PRINCESS POWER

Od AillexSkcy

109K 2K 72

Magicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities... Více

Reminders
Prologue:
Characters:
Chapter 1: Late As Always
Chapter 2: Red Key
Chapter 3: Gella at Academy
Chapter 4: Good she
It's not an UPDATE!!!
Chapter 5: Wakeful
Chapter 6: Training
Chapter 7: Group
Chapter 8: Dark Room
Chapter 9: Jewel the LOYAL
Chapter 10: Force
Chapter 11: Worried
Chapter 12: 2nd week of training
Chapter 13: The comeback
Chapter 14: Trainee
Chapter 15: Reaction
Chapter 16: Ultimate Crush
Chapter 17: Painting
Chapter 18: Abstract
Chapter 19: Sure
Chapter 20: Cousin
Chapter 21: I'm happy
Chapter 22: New Abstract
Chapter 23: Memory lost
Chapter 24: Happy Birthday
Chapter 25: Friendsary
Chapter 26: Ability Performance
Chapter 27: Escape
Chapter 28: I Just Want To Help
Chapter 29: Moonage Forest
Chapter 30: Hypnotize
Chapter 31: Twin Town
Chapter 32: Four Magus Place
Chapter 33: Just One Week
Chapter 34: Blue Moon to Green Moon
Chapter 35: Love is
Extra Chapter

Epilogue

2.8K 36 11
Od AillexSkcy

Epilogue

.
.
.
.

Third Person

"Razzel ang THE UNKNOWN." Napayuko ang hari sa sinabi ng asawa niya, napamangha naman ang lahat sa mga nagaganap. Ngunit ang hari ay hindi.

"Magsihanda kayo sa maaaring mangyari." Sambit ng hari sa mababang boses.

.
.
.
.
.

"Sandali, kailangan nating bumalik sa Phantasia." Napatigil sa paglalakad sina Jewel at Marmela sa sinabi ni Carnia sa kalagitnaan ng madaling araw.

Agad na tumakbo si Carnia pabalik sa Phantasia, sumunod na rin sina Jewel at Marmela kahit na hindi nila alam kung anu ang meron.

"Carnia bakit?"

"Ang THE UNKNOWN!" Sigaw ni Carnia sa dalawa. Nagtaka ang dalawa sa kinikilos ni Carnia.

"Carnia ang the unknown ay sign na ligtas na ang lahat!"

"No Jewel, kailangan muna nating bumalik sa Phantasia." Sumunod na lang ang dalawa dahil tila may mali sa mga nangyayari ayon sa kinikilos ni Carnia.

.
.
.
.

"Ice, Therrie takbo."

"Huh?"

"Takbo!"
Malakas na sigaw ni Ellie dahil sa nakita mula sa center ng Crankel at Dunneldia.
Tinulak ni Ellie si Ice at Therrie palayo sa lugar na iyon.

"Ellie!" Napalingon si Ellie ng may tumawag  sa pangalan niya. Suminyas si Lhux na tumakbo na palayo ng Center ng Crankel at Dunneldia.

"Jasper! Takbo na!" Sigaw ni Gell, pero nakatayo pa din at walang kibo si Jasper. Nakatitig siya sa center ng Crankel at Dunneldia kung saan nandodoon sina Eron at Demi na magkaharap.

.
.
.
.
.
.
.

Eron's POV

Napalayo ako kay Demi ng maramdam ang kakaibang aura na nagmumula sa kanya. Nagulat ako ng makita ang maliwanag na paligid na kanina ay madilim ngunit ngayon ay nakakasilaw ang liwanag na nasa harapan ko, ang mukha ni Demi ay hindi ko maaninag dahil sa sobrang liwanag.

"Eron." Sambit ni Demi.

"Eron!" Napalingon ako sa pagtawag sa pangalan ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses na iyon. Isang babae ang kumakaway sa di kalayuan, may kasama siya. Sinipat ko kung sino iyon, si Therrie na tumatakbo palayo. Nagtaka ako kung bakit sila tumatakbo.

"Eron." Napatingin ako kay Demi ng muli niyang banggitin ang pangalan ko.

"Please, huwag siya." Napakunot ako ng noo ng sambitin iyon ni Demi, tila may kausap siya sa kalagitnaan ng kung anung nangyayari.

Hinawakan ko ang kamay ni Demi sa mga sandaling iyon pero iniwas niyang mahawakan ko iyon.

"Eron." Ulit niyang sambit kaya nagtaka na ako kung anu ang nangyayari sa kanya. Lumapit ako sa kanya pero tinulak niya ako, sa pagkakatulak niya ay tumalsik ako ng sobrang layo. Napadapa ako ng tumalsik ako, nagulat ako ng makita ang paligid na unti unting nasisira at nawawasak ngunit hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari.

Demi's POV

Hindi ko makontrol ang sarili kong tulakin palayo si Eron kung saan ako nakatayo. May kakaibang umuutos sa akin na ibuka ko ang kamay ko at itapat sa kalangitan, nagdadalawang isip akong gawin iyon dahil tila mali ang nangyayari sa akin.

Kita ko ang lahat ng nangyayari sa buong Magicae Orbis kahit nandito ako sa lugar na hindi ko alam kung saan. Ang lahat ng estudyante ng Phantasia ay nagkakagulo at tumatakbo papasok ng Academy. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakagulo, napasimangot ako ng makita sina Gella at Ystaice na hirap makaalis sa puwesto nila.

Bakit sila tumatakbo? Anung meron?

"Bilisan niyo!" Nagulat ako ng makita si Carnia sa Academy na tumtulong sa ibang estudyante na nahihirapang makapasok ng Academy.

Anu ba ang meron at nagkakagulo silang lahat?

"Anung ginawa ko? Hindi maaari." Napatingin ako sa hindi kalayuan ng marinig ang boses na iyon, si Eron iyon na takot na takot sa nakikita niya.

Sino ba ang tinitingnan niya?

Napasimangot ako ng makitang tatakbo siya lumalayo sa akin, tila may something na nangyayari ngunit hindi ko alam kung anu iyon.

"Ellie and Ice bantayan niyo ang lahat ng estudyante sa kabilang building."

"Viana, okay lang ba ang lahat." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Queen Avreel.

"Your highness salamat po sa pagdating." Nakapagtataka anu ba talaga ang nangyayari, tila may digmaang magaganap sa mga postura ng mukha nila.

"Nasabihan ko na ang Reyna ng Magicum na bantayan ng ayos si Razzel dahil sa kalagayan niya."

Huh? Anung nangyari sa hari?"

"Mahirap ang kalagayan natin ngayon sa pagdating ng The Unknown. Hindi po natin napaghandaan ng ayos."

"Huwag mag aalala Viana nakahanda ang lahat sa maaaring mangyari."

Teka The Unknown, nabasa ko iyon. Kailangan kong tulungan sila sa pepwedeng gawin ng The Unknown.

Lumakad ako pero may humila sa akin pataas, napapikit ako ng mata ng maramdaman ang hangin ng kalawakan. Pagmulat ko nasa kalawakan na ako. Napatingin ako sa kamay ko ng biglang umilaw ang palad ko, nagulat ako ng may gumuhit dito. Isang logo ang gumuhit sa palad ko, isang bilog na may something sa gitna.

"Ahh!" Sigaw ko ng maramdaman ang sakit na nagmumula sa puso ko, napayuko ako at napayakap sa sarili dahil sa sobrang sakit.

"Ahhhh!" Muli kong sigaw ng may tila umuukit sa puso ko, napaluha ako sa mga sandaling iyon dahil sa sobrang sakit. Ramdam ko ang pamumula ng mata ko habang lumuluha ako, sa sobrang sakit ay napapahawak ako sa damit ko. Unti unti ko ng napupunit ang damit kong suot dahil sa sobrang sakit.

"Ahhhhh!" Patuloy ko pa ring pagsigaw dahil hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko at patuloy pa ring may umuukit.

.
.
.
.
.

Third Person

"Carnia sigurado ka bang hindi mapapahamak si Demi sa gagawin mo?"

"Jean kailangan ko ng lakas ng loob ng bawat isa para maging tagumpay ang gagawin ko."

"Hawakan niyo ang kamay ng bawat isa!" Sigaw ni Viana ng suminyas si Jean na magsisimula na.

"Sorry Demi pero kailangan naming pigilan ang paglabas ng kung anung meron diyan sa puso mo."

Sambit ni Ellie sa isip habang hawak hawak ang kamay ni Ystaice. Halata naman sa mukha ni Ystaice ang pag aalala dahil sa gagawin nila.

"Sorry Demi, ito lang ang alam naming paraan para hindi mapahamak ang lahat."

"Phantasian ilabas niyo ang lahat ng aura niyo ngayon din!" Sambit ni Carnia.

Ang lahat ng estudyante ng Phantasia gayundin ang mga professor, ang reyna ng Darvil at sina Jewel at Marmela ay agad na sumunod sa sinabi ni Carnia.

Pasensya na Demi, ang kapangyarihang taglay mo ay dapat naming pigilan. Mali ang akala kong ang The Unknown ay isa lang sa pinamalakas na kapangyarihan pero ibang iba pala ito kapag nakita na in person. Tatlong sign ang nagpapahiwatig na kailangan naming burahin at sirain ang nagsisimula ng umukit sa puso at magkabila mong palad. Una ang sobrang liwanag, pangalawa ang unti unting pagsira sa paligid at ang pangatlo ang papalit ng kulay ng bawat gem sa buong Phantasia.

Ang The Unknown ay isinulat ko matapos kong ipanganak si Carly, dalawa ang kaya nitong gawin. Ang magligtas sa buong Magicae at ang sumira sa buong Magicae.

.
.
.
.
.
.

Demi's POV

May isang liwanag na papalapit sa aking kinatatayuan, iba't iba ang kulay nito. Pero napalingon ako sa likuran ko ng mapansin ang isa ding liwanag na sa pagkakaalam ko ay nagmula sa Fulgener Kingdom dahil sa direksyon nito, sumunod ang Aegreo, Icetylai, Elfae, Pyrogon, Aqualux at ang isa naman ay sa aking kaharian ang Magicum.

Anung meron?

"Ahhh!" Napasigaw muli ako ng sumakit ang kabilang palad ko, katulad kanina may umuukit dito na katulad sa kabilang palad ko. Muli akong napaluha dahil mas masakit ang nararamdaman ko ngayon kaysa kanina, nasa himpapawid pa rin ako sa mga sandaling iyon. At hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko.

Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng palad ko, ang kaninang light color ay nagiging dark color na. Wala pa rin akong kaalam alam sa mga nangyayari. Pumikit ako at nag isip.

Kung anuman po ang nangyayari, sana malaman ko man lang para makatulong ako.

"Sorry Demi we need to capture your power." Napamulat ako ng mata ng marinig ko iyon.

"You have The Unknown power Demi, pero ibang kapangyarihan ang nananalaytay sa katawan mo. Delikado ito at kayang pumatay ng kahit sino, kahit hindi mo gawin mangyayari at mangyayari lang ng kusa."

Napasmile ako at napasimagot sa mga narinig ko.

Kapangyarihang matagal kong hinintay kung kailan lalabas sa akin, kapangyarihang matagal kong pinag aralan kung anung dapat kong gawin ay ang kapapangyarihan ding magwawala at sisira sa buong paligid na kinamulatan ko buong buhay ko.

Muli akong napaluha hindi dahil sa patuloy na pag ukit at sakit sa palad ko kundi dahil sa nalaman kong gagawin nila sa kung anung meron ako.

"Hindi mahalaga ang kapangyarihang taglay ko Prinsesa, ang mahalaga ay ang mga taong nagmamahal sa akin at sa mga taong minamahal ko."

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Gella bago ako pumunta sa birthday party ko. Iyon ang huling dialogue na narinig ko mula kay Gella.

"Madaling palitan ang kapangyarihan o bagay na meron ka ngayon, pero ang pamilya at kaibigang nabuo ay hindi mo basta basta kayang palitan."

Patuloy ako sa pag iyak sa mga sandaling iyon na sumasagi sa aking isipan ang lahat mga alaalang aking naranasan kasama ang mga kaibigan ko.

Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan na makapasok sa aking katawan ang mga liwanag na nagmula sa bawat Kingdom ng Magicae Orbis.

.
.
.
.
.
.
.

Third Person

After 2 months

Ang lahat ay nagpapahinga sa paglipas ng oras. Hindi pa man ganoon kaayos ang paligid na nasira noong gabing iyon ay nagpahinga na ang lahat dahil sa pagod.

Ang magkakapatid na Grey ay lumipat na sa Fulgener Kingdom upang doon manirahan, si Princess Lliyah ay hindi na bumalik sa Phantasia upang mag aral dahil sa paninilbihan niya bilang papalit sa trono ng kanyang magulang. Hinayaan na siya ng magulang niyang  maging responsable sa mga gawain bilang papalit na Reyna.

"Queen Lliyah hindi po ba kayo mag aasawa?" Tanong ng isang bata sa Reyna.

"Wala akong balak na talikuran ang responsibilidad ko bilang Reyna."

"Ayaw niyo po ba ng katuwang sa pamamalakad sa lugar natin."

"Genevieve bata pa ako para mag asawa, tsaka mas maganda kung iisa lang ang mamamalakad diba?"

"Hindi po mas maganda po kayo. Hahahaha." Napangiti ang Reyna sa mga batang nakapalibot sa kanya.

.
.
.
.
.

Sa kabilang panig ng Magicae ay ang masayang celebration ng Aegreo Kingdom kung saan ang pagiging apprentice ni Therrie at Cenver ay mas napataas pa dahil sa mga nagawa nila sa Phantasia.

Gayundin ang iba pang kaharian, maliban sa Magicum. Dahil sa pagkamatay ni King Razzel, walang kaalam alam si Demi sa mga nangyayari dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising matapos maubos ang lahat ng lakas niya noong gabing iyon. Naging matagumpay sila sa pagtanggal ng tattoo ng Prinsesa sa puso at palad noong gabing iyon, kaya hindi masyadong nasira ang four magus place na kinaroroonan ng Prinsesa ng gabing iyon.
Naapektuhan ang Phnatasia dahil sa pagpapalit kulay ng bawat gem sa buong Phantasia na sumira sa mga establisyimentong nakatayo.

"Condolence po your highness." Sambit ni Jean sa Reyna na patuloy sa pag iyak habang sinusunog ang katawan ng Hari.

"Mystique ikaw na ang magdesisyon kung gagawin ba natin ito kay Demi."

"Ikaw na ang bahala sa lahat."

Patuloy na sumasagi sa isip ng Reyna ang mga huling salitang sinabi ng Hari.

"Gising na ba siya?"

"Hindi pa rin po your highness."

"Huwag niyo muna ipaalam sa kanya ang lahat."

"Hayaan ninyong ako na ang magsabi sa kanya ng buong istorya, pero huwag muna ngayon."

.
.
.
.

"Iyan na ba ang lahat ng abstract ni Demi?" Tanong ni Jewel kay Gella.

"Opo ito na po lahat."

"Kamangha mangha, lahat ng nakaguhit dito ay siyang nangyari na at mangyayari pa lamang."

"Alin ang latest na ginawa ng prinsesa?"

"Ito po." Sabay turo sa isang tissue na may nakaguhit na isang babaeng nakahiga at nakapikit sa madilim na lugar.

"Nangyari na ito noong gabing nakita natin siya na nakahandusay sa malawak na damuhan kung saan nagawa nating pigilan ang paguukit ng The Unknown sa puso at palad niya."

"Kailan po ba siya magigising?"

"Gella hinahanap ka ng Prinsesa." Napalingon ang lahat ng dumating si Ystaice at hingal na sinabi ang lahat ng iyon.

Agad ding tumayo si Gella at sumama kay Ystaice.


.
.
.
.
.

"Gella nasaan ang kapares ng sapatos ko?" Galit na sambit ng Prinsesa, nagulat naman si Gella sa pagsalubong sa kanya ng Prinsesa.

"Your higness naiwan niyo po...

"Diba ang sabi ko sayo Demi ang itawag mo sa akin!" Sunod na sigaw ng Prinsesa kay Gella habang nasa likod naman ni Gella si Ystaice at si Ellie na nasa tabi ng Prinsesa.

"Sorry po."

"Kailangan mo talagang isigaw?" Tanong ni Ellie sa Prinsesa.

"Pakialam mo, e gusto ko." Mataray na sambit ng Prinsesa.

"Agang aga nag aaway kayo!" Napalingon ang lahat ng dumating si Eron na nakacross arm.

Lumapit si Eron kay Demi at agad na pinabangon.

"Hanggang kailan ka ba magtataray ha?"

"Pwede ba huwag kang makisawsaw, tinatry ko lang naman kung ganoon pa rin ang reaksyon ni Gella tuwing sinisigawan ko siya."

"Hayy kayo talaga, umayos nga kayo. Ang tatanda niyo na para mag away away, ikaw Demi pwede ba tigilan mo na yang pag iinarte mo hindi bagay sayo. Hahaha."

"Haist ewan ko sa inyo, makatulog na nga lang ulit." Sambit ng Prinsesa sabay taklob ng kumot sa buong katawan niya.


.
.
.
.
.
.

Hindi man naging malinaw kay Demi ang mga nangyari sa kanya, alam ng lahat na naaalala niya pa rin ang nangyari noong gabing iyon. Hindi niya lang pinapahalata dahil ayaw niyang mag alala ang lahat sa kanya, kaya mas minabuti niya na lang na kalimutan at magsimulang muli kahit na masakit sa loob niya ang mawala ang matagal na niyang inaasahan na dumating sa kanya.

Hanggang sa huli ay wala pa ring kapangyarihang nailalabas ang Prinsesa para sa kanya, pero para sa lahat mas makabubuti kong mapapanatiling walang lumabas na kapangyarihan mula sa kanya dahil ikapapahamak ng lahat ang natutulog niyang kapangyarihan. Pinigilan man ng kapangyarihan ng bawat isa ang paglabas ng The Unknown, pero inaasahan pa rin nila ang pagdating ng araw na muli itong magising, dahil posible iyong maulit. Ang natatanging kayang gawin ng Prinsesa ay ang abstract na kayang magpredict ng mga mangyayari sa susunod na araw.

Iyon na lamang ang naging batayan nila na siya talaga ang tagapagmana ng korona bilang Reyna ng Magicum.



.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


A/N:

Kung nabitin man kayo ayos lang sa akin, dahil mas gusto kong kayo ang magbigay wakas sa istoryang ginawa ko. We have different opinion and thought when it comes to ending, kaya binibigyan ko kayo ng chance kung anu ang gusto ninyong wakas.

Tulad ng sinabi ko sa pangalawa sa huling paragraph ng istorya maaaring maulit ang lahat ng nangyari.










Reminder:

May extra chapter pong mangyayari pero matatagalan lang ng kaunti.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
44K 2K 37
Highest Current Rank: #1 in Greeks and Greekmythology #6 in Olympians #3 in Fantasy, Adventure, and Abilities Mababa, mahina, bobo. Yan ang laging s...
92.2K 2.4K 51
A complete story Marrying a man that you didn't love? Would you accept him? Me? No, that's why I leave my own kingdom and live with a normal life. Wi...
46K 1.1K 56
"Once you enter, you can never turn back."