Black Water

By AknedMars

445K 17.5K 4.2K

Still hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 7

10K 409 82
By AknedMars

Chapter 7

"Hindi ka pa rin ba magre-reply? May sakit ako ngayon. Isang linggo at tatlong araw ka nang walang message sa 'kin. Galit na ako." Message ko ulit kay Sophia. Hindi naman totoo na may sakit ako. May sipon ako pero okay lang naman talaga ako.

May mga naka-tag na pictures sa kanya sa Facebook kaya alam kong okay naman siya at wala naman akong dapat na ipag-alala, pero lalo lang ding umiinit ang ulo ko dahil hindi siya nagme-message at hindi ko maiwasang mainis sa tuwing may kasama siyang lalaki sa pictures kahit pa ba grupo sila.

"Sino rin iyong katabi mong lalaki sa isa sa mga picture niyo? Iyong naka-hoodie na gray, tangina, bakit naman may pag-akbay pa ang lintik na 'yon sa 'yo?" sabi ko ulit sa kanya. Tinatadtad ko talaga siya ng message.

"Umuwi ka na, baby," sabi ko ulit sa kanya na may kasama pang emoji.

"Mag-reply ka na naman, Sophia!"

"Sophia!"

Muli akong nag-scroll sa profile niya at napangiti ako sa mga dati niyang status. Alam kong tungkol sa akin ang karamihan doon.

"I always have you in mind." Isa iyon sa mga status niya. Nag-type ako ng comment.

"Uh huh, you too."

Ang ganda ng ngiti ko habang binabasa ang mga status niya pero mabilis din iyong nawala nang lumabas ang notification na nag-comment din si Congressman sa status ni Sophia.

"Matulog ka na, hijo. Gabi na."

Tangina, panira ng kilig itong si Congressman.

"Kayo rin po, matulog na rin po kayo. Masama po para sa matatanda ang nagpupuyat," sabi ko naman.

"Sa inyo ring mga kabataan. Matulog ka na at mag-aral kang mabuti, Esso."

Matindi talaga 'tong si Congressman, tambay sa wall ng anak niya. Hanggang sa Facebook nakabantay.

"Sige po, good night po sa inyo ni Ninang," sabi ko lang. Nag-reply pa si Congressman pero hindi na ako nag-reply dahil baka hindi kami matapos. Nag-offline na rin ako ng chat dahil baka matingnan pa niya, ma-chat pa ako n'on.

***

Natutuwa naman ako na nakikita kong mukhang nagkakamabutihan sina Rachel at Jacob, pero umiinit ang ulo ko dahil naaalala ko si Sophia na patuloy akong hindi nire-reply-an. Idagdag mo pa itong si Pipo na palaging may katawagan sa gabi at bigla na rin lang nawawala.

"Hanggang kailan mo ako susupladahan?" Message ko sa kanya.

Tiningnan ko ang isang album sa laptop ko na may mga picture ni Sophia. Sine-save ko iyon doon matapos i-download. Ang saya niya sa mga picture niya.

Biglang tumunog iyong Skype habang nakatitig ako sa mga picture niya at parang bumilis iyong tibok ng puso ko nang makita kong si Sophia ang tumatawag.

"What took you so long?" bungad ko kaagad sa kanya at talagang alam kong simangot na simangot na ako.

Hindi siya kaagad sumagot at ngumiti lang sa akin. Kasabay ng pagngiti niya ay ang pagtataas niya ng suot niyang t-shirt.

"Shit. H'wag mo akong idaan sa ganyan, Sophia. May kasalanan ka sa akin!" sabi ko pero hindi ko rin naman maialis ang tingin ko sa kanya. Matapos alisin ang t-shirt niya ay isinunod niya naman ang pantalon niya. Literal na humigpit ang pagkakahawak ko sa laptop. Terno ang panty at ang bra niya at sunod-sunod ang naging paglunok ko.

"I'm sorry and I got your messages. I missed you too so much," sabi niya at nagsuot na ulit ng ibang t-shirt.

"Bakit nag-t-shirt ka na ulit?"

"Malamig dito!" sabi niya at nagsuot na rin ng pajamas.

"Anong ginawa mo at talagang hindi ka nag-message sa akin?"

"I was busy and I enjoyed myself a lot and the truth is naiwan ko rito sa apartment ang pouch kong naglalaman ng charger ng phone at ng laptop, so hindi ko sila napakinabangan," sabi niya at sumimangot lang ako.

"Hindi ka man lang naki-log in sa mga classmates mo r'yan," counter ko.

"Duh! I told you before that most of them are not as nice as me. Kung ikaw salbahe na, mas lalo na iyong iba rito kaya pasalamat ka at dito ako nag-aral dahil napagtitiyagaan kita."

Tangina, para akong na-triple kill sa sinabi niya.

"Napagtitiyagaan? Pinagtitiyagaan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, I'm just saying na 'di hamak na mas okay ka kaysa sa mga lalaki rito." Napakunot noo ako.

"What do you mean? May mga pumupormang foreigner sa 'yo r'yan?" tanong ko at parang bumalik ulit iyong pag-iinit ng ulo ko.

"Of course! Mabenta ako rito, excuse me," sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

"Damn it! H'wag na h'wag ko lang talagang malalaman na may boyfriend ka r'yan!" sabi ko at ang kasunod ay may pumaltok sa akin ng unan.

"Tangina ka, ang ingay mo!" Si Chino iyon na ibinato sa akin ang unan niya tapos ay pumaling patalikod sa akin.

"H'wag ka raw kasing maingay sabi ng kuya mo," natatawang sabi ni Sophia.

"Kainin niya yung thirteen minutes na tanda niya sa 'kin. Pero seryoso, h'wag kang magbo-boyfriend d'yan," sabi ko ulit.

"I love it when you're like that, selosong ewan. Minsan ka lang maging possessive sa akin."

"Anong seloso? Sinong seloso? Possessive? Ako? Hindi rin," sabi ko at sumandal sa head board.

"Deny mo lang 'yan, sige lang," sabi ni Sophia. "Anyway, mag-off na ako, may pupuntahan pa kami."

"Kakausap lang natin, aalis ka na naman?" reklamo ko.

"Yeah, tatawag ako mamaya. By the way, nakita ko yung sagutan niyo ni Daddy, napakapilyo mo kahit kailan!"

"Kung bakit ba naman kasi nagko-comment si Congressman sa post mo?"

"Hayaan mo na siya, sabi mo nga matanda na. Sige na, I really have to go, bye!"

"Okay, tumawag ka..." Hindi pa ako tapos magsalita ay nawala na siya. Napabuntonghininga na lang ako. Pambihira, 'di man lang ako pinatapos.

***

Hindi na naman tumawag si Sophia kagaya ng sinabi niya. Pinag-iinit na naman ng babaeng iyon ang ulo ko. 'Di bale, labing isang buwan na lang.

Sina Jacob at Rachel, talagang nagkakamabutihan na, parang sila na nga. Paspas din itong si brad.

Si Chino, pasimple lang. Sa totoo lang, ang galing magtago ng isang 'to ng babae niya, pero kapag subsob iyan sa games niya ay tiyak na may nagugustuhan siya na pilit niyang inaalis sa isip niya.

Pinatulong din kami ni Rachel sa fair ng university na hindi namin natanggihan. Nakakatakot kasi baka kapag hindi kami nakinig ay ipalapa kami sa aso ni Rachel. Ayaw sana namin makipag-cooperate dahil nakakatamad lang din naman sa fair, ang init init lang.

Habang tumatagal, nagkakamabutihan lang din lalo sina Jacob at Rachel. Tawang tawa kami nung minsang umuwi si Jacob na putikan, akala mo'y kung saan na gumulong.

Pero kasabay noon, may bagyong parang bumalik. Si Andrea nagbabalik. Tangina, palibhasa break na yata ro'n sa pangit na ipinalit niya kay Jacob kaya nabalik naman ngayon. Kung kailan naman maayos na yung tropa namin saka babalikan. Parang tanga lang, adik yata 'to.

May pagpunta pa rito sa apartment at may pagdadala pa ng pagkain na nalalaman. Miss daw kami pero halata mo naman na peke lang at nag-iinarte lang. Hindi naman kami mga tanga para magpauto sa kanya. Maliban na lang kung papauto pa rin si Jacob sa kanya, talagang tanga na si brad kung ipagpapalit niya si Rachel para kay Andrea.

"P're, hindi sa nakikialam kami ha, pero kay Rachel ka na," sabi ni Julian kay Jacob at sumang-ayon naman kaming tatlo nang makabalik si Jacob mula sa paghahatid kay Rachel pauwi sa apartment nila.

"Hindi naman sa hinuhusghan namin si Andrea pero huhusgahan ko na rin," simula ko. "Tangina, pagkatapos kang iwanan para sa ibang lalaki ay babalik ngayong iniwan siya n'ong gago? Pag binalikan mo si Andrea at iniwan si Rachel ay isa ka pang gago," sabi ko.

"Hindi ko naman iiwanan si Rachel at wala rin akong planong makipagbalikan kay Andrea. Alam ko kung anong halaga ng meron ako ngayon," sabi ni Jacob at tumungga mula sa hawak niyang bote ng beer.

"Oo at dahil 'pag iniwanan mo pa si Rachel, nakaabang itong dalawang adik na 'to," sabi ni Pipo at itinuro kami ni Julian.

Tumawa lang kaming pareho ni Julian at nag-cheers na lang kami.

"Talaga namang itong dalawang 'to, pambihira kayo," sabi ni Chino.

Tumigil lang kami sa pagtawa nang batukan kami ni Jacob.

"Tangina niyo, baka naman taluhin niyo pa ako," sabi ni Jacob at lalo kaming tumawa ni Julian.

"Hindi naman kami gan'on, p're," sabi namin pero tawanan pa rin kami. Pati si Chino sinapak na kami ni Julian.

***

Tapos na yung semester at mag-start na kaming mag-intern ni Julian. Nag-apply kami sa isang hotel malapit lang din sa apartment, sina Jacob naman medyo malayo pero saglit lang din iyon.

Tapos si Sophia naman tumatawag pero pabilis na nang pabilis iyong tawag niya. May iaasikaso raw siya kaya laging nagmamadali. Hinahayaan ko na at 'di ko na rin masyadong kinukulit dahil iilang buwan na naman at uuwi na rin 'yon.

***

Ang daming magagandang babae na kasabay namin ni Julian sa OJT namin. Tangina, mababali ang leeg ko sa paghabol tingin. Palagi na lang kaming nagsisikuhan ni Julian kapag may nakikita kami. Pati yung mga guest nakakabali ng leeg.

"P're, 'di ako papayag na matapos ang OJT natin nang wala akong naatikha maski isa sa mga 'yan," sabi ni Julian.

"Tangina, ako rin." Sang-ayon ko kay Julian.

May message si Sophia sa akin pero binalewala ko iyon.

"Good luck on your career! Mag-online ka later, I have something to ask you, important."

Sumunod kami ni Julian doon sa mga kapwa namin na intern at nakipagkilala kami isa-isa sa kanila. Apat lang kaming lalaki at mukha namang masyadong mababait yung dalawa naming kasabay at mukhang hindi rin makikipagsabayan sa trip namin ni Julian.

Sinipagan namin pareho at ginalingan namin para mapansin kami lalo at ma-very good sa internship namin.

"Ikaw naman ang gumaganti ngayon sa 'kin? Hindi mo ako pinapansin, may importante akong sasabihin. Kailangan ko ng opinion mo."

Message ulit ni Sophia pero hindi ko ulit iyon pinansin.

"Hi," bati ko roon sa mga kasabay naming mag-training.

"Hi," ganting bati rin nila sa 'kin.

Inaya nila kami ni Julian na sabay-sabay na raw kaming mag-lunch tuwing break time. Siyempre pahanga kaming dalawa ni Julian kaya palagi rin kaming may dalang pagkain para sa lahat. Dagdag papogi rin.

"Hindi ka mag-o-online? May gusto sana akong itanong sa 'yo. Busy ka ba sa internship mo? Eat on time and stay healthy, rest well din kapag pagod ka. I really miss you."

Pag-uwi namin nina Julian ay nakaipon doon sa sala sina Jacob, Rachel, Pipo, at Chino.

"Anong meron? May meeting?" tanong ko habang inaalis ang sapatos ko.

"Oo, tara sa inyo sa Christmas break," sabi ni Pipo. "Ayaw pumayag nitong kakambal mo dahil magulo lang daw kami."

"Okay lang 'yon. Sige at itatawag ko kay Mama."

"Iyan, d'yan kayo magsabi at bahala siyang mag-intindi sa inyo kapag naroon tayo," sabi ni Chino.

"Oo, ako nang bahala, papayag si Mama," sabi ko.

"Sama ako, ha," sabi ni Rachel.

"Oo, Rache. Sige, walang problema," sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko para tumawag kay mama.

Bago ako makatawag ay may nakita akong message ni Sophia ro'n.

"I really have something to tell you pero ayaw mong mag-online, I've been meaning to tell you this since last month to have your permission but I don't know if you're busy or you're ignoring me but I guess it's the latter so I'm going to say it here. I accepted a scholarship for graduate school from my university. It will take three years to finish. Bahala ka kung magagalit ka. Good luck with your internship or should I say whoring?"

Para akong napatusok sa kinatatayuan ko at hindi ako kaagad nakagalaw. Mabilis akong nag-online pero offline si Sophia. Nang tingnan ko ang message niya ay dalawang oras na pala ang nakakalipas mula nang matanggap ko ang message niya.

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 247K 98
Rian Nieves will crawl to hell and back for money to support her family, and if that means being Drake Montemayor's personal assistant, then so be it...
355K 5.4K 23
Dice and Madisson
9.3M 183K 54
Maganda, mabait, mayaman, perfect. Yan ang mga katangian na palaging bukam-bibig ng mga taong kilala si Jasmine. Nasa kanya na nga siguro ang lahat m...
4.3M 108K 33
He's a runaway billionaire. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing tha...