BINHI (Munting Handog - Book...

By AngHulingBaylan

28.9K 1.4K 188

Matapos ang sampong taon ay nagbabalik si DJ sa probinsiya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi upang magb... More

Dedication
Prologo
1. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 1)
2. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 2)
3. Bagong Alaga
4. Bilanggo
5. Ang Dalagang Maggugulay
6. Ate at Bunso
7. Mahiwagang Paru-paro
8. Ang Batang Halaman sa Palengke
9. Ang Kuwento ni Mang Goryo
10. Ang Tinig sa Ilalim ng Tubig
11. Pinagtagpong Muli
12. Ang Puno at ang Singsing
13. Ang Manliligaw
15. Maglako ng Gulay
16. Dayo sa Kaharian
17. Sa Kaingin ng mga Sitaw
18. Weird Guests
19. Pagtakas
20. Ang Oguima at Tahamaling at Talahiang
21. Sleeptalk
22. Ang Tibsukan
23. Pagbabati
24. Ang Doktor
25. Dalawang Dayo
26. Ang Supot ng Ginintuang Pulbos at ang Balahibo
27. Ang Lihim na Lagusan
28. Daruanak
29. Kapalit
30. Sirena, Serena
31. Ang Aghoy at Lewenri
32. Saminsadi

14. Kasunduan

662 35 3
By AngHulingBaylan

Itinapon ni DJ ang nakapang bato sa kanyang tagiliran at tumilapon ito sa malayo. Naglikha ito nang matilamsik na tunog nang bumagsak ito sa tubig. Kasalukuyan siyang nakaupo sa buhangin sa may dalampasigan at nagmumuni-muni nang mag-isa.

Sumapit na ang dilim, subali’t hindi pa rin pinapauwi ni Mamang ang magkapatid, na biglaang napadalaw nang walang imbitasyon. Ilang beses mang nagpaalam si Serena sa matanda ay hindi talaga sila nito pinakawalan. Ipinagpilitan nito ang kanilang pananatili upang hintaying makarating ang kanyang Ate Eda at sayang naman raw ang pagkakataon kung hindi pa magkita ang mga ito.

Maghapong inaliw ng matanda ang magkapatid, matapos nilang makapananghalian, sa mga kuwento nitong tila walang humpay, na magiliw namang pinakinggan ng magkapatid. Paminsan-minsan ay sisingit rin ng kuwento si Serena, na tatanguan ng kanyang kuya. Hindi kalaunan ay napakuwento na rin ang kuya nito tungkol sa mga karanasan nito sa karagatan habang nangingisda. At dahil dating mangingisda si Papang, ay lalo lamang humaba ang kuwentuhan ng tatlo.

Dahil out of place, tumambay na lamang siya sa kusina, kung saan abalang-abala si Marietta. Tahimik lamang ito habang nagtatrabaho at panaka-naka ay tatapon nang sulyap sa kanyang kinauupuan sa harap ng dining table.

Nang lumipat ito sa likod-bahay para ituloy ang naudlot na paglalaba ay sumunod siya rito. Laking pagtataka naman ng kasambahay. Sa huli ay tinulungan na lamang niya ito sa pagsasampay upang mapabilis ang trabaho nito, kahit na hindi sila nag-iimikan.

Alas quatro na ng hapon nang makabalik ang mga naghatid sa airport. Kaya pala inabot na sila nang hapon ay dahil sa dumaan pa ang mga ito sa mall upang mamili. Lubos namang ikinahinayang ni DJ ang nalaman. Sana talaga ay nakasama siya para nakagala at nakapagpalamig na rin siya sa loob ng mall.

Nang malaman ng ate nito na may mga panauhin, bigla itong nagpahanda ng hapunan sa labas. Ang tulingang bigay ni Aga ay inihaw. Nagpabili naman ng tuba si Papang kay Mang Lito. At gaya noong nakaraang gabi ay salu-salo silang naghapunan sa isang cottage. Namayani na naman ang kuwentuhan at halakhakan ng mga matatanda habang kumakain ng hapunan at tumatagay ng tuba.

Ang ikinagulat ng lahat ay nang ipagbigay alam ng kanyang ate na matagal na pala silang magkakilala nitong si Aga, nguni’t wala siyang kaedi-ediya na ito pala ang nagpapadala ng isda para sa kanya. Dahil roon ay nakampante naman ang binata at tila nabawasan ang pagkahiya. Naging makuwento na rin ito at palasagot sa mga tanong. Hindi siguro nito inakalang gaanong kaluwag ang pagtanggap sa kanyang ng mga matatanda.

Muli siyang nagtapon ng bato sa tubig. Pakiramdam niya ay isa siyang estranghero sa lugar na ito.

“Tiyak kong gutom ka na. Nagdala ako nang makakain.”

Napalingon siya sa tinig ni Serena; may hawak itong dalawang plato. Hindi niya ito namalayang lumapit dahil sa nakapaa lamang ito. Tahimik itong naupo sa kanyang tabi at inalok siya ng pagkain.

Napatingin siya sa laman ng mga pinggan; ang isa ay inihaw na isda at ang isa ay salad. Tinanggap niya ang plato ng inihaw.

“Hindi ka ba nababagot nang mag-isa rito?” tahimik na dumampot ng hiniwang pipino si Serena sa hawak na plato. “Bakit hindi ka makihalubilo roon?”

Kumurot siya ng piraso sa inihaw at isinubo ito, nagtataka kung bakit biglang ang bait-bait nang pakikitungo ng dalaga sa kanya at nakuha pa nitong umupo sa kanyang tabi. Kahapon lamang ay napakataray nito at napakasungit. “Ini-enjoy ko lang ang kagandahan ng gabi,” tugon niya. Tulad nang nagdaang mga gabi ay napakaganda rin nito.

“Siya nga. Sana ay nakatira lang ako sa malapit para gabi-gabi ko ring natatanaw ito,” sabi ng dalaga habang nakatanaw sa madilim na kalangitan at sa talang maningning.

Napalingon siya rito. Sa kaunting liwanag na nagbubuhat sa malayong pailaw ng resort ay naaninag niya ang maamong mukha ng dalaga. May angking ganda ito na noon lamang niya napansin. Simple subali’t malakas ang dating.

Bigla itong napabaling sa kanya, na kanya namang ikinagulat. Nakaramdam tuloy siya nang pagkaasiwa.

“Bakit ganyan ka makatitig?” Magkasalubong ang mga kilay nito. “May dumi ba ako sa mukha?”

Napailing siya. “Napapaisip lang ako sa mga nangyari kahapon. Hindi ko inaasahang lalabanan mo ang mga lalaking iyon.”

Sumilay ang ngiti sa maninipis nitong mga labi. “Iyon ba? Akala kasi nila hahayaan ko lang sila. Mga duwag naman.”

“Kung hindi ako dumating, baka napano ka na nila,” saad ni DJ. “Ano ba kasi ang kinuha nila sa ‘yo at ganoon mo na lang sila nilabanan?”

Pagak na tumawa si Serena, pagkatapos ay natahimik. Nang mga sandaling iyon, sigurado siyang susungitan na naman siya ng dalaga.

“Gamot,” maikling tugon ng dalaga.

“Gamot para sa?”
Nguni’t tinitigan lamang siya nito. “Huwag mo nang alamin. Hindi mo rin naman maiintindihan.”

“Gamot nga saan?” pangungulit niya. Marami siyang gustong itanong subali’t natatakot siyang biglang masira ang sandaling kabaitan nito tungo sa kanya.

“Basta. Huwag mo na kasi alamin.”

Hindi na siya nagpumilit. Ano nga ba ang pakialam niya rito, e hindi naman talaga sila magkakilala. “Alam ba ng kuya mo ang nangyari?” pag-iiba niya sa usapan.

Naniningkit ang mga mata ng dalaga nang muling lumingon sa kanya. “Iyan ang huwag mo ipagbibigay alam sa  kanya, kung ayaw mong mayari sa akin,” pagbabanta nito.

Napangiti siya sa inasal nito. Bukod sa katarayan at kasungitan nito, kahanga-hanga ang katapangang taglay nito. Noong una, ang buong akala niya ay hindi ito makabasag-pinggan. “Talaga lang ha. Ikaw ang mayayari kapag nalaman nilang nilihim mo ang nangyari,” pang-aasar niya.

“Hindi mo gagawin iyan, subukan mo lang.”

“Hinahamon mo ako?” lumapad ang kanyang ngiti, ano kayang kung pag-trip-an niya ito? Akmang tatayo na sana siya nguni’t maagap siyang hinawakan ng dalaga sa braso upang pigilan siyang makatayo.

“Taksil ka talaga e. Buti hindi ko naisipang lagyan ng lason ‘yang pagkain at nang nangisay na lang riyan,” sabi nito nang walang bahid ng biro. “Tapos ang problema ko. Walang makulit.”

Hindi niya napigilang tumawa. “Takot ka naman pala e. Kala ko ba ang tapang-tapang mo.”

Inirapan siya nito, sabay hagis ng hiniwang kamatis sa kanyang dako, na madali niyang nailagan. “Ano ba talaga ang gusto mo?”

“Gusto kong magkasundo tayo,” sumeryoso ang mukha niya. “Let’s have a deal.”

“Deal? Anong deal?” kunut-noong tanong ng dalaga. “Hindi ko gusto iyang mungkahi mo.”

Muli siyang natawa. Mungkahi? Ang lalim noon a. Mga babae talaga. Masyadong advance mag-isip. “Hindi ito tulad nang iniisip mo, okay? Kaya relax ka lang. It’s nothing sort of dirty. I swear.”

Blangkong tingin ang ibinigay ng dalaga sa kanya. Para bang wala itong naintindihang kahit isa sa mga sinabi niya.

“What do you say?” untag niya.

Saglit na nag-isip si Serena. Waring tinitimbang ang mga bagay-bagay. “Magsalita ka, nakikinig ako.”

Walang paglagyan ang tuwang naramdaman ni DJ sa tugon ng dalaga. Hindi siya makapaniwalang ganoon kadali niya itong napapayag, gayung hindi maganda ang una nilang pagkikita. Marahil ay ibinabalik lamang nito ang pabor sa pagsaklolo niya rito. Kung ano man ang dahilan, magandang pagkakataon ito. Muli siyang napangiti.

“Magpanggap tayong magkabati na. Kalimutan na natin ang masamang nangyari noong una nating pagkikita. From now on, we’ll become friends, pretend, that is,” sabi niya. “In return, kakalimutan kong may nakaaway kang mga lalaking… freaks. Hindi ko ito ibubunyag sa kuya mo, sa Nana mo, or to anybody else. You have may word. Your secret is safe as long as we remain friends. But here’s the catch, since magkaibigan na tayo, let’s be honest with each other, ‘wag tayong maglihim sa isa’t isa.”

Halos magdugtong na ang mga kilay ng dalaga sa alok niyang kasunduan. Kung iisipin ay malinis naman ang kanyang intensiyon. Dahil bago pa lamang siya, maiging simulan niyang makipagkaibigan sa ibang tao. Subali’t hindi niya maikakaila sa sariling may iba pa siyang kailangan sa dalaga.

Napatanaw sa malayo si Serena. Nababakas niya sa hitsura nito ang pagkalito at pagdududa. Tila ba hinihimay nito sa isipan kung isa ba itong patibong o hindi; kung ayos lamang bang magtiwala sa taong bago pa lamang kakilala.

“Tiyakin mo lang na tikom na tikom iyang mga bibig mo, kung hindi, ako mismo ang puputol sa dila mo,” paniniguro ng dalaga, makalipas ang ilang sandaling pag-iisip.

“We have a deal, then?”

Tumango ang dalaga. “Deal.”

“Great! This will be fun.”

Continue Reading