Tibok

Por peachxvision

101K 4.1K 3.9K

Pula. Kahel. Dilaw. Luntian. Bughaw. Indigo. Lila. Ano ba ang kulay ng pag-ibig? Más

Pula
Kahel
Dilaw
Luntian
Indigo
Lila
Bahaghari

Bughaw

10.4K 433 500
Por peachxvision

Mga alas-diyes na kami nagising pareho. Nauna ata siya nagising dahil pag dilat ko, nakatitig na siya sa 'kin.

"Good . . . morning," bati niya.

Ngumiti ako. "Good morning, Kabi."

Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi.

"Kinikilig ako," sabi niya. Lalo akong napangiti.

Naligo muna kami parehas. Hindi namin maiwasan ulitin bahagya 'yong nangyari kagabi dahil . . . ewan. Siguro mga isang oras kami sa banyo bago kami lumabas habang tumatawa.

Nagluto kami parehas ng agahan, 'yong mga canned goods lang na nakaimbak sa cabinet sa may kitchen niya. Masaya kaming nagluto ng corned beef at Maling.

"Shit." Tumayo siya bigla.

"Bakit?" nagugulintang kong tanong.

Nakita ko na hinahanap niya 'yong phone niya. Nalungkot ako dahil alam ko namang na "technically," sila pa rin ni Luke. Tapos narinig ko siyang tumawa, medyo may pagka-sarcastic.

"Bakit?" tanong ko.

"Capslock na text ni Mama at Papa. Di kasi ako nagsabi na sa condo ako uuwi."

Nakahinga ako noong 'yon 'yong sinabi niya. Pero di ko na rin maiwasang magtanong, "Si . . . Luke?"

"Walang missed call."

"Gago talaga 'yon." Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit ako. Tingin ko, mas nagalit ako dahil sa kahuli-hulihang saglit, wala pa rin siyang pake kay Kabi.

"Huling text niya ata noong umaga pa noong isang araw. Sabi niya may field work daw sila sa Bicol ata. Tapos baka walang signal. Limang araw siya doon. Simula Huwebes, di na kami nag-usap. Martes ata balik niya. Kakausapin ko na lang pagbalik."

"O—"

"P-pero . . . pwede mo ba akong samahan? Parang hindi ko kaya mag-isa. Bago 'tong lahat sa 'kin."

"Andito lang naman ako."

Nagbuntong hininga siya.

"Bakit? Kabi, ayokong madaliin ka, okay? Alam ko naman na wild and fresh mga feelings natin. Medyo aminado ako na mabilis 'yong kagabi pero . . . totoo naman 'tong feelings ko."

"Alam ko naman," sagot niya tapos niyakap niya ako. Nilagay niya 'yong ulo niya sa ibabaw ng dibdib ko. "Pero natatakot ako. Ang dami kong tanong. Tapos lahat ng sagot, hindi sigurado."

"Hindi naman lahat sigurado."

"Paano kung . . . nabibigla pala ako dahil bago sa 'kin lahat ng 'to? Paano ko sasabihin kina Mama at Papa?"

"Teka, Kabi, isa-isa lang." Hinawakan ko siya sa mga balikat niya. "Di mo naman kailangan sagutin lahat ng tanong nang sabay-sabay. Hinga."

"Natatakot ako . . ."

Niyakap ko si Kabi. Hindi ko alam kung anong mga pinagdaanan niya para matakot siya nang ganito, na sa likod ng pagka-"spontaneous" niya, marami pa rin siyang takot na hindi kayang harapin—tulad ng bigyan ang ibang tao na mahalin siya nang naaayon sa narararapat na matanggap niya.

"Umuwi ka muna sa inyo. Hindi mo kailangan madaliin lahat. Kaya kong maghintay," sabi ko.

"Ako . . . hindi ko kayang maghintay." Kinuha niya 'yong mga pisngi ko at hinatak papunta sa mga labi niya. "Gusto ko na malaman ng buong mundo na mahal kita."

Napangiti ako. "Naalala mo ba noong sinabi mo sa 'kin na masarap siguro ako magmahal?"

"Nagpapahiwatig na kaya ako noon," sabi niya habang natatawa. "Well, ang swerte ko."

***

Magkatext at magkachat kami buong araw at noong susunod na araw. Nagkita rin kami ulit sa condo niya noong Linggo para naman daw "may pa-miss effect." Ganoon pa rin: nanood kami ng Netflix series, nagtawanan, natulog, kumain sa labas, nagkwenta ng ginastos at pinagsisihan at nangakong magtitipid, at tatawa dahil alam naming hindi na naman naming matutupad 'yon. Ang kaibahan lang, sa pagkakataong 'to, nahahalikan at nayayakap at nasasabihan ko na siya ng "Mahal kita."

Pagbalik ko sa bahay, nagkwekwentuhan kami kung paano kami nahantong sa ganito, kung paano kami unang nagkita kahit alam naman namin kung paano, kung ano talaga 'yong mga tunay naming nararamdaman noong mga panahon na hindi pa amin alam 'yong totoo na may gusto pala kami sa isa't isa.

Magkachat kami ng alas-diyes ng gabi ng Linggo, halos kababalik ko lang sa bahay, nang biglang sinabi niya na online si Luke.


Kabi

Kayi, wait lang ha?

Online kasi siya.

Sasabihin ko na mag-usap kami ng Martes.


Kayi

Sure.

Take your time po.


Kabi

Sabi niya nag-online siya para sa akin pero ako unang nag-chat.


Kayi

Once an asshole, always an asshole.

Pero joke. Sana magbago siya.

Hay.

Nag-aalala ako, alam mo 'yon?


Kabi

Na?


Kayi

Magbago desisyon mo.


Kabi

Alin? 'Yong mahalin ka?


Kayi

Hindi.


Kabi

Eh ano?


Kayi

'Yong piliin mo ako.


Kabi

Pokekon kita.

At pokemon mo ako.

Pero ang sagwa. Haha!

Ang gusto ko sabihin is . . .

Di ko na 'yon babawiin.

Pinipili kita.

Kaya sana . . . piliin mo rin ako.


Kayi

Ako pa ba?

Matagal na kitang pinili.


Kabi

Sana piliin mo ako araw-araw.

Wait, baka selfish masyado 'yon.

Piliin mo kung saan ka masaya.

At nandoon ako sa bawat pipiliin mo.


Kayi

Huhu.


Kabi

Bakit?


Kayi

Natunaw 'yong pusong bato ko.

Talino mo eh no?

Paano mo naiisip 'yong mga ganon?


Kabi

Natural na lang ata ang mga banat kapag mahal mo 'yong tao.

O sige na.

Wait for me, okay?


Kayi

Okay.

I love you.


Kabi

Mahal din kita, Kayi.


Naghintay ako na may kaba at lungkot, nagdadasal na sana totoo 'yong mga sinabi niya. Paulit-ulit ko atang tiningnan 'yong cell phone ko kung online at active pa siya.

Mga ala-una ng umaga, nakatanggap ako ng screenshot ng chat nila ni Luke.


You cleared the nickname for Luke Hernandez.


Kalmia Bie

Luke?

Are you online?


Luke Hernandez

?

natural online ako

nag ol ako para sayo tas iniba mo nick


Kalmia Bie

Nag-online ka pero sa 'kin hindi mo ako chinachat?

Haha. Benta 'yong ikaw lang 'yong kailangan ko palitan ng nickname.


Luke Hernandez

pakahanap na nga ng signal eh

pero saglit lang ako

may ginagawa pa kami


Kalmia Bie

Ng 10?


Luke Hernandez

iba kasi trabaho ko

hindi katulad ng sayo petix lang

naranasan mo naman ng isang buwan dito diba


Kalmia Bie

Pero hindi naman umaabot ng field work ang 10.

Grabe naman si boss.


Luke Hernandez

pls lang wag ka magsusumbong

nakahanap na nga ako ng way para makachat ka

ano magaaway lang tayo

balik na nga ako doon


Kalmia Bie

Wala namang nang-aaway.

Ikaw lang.


Luke Hernandez

may mens ka ba

inom ka na lang ng gamot


Kalmia Bie

No.

Let's talk.

Can I call?


Luke Hernandez

nasa field work pa nga ako

tsaka walang signal masyado

about what


Kalmia Bie

Pero nakapagdata ka?

Us.


Luke Hernandez

o pero mahina

what about


Kalmia Bie

Personal ko sana sasabihin.


Luke Hernandez

kayi pls naman wala na nga akong oras eh

ano ba yon

anong diff pag dito mo sinabi


Kalmia Bie

Mas . . . personal?


Luke Hernandez

just fcking tell me

im busy

di mo ba ako naiintindihan

uy

?

?

???

puta di wag ka magreply

?

seen amputa

KABI

ANO


Kalmia Bie

Akala ko ba busy ka? Bakit parang hindi naman?

Nakakapaghintay ka nga ng ilang minuto eh.


Luke Hernandez

wtf

binibigyan na nga kita ng time tas tatanungin mo bakit?


Kalmia Bie

Bakit parang utang na loob ko pa sa 'yo na nag-online ka?


Luke Hernandez

galit ka?

ano ba kasi yon


Kalmia Bie

Gusto mo ba talaga na dito ko sabihin?


Luke Hernandez

yes for goddamns sake

tinatawag na kami

ano na


Kalmia Bie

Pagod na ako.


Luke Hernandez

d magpahinga ka

text ka pagising mo


Kalmia Bie

No.

I want to breakup with you.


Luke Hernandez

?

why

fck u

meron ka ng iba

eh di sige magsama kayo

gago

uy

uy

?

tangina ka

ano meron na iba

tangina kabi totoo ba

hey

?

puta

ano puro seen

wtf is happening w u

heart

?

hay

if i did something wrong im sorry

im sorry kung namura kita

im sorry kung busy ako these days

kabi

hay

pls talk to me

im sorry

i love you

KALMIA BIE MAHAL NA MAHAL KITA

kung ikasasaya mo yan

sana maging maligaya ka

MAHAL NA MAHAL KITA KALMIA BIE


Kalmia Bie

Can I call?


Luke Hernandez

balik na ako


Kalmia Bie

Akala ko ba "Please talk to me"?


Luke Hernandez

pwede naman kasing chat

oy yan na

offline na ako


Kalmia Bie

I'm sorry.

I loved you.

Loved. Wala na.

Pero kailangan ko na ata malaman ang kaibahan ng nananatili dahil mahal mo pa rin ako o nananatili dahil nanghihinayang ako sa mga oras at alaala natin.

I just wanted to be treated right . . .

And maybe know my worth.

I know naman na nag fall out ka na rin.

You're not the same as before.

Kayi showed me what I'm worth.


Luke Hernandez

bad influence talaga yang si kayi

do u know shes flirting w me

i deleted the texts dahil ayokong mawala friendship niyo

I love you kabi

Pls dont

i'll talk to you when i get back home

tuesday ng gabi balik

wednesday can we talk

babawi ako if you rly feel that way


Kalmia Bie

Sinabi mo rin yan noong isang buwan, noong isang taon, at noong isa pang taon.

Luke . . . please stop lying.


Luke Hernandez

im not

sht 3% na lang phone ko

malolobat n

fck naiwan ko pa charger ko

ge n

lets talk abt it nxt time

if u want


Kalmia Bie

No.

Look for a charger.

Meron naman siguro.

Android naman 'yan.

Please we have to talk.


Luke Hernandez

go somewhere else

think muna

wag padalos dalos ng decision


Kalmia Bie

Tama na.

Ayoko na.

Please mag-usap tayo ng matino.

O sige wag na.

Basta nililinaw ko lang na wala na tayo.


Luke Hernandez

tangina ano bang meron sayo ha

first day mo ba

punta ka muna sa ibang lugar

pagsisisihan mo yang decision mo kabi

kumalma k

puta bad trp


Kalmia Bie

Hindi ko 'to pagsisisihan.

Kaya please . . .

Kahit mag-usap na lang.

Kung ayaw mo makipag-usap, sige na.

Basta, pinapalaya na kita.


Luke Hernandez

bat ang lakas ng loob mong makipagbreak ano

dahil alam mong hahabulin kita


Kalmia Bie

WTF? You never ran after me!

It was always me who was running after you!


Luke Hernandez

bat ang tapang mo ha

nakainom ka ba


Kalmia Bie

Ano kung matapang ako? Hindi ba dapat matapang talaga dapat?

O siguro sanay ka na sobrang hina ko pag dating sa 'yo kaya naninibago ka.

Siguro dahil . . . hindi na ako takot kung ako na lang mag-isa.

O kung iwan mo ako.

O kung mawala na tayo.

Dahil dati, kulob ako sa "Gusto ko mag-work tayo."

Pero wala eh.

Kayi taught me how I must be loved.

And she showed me self-less love.

So I'm giving us the chance to love each other.

You had yours.

And you wasted it.


Luke Hernandez

ano?

naguluhan ako

anong chance to love tayo?

mahal naman natin ang isa't isa


Kalmia Bie

Kami ni Kayi 'yong "us" na tinutukoy ko.


Luke Hernandez

huh

di ko maintindihan

lumayo ka na nga kay kayi puta

bad influence yon

at kung sino man yung nirereto niya sayo

wag ka naman magpaniwala agad


Kalmia Bie

Thank you for the four years, Luke.

Or was it just "one and a half of love" and "two and a half of just staying"?


Luke Hernandez

no

kung ano man yan

nabibigla k lang

parang yung dati

sanay na ako sa paggagaganyan mo

take a rest

go somewhere

mahal kita kabi

love

i love you

from the moon and back

ge n 2%

lumayo k na kay kayi a

bad influence amputa

1%


Kalmia Bie

You don't understand, Luke.

Kayi loves me.

And I love her.

I'm sorry.

Anyway, makikita mo rin naman to kinaumagahan.

So iyon. Gusto ko sana ng matinong closure pero parang wala akong mapapala sa 'yo.


Sa kahuli-hulihang saglit na "sila" ni Luke, naiinis pa rin ako sa kanya. Una, mumurahin, tapos biglang "mahal kita"? Saan ka nakakita ng ganoon? Mula "'tang ina ka" papuntang "mahal kita" nang wala pang labing limang minuto?

Pangalawa, bakit ba niya laging sinisisi 'yong buwanang dalaw namin? Problema niya? Kapag galit kaagad si Kabi, may mens agad? Ganoon ba siya? Gusto ko sana sabihin kay kay Kabi na sina sinabi niya: "Eh bakit parang iiyak ka na? Tutuliin ka ba ulit?" kaso ayokong lumebel sa pagiging mababaw ni Luke.

Pangatlo, gusto kong magwala sa sinabi niyang nag-fli-flirt ako sa kanya. Gago ba siya? Nanggigigil ako. Kailan nangyari 'yon? Kung nang-fli-flirt man ako, kay Kabi 'yon. At ano 'yong mga text na ipapakita niya? 'Yong sinabi kong pahalagahan niya si Kabi?


Kayi

SORRY PERO GAGO SIYA.

HINDI "FUCK HIM" EH.

HE DOESN'T DESERVE TO BE FUCKED.

MAS FITTING ANG "GAGO KA."


Kabi

I'm sorry.


Kayi

Uy, wag ka namang mag-sorry.


Kabi

"Take a rest" daw.

Iyon huling bilin niya sa 'kin.

Makakapagpahinga ba ako nang ganito?


Kayi

Gusto mo pumuntang dagat?


Hindi ko alam kung bakit ako nag-aya ng ganito. Pero natawa ako dahil pag-aya ko ng ganon, una kong tiningnan 'yong bank account ko at kung kaya ko ba panindigan 'yong sinasabi ko.


Kayi

Kaya pa naman ng bulsa ko. Haha.

Pero kailangan na ulit kumayod pagkatapos.


Kabi

Woah. Bakit biglaan?


Kayi

Mas natutuloy ang biglaan.


Kabi

Kilig.


Kayi

Bakit?


Kabi

Alam ko naman kasi na sobrang spontaneous ko.

Minsan calculated. Hehe.

Pero ikaw, alam kong pati mga gagawin mo this week, scheduled na.

So kinilig ako na siningit mo ako.


Kayi

Tss.

Hindi naman ako planadong tao lagi.

Minsan nag-iiba schedule ko kapag nag-yayaya ka bigla dati.


Kabi

Sorry. :(

Sorry kung nasisira ko pala sched mo dati.


Kayi

Bakit ka ba sorry nang sorry?

Thank you na lang, pwede?

At saka, kung sa 'yo, hindi nasisira schedule ko.

Naiiba lang.

We'll learn from each other habang tumatagal.


Kabi

In Ogie's voice, "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?"


Kayi

Cute mo.


Kabi

Cute natin.


Kayi

Ano? G? Magliligpit na ako.


Kabi

Grabe walang tulog tulog. Haha!

Sabagay hindi pa ako antok.

Saan tayo?


Kayi

Batangas?


Kabi

Saan?

Search ako.

Laiya?


Kayi

G.

I love you.

Alarm ka na lang ulit ng 7:00 a.m.

Tulog na muna tayo.


Kabi

Sige! Excited na ako!

I love you . . .

Tumitibok puso ko nang sobrang lakas.

Naninibago ako.


Kayi

Ikaw lang pala 'yong K na hinihintay ko para sa sarili ko.


Kabi

Ha?

Di ko gets.

Bakit gusto mo ba na K simula ng girlfriend mo?


Kayi

Ano ba ko?


Kabi

Mahal ko?


Kayi

Haha. Pwede.

I mean . . . gender.


Kabi

Lesbian?


Kayi

Tagalog?


Kabi

Lesbyana?


Kayi

HAHA. SHET. KAYA MAHAL KITA EH.


Kabi

Hala.

Ano ba?

Hindi ako makakatulog.


Kayi

Synonym ng lesbyana?

Haha. Natatawa ako sa 'yo.

Cute mo.

Panira ng punchline. Haha.


Kabi

Tibo?

Aaaaah.


Kayi

Minsan, cute ka pag slow ka.

Minsan, nakakairita. Haha.


Kabi

Wow. Dati naiirita ka sa 'kin pag slow ako sa jokes mo.

Ngayon cute na ako.

Perks na alam mo na mahal kita na nasasabi mo na cute na ako? Haha.


Kayi

Haha.

Oo nga. Haha.


Kabi

At ikaw 'yong kumumpleto sa pangalan ko.

Tadhana talaga.

Hay. Kinikilig ako sa mga ganito.

I'm a sucker sa mga ganito.

Naiiyak ako.


Kayi

Ha?

Ah.

Lagi mong pinopoint out 'yon ano.


Kabi

Kabiyak.

Astig kaya.

Yin ka sa yang ko.


Kayi

Shet may naisip pa ako.


Kabi

Alin?


Kayi

'Yong letra na nagdudugtong sa mga pangalan natin para maging "kabiyak."

"I" di ba?


Kabi

Hala.

:")


Kayi

Oo, ikaw ang kabiyak ko.

:)

Pero bago man tayo napagdugtong.

Meron tayong mga sarili natin.

Ayoko lang siguro na masyado tayong concentrated sa isa't isa.

Parang ganoon ba.

Na ayokong kumpletuhin ka.

Na sana kumpleto ka na.

Tapos sabay nating i-a-angat, i-improve ang isa't isa.

Parang ganon ba?


Kabi

'Yang wisdom mo ano.

Hawaan mo nga ako niyan.

Ilalagay ko sa susunod kong nobela. Haha.

Sige na. Aayos na ako ng gamit then tulog na.

Good night and sweet dreams, Kayi.

I love you.


Kayi

Mahal kita, Kabi.

Good night.

***

Mga alas-siyete nang umaga, magkasama na kami. Natatawa na lang kami sa mga sarili namin kung gaano kami kakaladkarin sa isa't isa.

Sumakay kami ng bus papuntang Batangas. Ang sarap sa pakiramdam na maghahawak kami ng kamay at nakapahinga iyong mga ulo namin sa isa't isa. Natatawa pa ako noong nag-CR kami pareho.

"Hala," bigla niyang sinabi. "Perks pala na pareho tayong babae tapos pwede tayong pumasok sa isang cubicle sa banyo o dressing room no?"

"Oo. Tapos biyahe tayong langit? Meryenda, ganon?" tukso ko na may kindat.

"Sige ba." Tapos nilagay niya 'yong mga kamay niya sa baywang ko. "Asahan ko 'yon ah?"

Hinalikan namin ang isa't isa na ikinangiti ng janitress na andoon.

Nakatulog ulit kami. Umasa na lang kami sa walk-in na mga resort, pero kampante kami na makakakita kami ng kwarto dahil weekday naman at kaunti lang panigurado ang mga tao. Buti na lang, may isang kwarto 'yong isang resort. May kamahalan, pero dahil sobrang init ng araw at tinamad na lang kami maghanap, doon na kami namalagi.

Nilapag niya lahat ng gamit niya. Tinitigan ko siya habang naghahanap ng damit sa bag niya.

"O, may problema?" tanong ko.

"Wala naman. Bat mo natanong?" sagot niya.

"Kinakalat mo kasi 'yong mga gamit mo sa harap ko dati. Ngayon nahihirapan ka na. Ano bang hinahanap mo?"

"Bathing suit," sagot niya. "Ewan ko. Parang nahihiya ako bigla na . . . alam mo 'yon?"

"Please, Kabi. Nagustuhan kita sa kung ano ka. Hindi mo kailangan mahiya. Gusto ko 'yong nagwawala ka sa harap ko, 'yong tutulo 'yong laway mo habang natutulog ka—"

"Nakita mong tumutulo 'yong laway ko?" Binato niya ako ng unan.

"Oo. And see? Gusto pa rin kita. Simula noong nakita kita sa MRT, nagustuhan na kita. Na kahit nalaman kong meron kang iba, ginusto pa rin kita nang pasikreto, tinago na lang dahil gusto ko manatili sa buhay mo. Kaya, please?"

Hinawakan ko 'yong baywang niya at nilapit sa 'kin. Di ko maiwasan ilapat ulit 'yong labi ko sa labi niya. Nakakaadik kasi.

Nilagay naman niya 'yong naligaw na hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Minsan ba, sinabi mo na sa sarili mong lumayo sa 'kin?"

"Oo naman," sagot ko. "Isipin mo na madalas tayong dalawa lang. Madalas pinapahiga mo ako sa kama mo noon. Madalas mong hawakan 'yong kamay ko. Madalas, pakiramdam ko, mahal mo rin ako. Pero laging may haharang sa utak ko na . . . sadyang mabait ka lang. Sadyang gusto mo ako kasama dahil sabi mo nga, noon mo pa gustong makakita ng isa pang tulad mo, parang babaeng best friend, at nakita mo 'yon sa 'kin. Not to mention 'yong gagong si Luke. Paanong di ko maiiwasang isipin na lumayo sa 'yo?"

"Fuck." Ngumiti siya at pinahigpitan niya 'yong yakap ko sa kanya. "Buti na lang, hindi ka sumuko sa 'kin."

"Sinabi ko naman di ba? Noong isang araw, naisip ko na talaga. Pero alam mo 'yong tadhana na 'yong mismong pinagkita tayo."

"Bakit kaya ganoon ano?"

"Ewan."

Hinalikan ulit namin ang isa't isa. Tumindi na naman nang tumindi hanggang sa napaatras kami nang kaunti at napasandal siya sa may pader, pareho na namang nakadikit ang dibdib namin sa isa't isa at, mamaya, hawak-hawak na namin na parang nagmamasa. Pareho naming halik ang leeg ng isa't isa, tumindi nang tumindi, at dahil doon, hindi ko napigilang bumaba para kainin siya—oo, iyon ang termino namin doon. Muli, narinig ko na naman 'yong sigaw niya ng pangalan ko.

Gusto kong sinisigaw niya 'yong pangalan ko nang ganoon.

***

Nagising kami ng alas-tres imedya ng hapon at nagdesisyon na pumunta na ng dagat . Ako pa nga ang gumising sa kanya dahil sabi ko, tamang oras na para maligo kami kung hindi, bale wala rin 'yong pagpunta naming ng Batangas para makita ang dagat.

Pumunta kami sa beach. Hindi siya ganoon kaputi katulad ng sa mga litrato, pero okay na rin. Nakita ko siyang nakatingin sa dagat kahit pa naka shades pa siya. Tugmang tugma 'yong puti niyang damit at maong niyang shorts sa kulay ng langit na para bang ulap rin siya.

Ang ganda niya tingnan. Para bang pinanganak ako para lang makitang tinitingnan niya ang dagat habang tinatangay ng hangin ang buhok niya at sinisinagan ang mukha niya ng araw. Tumutugma ang ganda ng tanawin sa ganda niya.

"Ang sarap dito," sabi niya. "Tapos may kasama pa akong sobrang gandang babae. Nako, baka pagtinginan tayo ng tao niyan."

"Eh ano naman kung pagtitinginan tayo? Di naman ako nahihiya ipakita na mahal kita eh."

"Hindi naman 'yon ibig ko sabihin."

"Eh ano?"

"Na baka pagtinginan tayo kasi may kasama akong chicks. Sabihin nila, 'Shet, ang swerte non o.'"

Natawa ako sa sinabi niya. "Nako, tumigil ka nga. Wala akong pake sa sasabihin nila. Kahit halikan pa kita sa harap ng maraming tao, masabi lang na 'Hoy, taken na kaming dalawa . . . ng isa't isa. Wag kayong ano.'"

Nagtawanan kami.

Nagtampisaw kami saglit sa beach pero hindi kami roon nagbabad. Sa may swimming pool kami sa resort naligo. Mga bandang alas-kwatro imedya, umahon kami at nagdesisyon na maglakad-lakad ulit. Nagtapis lang kami para kung sakaling gusto naming maligo pagkatapos, makakaligo kami.

Umupo kami sa may buhangin habang hawak ang kamay ng isa't isa. Rinig lang namin ang alon at ang tawanan ng iba't ibang grupo. Narinig ko siyang magbuntong hininga.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko.

"Minsan, ganito lang talaga ako. Nalulungkot nang walang dahilan," sagot niya habang gumuguhit ng bahaghari sa may buhangin.

"Nararanasan ko rin 'yan minsan. Tipong mapapatulala ka na lang at hindi mo na lang alam 'yong dahilan."

"Melancholy . . . sa Filipino, panglaw."

"Galing ah. Alam mo pati Filipino."

"Ang galing nga eh. Kung anong ikinaganda ng salita, siya namang kabaligtaran ng ibig sabihin. Parang ako."

"Anong parang ikaw?"

"May façade ba? Tipong mukha lang akong masaya, pero sa loob-loob, may tinatagong lungkot."

"Malungkot ka ba ngayon kasama ko?"

"Masaya akong kasama mo, Kayi. Hindi ko lang maalis ang dami ng iisipin. Ayoko na lang mag-isip."

Inakbayan ko siya. Alam ko naman na bawat isa sa 'tin, merong tayong makatatagpong tao na sobrang lalim mag-isip na parang puno ng karunungan. Sa akin, si Kabi 'yon. Ang lalim ng iniisip niya. Ang lalim ng pagkatao niya. Minsan, kapag mga ganito ang pag-uusapan naming, pakiramdam ko lumalangoy ako, at nang akala ko ay naabot ko na ang dulo, biglang may mas lalalim pa pala.

Pero mas gugustuhin ko pang tubuan ng hasang para languyin nang languyin 'yong malawak niyang dagat ng iniisip. Kahit pa abutin ako ng otsientang taong gulang, hindi ako magsasawang kilalanin siya.

"Langoy tayo?" aya ko.

"Natatakot akong lumangoy sa dagat."

"Bakit? Ang sarap kaya."

"Maalat, mahapdi sa mata, may mga alon. Baka tangayin ako hanggang sa gitna . . . tapos may pating. Baka malunod ako."

Natawa ako sa mga sinabi niya. "Parang buhay ko 'yon dati 'yon ah."

"Anong parang buhay mo?"

"Maalat, mahapdi sa mata, maalon. Pero may sirenang inakit ako at natangay na nga ako sa gitna at nalunod na ako—o siguro hindi. Hindi pala ako nalunod. Ako pala kusang lumangoy tapos pinakita ng sirenang 'yon 'yong maganda niyang mundo at nagdesisyon akong di na bumalik."

"Ano ba, ako ba 'yong sirenang 'yon?"

Tumango ako.

"Nako. Cheesy mo. Kadiri," tukso niya. Nagtawanan kaming dalawa. Binato pa nga niya ako ng buhangin. At saka niya dinagdag, "Eh paano pala? Eh di hindi ka na babalik sa mundo ng mga tao?" tukso niya sa 'kin habang nakahingang kumekembot na parang mga sirena sa pelikula. Natawa ako.

"Hinding hindi na. Masaya ako sa sirena ko."

"Alam mo," sabi niya. "Magandang kwento 'yan."

"Nako siya. Lahat na lang ginawan na ng kwento."

"Ipapa-edit ko sa misis kong editor," sabi niya na may kindat.

Hawak ang kamay ng isa't isa, lumangoy kami sa dagat. Nahalikan ko na siya sa ibabaw ng lupa, at ngayon naman, hinahalikan ko siya sa ilalim ng tubig.

Umahon kami at huminga. Tumingala sa langit habang ramdam ng mga katawan namin ang dagat. At sa lahat ng araw na ibinuhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan sa loob ko.

Ngunit tulad ng ibang araw, nag-iba ang kulay ng langit upang magbigay daan sa gabi.

Seguir leyendo

También te gustarán

107K 6K 38
It took 30 days for Jellane to fall in love and have her life turned around. 400 days after the death of Fina Romulo, Jellane returns to their homet...
511 238 25
"I promised myself I would never fall in love with you, but it was 4 am and we were laughing way too hard, and I felt happy for the first time in a l...