HILING

By Arviejay28

17 1 0

Ano'ng gagawin mo kung sakaling magkagusto ka sa isang taong may gusto ng iba? More

Second Part

First Part

13 1 0
By Arviejay28

HILING
Written by: Arviejay28

May mga bagay na naging isang malaking bahagi ng ating buhay. Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi permanente.

-----

Warren's POV.

Dumating na yung panahon na pinakahinihintay ng lahat ngunit ito ang araw na inaayawan ko.

Unang araw sa skwelahan, tila nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko ba ang aking paghakbang papasok sa classroom na nasa harapan ko.

"Papasok ba ako o, papasok?" Napahawak ako sa aking batok, at sinimulang maglakad paatras ngunit sa hindi inaasahan, may natapakan ako na paa kaya mabilis kong naramdaman ang kanyang kamay na nagtulak sa akin ng malakas

"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" 

"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya" hingi ko ng paumanhin sa babae

"Tanga ka ba? Nasa harapan mo ang pupuntahan mo pero naglalakad ka ng paatras, ano ka? Si Michael Jackson?"

"Sorry na nga e" hingi ko ulit ng paumanhin at tinalikuran siya. Michael Jackson? Bakit naman nadamay dito yung taong patay na? Saka humingi naman ako ng pasensya, ano pa'ng problema niya?

"Hoy! Bumalik ka nga dito! Bastos!" Lumingon ako kung saan siya naroon.  Napangiti na lang ako dahil nabuo ang aking desisyon nang dahil sa babaeng iyon. hindi muna ako papasok ngayong araw dahil wala namang gagawin.

Nagtungo ako sa likod ng paaralan, tahimik ang lugar na ito kumpara sa classroom. Paghuni lamang ng ibon at ihip ng hangin ang tangi kong naririnig.

Habang sa aking pagpapahinga, may narinig ako na isang kakaibigang musika na pumukaw sa aking atensyon.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinundan kung saan nanggagaling ang magandang musika na iyon. Papalapit nang papalapit ang naririnig kong musika, pag-strum sa gitara at tinig ng isang babae. Nakakita ako ng isang lumang silid at sa tingin ko, dito nanggagaling ang magandang musika.

Lumapit ako dito at sinilip kung ano ang nasa loob. Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gitna ng silid at tanging sinag lang ng araw ang nagbibigay liwanag sa taong ito.

Sobra akong namamangha dahil naririnig ko ngayon ang boses ng isang taong may pangarap at may pagmamahal sa musika.

'Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
San ka man ay sana'y maalala mo
Kailan man asahan 'di mag-kalayo'

'Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik'

Sumulyap ako sa paligid ng silid at ito ay puno ng mga lumang instrumento. Hangang sa hindi ko na mapigilan ang aking sarili at tahimik akong pumasok sa loob ng silid upang hindi ko ma'istorbo ang babae sa kanyang pag-kanta.

Ang ganda ng kanyang tinig, samahan pa ng perpekto niyang paggamit ng gitara at mala anghel na mukha.

Sumandal ako sa isang lumang piano at hinayaan ang aking sarili na makinig hanggang sa matapos ang kanyang pagkanta.

'Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw'

Tila ayoko ng matapos ang oras na ito. Muli ko siyang sinulyapan para makita naman ang kanyang mukha

'Malayo ka man ay sana'y maalala mo
Kailan man pangako 'di mag-kalayo---'

Nahinto ang kanyang pagkanta at napatingin sa aking direksyon dahil sa tunog na nanggaling sa aking cellphone, panandalian kaming nagkatitigan sa mata ngunit umiwas kaagad ako ng tingin.

Nanahimik ang paligid at tanging pagkilos niya lang ang lumilikha ng ingay sa buong silid

"Sino 'yan? May tao ba d'yan?" Dinukot ko sa aking bulsa ang cellphone ko at nagmadali itong patayin. Naririnig ko na ang hakbang ng kanyang paa palapit sa aking pinagtataguan.

Kumuha ako ng barya sa aking bulsa at hinagis ito sa direksyon ng babae napalingon siya rito kaya hindi ko na inaksaya pa ang oras at nagmadali ng lumabas sa silid.

-----

Miles's POV.

Kinabukasan, napapaisip pa rin ako kung sino ang lalaking iyon sa lumang music room.

"Miles"

Pero teka, bakit siya nandon? Pinapakinggan ba niya akong kumanta?

"Miles"

"Miles!"

"Ay butiking panot! Ano ba Ivy! Bakit ka nanggugulat?" Inis kong sabi sa pinsan ko, hindi pa ako nakuntento at hinampas ko pa siya sa braso

"Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo"

"Sorry." Nasabi ko na lang pero naalala ko na naman yung lalaki sa music room "Ivy"

"Oh?"

Huminga ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya "May kilala ka bang lalaking matangkad?" Seryoso kong tanong

"Oo, marami. Yung mga basketball player sa school. Yung boyfriend mo, matangkad rin, player ba naman"

"Naka'puti?"

"Malamang, naka'puti lahat ng tao dito dahil iyon ang uniform na'tin"

"Itim ang buhok?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan! Halos lahat naman ng tao ay kulay itim ang buhok. Teka, bakit mo ba tinatanong?"

Sumimangot ako, dismayado dahil halos nga naman lahat ng tanong ko ay common ang sagot dito sa paaralan.

Ang mga mata lamang niya ang kakaiba, tama! Baka sa pamamagitan ng kanyang mata ay makilala ko siya.

Tinignan ko ang silver necklace sa aking palad, may maliit na pendant ito na krus. Ang kwintas na ito ay napulot ko sa music room kahapon, Pagmamay-ari kaya ito ng lalaking matangkad?

Hinawakan ko ang kwintas na nakasuot sa aking leeg. Katulad ito ng kanyang kwintas kaya gusto kong malaman kung sino ang nagmamay-ari nito.

Siya kaya yung taong nakilala ko noon?

-----

Warren's POV.

Nasa isang sulok ako ng classroom, nakikinig ng music, naka'dukdok sa armchair at naghihintay ng guro na magtuturo sa Math subject namin. Nananahimik ang mundo ko nang biglang may kumalabit sa aking balikat. Inis ko siyang tinignan at nagulat ako nang bumungad sa aking harapan ang mala'dragon na babaeng nakapamewang

"Hoy! Ikaw kumag ka! Akala mo tapos na tayo?"

Tinanggal ko ang earphone na nakapasak sa aking tenga "Excuse me?"

"Aba! Loko ka ah, tignan mo hinahanap mo"

"Teka, ano'ng gagawin mo?" Tumayo ako at sinundan siya pero napaatras muli ako dahil bigla na naman siyang humarap sa akin. Sh*t! Bakit siya umiiyak?

"PAGKATAPOS NG GINAWA MO SA AKIN? TATALIKURAN MO NA LANG AKO NANG BASTA-BASTA NA LANG?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi, maski ang mga kaklase namin ay nabigla rin dahil sa umaalingawngaw na boses ng babaeng ito. Ano bang problema niya? Bakit kailangan pa niyang sumigaw? Hindi pa nakuntento at tila umaarte siya na may ginawa akong hindi kanais-nais sa kanya. Yuck!

"Humingi naman ako sa'yo ng tawad ah"

"Tawad? Sa tingin mo ganon lang kadaling kalimutan ang nangyari?"

"Ivy? Ano'ng nangyari?" Tawag ng isang babae sa kanya. So, Ivy pala ang pangalan ng maingay na babaeng ito?

"Yung lalaking 'yan!" Galit na pagturo nito sa akin, ngayon ay nasa akin na ang lahat ng atensyon ng mga kaklase namin at tila gusto na akong kuyugin at gawan ng masama.

"Ano'ng ginawa ko?" Pagtataka kong tanong

"'Wag ka ng magmaang-maangan pa!" Kumunot ang aking noo. Ano ba'ng sinasabi niya? "Paano kung nagbunga ito?"

"Ha? Teka, ano'ng nagbunga?"

"Yung ginawa mo! Bastos ka!" Nanlaki muli ang mga mata ko dahil hinila niya ang aking kuwelyo at inilapit niya ang mukha ko sa kanyang mukha, ang angas ng babaeng 'to.

Magsasalita pa sana ako nang ma'realize ko ang kanyang sinasabi.

So, pinapalabas niya na, may nangyari sa amin? Sa pagkakaalam ko, may sayad lang ang taong gagawa 'non sa kanya. Nasisiraan na siya ng ulo.

Inalis ko ang kanyang pagkakahawak sa akin at ako naman ang lumapit sa kanya, napaatras naman siya dahil sa ginawa ko.

"Miss, humingi ako ng tawad dahil sa hindi ko sinasadyang PAG-TAPAK sa mga PAA mo kahapon. Ngayon, kung may problema ka, sabihin mo hindi yung gagawa ka ng eksena na parang may ginawa ako sa'yo"

"Bakit? Wala ba?" Inis pa rin nitong sabi.

"Wala nga!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok, ang kulit! Lumayo ako sa kanya dahil sumisigaw na naman siya, bahala siya! Matuyuan sana siya ng laway. Sinuksok ko na lang muli ang earphone sa tenga ko at bumalik sa aking upuan na parang walang naganap.

Nababaliw na siya!

-----

Warren's POV.

Ilang lingo na ang nakakalipas at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, walang segundo, minuto o, oras na hindi kami nagtatalo ni Ivy. Sa bahay na nga lang natatahimik ang mundo ko.

Sobrang ingay ng babaeng iyon at ang talento niya ay kumain at umarte kaya sa kasamaang-palad, isa ako sa mga nabiktima niya sa kanyang pag-arte, hindi na rin ako magtataka kung magiging mababa ang kanyang grades sa lahat ng subject. Aaminin ko, maganda siya, mabait rin, bunganga niya lang ang hindi matahimik, siguro nga, magkakasakit ng isang buwan ang babaeng iyon kapag hindi siya nakapagingay sa buong araw

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Natahimik ako sandali dahil sa aking naalala.

Yung babae sa music room. Ano kaya ang pangalan niya? Napakaganda ng kanyang boses. Corny man pero sa tingin ko, tinamaan ako sa kanya. hindi ko malilimutan ang kanyang mga mata na nakipagtitigan sa akin kahit sa ilang segundo lamang.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga, dinampot ko ang gitarang nakapatong sa aking kama at sinimulang gayahin ang kanyang kinanta sa loob ng lumang silid.

Nai'imagine ko ang kanyang boses sa aking isipan, tila sumasabay siya sa aking pagkanta.

Pagkatapos ko itong tugtugin ay hinawakan ko ang kwintas na nasa aking leeg.

Ngunit,

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi nang hindi ko makapa ang suot kong kwintas. Tumayo akong bigla at nagsimulang halughugin ang buo kong kwarto para hanapin ito.

Hindi maaari.

Hindi pwedeng mawala ang kwintas na iyon.

Alas singko pa lang ng hapon at kahit sabado ngayon ay nagmadali akong nagtungo sa St. Nicholas High School kung saan ako nagaaral. Lahat-lahat ng pwede kong puntahan ay pinuntahan ko, ang classroom, sa rooftop, sa school garden pati sa cafeteria ngunit walang bahid ng kwintas ang naroon.

Kung tutuusin, maliit lang na bagay iyon pero malaking halaga ang mawawala sa akin. Importanteng bagay iyon.

Hindi kaya... Hindi kaya nahablot ni Ivy ang kwintas ko nung araw na sinigaw-sigawan niya ako sa loob ng classroom? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at balak ng tawagan si Ivy ngunit may sumamang barya dito at nahulog kaya tila bumalik ang ala-alang naganap noong nasa music room ako. Hindi kaya sa pagdukot ko rin ng cellphone ay napasama ang kwintas? Pero ang natatandaan ko ay nakasuot ito sa akin? Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko ang lugar na iyon.

Tumakbo ako tungo sa music room, sa pagpasok ko ay bumungad sa akin ang upuang nasa gitna. Naalala ko yung magandang babae, naglakad ako tungo sa upuang ito ngunit napatigil ako nang makarinig ng isang... Paghikbi?

Dahan-dahan akong lumapit kung saan nanggagaling ang paghikbi, at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa likod ng piano. Lumingon siya sa akin at sa pangalawang pagkakataon, nag-tama na naman ang aming mga mata. Ngunit, ito ay lumuluha.

Luha na puno ng sakit.

Iniwas niya ang tingin sa akin at pinunasan nito ang tumutulong luha sa kanyang pisngi gamit ang mga palad nito. "Isipin mo na lang na wala kang nakita" tumayo siya at nagsimula ng maglakad pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at pinigilan ko siya.

"Sandali" Huminto ito pero hindi lumilingon sa akin. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay at ibinigay ang aking panyo.

"Isauli mo na lang, kapag tapos ka ng umiyak" muli kong narinig ang kanyang paghikbi, hinayaan ko lang siya at ako na ang unang lumabas sa silid. Habang palayo ako, rinig ko pa rin ang palakas na palakas nitong pag-iyak

Kung ano man ang problema niya, alam ko na kailangan niya ng karamay at ng taong makikinig sa kanya, pero hinayaan ko lang siya ng mga oras na iyon dahil sa tingin ko ay kailangan niya munang mapag-isa

-----

IVY's POV.

Lunes ng umaga, masaya akong naglalakad patungo sa classroom nang makita ko ang aking pinsan. "Teka, siya ba 'yon? Bakit parang hindi niya kasama ang boyfriend niya?" Pagtatanong ko sa aking sarili, himala naman yata iyon. Ngumiti ako at balak sanang lapitan si Miles nang makita ko ang asungot sa buhay ko. Isang lalaking ayokong makita dahil masisira na naman ang buong araw ko.

Pinagmasdan ko siya, infairness gwapo siya ha, may pagkawirdo nga lang. Teka, bakit tila iisang direksyon lang ang tinitignan ng taong ito? Parang hindi na siya kumukurap sa lagay na 'yan.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitignan at dito tumaas ang kilay ko. Lumapit ako kay Warren at sinigurado nga kung tama ang nakikita kong pinagmamasdan niya.

Si, Miles?

"Ang ganda niya 'no?" Sabi ko pero hindi ko inaasahan ang pag-sagot nito.

"Sobra" Lumingon ako sa kanya at siya naman ay dahan-dahang lumingon sa akin. Nagulat pa siya nang makita ako sa kanyang tabi. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Inis nitong tanong.

"Malamang, school 'to at gusto kong matuto kaya pumasok ako" ngumisi ako at inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha "Pero may gusto akong malaman ngayon na hindi bahagi ng ating pinagaaralan."

"Ano?"

"Aminin mo nga sa akin---"

"Lumayo ka nga sa akin" Tinulak niya ang aking noo gamit ang kanyang daliri sa kamay

"Oy, na'distract siya" pang-aasar ko.

"Yuck"

"Wow, arte mo. PERO---"

"Ano na naman 'yon?" Inis na niyang sabi

"May gusto ka ba sa pinsan ko?" Kumunot ang kanyang noo at halatang nagtataka sa sinabi ko

"Pinsan mo? Teka--- You mean---"

"May gusto ka kay Miles hano?" Lumingon siya sa akin. Ano bang problema ng taong ito? Ang weird niya talaga

"So, Miles pala ang pangalan niya" Tumatango-tango nitong sabi at agad ngumiti. Tila nagpalit kami ng ekspresyon ng mukha ngayon, ako naman ang nakakunot ang noo. Lumayo ako sa kanya dahil para siyang isang ulol na aso

"Ivy---"

"Oh?" Tumayo ako at balak na siyang iwan ngunit pinigilan niya akong umalis

"Ang blooming mo ngayon. Teka, parang may nagbago sa'yo e. Parang---parang sumisexy ka, tsaka mas gumagan---"

"Sige, ituloy mo!" Tuluyan ko na siyang nilayasan pero narinig ko pa siyang sumigaw.

"Ivy, ang ganda mo!" hindi ko sinubukang lumingon sa pwesto niya dahil sa mga taong nakatingin sa akin.
Nababaliw na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 894 26
හැකි වේදෝ පිරිමි ඇඟකට පිරිමි ඇඟක් හිරවෙන්ඩ..........
774K 15.5K 111
Yaszy Romano has been through so much pain and suffering her entire life but it makes her who she is. Dark Angel...Dangerous, Powerful. An Assassin...
15K 2K 50
Hi, I'm the owner of the petition and I'm going to be talking about this ban of it, vote and comment & sign the petition act WE NEED ABOUT 15k SIGNA...
13.3K 441 25
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...