King's Promise

By Saeloun12

55 29 3

A story about a little boy and a little girl who met 11 years ago in the middle of a mall. The little boy he... More

King's Promise

55 29 3
By Saeloun12

King's Promise

Sa paaralan na nagngangalang Aurum University pumapasok ang mga estudyanteng mayayaman na parang lahat ay kayang bilhin maliban sa grades. Madaming magaganda at gwapo pero mas madami ang maaarte at mapangbuling estudyante.

Si Macey Kang, 18 years old na galing sa Ulzzang University ay lumipat sa AU (Aurum University) sa kadahilanang lumipat na sila ng bahay. Si Macey ay isang huwarang estudyante na hinahangaan ng lahat sapagkat sya ay magaling hindi lamang sa academics pati na rin sa sports. Magaling syang mag volleyball, mag table tennis at chess player din sya. Sya rin lagi ang pinanglalaban at syempre lagi syang nananalo kaya mas lalong dumadami ang humahanga sa kanya kahit yung mga naging nakalaban nya. Bukod sa matalino't sporty pa, sya yung klase ng babae na cute at humble.

Ngunit nagbago ang buhay ni Macey nung sya ay lumipat sa AU. Ang dating simpleng buhay nya ay biglang nabago.

Madaming patakaran ang AU na kung saan lahat ng estudyante dito ay takot labagin ang isa sa mga ito lalo na pagdating sa unang araw ng pasukan. Dahil sa kaba ni Macey, nakalimutan nyang magset ng alarm at ito ang naging dahilan ng pagka-late nya. Ang unang rule ng AU ay ang "bawal mahuli sa unang araw ng pasukan" at ang lalabag dito ay makakatanggap ng parusa. Sa kasamaang palad si Macey ang kauna-unahang nakatanggap ng parusa.

Nagmamadaling naglalakad na halos patakbo na si Macey patungo sa AU ng biglang pinalibutan sya ng mga batang estudyante at sya ay pinagbabaril ng water gun. Sa sobrang daming bata ang nakapalibot sa kanya, hindi nya magawang makatakbo. May biglang lumapit na janitor at sinaway ang mga bata dahilan para tumigil ang mga ito. Ito ang naging dahilan ng lalong pagkalate ni Macey.

Halo-halo ang nararamdaman ni Macey. Hindi nya alam kung tutuloy pa ba sya sa gym para umattend ng opening ceremony o uuwi na lang sya. Nahihirapan syang mag decide dahil bukod sa late na nga sya mukha pa syang basang sisiw, basa ang buhok pati narin ang suot nya. Pero wala syang nagawa, hindi nya napigilan ang paa nya sa paglalakad patungo sa gym.

Umupo sya sa may bandang likod ng biglang...

"Hey Miss Wet!" Sabi ng babaeng nasa unahan na may pagturo pa kay Macey.

"Ako po?" Sabi ni Macey ng may pagturo sa sarili nya.

Hindi alam ni Macey kung ano ang gagawin nya. Lahat ng estudyanteng nasa gym ay nakatingin sa kanya. Sya na ngayon ang center of attention.

"Oo ikaw. Sino pa ba ang basa dito at mukhang sisiw? Ikaw lang naman diba? Pumunta ka dito sa unahan!" Nakakairitang sabi nung babae.

("Hala... Anong gagawin ko sa unahan? Bakit ba gan'to ang araw ko ngayon?" Sa isip-isip ni Macey.)

Pagdating ni Macey sa unahan...

"Why are you late?" Tanong nung babae.

"Huh? Ano kasi..." Sasagot na sana si Macey.

"Did I already ask for your explanation?" Sabi nung babae.

  ("Huh? Eh diba tinanong niya ako kung bakit ako late. Yung totoo?" Sa isip-isip ni Macey)  

"Did I ask her to explain something?" Tanong nya sa ibang estudyante.

"No~..." Sabay-sabay na sagot ng iba pang estudyante.

Pakiramdam ni Macey natutunaw sya dahil sa sobrang daming mga mata ang nakatingin sa kanya ngayon.

("Sana higupin na lang ako ng lupa", ang naisip ni Macey na hiyang-hiya sa nangyayari sa kanya.)

"Alam mo naman siguro ang ginagawa sa mga lumalabag sa rules? Mataray na tanong nung babae, "at alam mo rin naman siguro na mahigpit na ipinagbabawal ang pagiging late lalo na sa opening ceremony? Kung alam mo dapat handa ka." Dagdag pa nya.

"Pero..." Magpapaliwanag na sana si Macey ng biglang...

...may mga binilot na papel at plastic bottles ang pinagbabato sa kanya.

Nakatayo lang si Macey at walang magawa sa mga oras na iyon.

"STOP!!!" Sigaw ng isang lalaki. "ITIGIL NYO YAN!".

"Anong ginagawa mo King?" Tanong nung babae.

"Kayong lahat na nadito ngayon, gusto nyo rin bang maranasan ang nararanasan ngayon ng babaeng 'to?" Sabay hawak sa ulo ni Macey.

"Gusto nyo bang basta-basta na lang kayong babatuhin ng walang magandang dahilan?Gusto nyo rin bang mapahiya sa harap ng madaming tao?!" Dagdag pa nung lalaki.

("Sino kaya tong lalaki na 'to?" Tanong ni Macey sa sarili.)

"Pero King, alam mo ang rules at parusa sa lalabag dito. Eh kulang pa nga yan sa kanya eh" Sabi nung babae.

Biglang hinawakan ni King ang kamay ni Macey at naglakad sila palabas ng gym.

"KING!" Sigaw nung babae.


"Okay ka lang ba?" Tanong ni King kay Macey.

"Ah opo, okay lang po ako, salamat po." Tugon ni Macey.

"Wag ka nang mangupo sakin, tingin ko naman magkasing-edad lang tayo. Ako nga pala si Aj Lu. Alam mo ba na ngayon lang may nalate sa opening ceremony. Siguro transferee ka." Sabi ni King.

"Ah oo, transferee nga ako, at nalate ako kasi nakalimutan kong mag-alarm." Tugon ni Macey.

"At siguro napagdiskitahan ka rin ng mga bata kanina, kaya ka basa" Dagdag ni King.

"Ganun na nga" Mahinang sabi ni Macey.

Sina King at Macey ay pumunta sa clinic at binigyan ni King si Macey ng tuwalya para tuyuin ang kanyang buhok. Pinahiram din ni King si Macey ng damit na pagmamay-ari nya na lagi nyang dala-dala sa bag. Matapos nito, nagpaalam na si King kay Macey.

Si Aj Lu na mas kilalang King ay ang apo ng may-ari ng AU. Isa syang matalino at mabait na estudyante gaya ni Macey. May busilak syang puso kaya ayaw na ayaw nyang nakakakita ng taong binubully o napapahiya. Kaya nung nakita nya si Macey, hindi nya natiis ang pagpapahiya sa kanya kaya tumayo sya sa kinauupuan nya at inilayo si Macey sa nakrarami.

Hindi lang iyon ang nangyari sa unang araw ni Macey. Ang kursong kinukuha nya ay Culinary Arts. Pumasok na si Macey sa classroom habang suot ang damit na pinahiram ni King. Hindi pa sya nakakaupo ay pinagtitinginan na sya ng ibang estudyante na magiging kaklase nya. Madami syang naririnig na bulungan gaya ng...

"diba yan yung babaeng nalate kanina at teka diba kay King yung damit na suot nya" Sabi nung isang babaeng naka-black shirt.

"Oo kay King nga yun, naku! Lagot sya kay Eunice pag nakita nya yun." Dagdag nung isa pang babae na nasa unahan nya na may pagtingin pa sa kanya.

("Sino yung Eunice na sinasabi nila?" Pabulong na sabi ni Macey.)

"Girls, girls, girls. Andito na si Queen! Magsi-ayos na kayo!" Sigaw nung isang babae.

"Good morning Queen" bati ng lahat na
sabay sabay pa.

("Teka...sya yung babae na nagpahiya sakin kanina ah, bakit Queen ang tawag nila sa kanya?" Sa isip-isip ni Macey.)

Nang biglang tumingin si Queen sa kanya.

"WAIT! Hey you!" Sigaw ni Queen sabay turo kay Macey habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Diba ikaw yung nalate kanina, abat kaklase pala kita. Alam mo bang first time kong mapahiya sa harap ng madaming tao ng dahil lang sayo. How dare YOU?!" Sabi ni Queen na may pagtaas pa ng kilay.

"Pero..." Sabi ni Macey.

"Sinabi ko bang magasalita ka, for your information ako lang naman si Eunice Lee na mas kilala bilang Queen. Ang nag-iisang Queen ni King! At oo nga pala, sino ka para hawakan ang kamay ng King ko?! Akin lang si King!" Pagtataray ni Queen.

"Grabe sya, hindi ko naman inaangkin si Aj at tsaka si Aj kaya ang humawak sa kamay ko. At ano ngang pangalan nya Bruce Lee?." Bulong ni Macey.

"Anong binubulong-bulong mo dyan ha?!" Tanong ni Queen.

Nang biglang may lumapit na babae sa kanya at sinabing...
"Queen, diba damit yan ni King", sabi ng isang babae na may pagturo pa sa damit na suot ni Macey.

"Oo nga!" Sigaw ni Queen."Bakit mo suot yan?hubadin mo yan." Sabay higit sa damit ni King.

"Ano ba! Baka masira, hindi 'to sakin. Baka magalit ang may-ari nito." Sabi ni Macey.

"Wala akong pakialam hubadin mo yan!" Sigaw ni Queen.

Nung nabitawan ni Queen ang damit, dali-daling tumakbo si Macey palabas ng classroom.

"Ano ba yan, lagot ako neto kay Aj Lu, nasira yung tahi sa may laylayan. Pano 'to? Anong sasabihin ko?" Pag-aalala ni Macey.

Mas pinili na lang ni Macey na umabsent muna sa unang klase. Dumirestso sya sa boarding house nya at nilabhan agad ang damit ni Aj.

Kinabukasan, hinanap nya agad si King at nakita nya ito sa may court. Lumapit sya dito at sabay abot ng paper bag na laman ang damit na pinahiram sa kanya.

"Aj Lu, eto na yung damit mo. Salamat at sorry kasi may konting sira sa laylayan, kasi..." Sabi ni Macey.

"Okay lang, hindi naman ikaw ang may kasalanan, alam ko lahat ng nangyari." Sabi ni King.

"Sorry." Sabi ni Macey.

"Okay lang yun damit lang naman yan eh, nasaktan ka ba ni Eunice?" Tanong ni King.

"Hindi naman. Okay lang naman ako. Thanks." Sagot ni Macey.

"Pagpasensyahan mo na si Eunice ha. Ganun lang talaga yun." Sabi ni King.

"Oo nga eh at mukhang matagal ko syang makakasama." Bulong ni Macey.

"Okay ka lang? Pumunta ka na sa klase mo baka malate ka na naman." Pangiting sabi ni King.

"Ay oo nga! Sige salamat". Sabi ni Macey habang patakbong paalis.

Pagdating ni Macey sa kanyang classroom sumalubong agad sa kanya ang grupo ni Queen.

"May nakapagsabi sa akin na nakipagkita ka daw kay King ko. Ang kapal din naman ng mukha mo no! Hindi ka ba nadadala? Sabi ko akin lang si King. Kaya wag kang lalapit-lapit sa kanya at lalong wag na wag mo syang pagpapantasyahan. Hindi kayo bagay bitch!" Nakakairitang sabi ni Queen

"Pero... Wala akong gusto sa kanya. Ibinalik ko lang ang damit nya." Paliwanag ni Macey.

"Alam mo, galit na talaga ako sa'yo." Nanggagalaiting sabi ni Queen.

"Pero..." Sabi ni Macey.

Biglang hinawakan ng dalawang babae ang magkabilang braso ni Macey.

"Macey nga ba ang pangalan mo? Alam mo ang ganda pala ng buhok mo, ang haba, ang shiny at ang lambot at tingin ko rin maganda syang gupitan." Sabi ni Queen habang hawak ang buhok ni Macey sa kaliwang kamay nito at gunting naman sa kanang kamay.

"Teka! Anong gagawin nyo? Bitawan nyo ako!" Pangpupumiglas na sigaw ni Macey.

"Hindi pa ba halata?" Tanong ni Queen na may nakakairitang ngiti sa mukha.

At ginupitan nga ni Queen ang buhok ni Macey, ang dating buhok ni Macey na hanggang beywang ay naging hanggang balikat na lang at ang pagkakagupit pa ni Queen ay hindi pantay-pantay.

Walang nagawa si Macey kundi umiyak na lang sa kinauupuan nyang sahig.

("Pa'no na to? Lagot ako kay mama. Ano na lang ang sasabihin nya sakin pag nakita nyang ganito ang buhok ko. Bakit ba'to nangyayari sakin? Mabait naman ako diba? Bakit po?" Mga tanong ni Macey habang umiiyak. )

"Alam mo Macey, kung nung una palang hindi ka na nagpakita kay King ko hindi sana yan mangyayari sayo. Kung tutuusin nga eh kulang pa yan sayo bitch!" Mapang-asar na sabi ni Queen.

"Macey~~" Pag-aalalang sigaw ni King.

"King? Bakit ka nandito?" Tanong ni Queen na halatang nagulat sa pagdating ni King.

Lumapit si King sa kinauupuan ni Macey.

"May nakapagsabi sakin ng nangyari, bakit ka pumayag na gawin nila yan sayo?" Nag-aalalang sabi ni King na medyo pasigaw na naging dahilan ng lalong pagtulo ng luha ni Macey.

"King, anong sinasabi mo?" Nanginginig na tanong ni Queen.

"TUMIGIL KA NGA EUNICE! ANO BANG PROBLEMA MO KAY MACEY?!" Sigaw ni King kay Eunice.

"Huh? Bakit Eunice ang tawag mo sa'kin? Dapat Queen! At tsaka ano mo ba ang babaeng yan?! Bakit ba lagi mo nalang syang nililigtas?! Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?!" Sigaw ni Eunice habang may tumutulong luha.

"Hibang ka ba? Hindi kita Queen! Ikaw lang ang nag-iisip dito na may namamagitan sa'tin! Walang ganun Eunice! Tigilan mo na yan kung ayaw mong pati ang turing ko sayo bilang kapatid ay mawala. Kaya please tigilan mo na si Macey! Tigilan mo na kami!" Sigaw ni King.

"Macey, sumama ka sa'kin." Sabay hawak ni King sa kamay ni Macey.

"San kayo pupunta?" Tanong ni Eunice.

At naglakad na nga sina King at Macey palabas ng classroom habang ang ibang estudyante ay nagbubulungan at tianatawanan si Eunice.

"King! San kayo pupunta?" Sigaw ni Eunice.

"Kasi naman, akala mo kung sino maka-asta. Kala nya sya ang may-ari ng university." Sabi ng isang estudyante.
"Buti nga sa kanya."
"Queen daw. Hahha. Baka slave."
Bulungan ng ibang mga estudyante.

"Anong sinasabi nyo dyan ha!" Sigaw ni Eunice na papalapit sa nagbubulungang estudyante.

"Eunice tama na." Pigil nung barkada ni Eunice.

Dinala ni King si Macey sa isang salon na pagmamay-ari ng kanyang tita. At nakisuyo sya na gupitan ng maayos si Macey. Ginupitan nang kanyang tita si Macey.(Apple Cut ang gupit ni Macey.)

"Neng, anong nangyari sa buhok mo?" Pagtatakang tanong ng tita ni King.

"Ah... Eh... Ginupitan po ako ng kaklase ko." Sagot ni Macey.

"Abat sino naman ang walang kwentang gagawa nyan sa babaeng gaya mo?" Sabi nung tita ni King.

"Si Eunice Lee po." Mahinang sagot ni Macey.

"Sino? Si Eunice? Naku, yung batang yun talaga puro nalang gulo ang hanap. Kababaeng tao eh ang hilig maghanap ng away." Sabi nung tita ni King.

"Kilala nyo po sya?" Tanong ni Macey.

"Ay oo. Kababata sya ni King kaya ganun na lamang kung makaasta yun. Gusto nya kasi si King simula pa nung grade schoolers palang sila." Sagot nung tita ni King.

"Kaya po pala sya ganun." Malungkot na sabi ni Macey.

"At tingin ko... Kaibigan ka ni King at close kayo kaya yan ginawa sayo ni Eunice. Naku sorry ha. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa ginawa nya. Ganun lang talaga yun. Pero mabait naman yun eh. Nag-iiba lang talaga ugali nya pagdating kay King. Sorry neng ha." Pagpapa-umanhin ng tita ni King.

"Naku huwag po kyong mag sorry. Wala po kayong kasalanan. At tsaka kung tutuusin ako po yung may kasalanan kasi hinayaan ko syang gawin 'to sakin." Sabi ni Macey.

Matapos ang ilang minuto tapos nang gupitan ng tita ni King si Macey.

Nung nakita ni King si Macey sa bagong gupit nito, bumilis bigla ang tibok ng puso nya. Dahil bagay na bagay kay Macey ang bago nyang style ng buhok. Bumagay sa maliit nyang mukha at lalong lumabas ang ganda ni Macey lalo na ang rossy cheeks nya.

Napangiti na lang si King at ganun din naman si Macey.

"Salamat po tita." Nakangiting sabi ni King sa kanyang tita.

"You're welcome. Always welcome. Basta ikaw King." Sabi nung tita ni King.

"Sino sya? Girlfriend mo?" Pabulong na tanong ng tita ni King.

"Po? Hindi po." Nahihiyang sagot ni King.

"Salamat po." Sabi ni Macey sa tita ni King.

"Sige po tita alis na kami. Salamat po." Paalam ni King.

"Sige ingat kayo." Tugon nung tita ni King.

Lumabas na silang dalwa sa salon.

"Aj, thank you ha. Lagi ka na lang nandyan para iligtas ako." Sabi ni Macey.

"Yun kasi ang ipinangako ko." Mahinang sabi ni King.

"Pangako?" Pagtatakang tanong ni Macey.

"Huh? Hindi. Ano... Buti nalang hindi ako napako." Sabay turo ni King sa isang pakong nakakalat sa daan.

"Wala yun. Wag kang magpasalamat. Kahit sino naman gagawin yun. Basta next time wag ka ng papayag na ganunin ka ni Eunice." Sabi ni King.

"Mmm. Thank you talaga." Sabi ni Macey habang natango.

"Tara na. Balik na tayong school. Hindi naman pwedeng lagi ka na lang umabsent dahil sa kagagawan ni Eunice." Sabi ni King.

"Basta sa susunod huwag mo na syang hayaan na saktan ka. Okay?" Dagdag pa ni King.

"Huh? Okay. Thank you talaga ha. Pakiramdam ko tuloy burden na ako sayo. Sorry kung lagi kitang naabala. Don't worry. Hindi ko na hahayaang saktan ako ni Eunice." Sabi ni Macey.

"Yan tama yan." Sabi ni King habang tinatapik ang ulo ni Macey.

"Sige na. See you mamaya." Paalam ni King.

"Salamat uli." Sabi ni Macey habang nakaway.


FLASHBACK

Noong pitong taon palang sina King at Macey, nagkakilala na sila sa isang mall kung saan si Macey ay napahiwalay sa kanyang ina. Nakita ni King si Macey na umiiyak kaya nilapitan nya ito.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni King kay Macey.

"Hindi ko kasi makita si mommy." Sagot ni Macey habang humihikbi sa pag-iyak.

Bata pa lang si King ay sadyang napakatalino na nya kaya alam nya ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

"Tara, sasamahan kita kung san mo makikita ang mommy mo." Yaya ni King.

"Saan?" Tanong ni Macey.

"Basta sumama ka sakin." Sagot ni King sabay hawak sa kamay ni Macey.

Dinala ni King si Macey sa harap ng lost and found.

"Ate, excuse po." Sabi ni King sa babaeng nandun sa lost and found.

"Nawawala po kasi sya." Sabay turo kay Macey.

"Ah ganun ba, anong pangalan nya?" Tanong nung babae.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni King kay Macey.

"Ako po si Macey Kang. 7 years old." Sagot ni Macey.

Nagsalita yung babae sa microphone, " sa magulang po ni Macey Kang, 7 years old , nandito po sya ngayon sa lost and found. Pakipuntahan na lang po sya dito." Paulit-ulit na sabi nung babae.

"Huwag ka nang umiyak. Papunta na dito ang mommy mo." Sabi ni King kay Macey.

Pero tuloy parin ang pag-iyak ni Macey.

"Teka lang" Sabi ni King.

"San ka pupunta?" Tanong ni Macey.

Tumakbo si King at dali-daling bumili ng ice cream sa malapit na stall.

"Eto oh ice cream, huwag ka ng umiyak." Alok ni King.

Inabot naman agad ni Macey ang ice cream.

"Ako nga pala si King." Sabi ni King.

Walang kibo si Macey. Busy sya sa pagkain ng ice cream.

"Pwede bang ikaw ang maging Queen ko?" Tanong ni King.

"Huh? Ako? Queen?" Tanong ni Macey.

"Oo Queen, tapos ako ang King mo." Nakangiting sabi ni King.

"Okay po. Ako si Queen at ikaw ang King ko, ibigsabihin ililigtas mo ako lagi." Sabi ni Macey.

"Oo kasi ikaw ang Queen ko. Laging nililigtas ng King ang kanyang Queen." Nakangiting sabi ni King.

"Ang amos mo na Queen, eto oh panyo." Alok ni King.

Tumawa lang si Macey. Dumating na ang mommy ni Macey.

"Mommy~~" sigaw ni Macey.

"San ka ba pumunta anak? Okay ka lang ba?" Pag-aalala ng mommy ni Macey.

"Opo. Okay lang po ako mommy. Niligtas po ako ng King ko." Sabay turo kay King.

"Ah sya ba ang nagdala sayo dito?" Tanong ng mommy ni Macey.

"Anong name mo smart boy?" Tanong ng monmy ni Macey kay King.

"Ako po si King." Sagot ni King.

"Salamat sayo King." Sabi ng mommy ni Macey habang nakahawak sa ulo ni King.

"You're welcome po." Nakangiting sabi ni King.

"Tara na anak." Yaya ng mommy ni Macey sa kanya.

"Babye King!" Paalam ni Macey kay King.

"Babye Queen!" Tugon ni King.

Simula noon, tinandaan na ni King ang pangalang Macey Kang kaya ganun na lamang kung mag-alala si King kay Macey. Dahil nangako sya na ililigtas nya ito palagi dahil sya ang Queen ni King. Ngunit tila hindi naalala ni Macey si King.

END OF FLASHBACK


Medyo kinakabahan pa si Macey baka kasi kung ano na naman ang gawin ni Eunice sa kanya. Pero gaya ng dati, nakaabang na naman ang grupo ni Eunice pero ngayon nasa corridor sila.
"Wow naman, bagay pala sayo ang Apple Cut. Si King ba nagbayad nyan?" Nakakairitang tanong ni Eunice.

"Pwede ba Eunice, tigilan nyo na ako! Hindi ba kayo napapagod. Ikaw Eunice? Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Macey.

"Ako? Hindi napapagod? Sira ka ba? Tao ako no. So syempre napapagod din ako. Pero pag nakikita kita kumukulo talaga ang dugo ko kaya never akong mapapagod sayo! Hindi kita titigilan hanggang mawala ka sa buhay namin ng King ko!" Pasigaw na sabi ni Eunice.

Painapalibutan na sila ng madaming estudyante. Rinig na rinig ang boses ni Eunice sa buong first floor.

"Alam mo girl... Alam mo bitch! Bumalik ka nalang sa dati mong school. Balita ko sikat ka don so ba't ka pa lumipat dito?! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo so I suggest, GO and EVAPORATE!" Nakakairitang sabi ni Eunice na may pagsigaw pa.

Nanggagalaiti na talaga sa inis si Eunice. Nung akmang sasabunutan na ni Eunice si Macey. Biglang dumating si King para pigilan si Eunice.

"Aray! King nasasaktan ako." Sabi ni Eunice.

"Hindi mo ba talaga titigilan si Macey. Ha Eunice?!" Nagagalit na tanong ni King kay Eunice habang hawak ang kamay nito.

"King. Nasasaktan ako." Nanginginig na sabi ni Eunice.

Binitiwan na ni King ang pagkakahawak nya sa kamay ni Eunice.

"Macey? Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalalang tanong ni King.

"Bakit mo ba laging pinagtatanggol ang babaeng yan?" Tanong ni Eunice.

"Bakit?" Sabay akbay ni King kay Macey.

"Si Macey lang naman ang tunay kong Queen. Ang Queen ng buhay ko. At lagi akong handang ipagtanggol sya mula sa gaya mo Eunice. Naiintindihan mo ba?" Sagot ni King habang nakatingin ng diretso kay Eunice.

"Si Macey ang Queen ko! Naiintindihan nyo ba?!" Sigaw ni King sa harap ng iba pang estudyante.

"Pa'no mo sya naging Queen eh kelan lang kayo nagkakilala? King ano bang sinasabi mo?!" Pasigaw na tanong ni Eunice.

Mababakas sa mukha ni Macey ang pagtataka habang galit at inis naman sa mukha ni Eunice.

"Wala ka nang paki-alam kung kelan, saan at kung paano. Kaya ikaw Eunice, malaman ko lang na sinasaktan mo uli si Macey o kahit mahawakan mo lang maski dulo ng buhok nya, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatungtong sa university na'to." Madiing sabi ni King kay Eunice.

Halos lahat ng ibang estudyante ay nagbubulungan at nagtatawanan.

"Tara na Macey." Sabi ni King sabay hawak sa kamay ni Macey.

Walang nagawa si Eunice kundi ang tumayo at panoorin sina King at Macey papalabas ng building. Bakas pa rin sa mukha ni Eunice ang galit sabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Aj, san tayo pupunta?" Tanong ni Macey habang nakasakay sila sa kotse ni King.

"Basta. May pupuntahan tayong importante." Sagot ni King.

"Importante?" Bulong ni Macey.

Nakarating na sila sa mall kung saan sila unang nagkita.

"Bakit tayo nandito?" Pagtatakang tanong ni Macey.

Dinala ni King si Macey sa may gitnang bahagi ng mall.

"Tanda mo ba nag lugar na ito?" Tanong ni King habang malayo ang tingin.

"Huh? Anong meron dito?" Tanong ni Macey.

"11 years ago, eksaktong 10:35am ng January 12,2007 may nakilala akong isang batang babae na umiiyak, dahil napahiwalay sya sa kanyang ina. 7 years old lang ako nung una ko syang nakilala. Ang cute nya, naka pink dress sya at nakabrade ang kanyang buhok." Kuwento ni King.

"Sino yung batang yun?" Tanong ni Macey.

Pero patuloy lang sa pagkwento si King.

"Ayaw nyang tumigil sa pag-iyak. Dinala ko sya sa lost and found kung saan nalaman ko ang name nya at nung oras ding iyon tinanong ko sya kung pwede ko syang maging Queen. Pumayag naman sya kaya that day she became my Queen at nangako ako sa kanya na lagi ko syang ililigtas." Dagdag ni King.

"Anong name nya?" Pagtatakang tanong ni Macey.

"Patuloy lang sya sa pag-iyak kaya binilhan ko sya ng ice cream, ang amos na nga nya eh kaya pinahiram ko sya ng panyo. Tapos..." Dagdag ni King.

"King..." Bulong ni Macey.

"Tapos..." Itutuloy sana si King ang kwento nya.

"King... King!" Sigaw ni Macey habang may tumutulong luha mula sa mga mata nya.

"Bakit?" Tanong ni King.

"Ako ba yung batang nasa kwento mo?" Tanong ni Macey.

"Naaalala mo na?" Tanong ni King.

"So... Ikaw yung batang nagligtas sakin noon? Ikaw yung King na nakilala ko 11 years ago? Ikaw ang may- ari ng panyong lagi kong dala simula nang araw na yun?" Tanong ni Macey habang umiiyak.

"Naalala mo na ang lahat?" Tanong ni King habang pinupunasan ang luha ni Macey.

"Oo. Pero bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi ka agad nagpakilala? Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?" Tanong ni Macey habang umiiyak.

"Oo alam kong hinahanap mo ako. Please wag ka nang umiyak." Sabi ni King.

"Pero bakit hindi ka agad nagpakilala. Bakit? Bakit?" Sabi ni Macey habang hinahampas ang diddib ni King.

"Sorry kung hindi agad ako nagpakilala. Pero alam mo ba lagi kitang pinapanood sa bawat laban mo. Ako ang number one cheerer mo. Lagi akong napunta sa mga laban mo. Minsan pa nga nakita mo na ako, nagpa-autograph pa nga ako sayo matapos ang championship nyo ng volleyball. Nandun ako lagi para sayo, hindi mo lang alam." Nakangiting sabi ni King.

"Pero bakit hindi ka parin nagpakilala. Alam mo pa lang hinahanap kita so bakit mo pa pinatagal ng ganito. Ang bad mo." Pahikbing sabi ni Macey.

"Sorry. Sorry. Tahan na. Gusto mo ba dalhin kita uli sa lost and found?" Patawang tanong ni King.

"Sira ka." Patawang tugon ni Macey.

Biglang hinawakan ni King ang dalawang kamay ni Macey at tiningnan nya ng diretso ang mga mata nito sabay sabing...

"Wag kang mag-alala. Hindi na kita iiwan. At ngayong isang university na lang ang pinapasukan natin, may pagkakataon na akong lagi kitang makasama at mapagtanggol." Nakangiting sabi ni King.

"Kaya ba lagi mo akong nililigtas mula kay Eunice." Tanong ni Macey.

"Oo. Kasi nangako ako sayo noon. Diba ikaw ang Queen ko at ang Queen...

"Laging nililigtas ng King." Sabay nilang sabi.

"At ngayong nandito na ang King mo, hinding hindi na kita hahayaang saktan pa ng iba." Sabi ni King habang nakatingin sa mga mata ni Macey.

"Ako rin, ako ang Queen mo na hindi ka kakalimutan." Nakangiting sabi ni Macey.

"Ako si Aj Lu, ang King ni Macey Kang ay nangangakong lagi kang ililigtas at hindi ka iiwan." Sabi ni King habang nakatingin sa mga mata ni Macey.

"Ako si Macey Kang, ang Queen ni Aj Lu ay nangangakong hindi ka kakalimutan at iiwan." Sabi ni Macey habang nakatingin din sa mga mata ni King.

Sa lugar kung saan unang nagkakilala ang dalawa, sila ay nanumpa sa isa't isa.

END.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...