ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 39: BLOODY BATTLE

489 25 0
By angelodc035

Makakapal ang mga kaulapan sa kalangitan na humaharang sa sikat ng araw mula sa kalangitan. Makulimlim na tila nagluluksa kalangitan ngunit walang hangin ang nakikipaglaro sa mga dahon ng mga puno at halaman sa paligid. Tila nauna ng nagpakita ng pagdadalamhati ang kapaligaran sa kung ano man ang mangyayari sa araw na iyon. Umaalingawngaw ang sobrang katahimikan maliban lamang sa mga huni ng mga uwak na nakikipag-agawan sa mga nabubulok na karne ng tao at hayop na nakakalat sa kalsada.

Halos isang libong mga anak ng buwan ang ngayon ay nasa kalsada at tila nagtitipon-tipon para sa iisang layunin. Pinangungunahan sila ni Sitan, ang kanang kamay ni Behemot bilang diyos ng kasamaan. Sa kanyang likuran ay ang matandang manggagaway na si Hiduan at ang mandirigmang si Anmanuan. Bitbit ni Sitan ang kanyang makapangyarihang tungkod na mula sa buto ng mala-alamat na higanteng ahas ng Bonggao. Si Hiduan ay hawak-hawak niya ang mga tanikala na kung saan nakatali ang tatlong naglalakihang kulay itim na aso na may taas na pitong talampakan bawat-isa.  Namumutok ang mga kalamnan ng mga ito may malalaking mga ulo. Ang kanilang bibig ay kayang durugin at lunukin ng madalian ang isang buong tao.  Ang mga ngipin na sing-talim ng mga mahahabang kutsilyo at laway na makamandag ang siyang katangi-tangi sa mga ito para katakutan ng mga matatapang na mandirigma.

Nakadapo naman sa balikat ni Anmanuan ang napakalaking itim na ibong buwitre na tila naagnas ang hitsura ng katawan. Kaya nitong dumagit ng isang tao at pumunit ng laman sa pamamagitan lamang ng kanyang matatalim na kuko sa paa nito.

Patuloy sa pag-usal ng mga dasal si Sitan at sumasabay naman ang kulay pulang ilaw na kumukurap-kurap sa pinakaulo ng kanyang tungkod. Binabalutan niya ng mahika ang buong paligid upang lalong bumagsik at lumakas ang mga anak ng buwan na naroroon.

Nang maaninag ni Anmanuan ang Malakat na si Alimog na kasalukuyang lumilipad sa himpapawid ay pinakawalan rin niya ang buwitreng si Kalufai para manmanin din ang mga kilos nito.

"Kalufai, lipad!" ang malakas na sabi ni Anmanuan sa kanyang napakababang tinig. Mabagsik ang mukha ni Anmanuan, may pilat ito mula sa ibabaw ng kanang kilay pababa sa kanyang kanang pisngi.

Mga malalakas na pagaspas ng mga pakpak ng buwitre ang biglang nangibabaw sa paligid. Sinundan iyon ng tingin nina Hiduan at Anmuan para masigurong babantayan nito ang malakat.

"Ang mga Mamulang, Hiduan!" ang malakas na sigaw ni Sitan sa kanyang manggagaway.

Agad na kumilos si Hiduan pagkarinig niya kay Sitan. Kinuha niya ang kanyang patalim at saka sinugatan ang kanyang kaliwang palad. Kaagad na lumabas ang masaganang itim na dugo mula sa sugat sa kanyang palad. Umusal ito ng isang dasal habang tinititigan ang paglabas ng dugo sa sugat nito. Pagkatapos ay nilapitan niya isa-isa ang tatlong naglalakihang halimaw na aso at isinaboy ang kanyang dugo sa mukha ng mga ito.

Inamoy ng mga Mamulang ang dugo ni Hiduan na lalong nagpabangis sa mga ito. Biglang namula ang mga mata ng mga aso na tila nagniningas na baga. Umaatungal ang mga ito at nakangisngis ang kanilang mga mukha. Kitang-kita ang mga matatalim nilang mga ngipin na dinadaluyan ng kanilang makamandag na laway.

Isa-isang pinakawalan ni Hiduan ang mga Mamulang sa kalsada at saka tinahak ang makakaibang direksiyon habang inaamoy-amoy ang bawat dinaraanan. Sabik na sabik sila sa kanilang pansamantalang kalayaan mula sa pagkakatali ng mahabang panahon. Nanamnamin nila ang araw na ito para mangain ng laman ng tao.

Mula sa likuran ng mga gusali ay mga grupo ng mga manananggal ang naghahanda na para humiwalay ang pang-itaas na bahagi ng kanilang katawan. Halos sabay-sabay na lumalabas sa kanilang likuran ang mga naglalakiang mga mala-paniking pakpak habang ang kanilang mga mukha'y nakangisngis sa magkahalong sakit at ginhawa. Ang kanilang mga pagdaing ay lalong nagbibigay ng kilabot sa sino mang makakarinig sa lugar na kinaroroonan nila. At ilang saglit lang ay pumagaspas na ang kanilang mga malalapad na pakpak, kasabay ng tuluyang paghiwalay ng pag-itaas na bahagi ng kanilang mga katawan.

Kasabay nilang lumipad sa himpapawid ang mga wakwak at mangkukutod na animo'y mga ibong naglalaro sa madilim na kalangitan. Naghahanap ng madadagit para mapawi ang napakasidhing kagutuman.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita ni Odessa ang paglipad ng mga manananggal, wakwak at mangkukutod. Naririnig niya ang matitining na mga boses ng mga ito na tila nagdiriwang. Marahil ito na siguro ang pinakamadugong pakikipaglaban na mararanasan ni Odessa sa buong buhay niya. Nangangamba siya para sa mga taong kailangan nilang sagipin. Nangangamba rin siya sa buhay ng kanyang mga kaibigan na kasama niyang makikipaglaban. Huminga ng malalim si Odessa at saka ipinikit ang kanyang mga mata.

Lumapit sa kanya si Randy at saka hinawakan ang kanyang kamay. Tumingin si Odessa sa kasintahan at ngumiti si Randy sa kanya.

"Kakayanin natin 'to..." ang wika niya kay Odessa. Kinakabahan man ay pilit na nilalakasan nito ang kanyang loob para sa kanyang kasintahan. Hindi siya matapang kahit pa noong nagtatrabaho siya kay mr. Lee.

Tumango lamang si Odessa at pinilit na ngumiti, pero madalang nawala ang ngiting iyon sa kanyang mga labi. Makakaya ba niyang ibuwis ang buhay ng kanyang mga mahal sa buhay sa labanang ito? Ang pinakamamahal niyang si Randy, ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang ipanalo ang labang ito. Namuhay siyang kasama ng mga tao at batid niyang walang kalaban-laban sa mga anak ng buwan. Kailangan niyang lalong maging matapang para sa kanila ngayong unti-unti ng gumagalaw si Behemot para pagharian na ang mundo ng mga mortal.

Inilalapit ni Randy ang kanyang mga labi kay Odessa. Gusto niyang hagkan at yakapin ang kasintahan bago pa man magsimula ang itinuturing niyang digmaan. Marahil baka ito na rin ang huling pagkakataon na matikman ang mga labi ni Odessa at maramdaman ang init ng mga yakap nito. "Kahit na ano man mangyari mahal ko, gusto kong sabihin ng paulit-ulit sa'yo na mahal na mahal kita at patuloy akong mabubuhay para sa'yo." ang emosyonal na wika ni Randy kay Odessa.

Idinikit ni Odessa ang kanyang noo kay Randy.  "Mahal na mahal din kita, at gagawin ko ang lahat para walang mawala na kahit na sino man sa inyo dahil importante kayong lahat sa buhay ko. Lalo ka na mahal ko. Wala akong hindi kakayanin masiguro ko lang na ligtas ka." ang halos pabulong na wika ni Odessa kay Randy.

Inilapit nilang pareho ang kanilang mga labi at ninamnam ang tamis ng bawat sandali nito. Tumulo ang mapupulang luha sa mga mata ni Odessa dahil sa bigat ng nadarama niya sa mga sandaling iyon. Hinawakan niya sa kanyang dalawang kamay ang magkabilang pisngi ni Randy at saka unti-unting naghiwalay ang kanilang mga labi. Tumingin siya ng diretso sa mata ng kanyang kasintahan at buong lakas niyang isinubong papalayo sa kanya si Randy. Tumilapon si Randy at hindi na niya nakuha pang mabigla sa ginawa sa kanya ni Odessa dahil isang napakalaking itim na aso ang umatake sa kanila.

Ilang metro sa aso ay nakatayo si Odessa at titig na titig sa nilalang na nasa kanyang harapan. Si Randy naman ay kaagad itong tumayo sa kanyang kinabagsakan at hinila ang Eskrihala sa kanyang likuran. Inihampas niya ang natitirang kalahati ng Eskrihala at nabalutan iyon ng mga sanga-sangang kuryente. Akmang aatake sana siya sa asong Mamulang nang sa di inaasahan ay dinagit siya ng dalawang wakwak sa kanyang mga kamay at inilipad papalayo sa lugar na 'yon.

"Randy!!!" ang malakas na sigaw ni Odessa pagkakita kung paano tinangay ng dalawang wakwak ang kasintahan.

Hindi niya inaasahan ang pagtama sa kanya ng buntot ng Mamulang at tumilapon si Odessa sa pader ng isang convenience store. Sumambulat ang mga bubog ng salaming pader ng tindahan at dumeretso sa loob si Odessa. Mabilis na tumayo si Odessa at pinagpagan ang kanyang sarili. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagtama niya sa salaming pader ay nilundagan siya ng Mamulang at tinapakan siya nito sa kanyang katawan. Hindi makagalaw si Odessa dahil sa bigat at malakas na puwersa ng halimaw sa pagdiin ng paa nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na ganoon kabilis kumilos ang isang Asong Mamulang na ngayon pa lamang niya nakaharap.

Pilit na nagpupumiglas si Randy sa pagkakadagit sa kanya ng dalawang wakwak habang inililipad siya papalayo sa lugar. Kumpol na mga wakwak at manananggal ang sumusunod sa kanila at takam na takam sa kanya ang mga ito. Hawak pa rin niya sa kanyang kamay ang Eskrihala na gagamitin sana sa ga-halimaw sa laki na aso.

Ipinikit ni Randy ang kanyang mga mata at nagsimula ng gumapang ang mga sanga-sangang kuryente sa kanyang katawan. Idinilat niya ang kanyang mga mata at biglang sumabog ang napakalakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Biglang nangisay ang dalawang wakwak na may hawak sa kanya at tuluyan na siyang binitawan ng mga ito. Tinamaan din ang mga wakwak at manananggal na sumusunod sa kanila dahilan para mawalan sila ng kontrol sa kanilang paglipad at tuluyang bumagsak sa sementadong kalsada.

Binalutan ng bola ng kuryente si Randy at lumutang ito sa himpapawid. Kontrolado ng kanyang isip ang mga bolta-boltaheng kuryente sa kanyang katawan na nagsisilbi nitong kapangyarihan at pananggala laban sa mga lumilipad na mga anak ng buwan.

Kaagad ay hinanap ng kanyang mga mata si Odessa dahil ang pagkakalam niya ay inatake sila ng napakalaking itim na aso. Hawak ang Eskrikala ay ipinagpag niya ito sa kanyang harapan at sa isang iglap ay nagbago ang anyo ng Eskrihala bilang isang napakalapad na espadang kulay pilak.

Ilang metro mula sa kanyang pinanggalingan ay nakita niya si Odessa na tinatapakan ng higanteng aso. Kitang-kita niya na halos hindi makagalaw ang kasintahan at makailang ulit na rin nitong pilit na iniiwasan ang pagsakmal sa kanya ng itim na aso.

Nagsalubong ang mga kilay ni Randy sa kanyang nakita at lalong kumapal ang mga hibla ng kuryente sa kanyang katawan dahil sa galit at labis na pag-aalala sa kanyang kasintahan. Halos pabulusok na lumipad ang sinasakyan niyang bola ng kuryente para tulungan si Odessa. Hindi naman makalapit sa kanya ang mga nagliliparang mga anak ng buwan dahil iniiwasan nila ang makuryente.

Lalong pumuti ang buhok ni Randy dahil sa pagdaloy ng kapangyarihan ni Banaual sa kanya. Lumapad ang katawan nito at naramdaman niya ang kakaibang lakas at tapang sa pakikidigma.

Ilang metro na lamang ang layo niya kay Odessa at inihanda niya ang Eskrihala upang gamiting sandata sa halimaw. Pero biglang tumigil ang kanyang paglipad at di niya makontrol ang isang puwersa na nagpatilapon sa kanya at tumama sa isang truck na may tangke ng gasolina.

KABOOOMMM!!! Biglang sumabog ang truck ng gasolina pagtama ni Randy rito. Halos dumagundong ang buong paligid kasabay ng pag-akyat ng napakalaking apoy na lumamon sa kinaroroonan ng truck ng gasolina.

Patuloy naman sa pag-iwas si Odessa sa mga matatalim na pangil at mga kuko ng Mamulang. Batid niya ang mabagsik na kamandag ng aso mula sa laway nito kaya pilit niyang iniiwasan madampian at masugatan ng dambuhalang nilalang. Kailangan niyang makawala sa mga paa ng Mamulang. Kaya sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan sa pakikipaglaban sa mga ito. Nakita niya na mabilis na lumabas si Randy sa nasusunog na truck. Kaagad ay napansin ni Odessa na papunta sa kanya si Randy na nasa katauhan na ni Banaual. Ililigtas siya nito sa asong Mamulang, ngunit ilang metro bago pa man ito makalapit sa kanila ay nakita niya si Sitan na ginamit muli ang kapangyarihan ng kanyang tungkod para pigilang muli siRandy na matulungan si Odessa. Iminuestra ni Sitan ang kanyang tungkod at inihampas ito patungo sa direksiyon ng isa pang truck ng gasolina na hindi nadamay sa pagsabog. Kasabay ng mga kilos na ginawa ni sitan sa kanyang tungkod ay ang pagbulusok muli ni Randy sa nasusunog na truck.

"Randy!!!" ang malakas na sigaw ni Odessa pagakita kung paano humampas si Randy truck. Dumagundong muli ang napakalakas na pagsabog na kung saan tumama si Randy.

"Randy!!! Hinde!!!" ang umiiyak na sigaw ni Odessa.

Biglang nagliyab ang mga mata ni Odessa at nabuo sa kanyang dalawang kamay ang pares ng espadang gawa sa napakainit na apoy. Sabay na iwinasiwas ni Odessa ang dalawang espada sa magkabila nitong mga kamay sa Mamulang.

Napaungol sa sobrang sakit ang aso pagtama ng espada sa katawan nito dahilan para maalis ang pagkakayapak nito kay Odessa. Mabilis na tumayo si Odessa at pinagtatabak sa iba't-ibang parte ng katawan ang halimaw. Kitang-kita niya na nasasaktan ang Mamulang sa tuwing tumatama sa katawan nito ang nag-aapoy na espada.

Lalong naging mas mabangis ang Mamulang sa tuwing nasusugatan ito. Kaagad na bumuwelo ito para umatakeng muli kay Odessa. Ipinuwesto naman ni Odessa ang kanyang katawan at pinaghandaan ang magiging pagkilos ng Mamulang laban sa kanya. Hindi niya maiwasang tumingin sa kasalukuyang nasusunog na truck na kung saan bumagsak si Randy. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa kanyang pinakamamahal na si Randy.

Muling sinunggaban si Odessa ng asong Mamulang pero nakailag siya kasabay ng pagtabak nito sa katawan ng nilalang. Napahiyaw sa sakit ang aso kasabay ng pagdaloy ng sariwang dugo sa tagiliran nito. Ngumisi ang Mamulang na tila ipinapakita kay Odessa ang mga matatalim nitong mga ngipin at bale-wala sa kanya ang mga sugat na natamo.

Mula sa nasusunog na truck ay mabilis na lumabas si Randy na nababalutan pa rin ng bola ng kuryente. Minasdan nito ang paligid at muling iminuestra ang sarili. Lahat ng nakikita niya mga anak ng buwan na tumatakbo sa kalsada at lumilipad sa himpapawid ay sinimulan niyang patamaan sa mga sanga-sangang kidlat na bumabalot sa katawan niya.

"Randy..." ang wika ni Odessa pagkakita sa kasintahan. Nakahinga siya ng maluwag dahil ligtas si Randy.

Pero nakaramdam si Odessa na tila may kung anong puwersa ang humigop sa kanya at ang biglang paghampas niya sa sementadong kalsada na lumikha pa ng malaking uka sa daan dahil sa tindi ng paghampas. Halos mawalan siya sa ulirat sa tindi ng sakit na idinulot niyon sa kanya.

Napatingin si Odessa sa pinanggalingan ng enerhiyang humigop sa kanya. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng makitang si Sitan din ang maygawa nito at mabibilis ang mga kilos nito dahil si Randy na naman ang balak niyang atakihin.

Halos mapangiwi sa sakit si Odessa ng sinubukan niyang tumayo. Akmang sa pagtayo niya ay sinunggaban siyang muli ng Mamulang, pero mabilis rin ang mga reflex ng babaeng Sangre. Matatalim na mga kuko ang sumalubong sa kanyang pagtayo at gahiblang buhok na lamang ang layo nito sa kanyang magandang mukha para magalusan ito. Iniangat ni Odessa ang dalawang kamay nito at sabay inandayan ng tabak ang paa ng asong Mamulang. Mabilis na humiwalay ang kanang paa ng aso at tumilamsik ang masangsang at napakaitim na dugo sa naputol na paa nito.

Isang napakalakas na paghiyaw ang narinig ni Odessa mula sa Mamulang dahil sa sakit ng pagkakaputol ni Odessa sa  paa nito. Lumayo pansamantala ang halimaw pero kapalit naman nito ang daan-daang mga aswang na sunod-sunod na lumundag at nakipagbuno kay Odessa.

Halos hindi makagalaw si Odessa sa mga aswang na sunod-sunod na umaatake sa kanya. Pilit siyang pinipigilan ng mga anak ng buwan pero hindi siya sinasaktan ng mga ito. Pero imposible dahil kapangyarihan ang maidudulot ng dugo niya sa kanila. Naisip niya na tila parang may mali sa mga nangyayari ngayon dahil sa biglaan ang paglusob ng mga anak ng buwan kahit hindi kabilugan ang buwan. Tuluyan na bang namatay si Amang Bathala kaya lantaran na ang pagpapakita ng puwersa ng mga anak ng buwan sa mundo ng mga tao? Si Sitan, ang kanang kamay ni Behemot ay naririto rin sa mundo ng mga tao. Siy ang tagalinis at tagahanda ng daraanan ni Behemot upang pagharian ang mundo ng mga mortal. Kung gayon, nalalapit na ang pagdating ni Behemot. Hinding-hindi iyon hahayaang mangyari ni Odessa. Pipigilan niya ang isang diyos upang hindi ito mangyayari. Gagawin niya ang lahat mailigtas lamang niya ang mga tao sa mga kampon ng kadiliman at uumpisahan niya ito ngayon.

Ngayon...

Biglang nagliyab ang buong katawan ni Odessa kasabay din ng pagkasunog lahat ng aswang na nakikipagbuno sa kanya. Maraming mga aswang ang pinilit na umiwas sa naglalagablab na apoy mula sa katawan ni Odessa. Unti-unting umangat si Odessa bilang isang Baguisan o ang mala-alamat na Dragon Phoenix. Sa unang pagkakataon ay gagamitin na niya ang totoo niyang kapangyarihan para kalabanin ang dalawang diyos, si Sitan at ang nagsasabing kanyang tunay na ama,  si Behemot.

Kinilabutan si Caren pagkarinig niya sa malalakas na pagaspas ng mga pakpak ng mga wakwak at manananggal. Hindi niya maalis-alis ang kanyang mga mata sa madilim na kalangitan habang hawak-hawak nito ang .38 na kalibreng baril sa kanyang bewang.

Dinig na dinig naman ni Demetria ang mga kaluskos at daing ng mga paparating na mga aswang. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pagdaloy ng pulang pawis sa kanyang malamig na balat. Matagal na siyang sumasali sa labanan at ilang daang taon na rin siyang sumasali sa digmaan pero nararamdaman niya na may kakaiba sa digmaang kinakaharap niya ngayon.  Oo't isa siyang Sangre at isa ring immortal pero hindi ibig sabihin na wala na siyang kamatayan. Nakakaramdam din siya ng matitinding sakit at hindi na rin niya mabilang kung ilang ulit na rin niyang naranasan iyon.

Sa kalagitnaan ng kalsada ilang metro sa harapan ng simbahan ay naglalakad papunta sa kanila ang ikalawang asong Mamulang na pinakawalan ng mandirigmang Hiduan. Tumutulo ang laway nito at titig na titig sa kanila ang napakapula at naglalakihang mga mata nito. Nakababa ang ulo at ang nguso ng Mamulang ng ilang pulgada ang taas sa sementadong kalsada. Dinidilaan nito ang kanyang uso at ninanamnam ang lasa ng dalawang nilalang sa kanyang harapan.

"Diyos ko po,  anong nilalang ito?" ang halos pabulong na wika ni Caren na binalutan ng takot pagkakita sa halimaw.

Mabilis na lumapit naman si Demetria kay Caren at inihanda na ang sarili sa labanan. Tumingin siya sa kinakabahan na si Caren.

"Humanda ka na at mag-ingat na huwag masugatan ng halimaw na iyan, kamatayan kapag nagalusan ka ng napakabangis na asong iyan. Asong Mamulang ang tawag diyan, isa sa tatlong alagang aso ni Sitan sa kanyang kaharian." ang mahinang wika ni Demetria sa bagito sa pakikipaglaban na si Caren.

Sa tabi ng halimaw ay unti-unti ng nagsusulputan ang napakaraming aswang na gutom na gutom sa kanilang naamoy na halimuyak ng tao. Alam nilang maraming tao ang nasa loob ng simbahan na papawa sa kanilang gutom sa araw na ito. .

Continue Reading

You'll Also Like

249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...
242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
39.3K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...