Black Water

By AknedMars

445K 17.5K 4.2K

Still hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 5

10.6K 435 114
By AknedMars

Chapter 5

"Wala, kwentuhan mo ako ng mga ginagawa mo r'yan," sagot ko sa kanya.

"Palagi mong iniiwas yung mga sagot mo sa tanong ko at sa sinasabi ko, palagi kang si "Wala lang"."

"Eh papaano kapag sinabi kong "send nudes" magse-send ka?"

Hindi kaagad siya nakasagot at huminga ako nang malalim.

"D-depende," mahinang sagot niya at napalunok ako.

Tangina, depende raw!

"Depende saan?" naitanong ko kaagad.

"Kung magiging mabait ka, but I doubt it. Lagi ka na lang may kainuman, bukod iyong d'yan sa apartment at bukod iyong may kasama kang babae," sabi niya at narinig ko siyang nagbuntonghininga.

"Sino bang source mo niyang mga sinasabi mo?" tanong ko.

"I don't have any source. Alam ko lang at kilala na kita. Kahit doon sa atin ay ganyan ka! Kung makangiti ka sa iba, akala mo napakabait mo, pero pagdating sa 'kin, iyang budhi mo, itim!'

Ako naman ang napabuntonghininga.

"H'wag ka na ngang tumawag sa 'kin kung aawayin mo rin lang naman ako. Sayang lang ang oras ko, eh," sabi ko.

"Excuse me, ikaw ang tumawag sa akin."

"Ah, ako ba?" Napakamot ako sa ulo.

"Oo, ikaw. Anong oras na r'yan?" tanong niya sa 'kin.

"Alas dies na ng gabi."

"Kumain ka na?"

"Oo, kanina. Nagluto kami ni Julian."

"Miss ko na yung mga luto niyong dalawa. Hindi ko man lang natikman iyong sa 'yo. Dinalhan ako ni Julian ng banana bread eh at saka ng kare-kare no'ng bago kayo bumalik d'yan sa apartment."

"What?"

Anak ng pating, bakit 'di ko alam iyon? Dinadalhan siya ni Julian ng pagkain? Ipinagluto siya ni Julian ng pagkain?!

"Dinalhan ako ni Julian ng banana bread at kare-kare."

"Narinig ko, pero bakit kailangan kang dalhan?" tanong ko. Nararamdaman ko ang pag-iigting ng mga ugat ko.

"Nag-request ako," simpleng sagot niya.

"Bakit hindi ka sa 'kin nag-request? Pwede namang sa akin!"

"Umalis ka kaagad, eh. No'ng after ng misa, nagkausap usap kami saglit, tapos nag-request ako."

"Kahit na, dapat sa akin ka na lang nagpaluto."

"Ang supla-suplado mo tapos magagalit ka ngayon? Eh kung mabait ka kaya sa akin no'ng nand'yan ako eh 'di sana sa 'yo ako nag-request."

Hindi ako nakasagot kaaagad. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko.

"Pag-uwi mo na lang ulit. Isang taon na lang naman, 'di ba?" sabi ko at huminahon na ako.

"Yes. One year na lang and three months."

"Good, mabilis na iyon," sabi ko.

Katahamikan. Walang nagsalita sa aming dalawa.

"Wait lang ha, kukuhanin ko lang 'yung notebook ko, may sasagutan lang akong homework."

"Sige lang," sagot ko at tumayo naman siya. Naka-shorts lang pala siyang maiksi. Pinapanood ko siya habang nakatayo siya at may kinakalkal sa bag niya na nakapatong sa may study table niya.

Saktong pumasok naman sila Julian sa kwarto, passimple naman akong lumabas bitbit ang laptop ko.

"Oy si brad umalis pa, nanonood kang porn, 'no?" sabi ni Jacob.

"Gago, hindi," sabi ko lang at pumwesto na ako sa kusina. Inilapag ko yung laptop sa may lamesa.

"Sila Julian ba iyong pumasok?" tanong ni Sophia sa akin.

"Yeah. Mag-type na lang ako ng sagot sa 'yo ha, baka kasi may nakikinig," sabi ko.

"Hinaan mo na lang boses mo, may sasagutan pa ako, eh," sabi niya habang nagbubuklat ng notebook niya at hawak ang ballpen niya.

"Sige," sagot ko lang habang nagsimula siya sa ginagawa niya.

"Hawiin mo iyang buhok mo at huwag ka masyadong yumuko. Hindi ko makita ang mukha mo."

"Huh?" sabi niya.

"Hawiin mo iyang buhok mo. Gusto kitang makita," sabi ko at isiningit niya sa likod ng tainga niya.

"Ayan na, okay na?" sabi niya at pinandilatan ako ng mata.

"Yeah, gan'yan lang," sagot ko at napangiti ako.

Hinayaan ko siyang gawin ang ginagawa niya. Nag-uusap kami nang pasaglit-saglit hanggang matapos siya sa assignment niya. Alas tres na ng madaling araw, oras dito nang matapos kaming mag-usap.

-

Hindi ako makabangon kinabukasan at absent ako ng first period namin. Siguradong lagot ako sa prof namin dahil nakapasok si Julian samantalang ako ay hindi. Bahala na lang si Julian kung ano ang palusot na sasabihin niya habang ako ay nakabaluktot pa rin sa kama.

Sumunod ako sa kanya sa second period na. Pagpasok ko ay may nag-hi sa akin na kaklase namin at bumati naman ako pabalik. Si Julian ay nakangisi na kaagad sa akin.

"Esso, inaya namin si Julian sa birthday ni Kathy. Sama ka rin, ha," sabi ni Renée na kaklase namin.

"Sure, kailan ba?" tanong ko at lumaki ang ngiti ng mga kasama ni Renée. Girlfriend siya ni Wayne na kakilala namin ni Julian at mukhang napag-utusan lamang na yayain kami ng mga barkada niya.

"Bukas ng gabi after class. Sabay-sabay na tayong pumunta sa resort," sabi niya.

"Sige," sagot ko lang at tumabi na ako kay Julian.

"Tangina, mukhang type ka n'ong kaibigan nina Renée. Niyaya lang yata ako para mayaya ka rin nila," sabi ni Julian.

"Tsk. 'Yaan mo lang sila. Anyway, 'di ba nag-usap na tayo na walang pictures at huwag na huwag kang mag-a-upload ng pictures."

"Bakit? Pina-upload ni Pipo para daw makita ni Andrea na okay na si Jacob," sabi ni Julian.

"Tangina, nakita ni Sophia, nayari ako kagabi," sabi ko.

"Ah, so si Sophia pala ang kausap mo magdamag? Akala ko ba ay ayaw mo? Tulak ng bibig, kabig ng dibdib," makahulugang sabi ni Julian at hindi nawawala ang ngisi niya.

"Ulol, isa pa pala, ano naman at ipinagluluto mo pa siya? Ano namang kagaguhan iyon? Nananadya ka ba? Anong intensyon mo?" magkakasunod na tanong ko at may diin sa bawat salitang binitiwan ko.

"Hindi, ah. Nag-request siya, eh. Bago raw tayo umalis. Tinupad ko lang."

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Iyon na ang huli," utos ko sa kanya.

"Sus, akala mo naman magkakagusto sa akin si Pia kapag pinagluto ko siya. Hayaan mo at walang gayuma ang mga binibigay ko sa kanya. Ikaw pa rin ang gusto niya."

"Dami mong alam, basta huwag ng kung ano-ano ang binibigay mo ro'n," sabi ko at sumandal ako sa upuan ko.

"Tindi mong mambakod, p're. Dahil ba iyan sa isang taon na lang at graduation na?"

Hindi ako umimik, hindi rin ako nag-react, baka makahalata pa si brad.

***

Umalis kami ni Julian kinabukasan at nagpunta kami sa birthday ni Kathy. Hindi kami sumabay sa mga kaklase namin dahil naligo muna kami at nagpapogi. Baka may mga makuha ro'n.

Pagdating namin sa party ay naupo kaagad kami ni Julian doon sa may gilid ng pool. May mga ibang tao ro'n na 'di namin kilala at medyo may karamihan din ang lalaki.

"P're, uwi na tayo agad. Tangina baka makursunadahan pa tayo rito, dadalawa tayo," sabi ni Julian at tumango naman ako. Medyo kakaiba ang aura.

Uminom kami nang kaunti ni Julian nang may ma-receive akong message galing kay Sophia, hinahanap ako.

"Nasa party ka na naman ng kung sino at may mga babae na naman d'yan? Sinasabi ko sa 'yo, proteksyon, ha."

Napailing ako sa sinabi niya at napangiti na lang ako. 'Di ko alam kung mapipikon ba ako o matutuwa.

"Umuwi ka na. Malay mo, I'll let you watch me change."

Napalunok ako sa huli niyang message. Parang bigla akong pinawis. Damn, parang natuyuan ako ng lalamunan, inabot ko yung baso na may dalang alak at inisang lagok ang laman niyon. Biglang lumiwanag sa imagination ang bulto ni Sophia na dahan dahang inaalis ang damit niya habang nakaharap sa web cam.

"Umuwi ka na kasi, let's talk. I miss you na." Message niya ulit.

"P're, uwi na tayo," aya ko kay Julian.

"Sige, tara. Paalam lang tayo kay Kathy. Hindi maganda ang pakiramdam ko talaga rito, parang maraming gagong bisita," sabi ni Julian at inubos ang laman ng bote niya.

"Kaya nga, sabihin na lang natin may lakad pa tayong iba at dumaan lang talaga tayo," sabi ko pa at tumango si Julian.

Eksaktong tumayo naman kami ay lumapit sa amin si Kathy at binati namin siya ng happy birthday. Lumapit sa amin yung iba niyang mga kaibigan at medyo dumistansya naman kami ni Julian. Mukha kasing naroon ang boyfriend ng isa sa kanila at hindi natutuwa sa presensya namin.

"Buti nakarating kayo," sabi n'ong isa sa mga kaibigan ni Kathy na pumulupot ang braso kay Julian. Ang kasunod na nangyari ay may sumapak kay Julian at natumba si brad. Hindi naman ako pumayag na hindi gaganti kaya umupak din ako hanggang sa inawat na kami at nabangasan kaming pareho ni Julian. Nakasuntok din naman kami at marami-rami naman ang naiganti namin. Umuwi akong putok ang labi, at si Julian ay may black eye. Putang ina, ang sama.

Pag-uwi namin ay alta si Chino pero hindi lang pinahahalata. Tahimik at walang kibo, ganito siya kapag galit tapos yung dalawa gustong rumesbak.

"Resbak tayo, p're. Di pwede 'yang nang-uupak sila basta nang wala naman kayong ginagawa," sabi ni Jacob.

"P're, huwag. Batalyon sila, lilima tayo, kahit pa nangangarate tayo hindi natin kaya mga 'yon. Outnumbered tayo," sabi ko.

"Eh ano? Sina Leonidas nga tatlong daan lang, eh," sabi ni Pipo.

Natawa ako sa sinabi ni Pipo. Ikinumpara pa kami sa Three Hundred.

"Gago, wala naman tayong training gaya ng mga 'yon. Ayos lang naman kami kaya hayaan na. Mas marami kaming naupakan," sabi ni Julian.

"Mali pa rin sila.," mahinahong sabi ni Chino na nanahimik lang kanina, nakakuyom ang mga palad niya.

Gigil si kuya. Hindi lang masyadong halata sa kanya pero ayaw nito nang may nadedehado sa amin. Baka kapag nagwala si Chino, pwede rin naman na matakot sa kanya, parang toro 'yan. Bukod pa sa talagang lumaki kami kasama ng mga baka at kabayo sa probinsya, baka suwagin sila ni brad.

"Ayos lang, naireklamo na naman namin sila saka na-areglo na," sabi ko lang. Ayoko nang palakihin at palalain pa ang kwento at baka nga makasugod itong tatlo.

"Dapat tumawag ka sa 'kin para nakapunta kami," sabi ni Chino.

"Ayos na nga, hayaan mo na. Kumain na ba kayo? Magluluto kami ni Julian," sabi ko at tumayo. Bumuntonghininga naman si Chino at naupo na lamang sa may sofa at tumango na lang sa amin. Ganoon na rin ang ginawa nina Jacob at Pipo.

"Pero 'wag na kayong magluto, mag-order na lang tayo. Tangina, huwag na kasi kayong pumunta ng mga birthday ng mga babaeng 'yan. Wala namang magandang naiidulot 'yan sa inyong dalawa, napapaaway lang kayo," sermon sa amin ni Chino at tumango na lang kami ni Julian.

"Patanguo-tango kayong dalawa pero bukas makalawa kung saan na naman kayo susuot at mapapaaway na naman kayo. Pang-ilang beses niyo na iyan," sabi ni Chino habang minamasahe ang noo niya. Tangina, para kaming may tatay. Sigurado kung nandito si Sophia, matindi-tinding sermon din ang aabutin namin.

Noon ko naalala ang message ni Sophia kanina! Mabilis kong kinuha ang laptop at pumasok sa loob ng kwarto at binuksan iyon. Tangina, iyong sinasabi ni Sophia kanina, sana tuloy pa rin iyong offer niya.

***

"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang? Don't tell me talagang may na-take out ka pang babae mula sa party na napuntahan mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Sophia sa akin.

"Hindi, wala akong na-take out at hindi ko ginawa iyon, may nangyari lang."

"Anong nangyari?"

"Basta," sabi ko lang at pinaningkitan niya ako ng mata. "Magbihis ka na ulit, panood ako," sabi ko at ngumisi ako nang biglang kumunot ang noo niya.

"Ano iyan? Anong nangyari sa mukha mo? Napaaway ka ba?" tanong ni Sophia sa tonong galit na.

"H'wag mo nang pansinin 'to, okay lang iyan. Ang importante ngayon ay ang pagbibihis mo, bihis ka na bilis. Palitan mo lahat, ha."

"Loko-loko!" sabi niya at humalakhak lang ako.

"Sige na, bihis ka na, nonood ako," sabi ko at sumandal sa headboard ng kama.

Hindi siya umimik pero inilugay niya ang buhok niya at napalunok ako. Tangina, naglulugay pa lang ng buhok pero ramdam na ramdam ko na ang mabilis na pintig ng puso ko.

Nakatitig ako sa kanya at parang timang na naghihintay sa kasunod niyang gagawin.

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 147K 53
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ]
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...
4.8M 111K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by hate or by heart. League of Billi...