Enchanted Academy (Book 2)

נכתב על ידי JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... עוד

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 13

1.7K 58 1
נכתב על ידי JoshuaLeeStories


HAMIR’S POV

“ANG husay ko, 'di ba? Kahit ako ang huli, nagawa ko pa rin naman! Sa totoo lang, nagpahuli talaga ako para nasa akin ang lahat ng atensyon!” Pagmamalaki ni Kiko habang kumakain kami ng aming pananghalian sa kantina dito sa Enchanted Academy.

Napasuntok naman sa hangin si Cyrus. “Oo nga, 'no? Sayang! Ang galing ng iyong taktika, Kiko. Kung nagpahuli rin sana ako, ako ang mapapansin ng mga babae na naroon pa na naghihintay sa labas ng silid-aralan ni Gurong Hipolito! Iba ka rin pala dumiskarte!” Inakbayan ni Cyrus si Kiko na napansin ko ang biglaang pamumula ng mukha.

Napailing na lamang ako sa aking sarili sa pakikinig sa pagyayabang ni Kiko. E, kung alam lang niya na ako ang dahilan kung bakit siya nakalabas kanina ng silid-aralan ng aming guro sa mahika. Siya na lang kasi ang natitirang estudyante na hindi pa nakakagawa ng pagsubok ni Gurong Hipolito. Nakasilip ako no’n sa bintana at nakikita ko sa pagmumukha ni Kiko na hindi niya kayang baguhin ang kulay ng tubig. Pinagpapawisan na siya ng oras na iyon. Halatang hirap na hirap siya kahit na pangkaraniwang mahika lamang ang baguhin ang kulay ng tubig. Napaka simple lamang niyon na kahit batang salamangkero ay kayang gawin. Ngunit si Kiko ay iba, hindi niya talaga kaya.

Kaya naman ako na ang gumawa ng paraan. Tinitigan ko ang basong kanyang hawak at tahimik kong inusal ang katagang “agua colorum”. Kahit bahagya akong malayo sa baso ay nagawa ko pa ring baguhin ang kulay niyon. Kulay asul. Hindi ako sigurado kung iyon ang kulay na iniisip ni Kiko pero wala na naman siyang pagpipilian. Ako ang dapat purihin pero ayos lamang kahit hindi na. Ganti ko na lamang iyon sa nagawa kong kasalanan sa kanya-- iyong pagnakaw ko sa kanyang sisidlan ng mga gamit.

Ginawa ko lang naman iyon dahil wala akong masyadong gamit na dala dito sa Enchanted Academy.

Mahirap ang aking pamilyang kinalakhan. Ang totoo niyan ay hindi naman ako tunay na anak ng magulang na nagpalaki sa akin. Napulot lamang nila ako noon na umiiyak sa kakahuyan. Mag-isa lang daw ako at takot na takot. Naawa ang mag-asawang iyon sa akin at dahil wala silang kakayahan na magkaroon ng anak ay inampon nila ako.

Salat kami sa karangyaan bagaman at ang realidad ay wala namang salamangkerong yumayaman dahil malaking bahagi ng aming kinikita ay ibinibigay namin sa mga namumuno sa Erkalla-- ang lahi ng mga Osoru. Kaming mga mideo o pangkaraniwang mamamayan ay nagtatrabaho para sa kanila… para sa diyos namin na si Alteza Prosfera. Ngunit ayon sa kwento ng aking kinalakhang magulang ay hindi naman ganoon ang Erkall dati. Matiwasay daw ang kanilang pamumuhay noong ang mga salamangkerong puti o lahi ng mga Ligero pa ang namumuno sa Erkalla. Nagapi lamang ang Ligero ng Osoru sa isang digmaan kaya napunta sa kamay ng mga Osoru ang Erkalla. Malayong-malayo na raw ang Erkalla noon sa ngayon.

At dahil na rin sa kahirapan ay natuto akong gumawa ng masama. Katulad ng pagnanakaw ng gamit, pera o kung ano man na mapapakinabangan ko. Nagiging madali sa akin na gawin ang pagnanakaw dahil sa gumagamit ako ng mahika. Sa murang edad ko, sa hindi malamang dahilan na kahit ang nagpalaki sa akin ay hindi rin alam, marunong na akong gumamit ng mahika.

Ganunpaman, kahit marunong na ako sa mahika ay pinili ko pa rin ang mag-aral dito sa Enchanted Academy. Gusto ko pa ring mas maging mahusay na salamangkero paglabas ko dito. Gusto kong magkaroon ng malakas na kapangyarihan nang sa gano’n ay may kakayahan na akong hanapin kung sino ang tunay kong mga magulang. Iyon ay upang mabuo na ang aking pagkatao. Hindi ko alam kung sinadya ba nila akong iwanan o hindi pero wala na akong pakialam doon. Ang nais ko lang ay makilala sila. Iyon lang at wala nang iba pa.

May bagay naman ako na sa tingin ko ay galing sa kanila. Nang mapulot ako ng mga nagpalaki sa akin ay may suot akong kuwintas na may magandang palawit. Binuksan nila ang palawit na iyon at sa loob ay may nakalagay na litrato ng isang babae at isang lalaki. Hindi nila kilala ang mga salamangkerong iyon kaya hindi nila ako naibalik sa tunay kong mga magulang. Malakas din naman ang aking pakiramdam na ang nasa loob litrato ay ang aking tunay na ina at ama. Kaya naman palagi kong dala ang naturang kuwintas. Hindi ko nga lang isinusuot sa aking leeg pero nakatago naman sa aking bulsa. Baka sakaling makita ko sila o kaya ay makasalubong, agad kong ipapakita sa kanila ang kuwintas na iyon upang aking makumpirma kung sila nga ba talaga ang aking ama at ina.

Ngunit, marami na ring tao ang lumipas pero hindi ko pa nakikita ang dalawang tao na nasa aking kuwintas. Minsan nga, nawawalan na ako ng pag-asa. Baka nga wala na sila at nasa piling na sila ni Bathala. Baka nga… umaasa na lamang ako sa wala.

“Bakit hindi mo yata ginagalaw ang iyong pagkain, Hamir? Wala ka bang gana?” untag sa akin ni Cyrus na kaharap ko sa lamesa.

“Ha?” Iyon lang ang aking naging tugon.

Napatingin ako sa kanilang lahat at nalaman ko na ako na lang pala ang hindi pa tapos sa pagkain.

“Uubusin ko ito!” turan ko at sinimulan ko na ang pagkain.

Masyado kasi akong nadala sa pagbabalik-tanaw kaya nakalimutan ko ang pagkain sa aking harapan. Ngunit kahit na nakalimutan ko ang ilan sa aking nakaraan ay may alaala ako na hinding-hindi ko nakakalimutan. Ang alaalang iyon ay tila ba napreserba sa aking isipan sa hindi ko malamang dahilan. Isang alaala na kapag aking naaalala ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.





BINILISAN ko na ang pagtapos sa aking kinakain. Nagpahinga muna kami ng isa pang oras at dumiretso na kami sa susunod naming klase-- ang pakikipaglaban o pakikipagdigma. Wala pa akong ideya sa kung ano ba ang ituturo sa amin doon pero medyo nasasabik ako sa gagawin namin.

Sa isang malawak na bakanteng lupa gagawin ang aming klase. Iyon daw ay upang makaiwas na makasira kami ng kahit na ano sa aming gagawin. Ayon iyon sa aming guro na si Gurong Reveno. Isa siyang lalaki na may malaking pangangatawan at malaki ang boses. Talagang kakatakutan siya. Sinabi rin niya na dati siyang punong kawal ng mga Osoru na ngayon ay nagtuturo na dito sa Enchanted Academy.

Pinagawa niya kami ng isang malaking bilog at isang dipa ang layo namin sa isa’t isa. Nasa gitna namin si Gurong Satir.

“Ang una kong ituturo sa inyo ay kung paano gumawa ng bolang enerhiya. Ang bolang enerhiya ay isa sa mga simpleng paraan upang atakihin ang isang kalaban o kaaway. Ito ay epektibong paraan para makaatake sa malayong distansiya.” Seryoso siya at hindi man lamang ngumingiti. Hindi siya katulad ni Gurong Hipolito na palaging nakangiti sa amin. “Ang bolang enerhiya ay nagmumula sa lakas at kapangyarihan na iyong taglay. Ang pinsala na maidudulot nito ay depende sa gagawa nito kung gaano ba siya kalakas!”

Ito ang bagay na gusto ko talagang matutunan-- ang paggawa ng bolang enerhiya.

“Una ay ipapakita ko muna sa inyo ang isang bolang enerhiya…” Itinaas ni Gurong Satir ang isa niyang kamay katapat lamang ng kanyang dibdib. Unti-unti ay isang liwanag na kulay puti ang nabuo doon. Noong una ay kasinglaki lamang ng butil ng bigas hanggang sa maging kasinglaki na iyon ng ulo ng isang tao. “Ito ang bolang enerhiya. Ngayon, ang nais ko ay subukan niyong gawin ito base sa inyong pag-oobserba sa akin kung paano ko ito nilikha.” Itinikom niya ang kanyang kamay at naglaho na ang liwanag doon.

Kasabay ang lahat ng aking mga kaklase ay itinaas namin ang aming mga kamay. Inisip ko na kaya kong gumawa ng bolang enerhiya. Lahat kami ay tutok na tutok at sinisikap na magawa ang pinapagawa ng aming guro. Ngunit lumipas na ang ilang minuto, napagod na lamang kaming lahat ay walang nagawa sa amin ng bolang enerhiya kahit isa.

Pumapalpak ng dalawa si Gurong Satir. “Itigil niyo na ang inyong ginagawa dahil hindi talaga kayo makakagawa ng bolang enerhiya sa paraang iyan lalo na’t hindi niyo pa alam kung paano. Hayaan niyong ituro ko sa inyo…” Itinaas niyang muli ang kanyang kamay katapat ng kanyang dibdib. “Ang una niyong gagawin ay iposisyon ang kamay niyo ng ganito. Sige, sundan niyo ako.”

Sumunod naman kaming lahat. Bigla na lang kaming nagkatitigan ni Kiko dahil katapat ko siya. Kinindatan ko siya at isang irap naman ang natanggap ko mula sa kanya. Nangingiti na napailing na lang ako sa aking sarili.

Nagpatuloy si Gurong Satir sa pagbibigay ng gabay sa amin sa paggawa ng bolang enerhiya. “Kasunod ay magpo-pokus kayo. Ipunin niyo ang inyong lakas sa gitna ng inyong noo. Pagapangin niyo iyon papunta sa inyong mga kamay at sambitin niyo ang chant na erum zerebum!” Biglang nagkaroon ulit ng bolang enerhiya sa kamay ni Gurong Satir.

Itinaas ni Kiko ang isa niyang kamay. “Ngunit, guro, kanina noong unang beses mo sa aming ipinakita ang bolang enerhiya ay wala ka namang binanggit na chant? Paano po iyon nangyari?” tanong nito.

“Magandang katanungan. Ikaw ay mapagmatyag na estudyante. Aking sasagutin ang iyong katanungan. Iyon ay dahil bihasa na ako sa paggawa ng bolang enerhiya. Kahit sa isipan ko na lamang sambitin ang chant ay makakagawa agad ako. Katulad nito!” Kahit nakababa ang kamay ni Gurong Satir ay nakagawa pa rin siya ng bolang enerhiya. Pinalakpakan namin siya. “Ngunit sa mga katulad niyong nagsisimula pa lamang ay kailangan ng matamang konsentrasyon at pagsambit ng chant nang malakas bago makagawa ng bolang enerhiya. Ngayon, ang unang sampung estudyante na makakagawa ng bolang enerhiya ay bibigyan ko ng mataas na puntos sa aking klase sa araw na ito. Simulan niyo na!”

Sa hudyat na iyon ni Gurong Satir ay inumpisahan ko na ang paggawa ng bolang enerhiya. Nag-pokus ako nang husto. Inipon ko ang lakas ko sa gitna ng aking noo. Titig na titig ako sa aking mga kamay. Hanggang sa may tila maliit na boltahe ng kuryente akong naramdaman sa aking noo. Sa pagkakataon na iyon ay sinambit ko na ang chant, “Erum zerebum!” Nagulat ako nang isang kulay asul na liwanag ang nabuo sa aking kamay!

Nakakamangha na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa ako ng bolang enerhiya.

“Mahusay, Hamir! Ikaw ang unang nakagawa!” puri sa akin ng aming guro. “Kapag may libre kang oras ay maaari mo pang sanayin iyan upang ikaw ay maging bihasa sa paggawa ng bolang enerhiya.”

Itinikom ko na ang aking kamay at nawala na ang bolang enerhiya. “Maraming salamat po, guro!” At yumukod ako sa kanya.

Ilang estudyante pa ang sumunod na nakagawa. Isa na doon sina Cyrus, Jareth at Evrio. Tiningnan ko si Kiko at hirap na hirap na naman siya. Hindi ko mawari pero tila wala nga talaga siyang mahika sa kanyang katawan. Dahil kung meron, kahit papaano ay makakagawa siya. Iyon ngang tubig ay hindi niya nabago ang kulay, ang makagawa pa kaya ng bolang enerhiya?

Hanggang sa mabuo na ang sampung estudyante. Tinapos na ni Gurong Satir ang pag-aaral namin. Wala na kaming klase kaya naman kahit ano ay maaari na naming gawin. Pero wala naman ibang mapupuntahan kundi dito lang sa loob ng Enchanted Academy. Hindi naman kami maaaring lumabas.

Sabay-sabay na kaming lima na nagtungo sa aming silid. Habang papunta doon ay napansin ko na malungkot si Kiko. Alam ko naman kung bakit. Dahil sa aming lima, siya lang ang hindi nakagawa ng bolang enerhiya.

Pagpasok namin sa aming silid ay umupo agad siya sa kanyang kama. Tinabihan naman siya ni Jareth at kinausap.

“Tila malungkot ka, Kiko. Huwag mong masyadong dibdibin na hindi mo nagawa ang pinapagawa ni Gurong Satir. Hindi lang naman ikaw ang hindi nakagawa. Marami kayo.” Pampalubag-loob ni Jareth.

Umiling si Kiko. “Kahit na, Jareth. Alam mo naman na kailangan ko talagang matutunan ang lahat ng ituturo dito sa atin sa Enchanted Academy. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong malaking kahihiyan.”

“Huwag mong sabihin iyan--”

Malakas akong tumawa sabay bagsak ng aking katawan sa aking higaan. “Hindi ba’t nakakatawa na si Kiko lang ang hindi nakagawa sa ating lima? Baka naman sadyang wala ka naman talagang alam sa mahika, Kiko? Hindi kaya?” Pang-aasar ko sa kanya.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagsama ng kanyang mukha. Natutuwa talaga ako kapag naiinis siya sa akin.

“Kung wala ka namang sasabihing mabuti ay tumahimik ka na lang, pwede?” irap nito sa kanya.

“'Ayan ka na naman sa pag-irap mo. Hindi iyan gawain ng isang lalaki. Baka naman tama ang aking hinala tungkol sa iyo na isa kang binabae, Kiko!” Bumalikwas ako ng bangon sabay upo. Nais kong makita ang naaasar niyang mukha nang mabuti.

Tumayo siya at sinugod ako. “Hindi ako binabae!” sigaw niya sa akin na may kasama pang pagturo. “Tumigil ka na sa pagsabi na ako ay binabae dahil iyan ay hindi totoo!”

“Kung hindi totoo, bakit tila nag-aapoy ka sa galit?”

“Dahil hindi ako binabae!”

“Bakit? Kung hindi ka binabae, e, ano ka? Huwag mong sabihin sa amin na… isa kang babae?”

Biglang natahimik si Kiko sa sinabi ko. Namutla ang kanyang labi at naging malikot ang kanyang mga mata.

המשך קריאה

You'll Also Like

1.8M 181K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...