Saving The LOVE STORY

By ArcosLove

57 7 0

Isang istorya ng babaeng mahilig mag basa at addict sa Wattpad App, sobra kiligin sa mga sweet lines at hanep... More

Saving The LOVE STORY
ATTENTION⚠
Chapter 1 : Real world
Chapter 3: Meet the Gangster
Chapter 4: Stay

Chapter 2; Heart of Wattpad

11 1 0
By ArcosLove

NAGISING ako sa isang kwarto na puro puti, at orange na design, cool, pero nasaan ako. Unti unti akong bumangon, at isang babae ang nakita ko na nakatayo sa may bintana.

"Gising ka na pala"

Sabi nya ng hindi tumitingin saakin.

"Nasaan po ako, ano pong nangyari? " tanong ko dito, humarap na sya sakin, napakunot ang noo ko ng matandaan ko kung sino ang babaeng kasama ko ngayon, sya yung nakita ko kanina? Kahapon? Hindi ko maalala.

"Wetty, kaylangan ko ang tulong mo" sabi nya ng may kalungkutan sa mga mata nya, napalunok ako ng makita na parang dumilim ang paligid kaya napaayos ako ng upo sa kama.

"A-ano po ba yun, pwede po bang iuwi nyo muna ko, bago ko kayo tulungan? " sabi ko pero hindi nag bago ang timpla ng mata nya, pero lalong dumilim ang paligid, tama lang para makita ko pa sya.

"Wetty, ako si Watts at nasasaktan na
Ako"

"Hindi ko po kayo maintindihan, bakit nyo po ko kilala, hinahanap na po ako ni mama! "

Kahit hindi ko sya kilala ay wala akong nararamdamang takot para sa kanya.

"Nasasaktan na ko"

Ano bang sinasabi nya, binreak ba sya ng boyfriend nya, oh kaya timer pala, ano ba kasi naguguluhan ako.

"Sabihin nyo po, kung gusto nyo ng payo, para makauwi na ko" sabi ko, maayos kong sabi. Para kasing nakakaawa sya.

"Wetty, kaylangan ko ng tulong mo, ako ang puso ng Wattpad, at sobra na ang sakit na nararamdaman ko, sobra sobra na" tumulo na ang luha nya at dumilim pa lalo ang paligid.

Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya at hindi ininda ang dilim.

Whaaaaaaat....

Joke time ba to, promise bibigyan ko na ng schedule ang pag babasa, basta tama na ang joke time..

"A-ahhh hehe, Ms. Watts, ano po ba talagang problema nyo, saka pabuksan naman ang ilaw dito, di ba kayo nag babayad ng kuryente? "

"Ipangako mo muna na tutulungan mo ako"

Puno ng kalungkutan ang boses nya, parang nabalot din ako ng kalungkutan, parang nalipat saakin ang bigat ng dinadala nya.

Bahala na, para makauwi na ko.

"Sige po, basta kaya ko"

Pag kasabi ko non, biglang lumiwanag ang paligid, wow madaling kausap.
Nakita ko ang babae na nakangiti na na nakatingin saakin.

"Wetty salamat"

"Ano po ba yon? "
Tanong ko saka ko kinapa ang bulsa ko, shiiit wala, tumingin ako sa paligid pero wala.

"Cellphone mo ba? "

"Ah, opo nakita nyo po ba? " tanong ko sakanya.

"Wala ang cellphone mo, naiwan sa mundo nyo"

Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Shit baliw pa ata ang babaeng to, hindi ako ang kaylangan nya, sa mental dapat sya.

"Hindi naman po ko nag bibir-'

"Wetty makinig ka, wala ka sa mundo nyo, nandito ka sa mundo ng mga kwento, nandito ka sa mundo ng kinahuhumalingan mo" paliwanag nya.

Pero wala akong maintindihan, baka bigla syang magalit at mag wala. Shit.

"O-kay-?" Mahinang sabi ko, baka bigla nalang nya kong kagatin, ano ba tong napasok ko, bakit ba ko napunta dito.

"Wetty maniwala ka, nandito ka sa wattpad world! "

Natulala ako sa kanya, dahil pag karinig ko ng wattpad,, shitt, yung binabasa ko, di pa tapos.

"Wetty, halika para maniwala ka" sabi nya saka tumingin sa bintana, tumayo ako ako at lapit sa kanya.

Paa narin akong baliw nito,

Lag lag ang panga ko sa ganda ng paligid, at shit nasataas kami, kitang kita ko ang kabuuan ng lugar, ang ganda, mga nag tataasang mga building at shit, ang cool talaga.

"Tumingin ka sa banda don" turo nya kaya sinundan ko ito ng tingin.

Laglag ang panga ko ng makita ang nakaukit na pangalan sa isang arc,

BRINT INTERNATIONAL SCHOOL

WHAT THE... totoo pala ang school na yon.

"Tumingin ka pa don"

Lag lag ulit ang panga ko ng makita ang isang gate na mataas na nakasulat ay.

PENDLETON HIGH

Fuck... What happened to me.

"Dahil nasa wattpad world ka wetty, madami pa yan, madami ka pang makikita, basta tutulungan mo ko"

"Ano po bang gagawin ko? " excited na tanong ko, shity makakapunta ba ko dun kung sakali na tanggapin ko yung pagiging hero nya, na tutulungan ko sya.

"Ako si watts, ako ang puso ng wattpad, pero unti unti akong nasisira, unti unti akong nawawasak, nasasaktan ako, dahil sa mga masasamang nagaganap sa mundong ito, maraming tulad mo na nahuhumaling sa mundong ito, pero marami din na tila winawasak ang magandang daloy ng kwentong nabubuo dito"

Nakikinig ako sa kanya, habang pinag mamasdan ko ang mga gusaling kilala ko, na nabasa ko mula lang sa kwento.
Unti unti na kong naniwala.

"Maraming nag aaway, maraming nag kakasakitan dahil sa mga maling kwento at paniniwala, masyado na nilang isinapuso ang mga salita, kaya konting maling letra lang, malaking balita na para sa lahat"

"Saglit lang po huh, pwede nyo po bang sabihin sakin sa salitang kaya kong intindihin ng maigi, kung okay lang? "

Nginitian nya ko saka tumingin muli sa paligid.

"Marami ng nag aaway na mga katulad mo, pinag aawayan ang iisang kwento, maraming mag bibigay ng kanya kanyang suhestyon, at kanya kanyang pananaw, pero sila din ang mga nag sasagutan, dito pa talaga sa mundong iniingatan ko"

"Ang ibig nyong sabihin ay, yung mga basher, yung mga OA mag comment at naninira sa mga author? "

"Ganon na nga, wetty, nasasaktan ako"

Biglang nag dilim ang paligid at napatitig ako sa mata ni Ms. Watts, hindi kaya naka salalay sa kanya ang makulay na mundong ito, tuwing malulungkot ang mata nya ay dumidilim ang paligid, naawa tuloy ako.

"Ano pong dapat kong gawin? "

"Hahanapin mo ang dapat mong gawin wetty"

Huh. Ano daw,

"Ano pong ibig nyong sabihin? " kunot noong tanong ko sa kanya.

Ako pa ang hahanap?

"Alam kong kaya mo, ikaw ang sinasabi ng puso ng mundo ko, ikaw ang nilapitan ng pintig ng pulso ko, alam kong ikaw ang makakatapos ng lahat ng ito"

"Pero paano nga po, wala ba kong clue, wala ba kong makakasama, pwede po bang 'call a friend', ms. Watts, ano bang gagawin ko? " tarantang tanong ko pero nginitian nya lang ako,

"Ang misyon mo ay ipamulat sa lahat ang maling ginagawa nila, ibalik ang kapayapaan at ang maingay na pag mamahal, wetty alam kong kaya mo"

"Paano nga po? "

"Yun ay ang una mong misyon, ang hanapin kung paano"

What,

Biglang nag liwanag ang paligid at unti unting nawala si Ms. Watts at ang kwartong kinalalagyan ko.

No.

No.

Ms. Watts anong gagawin ko.

Help me please.



~

Brint International School (BIS)
'He's into Her' story written by Maxinejiji

Pendleton High
'Talk Back and your Dead' story written by Alesana_marie

Author's Note: thats story was the first story i read, ebook time (TBYD) and a story that makes my heart beat fast (HIH) .

credit to the owner of that story. Please forgive me if you dont like this. Tell me as much as possible, im gonna change it.

Im just a fan.

Vote and Comment
⭐⭐

Continue Reading

You'll Also Like

220K 9.1K 24
Where Lewis Hamilton goes to a cafe after a hard year and is intrigued when the owner doesn't recognise him. "Who's Hamilton?" Luca says from the ba...
421K 28.6K 43
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
110K 3.4K 78
Alastor X Female Reader You and Alastor have been best friends since you were 5 years old. With Alastor being the famous serial killer of your time...