Black Water

By AknedMars

445K 17.5K 4.2K

Still hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 9

10.8K 444 61
By AknedMars

Chapter 9

Hiniram ko yung pickup truck na nasa may kapihan at nag-drive papunta kina Sophia.

Nang dumating ako ay bumusina lamang ako sa gate at pinagbuksan ako ng katiwala nang makilala ako.

Tumango ako at ngumiti nang batiin ako.

Nang bumaba ako ng sasakyan ay nakita ko kaagad si ninang na nakaabang sa akin sa harap ng pintuan. Agad akong lumapit at nagmano.

"Hijo, buti naman at pumunta ka rito. Tumawag ang Mama mo kanina at sinabing darating kayo. Nasaan ang mga kaibigan mo? Sana ay isinama mo na rin dito," sabi ni ninang at ngumiti lang ako.

"Naku Ninang, ang kukulit at ang likikot ng mga iyon. Nakakahiya sa inyo at kay Congressman."

"'Ku, hayaan mo iyong ninong mo," sabi ni ninang.

"Nasaan po pala si Congressman?" tanong ko.

"Nasa opisina niya, babalik din iyon mamayang tanghali," sabi ni ninang at pinapasok na ako sa loob ng bahay. Naupo kami sa may sala at parang nanlambot agad yung tuhod ko at napaupo na lang ako sa sofa.

Naroon ang pictures ni Sophia. May pictures doon na ngayon ko lang nakita. Baka personal niyang ibinibigay kina ninang. Sana pala ay humingi rin ako ng pictures imbes na tanginang send nudes ang alam ko.

"Nagkakausap ba kayo ni Pia?" tanong ni ninang, habang makahulugang nakangiti sa akin.

"Hindi nga po nitong mga nakaraan," sabi ko at napakamot ako sa ulo.

"Ay sandali hijo at tawagan natin, tiyak na gising pa 'yon." Pumasok si ninang sa kwarto, paglabas niya ay may dala na siyang laptop.

Tinawagan ni ninang si Sophia at mabilis ang nagsagot nito. Lihim akong napasimangot.

"Hi, Mommy, what's up?" sagot ni Sophia at ang ganda ng ngiti niya. Hindi niya pa ako kita dahil kay ninang pa lang nakatapat ang laptop. Tangina, gusto kong yapusin.

"Hello, anak, may nakaka-miss sa 'yo rito." Bigla akong nasamid sa sinabi ni ninang.

"Sino po?"

Hindi umimik si ninang at pinihit na lang sa gawi ko iyong laptop. Mabilis na nawala iyong ngiti at magiliw na bati niya kanina.

"Hey," bati ko sa kanya at alanganing ngumiti.

"Mag-usap muna kayong dalawa at may kukuhanin lamang ako sa itaas," sabi ni ninang.

"Ma!" sigaw ni Sophia pero tila walang narinig si ninang at dumeretso lang sa hagdanan paakyat.

"I'm sorry," sabi ko.

"May sasabihin ka pa ba? Busy kasi ako," sabi niya at pumaling sa ibang direksyon.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Nag-aayos ng requirements for graduate school," balewala niyang sagot. Parang gusto kong sunugin ang kung sino mang nakaisip ng graduate school na 'yan. Lintik na 'yan, sagabal sa amin.

"I see. Good luck sa studies mo, sana matapos ng mas maaga iyang program. Anyway, we're planning to start a business, kami ni Julian," sabi ko sa kanya.

"Restaurant?" tanong niya sa 'kin.

"Yes," sagot ko.

"That's nice. Good luck din."

"Thank you."

"You're welcome."

Katahimikan.

"Kung wala ka nang sasabihin, mag-offline na ako. Pakisabi na lang kay Mommy na tatawagan ko na lang siya mamaya," sabi ni Sophia at pakiramdam ko ay tinusok ako ng maraming karayom dahil sa lantarang pambabalewala niya sa akin. Tangina, ganito pala ang pakiramdam. Ganito rin siguro ang naramdaman niya nang ako ang mambalewala sa kanya.

"Kailan ka uuwi?" tanong ko sa kanya kahit pa pwede na naman niya akong supladahan.

"Hindi ko pa alam, depende pa," sabi niya.

"I miss you," sabi ko naman.

"Bye na, kailangan ko na kasi itong ipasa bukas." Hindi pa man lang ako nakakasagot ay nawala na siya.

Napasandal ako sa sofa at napahinga nang malalim. Nakatitig sa picture nilang mag-anak wallpaper ni ninang sa laptop.

Naramdaman ko yung pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko at hindi ko maiwasan ang ngiti ko.

"I miss you too." Message iyon ni Sophia. Tangina, kinagat ko na yung ibabang labi ko dahil baka mapunit na aang labi ko sa sobrang tuwa ko.

"Ninang! Babalik na lang po ako mamaya, tatawag daw po si Sophia sa inyo," sigaw ko mula sa ibaba at dumungaw mula sa isa sa mga pintuan si ninang. Nang mag-okay si ninang ay lumarga na ako pauwi muna sa bahay.

Nakita ko si Chino na nasa terrace at nakahalukipkip doon. Parang inaabangan ako.

Nang makababa ako ng sasakyan ay agad akong lumapit sa kanya.

"Ayos ba ang lakad mo? Maganda na ang ngiti mo, ah," sabi ni Chino.

"Oo. Ayos naman ang lakad ko, wala si Congressman," sabi ko at dumeretso na ako papasok. "Tutulog muna ako, gisingin mo ako makalipas ang isang oras."

"Sige."

Iniwanan ko na si Chino roon at umakyat papunta sa kwarto ko. Nang ibagsak ko ang sarili sa kama ay naroon pa rin ang ngiti ko.

***

Nang magtanghali ay tinulungan namin si mama na maghain sa may cottage sa tabing-dagat.

Inaasar namin ang pagiging sweet nina Rachel at Jacob at hindi na kagaya noong isang araw na naiinis ako. Ngayon ay natutuwa na akong talaga sa dalawang 'to.

Natulala pa si Jacob kanina nang makita si Rachel n'ong kakagising lang nila. Nakakatawa na mukhang sira si brad; napatigil sa pagbaba ng hagdan at nakatingin lang kay Rachel.

Nang makakain kami ay inaya ko sila roon sa may rock formation na malapit. Nagda-dive kami roon nina Chino sa tuwing narito kami. Nagdala na kami ng makakain para hindi na kami pabalik-balik.

Natutuwa ako habang pinapanood sila. Mukha naman kasing nag-e-enjoy sila rito sa amin. Naupo ako sa may buhanginan at pinanood ko sila. Si Jacob panay ang pulupot kay Rachel. Tangina, simplehan din pagkamanyakis ng isang 'yon.

Napansin kong si Pipo ay umahon na at kinuha ang cellphone na nasa cottage. Isa pa itong loko na 'to. Kunwari pang walang babae mukhang palaging may niroromansa sa telepono.

Sina Chino at Julian naman ay nire-wrestling sina Frappe at Latte sa tubig.

"Kuya! Help!" sigaw ni Frappe sa akin at naiiling na lang akong tumayo at sumali sa kanila.

***

Umahon lamang kami nang nagpapatulong na si mama sa kusina. Kami ni Julian ang sumunod kay mama.

Naghanda kami ng kare-kare, adobo, at sinigang na sugpo. Gumawa rin si mama ng paella. Naalala ko yung kare-kare na ni request ni Sophia. Kinuha ko iyong cellphone ko at nag-message kay Sophia. Uutang na lang ako ng load mamaya kay mama.

"Hi, may kare-kare dito sa bahay. May adobo rin at sinigang. Pag-uwi mo ipaghahanda rin kita ng ganito, lutuin ko kahit anong request mo. Tawag ako mamaya kung okay lang." Isinilid ko na muna sa bulsa yung cellphone ko at nagsimulang maghain sa hapag.

"Wow! Ang daya, gusto ko rin niyan. Ipagluluto mo rin ako?" Reply niya sa akin.

"Yes, ano bang request mo?"

"Request ko sana hindi na babaero si Esso saka sana magbait na siya."

Napapikit ako sa reply niya.

"I'll try my best po, Mademoiselle."

"Tsk tsk, anyway, there's this platform called "WhatsApp". Mag-install ka sa phone mo so we can talk more often."

"Basta, I'll try my best. Sige, tingnan ko mamaya iyang sinasabi mo."

"Thank you! Install mo na later then turuan mo si Mommy bago ka umuwi sa apartment."

"Okay po. I miss you, Sophia. Ayokong maging selfish pero gusto ko talagang umuwi ka na."

"Hmm, can't. Tinanggap ko na yung scholarship, sayang naman if palalampasin ko pa yung opportunity. I miss you too. Say hello to your parents and your siblings for me."

"I know. Sana lang matapos na kaagad iyong three years."

"Esso, yung kanin," sabi ni Julian. Ibinaba ko sa counter ang cellphone ko at kinuha ko naman ang sandok at kumuha mula sa rice cooker. Naroon si Chino at nakatanghod kay mama, kanina pa namamapak ng hipon.

"Ma, hello raw sabi ni Sophia," bulong ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Chino. "Sa inyo rin daw," sabi ko at lumaki ang pagngiti ni Chino.

"Tawagan natin mamaya si Pia, 'nak," sabi ni mama habang nakangiti sa akin.

Mga matatanda nga naman, parang bata pa lang ako pinagkanulo na ako ni mama kay Sophia.

***

Nang gabing iyon ay tinawagan namin ni mama si Sophia pero hinayaan ko na lang silang mag-usap. Sumunod na lang ako kina Chino sa may cottage dahil nag-set up na sila roon ng inuman.

"Hi, So, matagal pa ba kayo ni Mama?" Message ko kay Sophia habang umiinom kami. Hindi siya nag-reply kaya inisip kong baka hindi pa nga sila tapos mag-usap.

Umalis sina Jacob at Rachel doon sa cottage at naglakad-lakad sa may baybayin.

"Tinamaan talaga si Jacob kay Rachel, 'no?" ani Julian.

"Mukha, pero ganyan naman iyan maski noong kay Andrea. Ang sana lang ay talagang mahal na ni Jacob si Rachel, baka kasi mamaya ay nabubulagan lang siya," sabi ko.

"Oo, pero sana nga ay mahal niya, siguro naman. Mukha naman silang masaya," sabi ni Julian.

"Tama, saka mas ayos 'di hamak si Rachel kay Andrea," sagot ko lang.

"Nag-message sa akin iyon no'ng nakaraan," sabi ni Chino.

"O? Anong sabi?" usisa namin.

"Nakikipag-meet," simpleng sagot ni Chino at tumungga mula sa bote niya.

"Type ka talaga ng isang 'yon, 'tol," sabi ko. Noon ko pa naman alam na nagme-message iyon kay Chino. Sa aming lahat ay nag-message na iyon pero pinakamadalas ay kay Chino.

"Anong sabi mo?" tanong ni Pipo.

"Wala, di ako nag-reply," sabi lang ni Chino.

"Baka gusto ay kayo namang dalawa dahil tapos na siya kay Jacob at doon sa ex niyang varsity player," sabi ni Julian.

"Ano ako? Doktor? Hindi na nandidiri?" sabi ni Chino at naghalakhakan lang kami.

"Ex 'yon ni Kuya Jacob, 'di ba?" tanong ni Latte.

"Oo," sagot ni Julian.

"Wag sana akong makakilala ng ganyang babae," sabi ni Latte at nagkatawanan na lang kami.

"Marami kang makikilalang gano'n pagtanda tanda mo pa," sabi ni Pipo kay Latte. "Pipili ka ng maayos na babae, nasa sa 'yo naman iyon kung papayag kang ginaganon," dagdag pa ni Pipo.

"Bakit? Magsyo-syota ka na ba?" tanong ko naman kay Latte.

"Oo," sagot ni Latte.

"Aba, aba, mukhang may nagugustuhan na itong si Latte," sabi ni Julian at inakbayan si Latte.

"Sinong gusto mo? Kaming bahala," sabi ko at tumungga mula sa bote ko.

"Gusto ko si Ate Pia," sabi ni Latte. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong beer nang marinig ang sinabi ni Latte.

Biglang nagtatakbo palayo sa 'min na tumatawa si Latte at napatayo naman ako bigla at hinabol siya.

"Awat na!" tatawa-tawang sabi ni Chino nang abutin ko si Latte. Maging si Julian ay hindi mapigilan ang pagtawa niya.

"Anak ka ng pating, tataluhin mo pa ako?" sabi ko kay Latte at muli siyang dinagukan.

"Hindi ah, biro lang," sabi ni Latte at pinakawalan ko na siya.

"Hindi nakakatawa," sabi ko.

"Nabasa kasi namin ni Frappe yung mga message mo kay Ate Pia," sabi ni Latte at biglang sumiksik sa likod ni Chino. Maging si Pipo na hindi naman talaga kilala si Sophia ay hindi na rin magkamayaw sa katatawa. Tangina, ano ba naman ito? Masasakal ko talaga 'tong si Latte. Gagantihan ko rin ang pilyong 'to sa ibang paraan at sa ibang araw.

"Lintik na, bakit ka nagbabasa ng message nang may message?" bulyaw ko sa kanya.

"Ayaw raw kay Ate Pia, panay naman ang "I miss you at uwi ka na"," nakakalokong dagdag pa ni Latte.

Mariin akong napapikit at napayuko na lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tangina, masasakal ko itong si Latte. Okay lang naman manakal ng kapatid, 'di ba? Punyeta.

"H'wag kang lalapit sa akin. Patay ka talaga Latte, sinasabi ko sa 'yo," sabi ko at lalo lang nila akong tinawanan.

"Magbait ka raw sabi ni Ate Pia, 'di ba? Susumbong kita kapag inupakan mo ako," sabi ni Latte at napaikot na lang ang mga mata ko at napabuntonghininga ako.

"Lalagyan ko na talaga ng password iyang cellphone ko," sabi ko.

"Sa tamad mong mag-enter ng password, lagi mo na ring ginagawa 'yan pero inaalis mo rin naman," sabi ni Chino.

"Tama, wag mo na lang ikalat 'yang cellphone mo, pero magbait ka raw talaga sabi ni Ate Pia."

Hindi na ako umimik at nahilot ko na lang ang sintido ko.

"I miss you, Sophia. Ayokong maging selfish pero gusto ko talagang umuwi ka na," ulit ni Latte, may emosyon pang kasama ang gago. Pinagtawanan naman nila ako roon at parang gusto ko namang ibaon ang sarili ko sa buhagin.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 42.4K 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED A woman with ambitions, goals, and perseverance-that's Shan Kassidy Alvarez. Wala siyang ibang hiling sa b...
388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
9.3M 183K 54
Maganda, mabait, mayaman, perfect. Yan ang mga katangian na palaging bukam-bibig ng mga taong kilala si Jasmine. Nasa kanya na nga siguro ang lahat m...
170K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?