Enchanted Academy (Book 2)

By JoshuaLeeStories

66.4K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 17

1.6K 62 10
By JoshuaLeeStories


JARETH’S POV

WALANG pagsidlan ang kaba sa aking dibdib habang hinihintay ko ang kasagutan ni Kanika. Aaminin ko, wala sa plano ko ang pag-amin ng aking nararamdaman sa kanya kaya lang ay nadala na ako sa bugso ng aking damdamin. Sa takot ko na baka mapalapit nang husto si Kanina kay Hamir ay nasabi ko na sa kanya ang aking nararamdaman.

Hindi pa rin nagsasalita si Kanika. Nakatingin lang siya sa aking mata. Nabigla ko siya, alam ko iyon.

“Kanika, kahit ano ang iyong kasagutan ay irerespeto ko. Nais ko lang din talagang malaman ang iyong kasagutan…” untag ko sa kanya.

Gumalaw ang labi niya. “Jareth, g-gusto kong maging matapat sa iyo. Wala akong nararamdaman sa iyo kundi isang kaibigan lamang. At ang gusto ko sana ay manatili tayong ganoon habangbuhay. Nakikita kita bilang kapatid kong lalaki, isang malapit na kaibigan. Patawarin mo ako--”

“Huwag kang humingi ng tawad. Ang sabi mo nga, ikaw ay naging matapat lang. Huwang kang mag-alala, masakit ngunit iyon ay aking tatanggapin. Ayoko naman na ipilit sa iyo ang aking sarili. At sana, huwag maapektuhan ang ating pagkakaibigan sa ginawa kong pag-amin sa iyo.”

Tumango siya. “Oo naman. Tayong dalawa ay magkaibigan pa rin. Ikaw ang unang naging kaibigan ko nang dumating ako dito bukod kay Leya kaya ikaw ay napakahalaga sa akin, Jareth. Asahan mo na kung ano tayo noong una ay ganoon pa rin tayo hanggang huli.”

Niyakap ako ni Kanika. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya pero ako na rin ang naunang kumalas. “Tunay ngang ikaw ay nararapat na tawaging hinirang at itinakda. Busilak ang iyong puso, Kanika,” sabi ko sa kanya.

“Naku, nambola ka pa! Basta, ang hiling ko ay makatagpo ka ng babaeng kayang suklian ang pag-ibig mo, Jareth. Maloko ka pero alam kong isa kang mabuting tao. Alam ko iyon…”

“Salamat. Pero may katanungan lang sana ako. May nagmamay-ari na ba ng iyong puso? May napupusuan ka na bang lalaki?”

Hindi agad nakasagot si Kanika. Tila ba nag-iisip pa siya. Mataman lang siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ko ang kanyang pagsagot.

“Sa totoo lang, naguguluhan talaga ako ngayon. May isang lalaki na parang gusto ko na pero kapag naiisip ko ang tungkulin ko bilang itinakda ay umuurong ang puso ko. Sa ngayon, parang wala pa akong karapatan na umibig. Tungkulin muna bago ang puso. Tama naman ako, 'di ba?”

Tinanguhan ko ang sinabi niya. Pero parang kilala ko ang lalaking kanyang tinutukoy. “Tama ka naman. Ikaw ang inaasahan ng lahi ng Ligero at ng Erkalla. Ikaw ang inaasahan namin dahil ikaw ang nasa propesiya na papatay kay Prosfera. Alam kong magagawa mo iyon, Kanika. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Oo nga pala, kailan ang iyong kaarawan? Hindi ba’t ang sabi sa propesiya kapag ikaw ay nasa labing walong taon ay saka mo mapapatay ang alteza ng mga Osoru?” tanong ko sa kanya.

“Sa makalawa na pala ang aking birthday este kaarawan. Ibig sabihin iyon ay nalalapit na talaga ang katapusan ng pagrereyna ni Prosfera dito sa Erkalla!”

“Tama ka. Maibabalik na rin ang dating payapang Erkalla…”

“Ngunit ako ay nalulungkot pa rin dahil hindi kayo parehas ng nararamdaman…” singit ni Leya na lumipad at umupo sa kanang balikat ni Kanika.

Magsasalita pa sana ako nang may bigla akong narinig na boses sa loob ng aking ulo. Tinatawag niyon ang pangalan ko at ni Kanika. Hindi ako maaaring magkamali. Tinig iyon ni Calvin. “Naririnig mo rin ba ang boses ni Calvin?” Mahinang tanong ko kay Kanika.

Tumango siya. “Oo, Jareth. Gusto niya tayong kausapin. Ang galing! Maaari niya pala tayong makausap sa pamamagitan ng isip lamang!” manghang bulalas niya.

“Isa iyan sa kakayahan ng mahuhusay na salamangkero!” sabi ko naman.

Kanika, Jareth, kayo ay nakakonekta sa aking isip upang kayo ay aking makausap. Kumusta naman kayong dalawa diyan?” tanong ni Calvin.

“Ayos lang naman po kami dito. Sa kabutihang palad ay wala pa naman po kaming nagiging problema,” sagot ko.

Ikaw, Kanika? Kumusta ang pagpapanggap mo?”

“Maayos din naman po. Magaling akong magpanggap na lalaki kaya wala pang nakakahalata kahit na sino.”

Mabuti naman pala kung ganoon. Paghusayan niyong dalawa ang inyong pag-aaral diyan lalo ka na, Kanika. 'Wag kang mag-alala, oras na matapos mo ang misyon mo ay may malaking sorpresa ako sa iyo…

“Sorpresa? Anong sorpresa?”

Sorpresa nga, 'di ba? Hindi ko pa maaaring sabihin sa iyo ngayon. Ang alam ko lang ay labis mong ikakagalak ang sorpresang iyon!

Napakamot sa ulo niya si Kanika. “Grabe naman. Kakabitin naman iyan, Calvin. Pero, sige, maghihintay na lang ako. Sanay naman akong maghintay, e!” bahagya itong tumawa.

Sige na. Puputulin ko na ang pag-uusap natin na ito. Baka maramdaman ni Prosfera na ako ay kumokonekta sa inyo. Mag-iingat kayong dalawa diyan. Paalam!” Matapos iyon ay hindi na namin narinig ang boses ni Calvin.

“Jareth! May sorpresa daw si Calvin sa akin kapag natapos ko na ang misyon ko dito!” Masayang sabi ni Kanika pagkatapo.

“Narinig ko, Kanika. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin. Teka, may gusto ka pa bang puntahan dito sa Enchanted Academy?”

Itinirik ni Kanika ang kanyang mata. “Anong klaseng tanong ba iyan? Wala naman tayong ibang mapupuntahan dito, 'no.” Napahinto siya na parang nag-iisip. “Alam ko na! Ano kaya kung pumunta tayo sa silid ni Prosfera dito sa Enchanted Academy? Parang gusto ko lang makita ang kwartong iyon. Malay mo, may makita tayong kung ano doon na makakatulong sa atin para talunin siya.”

Mariin akong umiling. “Hindi magandang ideya iyang naiisip mo. Masyadong mapanganib kung pupunta tayo doon. Paano kung mahuli tayo ni Prosfera?”

“Paano kung hindi?” Hinawakan niya ako sa braso at niyugyog iyon. “Sige na, Jareth! Naiinip lang talaga ako ngayong araw lalo na at wala naman tayong klase. Saka walang klase ngayon, ibig sabihin ay nasa kanyang palasyo si Prosfera at wala sa kanyang silid dito sa paaralan.”

Masyado talagang makulit itong si Kanika. Kahit alam niyang ikakapahamak niya ay gagawin niya. Katulad na lang ng pagpapanggap niya bilang isang lalaki dito sa Enchanted Academy. Kahit alam naman naming lahat na mapanganib ay ginagawa niya pa rin. Kung tutuusin ay mas matapang pa pala siya sa akin.

“Hindi talaga. Magtungo na lamang tayo sa ating silid o kaya ay mag-ensayo. Mas maganda pang gawin iyon kesa sa sinasabi mong pumunta tayo sa silid ng alteza ng mga Osoru. Masyadong mapanganib!”

“Kung ayaw mo akong samahan, ako na lang--”

“Ako. Sasamahan kita!”

Sabay kaming napalingon ni Kanika sa papalapit na si Hamir. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng kanyang suot na pantalon ang kanyang mga kamay.

“K-kanina ka pa ba diyan? Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin kanina?” Kinakabahan kong tanong dahil baka narinig niya ang iba pa naming pinag-uusapan.

Pagtingin ko sa balikat ni Kanika ay wala na roon si Leya. Napansin ko na gumagalaw ang bag niya. Mahusay rin si Leya. Mabilis siyang nakapagtago bago pa man ito makita ni Hamir.

“Kakarating ko lamang. At narinig ko na nais magtungo ni Kiko sa silid ng alteza. Matagal ko na ring gustong gawin iyon kaya lang ay wala akong makasama. Mabuti na lang pala at gusto ring gawin iyon ni Kiko kaya sasama ako. Nais kong makita ang laman ng silid ni Alteza Prosfera. Isa iyong magandang karanasan bilang isang mideo!” Nakalapit na si Hamir sa amin. Nakanganga lang si Kanika sa kanya.

“Magandang karanasan? Pagpapakamatay ang gagawin niyo!” giit ko.

Kumibit-balikat si Hamir. “Gaya ng sinabi ni Kiko, kung ayaw mong sumama, huwag. Kaming dalawa ang tutungo doon. Nakakainip din kasi ang araw na ito.” Tumingala siya at tumingin sa kalangitan. “Masarap gumawa ng bawal… Ano, Kiko? Tara na?”

Hahawakan sana ni Hamir sa kamay si Kanika pero mabilis ko siyang pinigilan. Tinabig ko ang kamay niya. Sa tingin ba niya ay papayag ako na masolo niya si Kanika? Siyempre, hindi. Mamaya kung ano pa ang mangyari kay Kanika tapos wala ako sa kanyang tabi. Ipinagkatiwala pa naman siya sa akin ng hari at reyna ng Ligero kaya ako ang masisisi oras na may mangyaring hindi maganda sa itinakda.

“Sandali. Sasama na rin ako sa inyo,” sabi ko.

“Sigurado ka?” ani Kanika na tinanguhan ko lang.

“Kung ganoon, tara na!” ani Hamir.

Nauna na silang dalawa sa paglalakad habang ako naman ay may kung anong naramdaman. Tila ba bigla kong naramdaman na parang may nakamasid sa amin. Tumingala ako sa may itaas ng puno ng balete ngunit wala naman akong nakita. Marahil ay guniguni ko lamang iyon.





MATATAGPUAN ang silid ni Prosfera sa pinaka sulok na bahagi ng Enchanted Academy. Doon tumutuloy ang alteza ng mga Osoru kapag nandito siya. Tama naman si Kanika, wala ito kapag walang klase ang mga estudyante dito. Naroon ito sa palasyo nito sa Erkalla. Magkakasabay kaming naglalakad na tatlo hanggang sa marating na namin ang aming pupuntahan. Nakasarado ang pinto. Sinubukan iyong buksan nina Kanika at Hamir pero hindi nila kaya.

“Ang mabuti pa ay huwag na tayong tumuloy. Nakita niyo na, nakasarado. Hindi tayo makakapasok!” sabi ko. Medyo kinakabahan kasi talaga ako sa gagawin namin na ito.

“Madali ka palang sumuko, Jareth. May paraan para makapasok tayo sa loob.” Biglang hinawakan ni Hamir ang tig-isang kamay namin ni Kanika.

Naglaho kaming tatlo at sa isang iglap ay nasa loob na kami ng silid ng alteza!

“Paano mo nagawa iyon? Hindi pa naituturo sa atin ang paglalaho, a!” Manghang tanong ni Kanika kay Hamir.

“Noon pa man ay alam ko na kung paano ang maglaho, Kiko. Kung gusto mo ay ituturo ko sa iyo mamaya.”

“Sige! Sige! Turuan mo ako, ha! Gusto ko ring matutunan iyan. Parang nag astig lang!”

Masyado namang mayabang ang Hamir na ito. Halata naman na nagpapasikat lang siya para sabihin namin na mas magaling siya kesa sa amin.

“Ano ba? Ang ingay niyong dalawa. Gusto niyo bang may makahuli sa atin dito? Alam niyo naman siguro ang mangyayari oras na mahuli tayo na nandito.” Medyo naiinis kong sambit.

“Ang sungit naman, Jareth. Oo na. Tatahimik na. Ito na pala ang silid ni Prosfera…” Naunang maglakad si Kanika habang panay ang linga niya sa paligid.

Wala namang kakaiba sa silid ni Prosfera. Meron iyong lamesa, mga aklat at isang malaking higaan. Mga normal na kagamitan at muwebles. May malaking litrato ni Prosfera sa isang dingding.

Nilapitan iyon ni Kanika at mataman na tiningnan. Tumabi kami ni Hamir sa kanya.

“Sa totoo lang, hindi ako pabor sa pamamalakad niya sa Erkalla…” Kapwa kami nagulat ni Kanika sa winika ni Hamir. Hindi namin iyon inaasahan. “Masyado siyang malupit, wala siyang awa. Kapag sa tingin niya ay nagkamali ang isang medio na katulad ko ay pinaparusahan niya agad o hindi naman ay pinapapapatay. Hindi ba’t kalunos-lunos iyon?”

Nagkatinginan na lang kami ni Kanika. Hindi na lang kami sumang-ayos sa kanya dahil baka makahalata pa siya.

Lumayo sa amin si Kanika at naglakad-lakad. Huminto siya sa malaking lagayan ng mga aklat. Nagmasid-masid siya doon. Kumuha pa ito ng upuan at ginawa iyong tuntungan para abutin ang aklat na nasa mataas na bahagi. Nahihirapan siyang abutin iyon kaya naman tumingkayad na siya. At sa pagtingkayad niya ay gumalaw ang upuang kanyang tinutuntungan! Nabuwal iyon.

“Kiko!” Malakas na sigaw ko nang makita kong mahuhulog siya.

Tumakbo ako nang mabilis para saluhin siya pero mas nauna si Hamir na gawin iyon. Dahil may kakayahan siyang maglaho ay mas nauna niyang nasalo si Kanika. Nagkatitigan pa ang dalawa at nakaramdaman ako ng panibugho. Mabilis ko na lang na iniwas ang tingin ko para hindi na ako masaktan pa.

“Ayos ka lamang ba, Kiko? Sa susunod ay mag-iingat ka,” nag-aalalang sabi ni Hamir.

“A-ayos lang naman ako. Maraming salamat…”

“Hindi ka ba nasaktan? Baka may tumama sa iyo. Sabihin mo lang.”

Umiling si Kanina. “Hindi. Ayos lang ako. Maaari mo na akong ibaba, Hamir…”

Hanggang sa kapwa kami natigilang tatlo nang makarinig kami ng mga yabag na papalapit sa pinto. Nakita namin ang pag-ikot ng seradura.

“M-may paparating!” Kinakabahang bulalas ni Kanika. “Kailangan nating magtago!”

“Doon!” turo ni Hamir sa ilalim ng kama.

Continue Reading

You'll Also Like

39.7K 2.2K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
119K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
8.4K 243 62
LIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya n...
9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...