Enchanted Academy (Book 2)

Par JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... Plus

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 16

1.7K 65 11
Par JoshuaLeeStories


KANIKA’S POV

TEKA… bakit ako nakasuot ng gown? Isang kulay pink at malakas makababaeng gown pa talaga. At ang buhok ko, mahaba na ulit! At anong ginagawa ko sa mala-palasyong lugar na ito? Pagharap ko sa aking kaliwa ay may isang malaking salamin doon. Nakita ko ang aking sarili. Napatulala ako dahil kahit ako ay nagandahan sa aking sarili.

Ako ba talaga ito? Anong nangyari? Panaginip na naman ba ito?

Ito ang mahirap dito sa Erkalla, e. Nalilito na ako. Sa sobrang daming hindi maipaliwanag na pangyayari at mga bagay ay hindi ko na ma-determine ang realidad sa panaginip.

Sandali nga lang. Parang may naririnig akong tugtog. Isang malamyos at romantikong tugtog na nanggagaling sa labas ng silid kung saan ako naroon.

Naglakad ako palabas ng silid na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay mas lalong lumakas ang tugtog. Sinundan ko iyon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa malaking bulwagan. Sa gitna niyon ay may lalaking nakatayo. Nakatalikod siya sa aking gawi kaya naman hindi ko malaman kung sino iyon. P-mysterious effect pa talaga?

Wala naman akong nararamdaman na panganib o takot sa aking dibdib. Parang ang gaan-gaan pa nga ng aking pakiramdam. Feel good lang, kumbaga.

Unti-unti akong naglakad palapit sa lalaki. Huminto ako nang isang dipa na lamang ang layo namin sa isa’t isa.

“Sino ka?” tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin. Kumunot ang noo ko nang hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha dahil sa natatakpan iyon ng puting liwanag. Magara ang kanyang kasuotan. Parang kahawig ng damit ng mga prinsepe sa napapanood kong fairy tale movies.

Imbes na sagutin ang aking katanungan ay inilahad ng lalaki ang kanyang kamay. “Maaari ba kitang maisayaw, Kanika? Sayang ang romantikong tugtugin…” anyaya niya.

“Ah, sige.” Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko ang kanyang kamay. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit niya ako kilala.

Masuyo niya akong kinabig papunta sa kanya. Kasabay ng paglagay ng mga kamay niya sa aking magkabilang beywang ay siyang pagpatong ko naman ng mga kamay ko sa kanyang balikat. Gumalaw ang mga katawan at paa namin sa saliw ng pumapailanlang na tugtugin. Titig na titig ako sa kanyang mukha dahil baka sakaling maaninigan ko kung sino ba siya. Pero hindi effective ang ginagawa ko. Talagang balot na balot ng liwanag ang kanyang buong mukha!

Halos limang minuto na kaming nagsasayaw nang kulitin na ako ng aking curiosity. “Sino ka ba talaga? Bakit may liwanag ang iyong mukha?” tanong ko sa kanya.

“Kahit ako ay hindi ko alam kung sino ako. At tungkol naman sa liwanag sa aking mukha, ako ay may ganito dahil ikaw ay tila naguguluhan,” tugon ng lalaki.

“Ha? Ako pa talaga ang magulo. E, sa sinabi mo, mas naguluhan ako. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa akin kung sino ka?”

“Ikaw lang ang makakapagsabi kung sino ba ako, Kanika. Dahil ako ang lalaking itinitibok ng iyong puso ngunit ipinagsasantabi mo lang.”

“H-hindi kita maintindihan…” Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi niya.

“Ipikit mo ang mga mata mo at kapain mo sa puso mo kung sino ako, Kanika…”

Walang pagdadalawang-isip na sinunod ko ang sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang aking puso. Sino nga ba ang lalaking kasayaw ko? Wala pang isang segundo ay isang mukha na agad ang rumehistro sa aking isipan. Ano?! Siya?! Pagbukas ko ng aking mata ay nagulat ako nang husto nang unti-unti nang nawawala ang liwanag sa mukha ng lalaki.

Hanggang sa…





“KIKO! Gising na!” Ang boses na iyon at ang malakas na pagyugyog sa aking ang gumising sa akin at siya ring pumutol sa aking panaginip. Pagmulat ko ng mata ko ay nanlaki ang mga iyon nang makita kong nakatunghay sa akin si Hamir.

“H-hamir? I-ikaw?!”

“Ako nga at wala nang iba-- si Hamir. Ang magandang lalaking si Hamir!” Dinampot ko ang unan sa aking gilid at hinampas iyon sa kanyang mukha. “Aray ko! Bakit ka ba nananakit?!”

Bumaluktot ako at niyakap ang aking dalawang tuhod. “Dahil hindi ko natapos ang aking magandang panaginip dahil sa iyo! Bakit kasi ginising mo agad ako? Wala naman tayong klase ngayong araw, a!” ungot ko.

Mahigit isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula nang pumasok ako dito sa Enchanted Academy. Ang bilis ng mga araw. Marami na rin akong natutunan sa aking mga guro at mas naging matibay pa ang samahan naming lima.

“Kakain na tayo ng agahan sa kantina. Ikaw na lang ang hinihintay naming lahat.”

Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko sina Cyrus at Jareth na nakaupo sa gilid ng aking kama. Halatang bagong ligo sila. “Nasaan si Evrio?” iginala ko ang tingin ko at hindi ko siya nakita. Bukas ang pinto ng banyo kaya alam kong wala siya doon.

“Nauna na siya sa kantina dahil sabay silang kakain ni Miya.” Si Jareth ang sumagot sa aking katanungan.

Si Miya ay ang nobya ni Evrio. Halos mag-iisang buwan na rin ang kanilang relasyon. Si Miya ay ang babaeng nakabanggaan ni Evrio noon habang nagbabasa ito ng aklat. Noong una ay aso’t pusa ang dalawa hanggang sa malaman na lang namin na sila na pala. Ang buong akala ko ay masasaktan ako sa pagkakaroon ng nobya ni Evrio pero hindi. Bagkus ay natuwa pa nga ako para sa kanya dahil madalas na namin siyang nakikitang nakangiti. Hindi katulad dati na ang seryoso niya parati. Malaki ang naitulong ni Miya kay Evrio sa pagbabago nito ng kaunti. Aba, biruin mo nga naman na kung sino pa ang tatahi-tahimik sa apat na lalaking kasama ko ay siya pa pala ang unang magkakaroon ng nobya!

Biglang akong hinila ni Hamir sa kamay at piniliy na itinayo. “Tumayo ka na at maligo! Nagugutom na kami, Kiko! Mamaya mo na ipagpatuloy ang iyong pagtulog, maaari ba?” aniya.

“Dahan-dahan naman, Hamir!” saway ni Jareth dito.

“O, bakit naman kung makapagsabi ka ng dahan-dahan ay parang babae si Kiko? Ayos lamang iyan dahil lalaki din naman siya katulad natin.” Tumingin sa akin si Hamir at tumaas ang dalawang kilay. “Hindi ba, Kiko?”

Natatarantang umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ah, ayos lamang iyon, Jareth. Sige na. Maliligo na ako para makakain na tayong apat.” Kumuha ako ng damit sa aking kabinet at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang banyo.

Pagkasara ko ng pinto ay nanghihinang napasandal ako doon. Paano ay parang napansin ko na naman na alam na ni Hamir na isa akong babae. Malakas talaga ang kutob ko. Pero paano naman niya iyon malalaman, 'di ba? Baka naman napaparanoid lang ako. Ganito nga siguro kapag may itinatago ka. Feeling mo ay palaging may nakakaalam kahit wala naman.

Pero iyong panaginip ko kanina… Iyong mukha no’ng lalaki na nagsabi na siyang itinitibok ng aking puso… Bakit mukha ni Hamir ang nakita ko sa kanya? Ibig bang sabihin niyon ay hindi ako aware na gusto ko na si Hamir?

Ipinilig ko ang ang aking ulo. Ah, hindi! Naging magkaibigan lang kami, gusto ko na agad siya? Hindi naman siguro. Ang mabuti pa ay iligo ko na lang ito. Isa pa, panaginip lamang iyon at hindi ko dapat iyon seryosohin, sabi ko sa aking sarili.

Mabilis lang akong naligo dahil nakakahiya naman sa tatlong lalaki na naghihintay sa akin. Bago umalis ay isang maliit na bag ang kinuha ko at isinabit ko sa aking balikat.

“Bakit yata palagi mong dala ang bag na iyan, Kiko?” usisa ni Cyrus.

“W-wala. Dito kasi nakalagay ang ilang importanteng gamit ko. Tara na! Nagugutom na rin ako, e!” At nauna na ako sa paglabas ng kwarto namin para makaiwas sa pag-uusisa nila kung bakit palagi kong dala ang bag na iyon.





PAGDATING sa kantina ay nakita namin sina Evrio at Miya. Malaki naman ang lamesa na inokupa nila kaya doon na lang din kami pumwesto matapos naming makakuha ng pagkain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na hindi sulyapan ng palihim ang dalawa. Sweet na sweet sila at nagsusubuan pa talaga. Nakakainggit naman.

Ay, teka. Hindi nga pala ako pwedeng mainggit sa kanila. Saka na ang lovelife na iyan kapag natapos ko na ang aking misyon kung bakit ako nandito sa Erkalla. Baka hindi ako makapag-focus kapag inuna ko pa ang paghahanap ng boyfriend.

Walang anu-ano ay siniko ako ni Hamir na katabi ko lang. “Uy! Kung makatitig ka naman kina Evrio at Miya, Kiko! Halatang ikaw ay naiinggit sa kanila! Bakit? Nais mo na rin bang magkaroon ng nobya?” nanunudyong sabi pa niya sa akin.

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan na naiinggit? Hindi ako naiinggit sa kanila, 'no! Natutuwa lang ako sa kanila!” tanggi ko.

“Huwag mo na ngang itanggi dahil nababanaag ko sa iyong mga mata--”

“Hamir, tama na. Hindi tama na palagi mong inaasar si Kiko!” saway na naman ni Jareth dito.

Kumibit-balikat lang si Hamir at ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon na lang din ang aking ginawa. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Nang matapos na ako ay inaya ko si Jareth na maglakad-lakad. Gusto ko lang siyang kausapin tungkol sa palagi niyang pagsaway kay Hamir. Sa ginagawa niya kasing iyon ay nakakatakot na baka makahalata na si Hamir at ang iba pa. Lumalabas kasi na parang pinoprotektahan niya ako bilang isang babae.

Pinili namin na mag-usap sa may lilim ng puno ng balete dahil walang nagpupunta doon. Gaya ngayon, kaming dalawa lang ang naroon. Magkatabi kaming umupo sa malaking ugat.

“Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin, Kanika? Bakit kailangan nating mag-usap nang tayong dalawa lamang?” Kapag kaming dalawa lang ay tinatawag niya ako sa tunay kong pangalan.

“Gusto lamang kitang kausapin tungkol sa palagi mong pagsaway kay Hamir kapag binibiro niya ako. Nag-aalala lang ako na baka makahalata na siya dahil palagi mo akong pinoprotektahan na parang isang babae. Tandaan mo, Jareth, lalaki ako dito sa loob ng Enchanted Academy. Hindi ako isang babae,” sagot ko. Mahinang tumawa si Jareth at tumingin siya sa malayo. “O, bakit tinawanan mo lang ako? Walang nakakatawa sa sinabi ko, ha. Alam mo naman na bukod sa iyo ay walang pwedeng makaalam na isa akong babae at labingpitong taon na ako. Iinit sa akin ang mata ni Prosfera!”

“Hindi ako natatawa sa sinabi mo, Kanika.”

“E, ano? May mali ba sa sinabi ko?”

Tumango si Jareth. “Oo. May mali nga sa iyong mga sinabi. Dahil hindi ko naman ginagawa iyon kay Hamir dahil pinoprotektahan kita. Alam mo ba kung bakit ko iyon ginagawa?” Bigla siyang tumingin sa akin diretso sa aking mata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para bang nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya.

“B-bakit?”

“Kanika, ginagawa ko iyon dahil natatakot ako na baka magkalapit kayo nang husto ni Hamir. Nitong mga huling araw kasi ay napapansin ko na sobrang lapit niyo na sa isa’t isa. Kumportable na kayo sa isa’t isa at ayokong mangyari iyon!” Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay. Ikinulong niya iyon sa dalawa niyang kamay na para bang ayaw na niyang pakawalan pa iyon.

“B-bakit?” Mas lalo akong nataranta.

“Dahil gusto kita. Mahal kita, Kanika!” Pag-amin niya.

Biglang bumukas ang bag na dala ko at mula doon ay lumabas si Leya na nagpalipad-lipad sa aming ulunan. “Mahal ni Jareth si Kanika! Nakakakilig! Ako ay labis na kinikilig!” tili nito.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Jareth. Binitawan niya ang kamay ko at hinuli niya si Leya. “Leya?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya.

“A-ako nga, Jareth…”

“Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito! Paanong…” Lumipat ang tingin sa akin ni Jareth. Sa mga mata pa lang niya ay alam kong pinagpapaliwanag niya ako.

“Ah, ano kasi… g-gusto ko na kasama si Leya dito sa Enchanted Academy kaya lihim ko siyang isinama dito. Jareth, 'wag mo sana kaming isusumbong ni Leya. Parang awa mo na!” Pakiusap ko sa kanya.

“Hindi ako nababaliw para gawin iyon. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na si Leya. Basta, mag-ingat na lang kayo na walang makaalam--”

“Hay! Tama na nga iyan!” singit ni Leya. “Masyado nang nalilihis ang usapan ninyong dalawa. Kanika, ano ang iyong masasabi sa pag-amin ni Jareth sa iyo na ikaw ay kanyang iniibig?”

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

“Kanika, sumagot ka! Nasasabik akong marinig ang iyong kasagutan!”

Napakalandi naman ng lambana na ito. Ang liit-liit pero ang harot!

“Nais ko rin sanang marinig ang iyong kasagutan, Kanika, kung iyong mamarapatin…”

“Jareth… ano kasi…” Ano nga ba ang sasabihin ko?

“Hinihintay namin ang kasagutan mo!” ani Leya.

Nakaka-pressure naman ito!

Tiningnan ko ang mga mata ni Jareth habang pinapakiramdaman ko ang aking puso. Siguro nga ay dapat akong maging matapat sa pagsagot ko sa kanya.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

48.2M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
69.2K 2.6K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
1.4K 99 9
Outbreak Series #1 [ the virus called numero : jevo & sia ] tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...