Cassi
Why should his tender form expire,
As blossom perish in the fire?
How could that gentle life endure
The deadly arrow, sharp and sure?
Restore your arrow to the quiver
To you where weapons lent
The broken- hearted deliver,
Not strike the innocent
I stared at the wide clear horizon after reading another KALIDASA’s poem. When did I get fond of reading poetry? Last time I checked, I rather go to the dojang and kick than sit under a tree shade to contemplate on some Indian poet’s work.
I heaved a deep breath and dropped my gaze on the Literature book on my lap.
Ugh, Kalidasa!
Two days had passed without that Kalidasa dela Cuesta appearing in front of me. Kaya ba nagbabasa ako ngayon ng mga tula na gawa ng poet na kapangalan niya dahil nangungulila na ako sa kanya? Agad kong ipinikit ng mariin ang mga mata sa naisip at desperadang umiling- iling. Iminulat kong muli ang mga mata at huminga ng malalim.
Hindi. Nasanay lang marahil akong sumusulpot siya lagi sa harapan ko kaya ako nagkakaganito ngayon. pero kailangan kong aminin na nakakatampo naman talaga ang ginagawa niya. Sinanay niya ako sa presence niya tapos bigla siyang mawawala. At partly ay kasalanan ko din naman dahil aminin ko man o hindi ay in- entertain ko naman ang mga pangungulit niya.
Why should his tender form expire,
As blossom perish in the fire?
I heaved a deep breath again. Why would people do that? They’d make you get used with their presence only to give up on you in the end. Or is it part of my shortcoming? I took him for granted. I never did once appreciate his efforts and perhaps got tired of dealing with someone as erratic as me.
Para akong nakuryente sa kinauupuan ng matanaw ang lalaking dalawang araw ng laman ng isip ko. He was confined in his own world as he was busy scrolling on his phone, earbuds plugged on his ears. Did he look more handsome now or is it because I failed to check him out for the past two days? He was wearing a pullover hoodie and a fleece jogger shorts. Bumagay rito ang suot na high top casual sneaker pati na ang pagkakagulo ng buhok na tila ba’y kagagaling lamang sa pagtakbo. Sa kaliwang balikat nito ay nakasukbit ang sports duffle bag niya.
Tila tangang itinapat ko sa mismong mukha ko ang librong binabasa ng umangat ang tingin niya sa akin. Parang sinipa ng sampung black belter ang dibdib ko sa kaba. Ang weird pero nararamdaman ko pa rin ang intensidad ng tingin niya kahit pa may nakaharang na sa mukha ko.
Bahagya kong ibinaba ang aklat upang sumilip sa kinaroroonan niya at nais bumagsak ng mga balikat ko sa nakita. Mali ako ng akala. Hindi naman pala siya nakatingin sa akin. May kausap siyang halos katapat ko lamang kaya parang sa akin siya nakatingin. At tila binalatan ang puso ko ng mapagtantong babae ang kausap niya. Nagiting- ngiti pa ito at patawa- tawa habang nakikipag- usap. Likuran pa lang ng babae ay maganda na. Mahaba ang buhok nito at umabot sa baywang ang maitim na buhok na para bang alaga sa salon. Mahinhin din ang pagkilos ng babae na tila ba’y natural na sa paggalaw nito iyon.
Biglang nanginig ang mga kamay ko sa nakikita. Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam sa akin ay dahil nakahanap na siya ng babaeng nagtataglay ng mga katangiang wala sa akin? Pero para saan pa ‘yong pinadala niya pa sa sulat na hindi daw malalanta ang beauty ko? Joke lang ba ‘yon? Trip niya lang? Bakit bigla na lang nalanta ang feelings niya sa akin? O mayroon ba talaga? Baka talagang naboboring lang siya noon at ako ang nagkataong nakapagbigay ng challenge sa kanya? At ngayong lumalambot na ako sa kanya ay nawalan na rin siya ng interes sa akin?
My throat parched with the thought. Ramdam ko rin ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. So this is how it feels to be a girl? Bakit ba naging babae pa ako?
❄❄❄❄❄❄❄❄
Kali
I was trying to act nonchalant as I strutted my way towards the Sports and Humanities Building. I just finished jogging and I wanted to make a diversion so I decided to go to the quarters, take a bath and go somewhere where no one would ask me why I was acting different.
Bazzi’s Mine started playing on my playlist and I hit the volume up so I couldn’t hear the noise around me.
🎵…Girl, I lose myself up in those eye- eye- eye- eye-eye
I just had to let you know your mine🎵
I let out a bitter smirk with the song. Ironic, hindi pa nga siya nagiging akin ay ganito na ako magselos. Tinalo ko na din si Kross sa pagpapabebe ko. Dalawang araw na, shit! Dalawang araw na hindi ako nagpapakita sa kanya. Gusto ko kasing mawala muna ‘tong selos na nararamdaman ko bago ko siya lapitan ulit. Ayokong maapektuhan siya sa irrational na nararamdaman ko. Ayokong lalo siyang mainis sa akin.
Bigla na lang ay binunggo ng kung anong malakas na pwersa ng dibdib ko ng matanaw ko siya na nakaupo sa ilalim ng isang puno sa school grounds. Two days na and I really missed her so much! Pero dang! Ngunit nalaglag ang mga balikat ko nang mabilis niyang takpan ang mukha ng libro na para bang pinagtataguan niya ako.
🎵Hands on your body, I don’t wanna waste no time
feels like forever even if forever’s tonight
Just lay with me, waste this night away with me
You’re mine, I can’t look away, I just gotta say…🎵
I don’t want to look away but she was giving me the feeling to not look at her. Pianapahupa ko ‘tong selos ko pero bakit parang nadadagdagan pa? Saglit na nawala sa kanya ang atensyon ko ng marinig ang message alert tone ng phone ko. Napapalatak na lang ako ng mabasa ang mensahe sa akin ng inglisero kong kaibigan.
✉️Kross:
Got a practice and I couldn’t fetch Nisha from her college.
She’s going to stop by. I know you got a lot of time so please fetch her for me.
Don’t let that Criminology boy talk to him.
Trust you, dude. TY!
What the heck! Ipapamukha pa talaga ng Kross na ‘to sa akin na may girlfriend na siya. E ‘di wow! Siya na ang may love life!
Paano’y nagkaaminan na itong sina Kross at Nisha noong gabi ng send- off party. At itong magaling kong kaibigan, magtatapat na nga ng dalisay na pag- ibig niya para sa kababata naming ay hinabol pa ng epic fail! Pero maski may ganoong nangyari ay hindi na nga naging hadlang iyon para maging official na ang dalawa.
“Kali!
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at awtomatiko akong napangiti ng makitang si Nisha iyon, ang bestfriend ni Kross na kababata namin na ngayon ay girlfriend niya na. At sigurado ako, sa loob ng dalawa o tatlong taon ay ikakasal na rin ang mga ito. Kukutusan ko na si Kross kung pakakawalan niya pa si Nisha.
Nisha got more beautiful. Maybe that’s what you get when you’re being loved by the person you love.
“Sabi ni Kross tatanungin ka daw niya kung sinundo mo talaga ako. Sabihin mo na lang na oo para ‘di ka na niya kulitin. Kaya ko ng pumunta mag- isa doon.” Nakangiting anito sa akin.
“Hindi lang ako kukulitin n’on. Kukutusan din niya ako kung nalaman niyang ‘di talaga kita sinundo. Kaya ihahatid na kita sa volleyball court.”
Nahihiya siyang ngumiti. “Pasensya ka na. Pati ikaw naaabala sa ka- OA- han ni Kross.”
“Sa akin ka pa nahiya. E high school pa lang tayo bantay- sarado ka na no’n kaya sanay na ako sa ka- OA- han niya.” Birong- totoo ko pa. “Kross must be waiting for you. Let’s go?” Tanong ko.
Nakangiting tumango siya. At iniwasan ko na lamang na lingunin ang kinaroroonan ni Cassidy bago ako umalis. Tiyak naman akong hindi siya nakatingin sa akin. At nais manghina ng mga baga ko sa isiping iyon.
❄❄❄❄❄❄❄❄
Cassi
The girl was really beautiful. She was someone a boy can show off his friends. Someone who was worth taken care of and she was with Kalidasa.
Walang siglang naglalakad ako pabalik sa Sports and Humanities Building. Hindi miminsang nakababangga ako ng masasalubong ko dahil wala naman sa dinaraanan ko ang atensyon ko. Sumama yata ang utak ko sa pag- alis ni Kalidasa kanina kasama n’ong magandang babae. Kaya ganoon na lamang ang gulat ko ng makabunggo akong muli ng taong kasalubong ko. This time ay hindi lang basta gulat ang nadama ko dahil ng iangat ko ang aking tingin para mag- apologize ay sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Kalidasa.
Gosh! Si Kalidasa nga ba ito? Those pair of eyes looked at me coldly and he was now wearing a plain round- neck shirt, blue fitted cargo pants at off white na NikeLab Blazer Advanced. Hindi din siya amoy marshmallow! He smelled like an expensive perfume, dominant and intimidating unlike Kalidasa’s gentle scent. So this must be---
“Rumi!”
Nanlalaki ang mga matang napaatras ako at dumating ang lalaking tumawag sa pangalan ng lalaking kaharap ko--- ng lalaking kakambal ni Kalidasa. At agad kong nakilala ang kasama nito. Heaven Jeon, the Baseball Czar. Nadagdagan pa ang tensyong nararamdaman ko ng dalawa na silang nakatingin sa akin ngayon. They were staring at me coldly making me feel so unsightly.
Heaven jeon was wearing a black round- neck shirt and black ripped skinny jeans and it really emphasized his pale skin. Parang nililok ng napakagaling na iskultor ang dalawang lalaking nakatingin sa akin ngayon gamit ang kanilang nagyeyelong mga mata. I swallowed, thinking a way on how to escape the puddle I’m trapped on.
Maingat akong umatras ngunit agad akong natigilan ng magsalita si Rumi, ang kakambal ni Kalidasa.
“This time, I was wrong.” Anito. His voice was a deeper and colder version of Kalidasa’s. “I shouldn’t have told you that.”
“T- Told me what?” Nauutal kong tanong.
“If I am Kalidasa, what would you tell me now?” Kapagkuwa’y tanong niya at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Inilipat ko ang tingin kay Heaven at tila naghihintay rin ito ng isasagot ko. I swallowed hard.
“W- Wala akong dapat sabihin.” I lied.
“I don’t believe you.” Mahinang anito, ang mga labi ay bahagyang nakangisi.
“Maybe, they can settle this on their own, Rumi.” Pagsabad na ni Heaven Jeon. “Once and for all ay gusto ko na ring matigil ang pagpapa- bebe ng kakambal mo.”
Rumi smiled with the remark and I swear I just saw a Kalidasa in him for a fleeting moment. Muli niyang ibinaling ang malamig na tingin sa akin.
“7 o’ clock. Quezon City Memorial Circle.” Bigla ay sabi ni Rumi dela Cuesta na ikina- kunot ng noo ko.
“You will see a Kalidasa there.” Si Heaven Jeon ang sumagot. “Good luck.” And then they walked passed me like nothing happened.
Naiwan akong nakatulala. Why the hell would I go?!