Room 6007

By summerdaisies

2.5K 156 63

a boy. a girl. a marker. hospitals. the wind. room 6007. More

Room 6007

2.5K 156 63
By summerdaisies

Room 6007.

"Bumili ka nga ng tubig sa baba." Utos ko sa ate ko.

Tumayo siya at tinapat sakin yung kamay niya, "pera pambili." Sabi niya.

Tumuro ako doon sa drawer, "kuha ka nalang sa iniwan ni mama na pera." Sabi ko sakanya "Ibalik mo yung sukli ha?" Pabiro kong sabi.

Hinampas niya ako ng mahina. "Oo na." Sabi niya saka ako lumakad papunta sa pintuan.

"Bakit mo sinasaktan ang isang pasyente? Di mo ba alam ba bawal yan?" Pabiro kong sabi sakanya.

"Wag kang lalabas ha! Baka kung gumala gala ka nanaman, kaka radiation therapy mo lang kaya magtigil ka jan ha."

Naghintay ako ng ilang segundo bago bumaba, medyo mahaba naman ang pila doon at medyo malayo din, kaya mamaya pa makakarating si ate. Ayaw kasi nila akong gumagala gala, dahil baka humina daw bigla yung resistensya ko. At bigla akong kulangin sa dugo, meron kasi akong Leukemia, medyo lumalala siya kaya naman naisipan nila akong ipachemo therapy ulit. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan para hindi magising si kuya na natutulog. Naglakad ako habang tinitingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan yung malakas na buhos ng ulan. Pinasak ko yung dalawang headset ko sa magkabilang tenga ko at patuloy na naglakad hanggang sa tumapat ako sa isang kwarto at nakarinig ako ng isang malakas na pagbagsak at pagbasag ng parang plato o baso, basta isang babasagin na bagay. Napahinto ako kasabay yung ibang nurse na nasalikod ko, tinignan ko sila na nagbulungan. Dahan dahan kong tinanggal yung headset ko sa tenga ko.

"Magiisang taon na siya, wala paring pinagbago?"
"Wala nga eh, lalo lang lumalala."

Napahinto ako sa paglakad habang yung mga nurse patuloy sa paglakad.

"May pagasa pa kaya siya?" Tanong nung nurse sa kapwa niya nurse.
"Sana meron pa, kawawa naman eh."

Tumingin ako doon sa pahabang parang bintana sa may pintuan at may nakita akong lalakeng nakatalikod, mukang doctor, sa gilid niya ay may nurse na may hawak ng mga papel at sa isang gilid isa pang nurse na may hawak na tray na meron atang pagkaen. At nakita ko sa higaan yung tinutukoy siguro ng mga nurse kanina, isang lalake na nakasoot ng pangospital na damit, may nakapasok sa dalawang ilong niya, oxygen siguro, at meron pang isang tangke na hindi ko alam kung para saan. Pinasak ko na ulit yung headset sa dalawang tenga ko at naglakad na ulit.

"Room 6007." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang araw na ang lumipas simula nung napadaan ako sa room 6007, napatingin ako sa bintana ng room namin at pinagmasdan ko ang nangingitim na langit kasabay ng pagbagsak ng malakas nanaman na ulan. Tumingin ako kay kuya na nanunuod.

"Kuya, di ka ba nagugutom?"

Tinignan niya ako ng ilang segundo saka ibinalik yung tingin nya doon sa pinapanood niya. "Hinde."

"Nagugutom ako, kuya gusto ko ng wanton sa chowking!" Sabi ko, na nagpapakyut pa ng boses.

Tinignan niya ako. "Gusto mo ba? Tsk, ganda ng pinapanood ko eh!"

"Please kuya, bilan mo ko!" Sabi ko with matching puppy eyes.

Tumayo na siya at nag unat unat. "Sige sige, saglit lang ako. Wag kang lalabas ha? Pag nagkaproblema tumawag ka sa nurse station." Sabi niya.

"Opo!" Sagot ko sakanya.

Salamat kay God, dahil binigyan niya ako ng mga madaling utuin na kapatid.

Habang binabalatan ko yung lollipop na baon baon ko, napatingin ako sa mga nurse na naguusap.

"Lumalala na daw kondisyon niya."
"Totoo?" Tanong nung nurse na isa, halatang gulat. "Ano nangyare?"
"Tinanggal na nang tuluyan yung vocal chords niya."

Tahimik akong naglakad habang nakapasak sa dalawa kong tenga yung headset habang nakikinig sa kanta ni Enrique Iglesias na Hero. Nang makarating ako, tumayo lang ako sa tapat ng pintuan ng room 6007, hanggang sa biglang bumukas yung pintuan na ikinagulat ko naman.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung pasyente sa room 6007, nakasuot pa siya ng pajama na color green na may bear bear pa. Halatang nagtataka siya kung bakit ako nasa tapat ng kwarto niya. Medyo matangkad siya saakin, nasa dibdib niya lang ako. Kulay itim na medyo magulo yung buhok niya, ang tangos ng ilong at maputi. May pagkachinito, ang lamig ng aura niya, at mukang hindi palangiti, pero muka naman siyang mabait. Ang judgmental ko.

(Patugtugin nyo yung Hero ni Enrique Iglesias dito para mas feel! Haha)

"I- uh..."

Nagulat ako ng magtaas siya ng papel, na merong malaking ? na kulay itim doon. Nagsulat ulit siya, at mga ilang segundo lang tinaas niya sakin at pinakita.

Gusto mo ba kong samahan?

Tinignan ko siya, na nakangiti lang sakin. "Saan?"

Nagsulat ulit siya gamit yung itim niyang Sharpie na pentel.

Sa langit.

Nataneme ako sa sinabi niya. Iniisip ko kung dapat na ba akong tumakbo palayo dahil hindi pa ko handang mamatay ngayon. Lalong lumawak yung ngiti niya at muli siyang nagsulat.

Joke lang, sa labas lang.

Tumango ako. Kahit alam kong mali, at alam kong di dapat ako kumakausap ng di ko kilala, wala namang masama diba? Wala naman siguro syang gagawin na masama saakin, saka mukang ilang taon na siyang walang kasama na umalis manlang kahit sa labas.

Lumabas kami, ang lamig ng simoy ng hangin. Kakaulan lang kasi kanina.

"San mo gustong pumunta?" Tanong ko sakanya.

Kagaya ng dati, nagsulat ulit siya.

Kahit saan.

"Walang lugar na kahit saan." Pabiro kong sabi sakanya.

Nagsulat nanaman siya.

Meron, kung gugustuhin mo.

Napangiti naman ako sa sinulat niya. "Ano bang.. sakit mo?" Tanong ko.

Huminto siya sa paglalakad, ganun din ako. Tinignan niya ako bago siya nagsulat.

Cancer of the Larynx.

Siya nga yun, yung pinaguusapan nung mga nurse.

Tumahimik ako. Hindi ako nagreact, wala akong masabi.

"Pano ka nagkaroon niyan?"

Napangiti ulit siya sa tanong ko.

Rebelde ako date. Naninigarilyo ako, umiinom araw araw. Karma ko siguro 'to.

Nakangiti pa siya habang pinapakita sakin yung sinulat niya. Kaya pala, hindi siya nakakapagsalita.

"Ang lamig ng hangin no?" Bulong ko sakanya habang humahangin sa direksyon namin.

Nagsulat ulit siya doon sa drawing (na ginawa niyang writing) book niya.

Hindi ko maramdaman, gusto kong maramdaman.

Napangiti naman ako. Huminto ako sa paglalakad, siya din. Pumunta ako sa harapan niya atsaka ko hinipan ng mahina yung harapan ng muka niya.

Napangiti siya, napayuko, nagpipigil ng tawa.

"Naramdaman mo ba? Ang lamig diba?"

Tumango siya. Nagsulat siya at pinakita sakin.

Ang lamig nga, amoy strawberry pa!

--x

Simula noon, napapadalas na akong padalaw dalaw sakanya ng palihim, ilang buwan ang lumipas at lagi kaming naglalakad, tuwing gabi kami madalas magkita at maglakad lakad. Lagi din siyang nagpapahipan sakin sa muka, gusto niya raw kasi maramdaman yung malamig na ihip ng hangin.

Inaya nya ako sa kwarto niya, at nung una, nahihiya pa akong pumasok. Umupo ako doon sa may sofa at siya, doon sa kama niya. Kinuha niya yung gitara sa gilid ng kama niya at sinuot yung strap sakanya. Kinuha niya yung drawing pad niya at nagsulat doon.

Gusto mong tugtugan kita? Singer ako dati sa school, may banda kami nang barkada ko.

Napangiti ako, at tumango sakanya.

Bigla siyang nagstrum, yung Hero ni Enrique Iglesias. Hindi ko alam kung bakit, biglang lumakas yung tibok ng puso ko at bigla akong kinabahan. Hindi ko rin alam kung bakit may namumuo muong luha sa mata ko.

Nang matapos siyang tumugtog nagsulat siya agad sa drawing pad niya.

I can be your hero baby, I can kiss away the pain. I will stand by your forever, you can take my breath away.

Napangiti ako sa pinabasa niya sakin at nang di ko napapansin, biglang tumulo yung luha ko sa kaliwang mata.

--x

Ilang linggo ang lumipas, at napapansin kong lalo na siyang humihina, hanggang sa isang araw, hindi na siya makalakad at makakilos. Naninigas na rin yung mga daliri niya at namamanhid na rin siya. Nakasilip lang ako sa room 6007 noon, tinignan ko si Myungsoo, na nakahiga habang natutulog ng mahimbing, meron ulit nakalagay sa ilong niya at bibig, yung drawing pad niya nasa tabi niya, nang marinig kong nakikipagusap yung doktor sa mga magulang niya. Tinapat ko yung tenga ko doon sa pintuan, at nagulat ako sa narinig ko.

"Stage 4 na ang cancer ng anak niyo." Napahawak ako sa bibig ko at di ko na pinakinggan yung iba pang sinabi nung doktor.

--x

"Hold me in your arms tonight..." Bulong ko habang nakahiga at pinapanood yung ulan na malakas na bumubuhos sa kasalukuyan. "You can take my breath away."

Biglang bumukas yung pintuan ko, at si Kuya pala.

"May narinig ako sa mga nurse, yung lalake daw sa room 6007, namatay na daw." Balita niya kay Ate.

"Oh? Diba yun yung merong Cancer sa Larynx?" Tanong ni ate.

Napapikit ako at naramdaman ko ang biglang paghapdi ng aking mga mata. Pagkadilat ko, basang basa na yung kumot kong kulay puti. Ang sakit ng mata ko, ang hapdi, pero mas masakit, yung nararamdaman ko. Ang sakit. Kahit sandaling oras lang kami nagkakilala, nagkita, ang sakit parin.

--x

Naglalakad ako ng tahimik, habang nakapasak sa dalawang tenga ko yung headset ko. Ganitong oras, eleven ng gabi, papunta ako sa room 6007 para sunduin si Myungsoo para maglakad lakad at magusap sa mga bagay bagay. Nang papalapit ako sa room 6007, nararamdaman kong humahapdi at umiinit nanaman yung mga mata ko. Nang tumapat ako sa kwarto niya, wala nang tao. Tatlong araw na pala ang lumipas, simula nung iwan na ako ni Myungsoo. Dahan dahan kong hinawakan yung handle ng pintuan niya. Napakagat ako sa labi ko at bigla nalang tumulo yung luha ko. Pagkabukas ko ng pintuan, wala nang laman yung kwarto, napalitan na rin yung bedsheets, lumapit ako sa kama niya at napansin kong naiwan yung drawing pad niya. Umupo ako sa kama niya date at kinuha ko yung drawing pad, binuklat ko at isa isa, binasa ko yung mga nakasulat. Iilan nalang ang naalala ko sa mga napagusapan namin, pero ang alam ko, masaya ako nung naguusap kami. Nang makarating ako sa dulo, napahawak ako sa bibig ko at pinipigilan kong wag gumawa ng ingay ang pagiyak ko.

Salamat, Suzy.

Bigla namang humangin ng malakas kahit nakasarado yung bintana. Ang lamig nung hangin, sobrang lamig niya sa balat, at sa noo ko, bigla kong naramdaman yung lamig, mga ilang segundo bago nawala yung lamig. Hindi ako kinilabutan, o natakot. Pagkatulo ng luha ko sa kaliwang mata ko, may bigla akong narinig na napatawa naman ako.

"Suzy, thank you."

Narinig ko yung boses niyang malamig, alam ko, sigurado ako, na si Myungsoo yun.


Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...