Mr. and Ms. C

بواسطة LillMissBlue

123K 333 42

Sophie Dela Rosa never wished for anything but to be happy. Pero hindi na yata matutupad iyon dahil sa nakaba... المزيد

Introduction
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five

Chapter One

4.7K 55 6
بواسطة LillMissBlue

Chapter One 

(Sophie Dela Rosa)

Mahaba-habang takbuhan ang tinakbo namin ni Louis. Nakakahiya talaga yung nangyari kanina. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa aking sarili kung bakit ko ba nagawa ang bagay na iyon? Ang dami pa namang nakakita at mukhang sikat na tao pa man din yung sinampal at inaway ko. Malamang sa hindi, magkaroon ako nito ng instant haters at maging living hell ang aking tahimik na buhay.

=-=-=-=

"Louis ang ganda naman pala dito sa SMA. Ang laki-laki ng bagong school natin," puri ko habang manghang-manghang naglalakad sa main entrance ng school.

Nawala lang yung pag-MMTV ko nang may mga babaeng nagsisigawan, na parang mga galing ng mental, at nagtatakbuhan papunta sa direksyon namin. Akala ko nga noong una, kami yung dinudumog. Iyon pala, yung taong nasa likod namin dahil nilagpasan lang nila kami. Napaka-assumera ko talaga kahit kailan.

"OMG. Si Kian guys!"

"Mr. Lee isang tingin naman dito!"

"Ang guwapo niya talaga."

Naririnig kong sigaw nila at sa totoo lang, sobrang nakakabingi at kung minamalas nga naman ako, natangay ako ng mga nagsisigawang babae papunta kung saan mang mayroong welga o rally. Sa dami ba naman nila, kulang na lang magkaroon ng riot dito. Nang mahimasmasan ako, agad kong hinanap si Louis. Nahilo kasi ako sa pangangaladkad ng mga babaeng iyon at nabingi na rin ata dahil sa sobrang lakas ng sigawan nila. Hindi ko nga malaman kung nasa eskuwelahan pa ba kami o nasa welgahan na.

Habang abala ako sa paghahanap kay Louis, may bigla akong nabangga nang hindi sinasadya. Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako na parang may inaantay na iaakto ko at nang lumipas ang ilang segundo, naniningkit na yung mga mata niya. Medyo singkit na nga yung mata niya pinasingkit niya pa. Nakakakita pa kaya siya?

"Sorry," sabi ko na lang dahil marunong din naman akong makaramdam.

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ko kay Louis. Aalis na sana ako roon pero naramdaman ko na may humila sa braso ko kaya muntik na akong matumba. Ka-clumsihan ko nga naman, hindi marunong makisama. Kahit kailan talaga.

"Iyon lang?" tanong niya. Ano bang hinihintay niya?

Hindi ko siya sinagot noong una pero nang inulit niya iyon, sinabi ko na rin yung iniisip ko kanina pa. Nakakainis na rin kasi siya.

"Ano bang gusto mo? Yung sorry po in the tune of Chichay ng Got to Believe with matching curtsy pa?" sarkastiko kong tanong na halatang ikinairita niya.

Ano bang mayroon sa kanya? Guwapo sana siya kaso ang sungit. Ganoon na talaga siguro ngayon, palagi nang magkasama ang dalawang katangian na iyan. Package kumbaga para fair, isang positive at negative.

"What's up with you? Hindi mo ba ako nakikilala?"

Ano ba talagang problema niya? Pinapalaki niya yung gulo at ganoon ba ka-big deal yung pagkakabangga ko sa kanya? Mukha ba akong kotse at kung maka-react siya, parang nabangga siya ng kotse at nabalian ng buto? Nakakaasar lang kasi ang OA. Nakikidagdag pa siya sa problema ko. At isa pa, sino ba siya para kilalanin ko? Ikakamatay ko ba kapag hindi ko siya kilala?

"Hindi, sino ka nga ba?"

Pagkasabi ko niyon, nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid ko at kung anu-ano nang sinasabi nila katulad ng; sino raw ba ako para ganunin yung taong nasa harap ko, ang kapal daw ng mukha ko, etc. Mga kabataan nga naman ngayon, kinain na yata ng sistema maliban sa amin ni Louis.

"You don't know me? Well I'll introduce myself to you then," sabi naman ng lalaking nasa harap ko.

Gusto ko sanang tanungin kung para saan pa, pero naunahan na niya akong magsalita. Ganoon ba talaga kaimportante na makilala ko siya? Kasi sa totoo lang, sinasayang niya lang ang oras ko at laway niya. Baka mahuli pa ako sa klase nito. Unang araw na unang araw ko, late ako. Papagalitan ako nito ni Mama e.

May mga sinabi siya pero 'di ko masyadong pinapakinggan at pinagtutuunan ng pansin. Tango lang ako nang tango. Hindi kasi ako makasingit dahil ayaw kong maging bastos kahit hindi ganoon ka interesante mga pinagsasabi niya, pulos kayabangan lang naman kasi ang mga iyon. Dahil sa mga pinagsasabi niya, napagtanto ko na napaka-conceited niyang tao.

Bigla siyang tumigil sa kakasalita, nakaramdam siguro na hindi ko siya pinapakinggan at natuwa ako roon. Akalain mo, marunong din palang makaramdam ang manhid. Akala ko makakaalis na ako pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi at pagkatapos ay ngumisi sa akin. Tiningnan ko siya nang masama. Syete. Sino ba siya para gawin iyon sa akin?

Dahil sa hindi ko na mapigilan ang sobrang inis ko, nandilim bigla ang paningin ko at tuluyan nang nadala sa emosyon. Sinampal ko siya nang malakas. Ikinagulat niya at ng mga taong nakapaligid sa amin ang ginawa ko.

"Who the hell are you para gawin mo yun sa akin ha?! Akala mo kung sino kang napakaguwapo na kung umasta parang okay lang sa akin? Kung yung ibang babae riyan gusto iyon, puwes ako, hindi. Okay? Ibahin mo ako sa kanila! And FYI Mr. Conceited since punung-puno ka nang kayabangan and you're so full of yourself. Wala akong pakialam kung gaano ka kasikat sa eskuwelahan na ito. Ipinapaalala ko rin sa iyo na wala kang karapatang gawin iyon sa akin! Hindi mo ba alam na harrasment iyon?!" nanggagalaiting sabi ko sa kanya na hindi ko man lang pinag-iisipan at dinuduro-duro ko pa siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging bastos dahil sa sobrang galit at inis ko.

Nang mahimasmasan ako, doon ko lang napagtanto ang katangahang ginawa ko. Lahat sila ay nagulat dahil sa ginawa kong iyon sa iniidolo nila. Lahat sila nabato sa kinatatayuan nila lalo na yung mayabang na kausap ko. Agad kong kinuha yung oportunidad na iyon upang makaalis doon. Kailangan kong makatakas sa kanila. Mamaya balikan nila ako at mapaalis sa eskwelahang ito nang wala oras.

Noong nakita ko si Louis na palinga-linga sa may office, na parang may hinahanap na marahil ako, hinila ko siya agad paakyat. Tumakbo kami nang sobrang bilis para makalayo at makaalis lang agad sa lugar na iyon. Ano ba naman kasing katangahan ang ginawa ko?

=-=-=-=

"Ano bang nangyayari sa iyo Phie? Bakit mo ba ako kinaladkad at pinatakbo nang sobrang bilis?" pautal-utal na tanong ni Louis at halatang hingal na hingal siya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko ikinuwento sa kanya yung buong pangyayari kanina. Simula sa pagtangay sa akin ng mga babaeng patay na patay sa mayabang na manyak na lalaking iyon.

"Ano? Bakit ka umalis doon? Dapat tinawag mo ako para bugbugin yung lalaking iyon," sabi niya habang sumusuntok-suntok sa hangin na ikinatawa ko na lang.

Binatukan ko rin siya nang mahina upang magising siya sa katotohanan. Siya makikipagsuntukan? Wala yata sa bokabularyo niya iyon. Pero kahit mukha siyang nerd, may ibubuga pa rin siya.

Naaalala ko noong mga bata pa kami, may dalawa siyang pinatumbang bata na nambu-bully sa akin noon. Noong una, pinagtatawanan siya nang hinamon niya ang mga ito ng suntukan. Pero tulog naman yung mga iyon nang pinagsusuntok sila ni Louis. Kayabangan kasi ang inuuna ng mga iyon kahit binalaan na ni Louis yung mga iyon. Dahil sa pangyayaring iyon,  napatunayan ko na katulad din siya ng ibang mga lalaki, na kung anong kaya nila, kaya rin ni Louis. Napagtanto ko rin na dapat laging alalahanin ang kasabihang don't judge a book by its cover.

Paano ko nalaman ang lahat ng iyon? Mag-best friend na kasi kami ni Louis simula bata, kumbaga sabay na kaming lumaki, nagdalaga at nagbinata. Lagi rin kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay kaya hindi kami masyadong nag-aaway, maliban sa asaran na tungkol sa ka-clumsihan ko lang naman.

"Para saan iyon?" tanong niya habang hinihimas yung parte ng ulo niya kung saan tumama yung kamao ko. Ang OA lang, hindi naman ganoon kasakit iyon.

"Wala. Akala ko kasi natutulog ka, kaya binatukan kita para magising ka."

"Ewan ko sa iyo. Pumasok na nga tayo sa classroom," yaya niya kaya pumasok na kami sa loob.

Habang naghahanap ng mauupuan, napapansin kong ang daming nakatingin na mata sa amin na parang nanunuri. Hindi ko na lang iyon pinansin. Normal na siguro iyon kapag may mga bagong transfer sa klase niyo. Makaraan ang ilang segundong paghahanap, nakakita kami ng dalawang bakanteng upuan sa dulo ng classroom at doon na kami umupo. Ayaw ko kasi sa harap dahil kapag nagdaldalan na, patay na kami agad sa teacher namin. Kitang-kita kaagad.

Ilang minuto pa ang lumipas at tumunog na yung bell. Nagsipasukan na rin yung iba ko pang kaklase at nagulat ako nang pumasok yung taong nakaaway ko kanina. Agad akong nagtakip ng mukha at yumuko para hindi niya ako mapansin. Pero huli na yata ang lahat dahil tumingin siya sa akin at ngumisi. Patay na, nakita na ako ng mayabang.

Bakit sa dinami-rami ng section dito, magkasama pa kami? Sabi na nga ba, magiging living hell talaga itong buhay ko rito. Sana lang nagkaroon siya ng instant amnesia na malayong mangyari. Iuntog ko kaya siya? Baka pati kayabangan niya makalimutan niya? Kaso napaka-brutal ko naman.

"Good morning, class!" bati ng guro namin at binati rin namin siya. "I'm Mr. Peter Togores and I'll be your adviser for this school year. Alam kong kilala na ako ng iba rito pero para sa mga transferees and for formality's sake, I'll tell more about myself then kayo naman."

Nagpakilala na siya and during that, hindi namin maiwasang hindi matawa kasi ang galing niya talagang magpatawa. Hindi siya terror at pakiramdam ko, magiging magaling at epektibo siyang guro sa amin. Pagkatapos niyang magsalita, kami naman yung pinagsalita niya. Sa likod nagsimula kaya nauna ako at nang tumayo ako, nakita kong nakatingin sa akin yung naka-away ko kanina na tinatawag kong Mr. C sa utak ko. Mr. C dahil napaka-conceited niya and in tagalog, mayabang.

Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko, ano mang oras, matutumba ako. Yung mga mata kasi ni Mr. C parang may laser beam na tumutulak sa akin. Kung nakakapanakit lang ang mga tingin.

"Good morning! I'm Sophie Dela Rosa. Fourteen years young. Sana maging kaibigan ko kayong lahat," nahihiya kong sabi at pinipilit ko talagang ngumiti kahit sobrang awkward. Pagkatapos kong magsalita, agad na rin akong umupo.

Madami pang nagsalita at nung si Mr. C na, parang ang daming babaeng nagtilian. Seriously? Ganoon ba talaga kalakas ang karisma ng lalaking ito kung kaya't ang daming babaeng nagkakandarapa sa pagmumukha niya? Pero sorry siya, hindi niya ako madadaan sa pagmumukha niya at hinding-hindi ako magiging katulad ng mga bulag na babaeng nagkakandarapa sa kanya. Ugali kasi muna ang tinitingnan ko at ngayon pa lang, bagsak na siya. Hindi lang zero, negative pa!

"Good morning everyone! I'm Kian Lee. Fifteen years old. Student council governor, Mr. SMA..." Ang dami niya pang sinabi samantalang puro kayabangan lang naman iyon. Kulang na lang mag-SONA na siya. "And last but not the least, mag-ingat sa akin yung mga babae riyan, lalo na yung mga bago dahil kayang-kaya ko kayong mapahulog sa akin."

Habang sinasabi niya yung last line, nakatingin siya sa akin at kailangan talagang i-emphasize yung salitang bago? Nakipagtitigan ako sa kanya para iparating na wala akong pakialam at mabibigo lang siya.

Oo, tinamaan na ako kung tinamaan, hindi naman kasi ako manhid. Alam kong ako yung pinapatamaan niya. Hindi ko lang talaga malaman kung kayabangan ba ang pumupuno sa katawan ng lalaking ito, imbes na organs, muscles at tissues. Hindi pa rin siya natitinag sa mga titig ko. Kung puwede lang talaga, dudukutin ko talaga yung mga mata niya at ipapakain sa daga. Pasalamat siya hindi ko kaya at hindi puwede dahil hindi naman ako psychotic na tao. Maluwang lang turnilyo sa ulo ko pero hindi pa ako nababaliw para gawin ang karumal-dumal na gawain na iyon.

"Mukhang may bago ka na namang isasama sa mga listahan nang paiiyakin mo Mr. Lee? Maaari mo bang sabihin kung sino?" tanong ni Mr. Togores habang nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi makakahalata? Pati mga kaklase ko nakatingin na rin sa akin. Parang may nagawa akong napakalaking kasalanan at nahuli nila ako.

Talagang isasama sa listahan ng mga paiiyakin? Marami na bang pinaiyak itong conceited na lalaking ito? Pero marami man o talagang marami, hindi ako mapapasama sa roon. Itaga na nila sa bato, dahon o puno iyon.

Bago sagutin ni Mr. C yung tanong ni Sir, tiningnan niya muna ulit ako at tiningnan ko rin ulit siya nang masama. Nagtitigan ulit kami at parang pakiramdam ko, may mga laser beam na naman na lumalabas sa mga mata namin at naglalaban. Matirang matibay.

"Well sir, I won't tell her name but I'll give you one of her traits, she's a very, very clumsy person."

Bigla akong napabitaw sa titigan namin. Walang hiya, kailangan talagang idamay ang pagiging clumsy ko? Below the belt na siya. Magta-transform na talaga ako sa pagiging liger ko rito at lalapain ko itong lalaking ito.

"I think I have one prospect for that," sabi ni sir bago ngumiti sa akin. Pati si Mr. C, ngumiti rin nang nakakaloko.

Jusme. Ang sarap magwala. Seryoso, nasaan ang hustisya rito? Kailangan na kailangan ko na niyon. As in ngayon na.

"Phie, kilala mo ba yung pinag-uusapan nila? Feeling ko kasi ikaw iyon," bulong sa akin ni Louis.

"Puwede ka nang manghula sa Quiapo," sabi ko naman.

"Huh? Anong connect?"

Minsan talaga ang mga matatalino, sa sobrang dami ng laman ng utak nila, nawawalan na nang daanan yung mga hanging tinatawag nating common sense, sarcasm at humor.

"Nevermind."

Pagkatapos nang pagpapakilala namin sa isa't isa, inayos na ni Sir yung seating plan. Ang masaklap lang, hindi ko na nga katabi si Louis, naging katabi ko pa itong Mr. C na ito. Baka hindi ako makapagpigil na hindi ito sakmalin. Pigilan niyo ako.

"Ang cute mo pala kapag naiirita," sabi niya. Tiningnan ko siya nang masama, yung tipong nakakapatay talaga.

"Huwag mo akong dinadaan-daan sa karisma mo, Mr. C. Kasi ngayon pa lang, hindi ako tatablan ng mga iyon," sabi ko.

"Huwag mong pinapangunahan ang mga bagay-bagay, kung hindi ko lang alam, baka nahulog ka na sa akin ngayon pa lang. Sa ka-clumsihan mo ba naman? Hindi malayong ma-fall ka sa akin," pang-iinis niya.

Sobra na talaga pang-iinsulto niya. Nakakairita na pero kailangan kong magtimpi, pino-provoke lang ako ng mayabang na ito. Kailangan kong habaan ang pasensya ko.

Hindi ko na lang siya pinapansin,  bagkus ibinaling ko na lang yung atensyon ko sa pagbabasa ng mga libro ko kahit nakaka-bored. Tapos tuwing interval o palitan ng mga teachers namin, nakikipag-usap ako sa iba kong mga kaklase at siyempre, kay Louis. Nang marinig ko ang pagtunog ng bell, agad-agad kong niyaya si Louis na lumabas ng classroom. Nauubusan ako ng hininga sa loob, jusme.

Habang naglalakad, ibinubuhos ko kay Louis yung inis at galit ko sa mayabang na iyon. Siya lang naman ang kaibigan ko at alam kong nakakaintindi sa akin dito. Mabuti na lang talaga sabay kaming lumipat dito sa eskuwelahang ito. Dahil kapag nagkataon, baka lumabas akong baliw dito.

"Hindi naman kaya may gusto ka na rin sa kanya? Kasi kung makapag-react ka, wagas at halatang apektadong-apektado ka," tanong ni Louis.

"Hindi kaya," depensa ko naman agad.

Mahirap na, baka kung anu-ano nang iniisip nito. Besides, kakakilala ko pa lang sa mayabang na iyon, in love agad o kaya may gusto? Atsaka inis na inis lang, may gusto agad? Ganoon ba talaga kalakas ang impact ng kasabihan na the more you hate, the more you love?

"Good. Naninigurado lang. Mahirap na," sabi niya.

"Tandaan mo ito Louis, hinding-hindi ako magkakagusto sa mayabang na iyon at isa pa, alam kong alam mo na madali akong ma-fall o magkagusto. Pero hindi ibig sabihin niyon na kakakilala ko pa lang, gusto ko na agad? Hindi ako naniniwala sa love at first sight at kahit sa second sight, okay? At kahuli-hulihan, tumitingin ako sa ugali at hindi lang lagi sa mukha."

Atsaka anong mapapala ko sa love, love na iyan? Buti sana kung makakain ko iyan. Kung alam ko lang, magiging kumplikado lang ang buhay ko dahil diyan at para namang mauubusan ako ng lalaki sa mundo. Oo, NBSB ako pero NBSB na kung NBSB, totoo lang naman yung mga sinasabi ko.

"Ba't di mo makita pagmamahal ko sa iyo?"

Atsaka yung mga lalaking iyan, sakit lang ng ulo ang ibibigay sa iyo. Hindi naman kasi totoo yung kakakilala mo pa lang sa isang lalaki, happy ending na agad. Sa palabas na lang yata iyon nangyayari.

"Ang tagal ko nang nagpaparamdam sa iyo. Pero 'di mo pa rin maramdaman."

Tapos sa panahon ngayon, yung mga lalaki masyadong pa-fall kaya maraming babae ang umaasa. Kaya ayun, yung pag-asa nila naging weather-weather na lang. Kung maka-react na rin ang mga babae ngayon at magselos, akala mo sila nung taong gusto niya. Pero ang totoo wala naman pala talaga siyang karapatan.

"Ano bang gusto mo? Sabihin ko na sa iyo, Phie, gusto kita. Matagal na pero natatakot akong sabihin dahil baka masira pagkakaibigan natin. Kaya ang hirap magkagusto sa kaibigan mo, malaki ang tiyansa mong ma-Friendzoned."

Isa pa, may nauuso pa ngayong Friendzoned, Seenzoned, Sisazoned, Napoleszoned etc. Kung ituon na lang kaya nila yung mga sarili nila sa mga mas importanteng bagay, hindi ba? Mag-aral sila ng mabuti, baka matuwa pa mga magulang nila.

"Akala ko na-Friendzoned lang ako, ngayon dedmazoned na rin pala. Pasalamat ka gusto kita."

Teka nga, bakit ang bitter ko? Dahil ba sa pagiging single ko iyon o dahil sa mga nakikita kong nagpi-PDA ngayon sa harapan ko?

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Louis at napasubsob ako sa dibdib niya. Nakarinig din ako ng pagbagsak ng mga libro.

"Sophie Dela Rosa, are you out of your mind?" tanong niya na medyo naiirita at nag-aalala kasi buong pangalan ko ang ginamit niya. Naririnig ko rin yung mabilis na tibok ng puso niya.

"Ano bang nangyari?" tanong ko dahil wala akong kamalay-malay sa nangyayari. Nagagawa nga naman ng sobrang pag-iisip. Humihiwalay ang kululuwa mo sa katawan mo.

"Muntik ka nang malaglagan ng mga libro. Paano kung nalaglagan ka at nagkapasa ka? Lagot ako sa kuya mo at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon," sabi niya.

Okay. Medyo ang OA ni best friend. Pero alam ko namang concern lang siya sa akin at talagang binilinan siya nina Kuya Gino at Mama na huwag akong papabayaan.

"Ehem. Ehem"

Nakarinig kami ng ubo kaya napabalikwas agad ako at nakita ko ang isang nakasalamin na lalaki na may medyo kalakihan ang katawan.  Nakasalampak siya sa sahig at napapalibutan ng mga nakakalat na mga libro.

"Baka gusto niyo akong tulungan? Baka lang naman?" tanong niya na may halong sarkastikong tono.

Agad namin siyang tinulungan sa pamumulot ng mga libro. Ang daming librong nakakalat, kung hindi lang kasi lumilipad yung utak ko, hindi sana ako nakaperwisyo ng ibang tao. Ba't ba kasi ang bitter ko?

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya," sabi ko.

"Okay lang. Sa susunod kasi huwag mag-daydream kapag kasama mo ang boyfriend mo," sabi naman niya na medyo naiirita. May PMS kaya siya? O nagme-menopause siya?

Tiningnan ko siya dahil hindi ko mawari kung ano yung tinutukoy niya. Boyfriend? Sino? Si Louis? Napaka-impossible yatang mangyari niyon? Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Naku, hindi ko siya boyfriend, Best friend ko lang siya." Napansin kong tumingin sa akin si Louis na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ganoon ba? Pasensya na. Kung makapag-react kasi, daig pa ang mga boyfriend ng mga kaklase ko."

Sabagay may point siya. Ang OA naman kasi minsan ni Louis kaya napagkakamalang boyfriend ko. Masyadong protective at laging concern.

"Okay lang yun," sabi ko habang tumatawa pa rin.

Habang pinupulot namin yung mga libro niya, napansin kong ga-bundok sa dami yung mga iyon. Kaya't napagpasyahan namin ni Louis na tulungan na siyang dalhin ang mga iyon sa Faculty.

Habang naglalakad, nagkukwentuhan na rin kami. Ang pangalan pala niya ay Kristiene Torres. Nalaman kong ka-batch din pala namin siya at siya ang class salutatorian namin. Dahil sa curious ako, tinanong ko kung sino yung Valedictorian at nang malaman ko kung sino iyon, halos maitapon ko yung mga librong dala ko. Hindi ako makapaniwala na si Mr. Conceited iyon.

Kaya siguro lumaki ulo nun? Kasi class Valedictorian siya tapos sabi pa niya sa introduction-slash-SONA niya kanina, SC Governor daw siya, Mr. SMA, Team Captain ng Basketball team at sa inaakto ng mga babae sa kanya, hindi maipagkakailang heart-throb din ang lalaking iyon, sa madaling salita, sakit sa puso ng mga babae.

"Bakit ka naman inis na inis sa kanya?" tanong ni Kris na marahil nahalata ang pagkainis ko kay Mr. C. Ikinuwento ko kasi yung mga nangyari sa akin kanina at yung mga pamemesteng ginawa sa akin ng mayabang na iyon.

"Well first of all, mayabang siya. Second, sobrang yabang niya. And lastly, napaka-yabang niya. Siya na ang pinakamayabang na taong nakilala ko sa buong universe. Deserve niya ang Most Braggart award," sabi ko sa kanya.

"May gusto ka ba sa kanya?"

Literal na napa-facepalm ako sa tanong ni Kris. Jusme. Pangalawa na siyang nagtanong niyan. Mukha ba akong may gusto kay Mr. C? Init na init nga yung dugo ko sa kanya and for the nth time, hindi totoo yung kasabihan na the more you hate, the more you love.

"Seriously, mukha ba akong may gusto sa kanya?"

"Wala naman pero, The more you hate-" Hindi ko na siya pinatapos ang sasabihin niya dahil banas na banas na talaga ako sa kasabihan na iyan. Kung sino man ang nakaimbento niyan, frustrated lang siguro at hindi gusto ng taong gusto niya.

"Kasabihan lang siya, okay? At walang kahit na anong bahid ng katotohanan iyon."

"Okay, fine. Napansin ko lang, kapag kasi yung mga kaklase ko nagkakagusto kay Kian, hindi sila naiinis sa kanya, in love na talaga sila as in. Yung sa sitwasyon mo naman, akala ko gumagamit ka ng reverse psychology. Strategy mo kumbaga upang magkagusto siya sa iyo o mapansin ka niya."

Reverse Psychology? Strategy? Magkagusto? Mapansin? Seryoso? Ano ako KSP? Bakit ba kasi walang nakakaintindi sa akin? Hindi ko nga gusto yung mayabang, hambog, antipatiko at conceited na lalaking yun.

"Once and for all, hindi ko siya gusto at never kong magugustuhan ang mayabang na lalaking iyon," paglilinaw ko sa kanila para matapos na ang diskusyong iyon.

"Okay, sabi mo."

Pagkatapos nang mahabang paglalakbay at kwentuhan, sa wakas, nakarating na kami sa Faculty room na sobrang layo; yung tipong kailangan mo pang tumawid ng dalawang bundok, sumakay ng malaking agila at makipagsapalaran sa gubat.

Nagpaalam na kami ni Louis kay Kris at bumalik na kami sa classroom namin. Pakiramdam ko, mababaliw talaga ako sa mga pinag-uusapan namin kanina. Nang makabalik na kami sa classroom, parang may riot, welga at protesta na naman. Parang may demolisyon na nagaganap. Napakagulo ng mga classmates ko at ang ingay pero ang tanging pumukaw sa aking atensyon at pansin, walang iba kung 'di si Mr. C. Tahimik lang siya na nakaupo at bagot na bagot na nililipat ang mga pahina sa isang libro, na sa tingin ko'y hindi naman talaga niya binabasa. Base sa inaakto niya, parang wala siyang kaibigan.

Umupo ako sa tabi niya kahit sobrang labag sa kalooban ko dahil wala nang bakanteng upuan. Isa pa, sobrang sakit na rin ng mga paa ko. Sa haba ba naman nang nilakbay namin ni Louis at tumakbo pa kami dahil akala namin late na kami, hindi pa sasakit iyon?

Habang nakaupo ay napapansin kong lihim na sumusulyap-sulyap si Mr. C sa mga classmates naming lalaki na nagtatawanan. Bakit kaya hindi siya sumali sa kanila? May problema kaya sa pagitan ng mga kaklase naming lalaki at sa kanya? Nakikita ko rin sa mga mata niya yung loneliness.

Okay, medyo nawi-wirdohan na ako kay Mr. C at sa sarili ko dahil sa pagiging concern ko sa kanya. Sino ba talaga si Mr. Kian Lee at ganoon na lamang ang inis ko sa kanya at ano kaya gagampanan niyang parte sa buhay estudyante ko rito sa SMA? Mayroon pa kayang iba maliban sa pamemeste niya sa akin?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

147K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
78.1K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
Rebel Hearts بواسطة HN🥀

قصص المراهقين

1.8M 75.7K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.2M 53.9K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...