dude, masyado ka namang mainit sakin, kinakamusta ka pala ni Car-"

Napatulala ako ng biglang sinuntok ni Gaze si Luk, pero nanatiling nakangiti lang si Luk  ,

"Ahaha, wag kang mag alala Gaze, pangako, pasasayahin muna kita bago ka masasaktan ulit! "

Susugod sana ulit si Gaze ng sumigaw ako kaya napatingin sya sakin.

"Masakit na kuya Gaze" umiiyak na sabi ko kaya agad syang nalalapit saakin,

"Sorry, dadalhin na kita. Okay"

Dali dali syang sumakay ng sasakyan at pinaandar ito,

"May sinabi sa sya sayo, may ginawa ba sya sayo kaya dumugo ulit yang sugat mo? "

Medyo galit na sabi nya, kahit itago nya halat parin.

"Si Luk? "

Napasulyap sya sakin saka tipid na tumango.

"Wala, hindi ko sya kinausap, kahit panay ang tanong nya sakin, mag kaaway kayo? "

"Wag kang lalapit sa kanya, at wag kang makikipag usap, masama syang tao"

"Pero diba, tinulungan nya ko, kaya eto ka ngayon -"

"Basta, kilala ko na ang gagong yon,  kaya please, lumayo ka sa kanya"

Hindi nalang ako kumibo pa, kahit naman hindi nya sabihin, ganon ang gagawin ko, ayokong makasira ng isang kwento, lagot talaga ako nito.

Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang tumingin sa dinadaanan namin, at nanlaki ang mata ko, napakapit pa ko sa bintana ng makita ang isang pamilyar na ospital.

BRINT INTERNATIONAL SCHOOL HOSPITAL!!!!!!

I wannnna dieeeee....

"May problema ba? "

Napatingin ako kay Gaze at nag puppy eyes ako sa kanya.

"Kuya Gaze, pwede bang sa BISH nalang tayo? "

Taka naman nya ko tinignan, please pumayag ka,,,

"Bakit? "

Dahil baka nandon si Maxwell Laurent del valle ,,

"Hmmn, i heard, maganda at maayos naman ang Hospital na yun, diba? "

Sinilip ni Gaze ang building ng BISH na kahit nasa malayo palang ay kita na, bago tumingin sakin.

"Oo, balita ko rin-"

"So dun mo ko dadalhin? "

Natawa sya sa sinabi ko at sa inasta ko, pero umiling sya kaya nanlumo ako, para kong tinakasan ng kalayaan.

"May sarili akong Doctor, sakanya kita dadalhin"

That's it....

Papatayin ko ang doctor mo Gaze,, papatayin ko...

Naluluha ko nalang pinag masdan ang BISH habang nilampasan namin ito.

Ang sakit.. Mas masakit pa sa sugat ko...



~
Credit to the owner of story:

He's into Her - maxinejiji
Brint international Hospital
Maxwell Laurent del valle

Vote and comment
⭐⭐⭐⭐⭐

Olvasás folytatása

You'll Also Like

334K 10.9K 56
When he denied his own baby calling her a cheater. "This baby is not mine." But why god planned them to meet again? "I would like you to transfer in...
220K 9.1K 25
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
501K 14.4K 106
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
902K 55.2K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...