The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 55: Make a Wish

2M 50.3K 15.3K
By blue_maiden

MARKY

"Do you really love her, son?" I looked at her and smiled. Sinandal ko 'yong ulo ko kay Mom habang nakaupo kami sa tapat ng puntod niya. "I think she's really special and I hope you can love again the same way you've loved her." Niyakap ko siya at hindi ko mapigilan na maiyak. Kapag bumabalik 'yong mga alaala, hindi ko maiwasan na masaktan.

"I don't know, Mom. Akala ko noon, alam ko na kung ano 'yong pagmamahal. Pero no'ng nakilala ko si Ginny, hindi pa pala." Tiningnan ko ulit 'yong puntod niya at hindi ko mapigilan na maisip siya. "Hindi lang pala puro laro at saya ang pagmamahal. Masasaktan at masasaktan ka. Matututo ka kung paano magsakrispisyo at mas uunahin mo 'yong kaligayahan niya kaysa sa 'yo."

"Masaya ako at naituro niya sa 'yo kung paano ba talaga magmahal. Nakakalungkot nga lang na wala na si Ginny." Tama si Mom, sa kanya ko 'yon natutunan. "But it's never too late, son. May babaeng nakalaan sa 'yo at hinihintay ka niya. You deserve to be loved."

Pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Mom. Gusto kong paniwalaan na hindi pa nga huli ang lahat at may makikilala pa akong babaeng mamahalin ko at mamahalin ako pero kapag naiisip ko na wala na si Ginny, nawawalan ako ng pag-asa. Para sa 'kin, si Ginny na 'yong nakalaan para sa 'kin pero wala na siya e. Wala na 'yong babaeng mahal ko.

"I'm going home son. I need to cook our dinner for later. Will you be home?" Hinawakan ko 'yong kamay ni Mom. Tiningnan ko siya at ngumiti lang ako. "Okay, I know that smile. I'll see you tomorrow morning then."

"Thanks, Mom. I love you." Niyakap niya ako.

"Anything for my one and only Marky."

Hinatid ko siya sa kotse namin kung saan naghihintay 'yong driver. Kilalang-kilala na ako ni Mommy Olga. Kahit tingin at ngiti ko pa lang, alam na niya kung anong gusto kong sabihin kahit na stepmother ko lang siya. Sa kanya na ako lumaki dahil best friend siya ni Mommy. Sa lahat ng oras na kailangan ko ng karamay, nandiyan siya para sa 'kin.

Bumalik ulit ako sa puntod ni Ginny para magpaalam.

"I miss you, Ginny." Hinaplos ko 'yong puntod niya.

Miss ko na siya, sobra. 'Yong mga ngiti niya at kung paano niya ako tignan. Napaka-amo ng mukha niya kaya ang sarap niya titigan. Halos lahat sa kanya, nami-miss ko.

"I love you, and I always will." Pinigilan ko nang maiyak dahil alam kong ayaw niya akong nakikitang ganito.

Hindi ko alam kung makaka-move on pa ako sa kanya o hindi na. Hindi ko na nga alam kung kaya ko pang magmahal ulit. Sobrang sakit kasi buong buhay ko, hindi pa ako nagseryoso. Sa kanya lang pero nawala pa siya.

"Aalis na muna ako. Alam kong ayaw mo akong uminom at magbisyo pero gusto ko lang muna kumawala sa sakit na nararamdaman ko, Ginny. Patawarin mo ako."

Hinaplos ko muna 'yong puntod niya bago ako nagsimulang maglakad papunta sa kotse ko. Matagal-tagal na rin akong hindi umiinom.

Tinawagan ko 'yong tatlo para ayain sila pero busy silang lahat. Mga ugok talaga. Buti pa 'yong mga 'yon, masaya sa mga love life nila. Samantalang ako, masaya na sana, pero naging miserable pa.

Sawa na ako sa mga bar at club kaya gusto ko naman maiba. Huminto ako sa isang convenient store para bumili ng alak at yosi. No'ng magbabayad na ako sa counter, may biglang sumingit sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin. Pagbibigyan ko na lang dahil babae naman siya.

No'ng palabas na ako ng pintuan ng convenient store, biglang pumasok 'yong babae kaya nahulog ko tuloy 'yong mga bote ng alak na nabili ko. Hindi ko tuloy naiwasan na mainis.

Tumingin siya sa 'kin at parang siya pa 'yong galit. "Ano ka ba? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadanan mo? Ouch, ang sakit no'n ha." Hinawakan niya 'yong braso niya pero parang hindi ko naman 'yon natamaan.

"Ikaw 'yong bumangga sa 'kin, miss. Isa pa, hindi ka naman bulag, 'di ba? Nakikita mo naman na nabasag 'yong mga bote ng alak na binili ko." Tiningnan ko siya pero tinarayan niya lang ako.

"Mukha ba akong bulag ha? Oo, nakikita ko. E ano namang pakialam ko ha?" Seriously? Baka kahit babae siya e patulan ko siya.

"Bayaran mo 'yan," seryoso kong sabi.

"Wow ha? Ako pa? Kasalanan ko ba kung nabangga mo ako? E di bumili ka na lang ulit! Ang yaman-yaman mo naman e. Ang ganda ng kotse mo o." Inuubos niya 'yong pasensya ko. Konti na lang talaga, papatulan ko na siya pero naisip ko na hindi ako gano'n.

Pumikit na lang ako at huminga ako nang malalim. "Fine. Whatever." Hindi ko na lang siya pinansin tapos dumiretso ako sa kotse ko. Mabuti pa, 'wag na lang akong uminom. Wala na rin akong gana.

Nagmadali akong mag-drive papunta sa espesyal na lugar sa 'kin. Isang oras din akong nagmaneho papunta roon.

Pagkadating ko, bumaba ako tsaka ako umupo sa harap ng kotse ko. Ang ganda ng mga ilaw mula sa ibaba, isama mo pa 'yong mga bituin sa langit.

Dito ko dati dinala si Candice. Dito sa espesyal na lugar sa 'kin. Sa taas ng burol kung saan kita 'yong buong siyudad at kung saan palaging may mga bituin.

Habang nag-road trip kami ni Jeydon noon, napadaan kami rito. Tumambay kami rito sandali at sakto naman na nakakita kami ng dalawang falling star. Sabay kaming humiling at nakakatawa lang na pareho pa kami ng hiniling.

"Sana kapag dumating na sa buhay ko 'yong babaeng para sa 'kin, hindi ko na siya mapakawalan pa."

Ayan 'yong hiniling naming dalawa. Pareho kaming player no'ng mga panahon na 'yon. Iba't ibang girlfriend kada linggo o araw. Kahit isa, wala kaming sineryoso sa mga 'yon kaya nga gusto namin na sana kapag dumaan na sa buhay namin 'yong taong nakalaan para sa 'min, hindi namin siya mabalewala dahil sa mga kalokohan namin.

Simula noon, napagkasunduan na namin ni Jeydon na kapag nakita na namin 'yong babaeng para sa 'min, dadalhin namin siya rito.

Hindi ko sinasadya na madala ko rito noon si Candice. Alam kong para siya kay Jeydon. Sakto naman na may dumaan na shooting star. Hiniling ko noon na sana kung si Candice man 'yong nakalaan para kay Jeydon, maging masaya sila panghabang buhay. Tingin ko magkakatotoo nga 'yon, 'yong hiling ko para kay Jeydon at 'yong hiniling din niya noon.

'Yong hiling ko? Siguro hindi na 'yon magkakatotoo dahil wala na 'yong babaeng para sa akin, wala na si Ginny.

Natawa ako. Sabagay, tama lang naman sa 'kin 'yon e. Buong buhay ko, naging mapaglaro ako at marami akong napaiyak na babae. Wala akong ibang inisip kung hindi 'yong sarili ko at 'yong kaligayahan ko lang. Isa akong player.

Karma na siguro 'yong nangyayari sa 'kin. Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko noon sa mga babaeng sinaktan at pinaiyak ko. Ngayon, ako na 'yong nasasaktan at umiiyak. Naisip ko tuloy 'yong sinabi ni Mom kanina. Siguro mali siya. I don't deserve to be loved.

Wala akong kwenta.

Kinuha ko 'yong kahon ng yosi ko tapos nagsindi ako ng isa. Nagyoyosi ako kapag stressed ako o kaya ay marami akong iniisip. Matagal-tagal na nga akong hindi nakakapagganito dahil kina Candice at Ginny.

"Akin na 'yan!" Muntik na akong mapatalon sa kinakaupuan ko. "Pwede ba? 'Wag kang manigarilyo rito!" Tiningnan ko siya at nanlaki 'yong mga mata ko.

"Ikaw na naman?" sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinusundan ba ako ng babaeng 'to? "Stalker ba kita?" Natawa siya bigla sa tanong ko.

"Lakas naman ng confidence mo!" Nagtaray na naman siya. Pambihira! Anong klaseng babae ba siya?

"Pwede bang tambayan ko 'to kaya ako nandito ha?"

"Pwede bang umalis ka na lang sa harap ko at huwag mo akong pakialaman? Mind your own business."

"'Wag kang magyosi pwede? May hika ako at nalalanghap ko 'yan sa likod." Mukha namang wala siyang hika. Ginugulo lang talaga niya ko. At anong pakialam ko sa kanya?

"Pwede ka namang umalis dito kung ayaw mong nakakalanghap ng usok ng yosi." Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"O, ano pang ginagawa mo sa harap ko ha?"

"Kukunin ko lang muna 'to." Kinuha niya 'yong yosi at lighter ko.

Sumusobra na siya. No'ng una, dahil sa kanya kaya hindi na ako nakainom tapos ngayon naman pati pagyoyosi ko? Sino ba siya sa akala niya? Kung umasta siya, akala mo kung sino siya. Sayang maganda pa naman sana siya.

Tumayo ako tapos sinundan ko siya. Papunta siya sa kotse niya na nasa likod lang ng kotse ko. "Sandali!"

"Ano?" Pagkalingon niya, hinawakan ko 'yong kamay niya pagkatapos ay kinuha ko 'yong yosi at lighter ko sa kamay niya. "Akin na 'yan!"

"At bakit? Yosi ko 'to! Bakit ba ang hilig mo mangialam ha?"

"Hindi ako nangingialam!"

"Anong ginagawa mo ha?!" Nag-iinit 'yong ulo ko sa kanya.

"Akin na sabi 'yan e!" Pilit niya pa rin kinukuha 'yong yosi ko pero buti ay nailayo ko agad sa kanya 'yon.

"Pwede ba? Lumayo ka na at 'wag mong hintayin na patulan kita." Nanlaki 'yong mata niya sa sinabi ko.

"Ano? Papatulan mo ko? Grabe ka! Akin na kasi 'yang yosi na 'yan!" Sa inis ko, naitulak ko siya.

"Just mind your own business." Tumalikod ako sa kanya pagkatapos ay naglakad ako pabalik sa kotse ko. Hindi pa ako nakakalayo nang hinabol niya ako pagkatapos ay sinampal niya ko. "Ano bang problema mong babae ka ha?!"

"Ikaw!"

"Ako?!" Hindi ko naiwasan na mapasigaw sa inis ko sa kanya.

"Oo, ikaw!" sigaw niya rin sa 'kin.

"At bakit ha?!"

"Ang yabang mo! Ang selfish mo! Ang sama mo!" Natawa ako sa sinabi niya. "Anong nakakatawa?!"

"Ikaw, nakakatawa ka kasi mukha kang tanga. Ano bang pinaglalaban mo ha?" Nakalimutan ko nang babae siya dahil sa ugali niya.

"May hika ako. Hindi mo ba maintindihan 'yon? Pwede akong atakihin ng sakit ko dahil sa usok ng yosi mo at alam mo bang pwede akong mamatay nang dahil do'n?" Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak. "Hindi pa ako pwedeng mamatay. May bagay pa akong dapat gawin kaya hindi pa pwede." Naisip ko na parang sumobra na 'ata ako sa kanya.

"Sorry—"

"Aalis na lang ako." Pinunasan niya 'yong mga luha sa mata niya tapos tumakbo siya papasok sa loob ng kotse niya.

Natulala ako kinakatayuan ko. Biglang may kung ano akong naramdaman. Parang nasaktan ako no'ng nakita ko siyang umiyak.

Fuck. Sobra naman kasi 'yong ginawa ko sa kanya. Lintek, ano ba kasing iniisip ko?

Hindi pa siya nakakaalis kaya kinatok ko siya sa bintana ng kotse niya. Tiningnan niya lang ako at hindi siya nagsasalita.

"Pwede bang lumabas ka sandali?" Kakatukin ko pa sana ulit siya pero bigla niyang binuksan 'yong pinto ng kotse. "Ouch!" Natamaan pa ako ng pinto. Sinasadya niya ba 'yon? Nagkamali 'ata ako e.

"Ano pa bang gusto mo? Aalis na nga ako e. Hindi na kita papakialaman."

"Ano kasi... hindi na ako magyoyosi kaya 'wag ka nang umalis." Ang bilis magbago ng ekspresyon ng mukha niya.

Kanina lang ang lungkot niya na parang pasan niya 'yong buong mundo tapos ngayon, ang sigla na niya. Mukhang naisahan ako ng babaeng 'to ha.

"Talaga? Salamat." Hindi ko naiwasan na mapatingin sa kanya. Ang amo pala ng mukha niya, kabaliktaran sa ugali niya minsan. "O, bakit may problema? Bakit nakatingin ka sa 'kin?"

"Ha? Wala!" Lintek, nakakahiya naman 'yon.

Nagmadali akong bumalik sa kotse ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Pambihira! Kaya nga ako pumunta rito ay para makapag-relax pero mas na-stress pa 'ata ako. Hays, ang malas ko naman.

Sumandal na lang ako sa kotse ko. Pinagmasdan ko 'yong mga bituin sa langit. Napakaganda nila at pakiramdam ko, 'yong isa sa kanila ay si Ginny. Siguro, binabantayan niya ako ngayon.

"Sayang, Ginny. Hindi na kita nadala pa rito..."

Gusto kong umiyak pero parang wala na akong iiiyak pa. Akala ko dati, bato 'yong puso ko pero hindi pala. Naging malambot 'yong puso ko simula nang magmahal ako, simula no'ng minahal ko si Ginny.

"Uhm..."

Napatayo ulit ako. Nakita ko ulit siya. Akala ko kung ano na namang problema niya pero may inabot siya sa aking lata ng kape.

"Ano 'yan?"

"Peace offering?" Kinuha ko na lang 'yon. "Pwede ba akong tumabi sa 'yo rito? Dahil kasi sa kotse mo, hindi ko na makita nang maayos 'yong mga ilaw sa baba e." Pambihira talaga siya. Sinisi pa niya ako.

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo lang talaga akong makatabi."

"Psh, whatever." Cute din naman pala siya. Mukha kasi siyang bata. "Patabi na ha?" Hindi na lang ako umangal para wala nang gulo.

"Pasensya na sa ginawa ko kanina," sabi ko pagkatapos ay binuksan ko 'yong lata ng kape na binigay niya.

"Hindi ka naman pala mayabang e." Tumawa siya. Psh, bipolar pala siya. "Biro lang. Pasensya ka na rin sa mga inasal ko. Hindi lang kasi maganda 'yong araw ko. Sorry."

"Okay lang. Quits na naman tayo."

"Pasensya ka na rin pala kanina..." Tiningnan ko siya pagkatapos ay nakatitig siya sa lata ng kape niya. "Ang totoo niyan, sinadya ko talaga na banggain ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano?! Bakit mo 'yon ginawa?"

"Isang gabi, galing sa party 'yong boyfriend ko kaya lasing na lasing siya no'n. Pero nag-drive pa rin siya papunta sa 'kin kaya ayon... naaksidente siya." Bigla na namang lumungkot 'yong mukha niya.

"Anong kinalaman no'n sa ginawa mo? At nasa'n na 'yong boyfriend mo?" Napatingin siya sa taas, sa mga bituin.

"Patay na siya. Dito siya naaksidente sa lugar na 'to. Kaya ako palaging nandito dahil dito rin naging kami." Uminom siya ng kape at nakita kong umiiyak siya. "Doon sa convenient store na 'yon dapat kami magkikita. Doon niya dapat ako pupuntahan. Palagi akong nando'n kasi umaasa ako na darating pa rin siya kahit alam kong imposible na 'yon."

Hindi ko maiwasan na masaktan para sa kanya. Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya. Sa sandaling 'yon, naisip ko na pareho lang pala kami na nawalan ng minamahal.

"No'ng pumarada ka sa convenient store, akala ko ikaw na 'yong boyfriend ko. No'ng nakita kita na bumili ng maraming alak tapos mag-isa ka lang at may kotse ka... nakaramdam ako ng takot. Naalala ko sa 'yo 'yong boyfriend ko kaya natakot ako na baka mangyari sa 'yo 'yong nangyari sa kanya. Kaya sinadya kong banggain ka para mabasag ko 'yong mga bote ng alak mo."

"Gano'n ba... Naiintindihan na kita kaya pasensya ka na, and I'm sorry about your boyfriend. Hindi ko gustong i-bring up 'yon."

"Ayos lang. Mabuti nga 'yon e. Sinasanay ko na kasi 'yong sarili ko na balikan 'yong mga alaala na 'yon nang hindi na ako masasaktan. It's been two years and I want to move on. Alam kong ayon din naman 'yong gusto niya e."

Napatingin ulit kaming dalawa sa langit. Napangiti ako sa mga narinig ko galing sa kanya. Iba pala siya roon sa babaeng naiisip ko sa kanya. Nakakamangha siya kung tutuusin. Ang dami niyang sakripisyo para lang sa lalaking mahal niya.

Sana kaya ko rin na mag-move on katulad niya. Sana may gano'n din akong lakas ng loob.

Sumigaw siya no'ng may dumaan na meteor rain. "Mag-wish ka, dali!"

Tiningnan ko lang siya habang nakapikit siya.

Sana makapag-move on na siya at mahanap na niya 'yong lalaking para sa kanya.

Maya-maya, minulat niya 'yong mga mata niya tapos tumingin siya sa 'kin. "Anong hiniling mo?"

"Sabihin mo muna sa 'kin kung ano 'yong hiniling mo."

"Hiniling ko na sana kapag dumating na sa buhay ko 'yong taong talagang para sa 'kin, hindi ko na siya mapakawalan pa." Nagulat ako kaya natigilan ako sa sinabi niya. Parehong-pareho kami ng hiniling noon sa meteor rain.

"Ayon ba talaga 'yong hiniling mo?" Tumango siya.

"Tanggap ko nang hindi 'yong boyfriend ko ang nakalaan sa 'kin. Nasa piling na siya ni God e. Kaya natatakot ako na baka sa sobrang pagmamahal ko pa rin sa boyfriend ko ay mabalewala ko 'yong lalaking talagang para sa 'kin kapag dumating na siya sa buhay ko."

Kakaiba pala talaga siya. Habang tumatagal, mas lalo mo siyang gustong maging makilala. Ngayon lang ako nakakita ng isang katulad niya. Merong espesyal na bagay sa kanya.

"E ikaw? Anong hiniling mo?"

"Sa 'kin na lang 'yon. Baka hindi na magkatotoo kapag sinabi ko." Tinarayan niya lang ako pero ngumiti siya agad. "O, bakit?"

"Mabait ka naman pala."

"Hindi lang ako mabait, gwapo pa," biro ko tapos tumawa ako. Gusto ko rin kasi na pagaangin 'yong pakiramdam niya.

"Mayabang nga lang 'no?" Pareho kaming natawa na dalawa. Magaan naman pala siyang kausap.

Nag-usap pa kami ng kung anu-ano sa buhay namin. Nabanggit ko na rin sa kanya 'yong tungkol kay Ginny. Sabi niya, kaya raw siguro magaan 'yong loob namin sa isa't isa ay dahil pareho lang kami ng pinagdadaanan. Hindi na nga namin namalayan na isang oras na pala kaming nag-uusap.

Nahinto na lang kami no'ng nag-aya na siyang umuwi pero bago raw 'yon, pumunta muna raw ako sa isang place na malapit sa kanila. May ibibigay raw siya sa 'kin. Sinundan ko na lang 'yong kotse niya.

Huminto kami sa isang coffee shop. Hinintay ko siya sa labas. Mukhang pamilyar 'yong lugar na 'to. Sandali nga. Dito pala—

"Nandito na ko!" Lumapit siya sa 'kin tapos may dala-dala siyang isang malaking cup ng kape at inabot niya sa 'kin 'yon. "Para sa 'yo."

"Para sa 'kin?" Kinuha ko 'yon sa kanya. "Bakit naman?"

"Pasasalamat para sa oras mo, sa pakikinig sa 'kin, at sa pagpapagaan ng loob ko. Malaking bagay sa 'kin lahat 'yon. Thank you!"

Ngumiti siya sa 'kin tapos nag-bow siya. "Ingat ka sa pagda-drive." Pumasok na siya sa kotse niya habang ako, nakatayo lang at pinagmamasdan 'yong kotse niya palayo.

"Salamat din..." bulong ko sa sarili ko.

Sandali, hindi ko pa nga pala nakuha 'yong pangalan niya. Aish! Ang stupid ko naman. Napakamot na lang ako ng ulo ko pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse ko.

No'ng iinumin ko na 'yong kape na binigay niya, nakita ko na may nakasulat do'n.

Move on. Find the girl who's destined for you. You deserve to be loved.

-- Sabrina

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 316 7
Ellyze Alvarez is a one of a kind girl. She's all beauty and brains. Raised by her mom alone, natuto na siyang maging independent at a young age. Giv...
2.6K 87 7
Paano mo naiimagine ang isang group na nagkakilala lamang sa online then one day nagpasiya sila na magkita kita hanggang sa nagplano na lamang bigla...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
622K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...