Tutoring the Gangster

By Heartedprincess21

381K 8.3K 344

" I can break rules for you... " - Kai [EDITING] book cover made by: Galaxies_Angel More

Kezya: The Ugly Nerd
TTG: 1 - First Day
Prologue
TTG: 2 - New school
TTG: 3 - Shocking news
Author's Note
TTG:4 - Red Gang
TTG: 5 - Tutoring The Gangster
TTG: 6 - Bullied
TTG: 7 - Watch Over
TTG: 8 - With Her
TTG: 9 -Care
TTG: 10 - Going Out with them
TTG: 11 - Saved from the Bullies
TTG:12 - Didn't Go
TTG: 13 - Gangster Fight
TTG: 14 - Suspended
TTG: 15 - Unfair
TTG: 16 - Followed
ATTENTION
TTG: 17 - A talk with the President
TTG: 18 - In His Dorm
TTG: 19 - Attacked
TTG: 20 - Guilty
TTG: 22 - Gang Fight Again?
TTG: 23 - Confront
TTG: 24 -Better
TTG: 25 -A date with him
TTG: 26 - Representative
Main Characters
NOTE
TTG: 27 - Intram High
TTG:28 - Intram High
TTG: 29 - Cheated
TTG: 30 - Bestfriends?
AUTHOR'S NOTE
TTG: 31- Intram High
TTG: 32 - Jelous
TTG:33- I like you
TTG: 34 - Weird Feeling
TTG: 35 - Hates
TTG: 36 - Why me?
TTG: 37 - Rejection
TTG: 38 - Big Problem
TTG : 39 - Comatosed
TTG: 40 - Watch Out
TTG: 41 - She's Back
TTG: 42 - Pageant (1/2)
TTG: 43 - Pageant (2/2)
TTG: 44 - The Questions
TTG: 45 - The Answers
TTG: 46 - The Past
TTG: 47 - Falling Inlove
TTG: 48 - Masquerade Ball
TTG: 49 - Whatever It Takes
TTG: 50 - Fault
TTG: The Final Chapter
Epilogue
Author's Note

TTG: 21 - Forgotten Memories

5.9K 194 3
By Heartedprincess21

Author's note: Sorry for this late update. Rinerecommend ko yung kantang,

" Beautiful in White "

Pakinggan niyo 'yan ah? Maganda siya promise, parang ako lang charr hahaha!

Oo nga pala TTG'ers babalaan ko kayo, maikli itong update na ito, at hindi rin edited. Lahat naman yata ng chapters ng TTG ay hindi edited^o^ hahaha ngayon ko pa lang kayo ni remind. Sorna hahaha! Hindi ko naman sinabing basahin niyo at lalong hindi ko sinabing 'wag niyong basahin 'tong Chapter 21. It's up to you.

Okay i've talked to much, now i'm leaving you with a quote about this chapter.

' This feeling kills me, i hate this. I hate feeling this pain. I want you to vanish it. I want you here by my side but you left me... '

Wait last na lang^.^, sa mga nagtataka kung bakit ko nilalagyan ng quote yung bawat chapters ay dahil po gusto ko hahaha at para kakaiba siya di'ba? Walang basgan ng trip!^_^

One last thing, the next update is kapag umabot ng 50+ votes itong chapter na 'to.

Kezya's pov.



Naimulat ko ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan kong nasa isang magandang lugar ako.


Nasa isang malaking hardin ako at sadyang napakaganda rito.

Mga paru parong nagliliparan sa aking paligid ay sadyang kaakit kaakit. Kahit magdamag ko silang titigan lumipad ay hindi ako magsasawa.

Muli kong inilibot ang paningin ko at doon ko lang natagpuang nag iisa lang ako.

Pero... paano ako nakapunta sa ganito kagandang lugar?

Pumitas ako sa mga bulaklak sa tabi ng puno.

Isang napakandang puting rosas ang pinitas ko at batid kong mabango rin ito.

Itinutok ko ito sa ilong ko at mabango nga. Naipikit ko pa ang mga mata ko nang paulit ulit kong inamoy ito.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay may paru parong nakapatong na rito at napangiti naman ako.

" Ang ganda.. " namamanghang tugon ko.

Parang paraiso ang lugar na ito at ayaw ko ng umalis.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na siyang ikinagulat ko.

Hindi ko alam kung bakit napako ako bigla sa kinatatayuan ko.

" Kez... " napalunok ako nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na iyon. Ang boses na hinding hindi ko kakalimutan kailanman.

Doon ako dahan dahang humarap sa kung sino man ang humawak sa braso ko at pagkaharap ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Nang makita ko siya ay parang nagbalik ang mga milyong ala ala na tuluyan ko ng kinalimutan.

Sabik na sabik na akong yakapin siya, pero hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko.

" Kezya... I miss you. " nakangiti ngunit maluha luga niyang sabi.

" N-nathan... " mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

Kung panagip ito ay sana hindi na ako magising. Please, gusto kong makasama ang taong nasandalan ko nung mga panahong hinang hina ako.

Lumapit siya sa'kin ng nakangiti. I miss his smile... I miss his voice... I miss all about him.

Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo.

" Huwag ka ng umiyak... Nandito na ako. " tugon niya at humikbi lang ako.

Dahan dahan akong yumakap sa kanya pero hindi ko siya mahawakan kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

Sinubukan ko ulit hawakan ang kamay niya pero parang hangin lang siya.

Bakit ganon? A-anong nangyayari? Tinignan ko siya ng may nagtatakang tingin at nakangiti lang siya sa'kin.

" Nathan? B-bakit hindi kita m-mahawakan? " tanong ko.

" I'm sorry... You can't touch me, Kezya... Don't you remember what happened to me? " nag aalalang tanong niya na ikinagulat ko lalo.

Muli kong inalala ang mga pinagsamahan namin at doon na lang ako kinabahan nang maalala ko kung bakit siya—

" Anong sinasabi mo,  Nathan? " naguguluhang tanong ko pero ngumiti lang siya ng bahagya.

" Kezya... I'm dead. And this... " turo niya sa paligid ko.

" All of this are just part of your dream and that means, i am just part of your dream, Kez. " nalulungkot na sabi niya kaya mas nagulat ako!

Bigla na namang nangilid ang mga luha ko at umiling iling habang nakatingin sa kanya.

" N-no... T-this is not a dream, Nathan. This is true. You are true. Hindi 'to panaginip, N-nathan... " umiiling na sabi ko habang naiiyak na.

Pinigilan kong wag tumulo ang mga luha ko pero nabigo ako. Tuluyan na silang dumausdos pababa sa mukha ko.

" Binisita kita dahil gusto kong makita ang lagay mo... Malaki ang pagbabago mo, Kez... Parang hindi na makilala. Dati...  masayahin ka, maputi ka, at ang mga mata mong walang halong lungkot kahit kaunti at higit sa lahat, maganda ka... Pero anong nangyari sa'yo?  Anong ginawa mo sa sarili mo, Kez? Bakit ka nagbago? " nag aalalang tanong niya.

Nanghina ang mga tuhod ko at sa tingin ko ay babagsak ako nito kapag humakbang ako.

Hindi ko akalaing makikita ko siya rito at pagsasabihan niya ako ng ganito matapos ng mga ala alang kinalimutan ko na.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pilit kong inalala ang dating ako...

Ang dating masayahin na Kezya ang dating Kezya  kinahahangaan ng pamilya ko
Lahat 'yon nagbago nang mawala si Nathan sa'kin.

" Dahil... dahil nawala ka... Naiwan akong mag isa, Nathan. Sobrang pagsisi ang naramdaman ko nung mga panahon na nawala ka. Parang pinapatay ako ako ng nararamdaman ko, Nathan. Ang sakit lang dahil nawala ang taong nag iisang nagturo sakin kung paano pahalagahan ang pagkakaibigan, ang taong nakasama kong magbuo ng mga masasayang ala ala, ang taong tinuring ko ng kapatid, ang taong pinahalagahan ko ay nawala dahil sa'kin. Nathan, nagbago ako dahil n-nawala ka at ngayong bumalik ka na... parang ayaw na kitang pakawalan. " lumuluhang sambit ko.

Tinignan niya lang ako ng may malungkot na mukha.

Bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko noon. Ang sakit na parang mapapatay ako!

" Kezya, hindi iyon sapat na dahilan para baguhin mo ang sarili mo. Hindi porke nawala ako ay magbabago ka na. Gusto kong nakikita kita sa dati mong anyo. Tignan mo, binubully ka nila dahil diyan at hindi ka man lang makalaban. Wala ako diyan sa mundong tinatapakan mo para ipagtanggol ka sa mga nambubully sa'yo. Kaya mo naman silang labanan di'ba? Lumaki kang palaban Kezya. Pero bakit hindi ka lumaban? Ayokong makitang sinasaktan ka nila ng ganon. Ayoko ng ganyan ka, sana... bumalik ka na sa dati. Yung Kezya na nakilala ko, yung palangiti palagi. Makita ko lang ang ngito mo ay masaya na rin ako. " mahinang tugon niya.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nabubully ako.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at doon ko lang nakita ang mga lubang dumadausdos pababa sa mukha niya.

Sinubukan ko siyang yakapin baka sakaling mahawakan ko na siya pero bigo ako. Hangin lang ang nahawakan ko.

" Nathan... g-gusto na kitang mayakap. " wala sa sariling usal ko.

Tinignan niya lang ako at dahan dahang lumapit sa'kin at niyakap ako.

Bakit ako nayayakap niya? Bakit pag ako ang yumakap ay tanging hangin lang ang nayayakap ko?

" Kezya, tandaan mo, kahit wala ako sa tabi mo alam ko ang mga ginagawa mo, nakikita kita... Babantayan kita, Kezya... "

Hindi ako nagsalita, nararamdaman ko ang sinseridad niya nang sabihin niya 'yon. I wish that this moment will never end.  I wish that we will stay like this forever.

" Kapag gabi, tumingin ka sa langit. " aniya

" B-bakit? " takang tanong ko.

" Kapag nakita mo ang pinakamaliwanag at pinakamalaking bitwin, ako 'yon... " kasabay non ay ang pagkalas niya sa pagkakayakap sa'kin.

Hindi ako nakasagot at unti unti akong napangiti.

Tumawa siya ng bahagya

" I miss that smile... " nakangiting aniya.

" I miss you... " halos pabulong na sabi ko.

Napapikit ako ng yakapin niya ulit ako.

Ang sarap non sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay nakahinga na ako ng maluwang.

" Nathan, huwag mo akong iiwan. " naiiyak na sabi ko ngunit naging tahimik ang paligid.

Ngunit nakalipas ang ilang segundo ay wala akong nararamdamang nakahawak sa'kin kaya kumunot ang noo ko kasabay noon ay ang paglingon ko sa kaninang pwesto ni Nathan ngunit ang ikinabigla ko ay unti unti na siyang naglalaho kaya tuluyan na akong napahagulgol.

" Nathan!!! Please, w-wag mo akong iwan, nagmamakaawa ako sa'yo please. Don't leave me again. " wala akong pakialam kung lumagkit ang mukha ko dahil sa mga luhang dumadausdos pababa sa mukha ko.

Ang gusto lang ay wag niya na akong iwanan. Gusto ko, lagi siyang nasa tabi ko.

Kumaway lang siya ng dahan dahan sakin ng nakangiti ngunit lumuluha.

" Nathan!!! " hinabol ko siya ngunit hindi ko pa rin siya mahawakan at kasabay non ay ang pagkawala niya.

Napaluhod ako sa damong inaapakan ko at doon humagulgol.

Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko nung nawala ka, Nathan.  Nung mawala ka ay parang nabaliw na ako...

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko at doon umiyak.

Nung imulat ko ang mga mata ko ay pakiramdam ko sobrang hina ko na. Kailangan ko na naman ng masasandalan, kailangan ko ng kausap at sabihin lahat ng nararamdaman ko para kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam ko.

Laking gulat kong inilibot ang aking paningin at natagpuan ang sariling nakasakay sa kotse sa backseat.

" Nathan, sige na... gusto kong makita yung dolphins saglit lang naman yun eh, pagbigyan mo na ako. "

Natinag ako nang may nagsalita, tinignan ko iyon at may isang babaeng nakaupo sa passenger's seat at isang lalaki na nasa driver's seat...

Masasabi kong maganda't maputi ang babae. Kaaya ayang tignan.

At ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi si Nathan.

Ikinabigla ko 'yon kaya dali dali kong hinawakan si Nathan ngunit... bigo ako.

Kaya nagsimula na namang mangilid ang mga mata ko.

" Sige na nga, tutal naman ay birthday mo ngayon, pero saglit lang tayo don ah?  Kasi hinahanap ka na ng parents mo. " nakangiting sabi niya.

Kaya tuluyan na akong napaluha.

" Nathan... " mahinang sabi ko pero hindi niya ako narinig.

Hindi nila ako maririnig. Akala ko, naimulat ko na ang mga mata ko. Akala ko nagising na ako pero hindi. Nasa isang panaginip pa rin ako.

Ngumiti naman ang babae at parang batang pumalakpak.

" Thank you... " nakangiting sabi nito.

Nagsimulang umandar ang sinasakyan naming kotse.

Ang kotse na ito ay kay Nathan at ang babaeng iyon... ang babaeng iyon ay... dating ako.

Ako 'yon, ang kasama ni Nathan at naalala ko kung anong mangyayari mamaya kaya nabigla ako.

" N-nathan... S-stop the car. " sabi ko pero parang wala siyang narinig. Nakangiti pa rin siya habang nagmamaneho.

Nagsimula na akong kabahan. Alam ko na ang mangyayari mamaya  kaya pala pamilyar ang daan na ito.

Ito ang daan na dinaanan nanin ni Nathan noong kaarawan ko. Naalala ko pa na patungo kami sa isang Ocean park para makita ang mga dolphins.

" Nathan, i-itigil mo na 'tong sasakyan... " ngunit kahit anong sabihin ko ay hindi niya ako marinig kaya tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko pababa sa pisngi ko.

" Nathan, please... k-kausapin mo ako. I-itigil mo ang sasakyan... " maluha luha kong sigaw ngunit wala pa rin siyang narinig at patuloy lang sa pag dadrive.

" Excited na akong makita ang mga dolphins, hehehe. Lalo na't first time ko silang makikita. " nakangiting ani ng babae na siyang dating ako.

Mas lalo akong naluha dahil doon. Naalala ko na naman ang masayang ala ala na binuo namin ni Nathan. Gusto kong mabalik kami sa dati pero malabo ng mangyari ang bagay na 'yon.

" Talaga? First time mo? Ako din eh hehehe. " nakangiting sabi naman ni Nathan at natawa silang dalawa.

I miss this memory...

Pero mas lalo akong kinabahan nang niliko na ni Nathan ang kotse...

" Nathan, stop this car!!! " i shouted but he didn't hear me.

Patuloy pa rin siya sa pagdadrive at patuloy pa rin ako sa pagluha.

Mangyayari na ang hindi inaasahan. Mabilis na tumibok ang puso ko na tila may humahabol rito at kasunod non ay ang panginginig ng kamay ko.

At nakita ko na lang na may malaking truck na papunta sa gawi namin! Animong nagmamadali ito.

Nakakasilaw ang liwanag na siyang nagbibigay ng ilaw para makadaan ng maayos ang truck.

Mas lalo akong kinabahan dahil don.

" Nathan... I'm scared " nagsimula ng umiyak ang babae habang si Nathan ay biglang pumreno.

" Kezya, h-hold on... " nag aalalang sabi ni Nathan.

* ENNGGGGGKKKKKKKK*

*BROOOOOOOOMMMMMM*

* BOOOOOGGGSSSSHHHH*

" NATHAAAAAANNNNNN!!! " i shouted his name with tears crawling down my face.

Parehong nagkabungguan ang truck at ang kotseng sinasakyan namin.

" Nathannnn!!! Wake up, p-please... " pagmamakaawa ng babae.

Dahan dahang nagmulat ang nga mata ni Nathan, hindi siya makagalaw dahil duguan siya at ganon na rin ang babae.

Para akong na estatwa. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi rin ako nasaktan, hindi nasugat kahit isang galos ay wala.

Parang nasa isang teleserye sila at ako ang manonood and it breaks my heart to see Nathan covered with blood all over his body.

Dahan dahang ngumiti si Nathan sa babae at marahang hinaplos ang pisngi nito.

" N-nathan, i-ill bring you to the h-hospital... Please, don't close your eyes, i-i'm begging you. " maluha luhang sabi nito.

Ngumiti lang si Nathan rito at inaaninag pa ang mukha niya dahil hindi niya na mabuksan ang mga mata niya.

" N-no... N-no need. K-Kezya, b-be a good girl o-okay? Bantayan m-mo a-ang p-pamilya mo, h-ha? K-kahit w-wala ako—"

" Nathan, what are you saying? You are not going to die huh? Magiging o-okay ka na kapag n-nadala na kita sa hospital... H-hold still. " maluha luhang sambit nito.

Ito ang pinakamasakit sa lahat ng naramdaman ko. Seeing him die makes my heart fall apart. Wala man lang akong magawa para iligtas siya, hindi ko siya mahawakan, hindi ko siya makausap. Pakiramdan ko ay wala akong kwenta sa kanya.

" N-no.. I-ikaw na lang a-ang pumunta doon. I-i'm staying here. G-go... " nahihirapan na si Nathan sa kakasalita at hindi lang simpleng awa ang nararamdaman ko sa kanya.

" Hindi. Pareho tayong pupunta doon, o-okay? Hindi ka pwedeng maiwan mag isa dito!! " humagulgol na ang babae...

" Kezya.. 'Wag ka ng m-makulit, alright? I-i'm staying h-here... "

" No, Nathan! I'm not going to leave you a-alone here! "

" Please... d-do this j-just for me? I-iwan mo na ako..    Kaya ko ang s-sarili ko... "

" Hindi. Please, Nathan. Hindi kita pwedeng iwan. "

" H-happy b-birthday, K-kezya. " nakangiting sabi ni Nathan atsaka dahan dahang bumitaw sa pagkakahawak sa pisngi ng babae at kasabay non ay ang dahan dahang pagsara ng kanyang mga mata...

" NO!!!!! NATHAAANNN!!! PLEASE, WAKE UP!!!!!! " Humagulgol na ang babae.

I hate this! Kung kanina ay hinihiling kong sana huwag aking magising sa panaginip na ito ay ngayon, sana magising na ako.

Mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa dati at sumisikip ang dibdib ko dahil doon.

Niyakap ng babae ang katawan ni Nathan na duguan...

Kasabay noon ay ang pagtunog ng sirena, batid kong mga pulis sila at ambulansiya.

Once again, i looked at them both. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko akalaing masasaksihan ko na naman ang pangyayaring ito.

Lumalabo na ang nakikita ko dahil sa mga luha sa mata ko na patuloy sa pagtulo.

" Please, wake me up... " mahinang pakiusap ko.

Ayoko na silang makita. Ayokong masaktan dahil dito. Ayokong nakikitang wala ng malay si Nathan... And this is all my fault. Kung hindi ako nagpumilit pumunta sa Ocean Park ay hindi ito mangyayari. Kung hindi ito nangyari ay sana buhay pa si Nathan, edi sana may makakasama pa ako...

*

" Nathaaaann!!!! " biglaang sigaw ko napaupo pa at naghabol nang hininga.

Nagpaulit ulit sa utak ko ang bangungot na iyon. Hindi ko akalaing sa tinagal na niyon ay magpapakita si Nathan sa'kin

Inilibot ko ang aking paningin ngunit madilim pa rin. Nasa kama pa rin ako, tumingin ako sa katabi ko at nakitang nakahiga at tulog si Alexa.

Bumaling ako sa bintana at wala akong nakita kung hindi ang mga bitwin sa langit.

" Kapag gabi, tumingin ka sa langit. "

" B-bakit? "

" Kapag nakita mo ang pinakamaliwanag at pinakamalaking bitwin, ako 'yon... "

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Nathan sa aking panaginip.

Tumingala ako sa langit at hinanap ang pinakamaliwanag at pinakamalaking bitwin...

Nang makita ko ito ay napangiti ako at kasabay noon ay ang  pagtulo ng mga luha ko.

" I miss you... " bulong ko sa langit.

Matagal kong tinitigan ang bitwin na 'yon. Kapag nakikita ko ito, naalala ko ang mga masasayang ala ala namin ni Nathan.

" Sana bumalik ka na pero alam kong malabong mangyari 'yon. A-alam kong nakikita mo ako ngayon kaya sana... kausapin mo ko. " pagmamakaawa ko.

Ngunit napangiti na lang ako nang biglang kuminang at lalong lumiwanag ang bitwin na 'yon...

Bumuntong hininga pa ako bago humiga at ipinikit ang mga mata.

" Hinding hindi kita kakalimutan, Nathan. Pangako. "

***

Tutoring the gangster
By: Heartedprincess21
TTG 21 end

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 53.4K 84
READ AT YOUR OWN RISK --Includes BAD WORDS AND HEAVY VIOLENCE-- An Action-Focused Story that you have never imagin...
574K 18.3K 64
Alyreme Gonzales will be living with her Auntie to study in Frankston University but she didn't expect that she will be living with a five guys who a...
85.5K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
376K 12.3K 57
[COMPLETED] ♡ HIGHEST RANK: Teenfiction: #99 Kilig: #1 Conyo: #1 Fantasy: #15 Cassanova: #1 Fanfic: #54 ♡ Date Started: March 3, 2016 ♡ PROLOGUE ISA...