The New Mafia Empress [COMPLE...

By missingshippy

818K 20.3K 3.1K

Ziana and Zavier ... PHOTOS AND RESOURCES CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER Photos and resources used for the bc... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
MORE STORIES
Trídyma: The Triplets Heiresses

CHAPTER 33

15.1K 372 25
By missingshippy

Ziana's POV

"Zavier, call someone to ready fvcking speed boats and helicopters as much as they can." utos ko kay Zavier habang nagmamaneho.

Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa niya at may d-in-ial na kung sino.

Ang iba naman sa kanila ay tahimik lang at namumutla pero hindi sila nag rereklamo kahit sobrang bilis ng pagmamaneho ko.

Hang on Hazielle, Mommy's coming. I will surely make Jasmine pay for what she have done to you and to your siblings. Ito ang bagay na hinding-hindi ko mapapalagpas.

"Mommy, is Hazielle fine?" Hera asked.

Medyo naging okay na siya ngayon kaysa kanina na sobra siyang nanginginig sa takot.

Laking pasalamat ko at parang wala lang sa kanila ni Hero ang pagmamaneho ko. Though, I can sense that they are still traumatized by what happened.

Walang bakas ng takot sa mga mukha nila at nanatiling kalmado. Hindi katulad ng mga kaibigan ko.

Sa ilang taon nilang pagiging gangster, pagmamaneho ko lang ang makakapag alis ng kulay sa mga mukha nila. Napailing na lang ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagbabago.

"Hazielle's fine. We're going to get her." sagot ko naman.

Hangga't maaari, gusto kong pagaanin ang loob nila.

"But Mommy, why am I nervous? Kanina pa po ako kinakabahan habang iniisip ang lagay ni Hazielle." nag aalalang sabi ni Hera.

"You feel it too?" agad na singit ni Hero.

Kumunot ang noo ko. Parang may pinag-uusapan silang, sila lang ang nakakaintindi.

"Yes. I just hope she's fine. I am thinking she's fine but my heart feels that something's wrong." sagot ni Hera.

"That's what I am feeling too..." dagdag ni Hero.

Wala man akong ideya sa pinag-uusapan nila, binilisan ko ang pagmamaneho dahil sa narinig. It's maybe a feeling that only three of them can feel.

But as a mother, hindi rin maganda ang pakiramdam ko.

"Nakahanda na ang 10 speedboats at 5 helicopters para sa paghahanap." Zavier said.

Tinanguan ko siya at tinutok ang buong atensyon sa pagmamaneho.

Nang makarating, p-in-ark ko na lang sa kung saan ang van at agad na lumabas. Agad akong nagtungo sa isa sa mga speedboats na nandoon at nagsuot ng life vest.

"I'll go to one of the helicopters to report." sigaw ni Alex mula sa helicopter.

Tinanguan ko siya, at sinuot ulit ang ear piece.

Tinabihan ako ni Zavier na agad na nagsuot ng life vest. Siya na rin ang nag start ng speedboat at pinaandar iyon. Good that he knows how this thing works. We're on a hurry.

"Where's Hero and Hera?" I asked.

"They're with Steph, Charlene, Tyler and Clyde. Nagpaiwan sila para may magbabantay sa mga bata." tumango naman ako.

Nakita ko ang iba't ibang speedboats na humarurot papunta sa iba't ibang direksiyon at ang ilan doon ay ang mga kaibigan kong tumulong sa paghahanap.

Agad ring nagkalat kung saan ang helicopters para mapabilis ang paghahanap.

I am really grateful that they're doing their best to help us save my kids. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila para tulungan ako.

Akala ko dati, kaya ko ang lahat nang mag isa. Ngayon ko napatunayan na mas lumalakas pala sa pakiramdam kapag alam kong hindi ako nag iisa sa laban na 'to. I have them. I have my friends.

And I have Zavier, my husband...

"Oh my God! Ziana and Zavier, you need to hurry!" agad akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita ni Alex.

"Why?" si Zavier ang sumagot.

Kinakabahang nakikinig lamang ako sa susunod niyang sasabihin.

Please be safe, baby...

"Nakahawak lang sa isang bagay si Hazielle kaya nananatili siyang nakalutang. At sa nakikita ko ngayon, nanginginig na ang kamay niya at sobrang putla ng balat niya. Anytime bibitaw na siya! Wala siyang suot na life vest!" Alex said.

"Where to?!" kinakabahang tanong ni Zavier.

"Zavier on your left. Kayo ang pinakamalapit sa kaniya." saad ni James.

Agad namang tinahak ni Zavier ang kaliwang parte ng malawak na dagat na 'to.

Maya maya ay may palutang-lutang na bulto ng bata kaming nakita. Agad kong namataang si Hazielle iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting nag slide ang kamay niya sa hinahawakan at unti-unti ring lumulubog ang katawan niya.

No!

"No! Hazielle, hold on!" sigaw ko.

Nang tuluyan na siyang bumitaw, kusa ring tumulo ang mga luha ko. Lulusong na sana ako sa dagat nang pigilan ni Zavier ang braso ko. Agad itinigil ni Zavier ang speedboat at walang sabi-sabing tumalon sa tubig at sumisisid pailalim.

After a minute, umahon siya para sumagap ng hangin. Agad rin siyang sumisid ulit.

Sa pangalawang pag-ahon niya, bitbit niya na ang walang malay na katawan ni Hazielle at agad na inilagay sa speedboat. Mangiyak-ngiyak kong nilapitan ang walang malay na katawan ni Hazielle.

Agad ko namang kinuha sa kaniya si Hazielle at sumunod naman siyang sumakay sa speedboat at pinaharurot iyon pabalik.

"No, no. Hazielle, we're here now. Open your eyes baby." nagsusumamo kong sabi habang hinahaplos ang pisngi niya. "Zav! She's not breathing! Zav, our daughter!" itinigil niya sandali ang speedboat at binalingan kami.

Agad siyang lumapit kay Hazielle at binigyan ng hangin si Hazielle habang may nakalagay ang kamay niya sa may bandang dibdib ng anak ko at itinutulak iyon.

Hindi ako makapag isip nang kung ano. Naging blanko ang utak ko habang nakatingin sa walang malay na katawan ng anak ko. I can't lose my daughter.

God please, not her... not my baby!

"Breathe, baby. Breathe, damn it!" he said frustratedly while trying to do CPR.

"Hazielle, please." hinawakan ko ang kamay ng anak ko at inilapit iyon sa mukha ko.

Ang lamig lamig ng kamay niya. Kumulubot na rin ang balat niya sa kamay dahil sa tagal nitong nakababad sa tubig.

Agad akong nabuhayan ng loob nang umubo siya at may tubig na lumabas sa bibig niya.

She still remained unconscious but she's breathing already. Agad kong niyakap ang katawan niya.

Pinalibutan naman kami ni Zavier ng isang tuwalya saka niya pinaandar ang speedboat pabalik.

Kita namin sa dalampasigan na nakabalik na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Agad na isinakay sa stretcher ang katawan ng anak ko para isakay sa ambulansya.

"Mommy!" nabaling ang atensyon ko kay Hera na lumapit sa akin.

"How's Hazielle, Mom?" agad na tanong ni Hero.

"She's fine now but she needs to be check by the doctor." si Zavier ang sumagot sa tanong ni Hero dahil nanatili akong tahimik.

Lumapit sakin si Hero at niyakap ako, ganoon din ang ginawa ni Hera.

"She's fine now, Mom. Don't worry." Hera said.

Niyakap ko sila pabalik at hindi nagsalita.

"Come on, we need to go the hospital." yaya ni Zavier at agad akong inalalayang tumayo.

Nakahawak naman sa dalawa kong kamay si Hero at Hera habang pasakay kami ng van.

Nandoon na rin sa loob sila Alex at naghihintay. Sasama raw sila sa hospital para tignan ang lagay ni Hera.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Katabi ko si Zavier habang nasa gilid niya si Hera at nasa gilid ko naman si Hero. Nandito kami sa pinakalikod.

Hinawakan ni Zavier ang kamay ko at pinisil iyon kaya napatingin ako sa kaniya.

"She's gonna be fine. Ang importante, nahanap na natin siya at ligtas na silang tatlo ngayon." aniya at nginitian ako.

Isinandal ko lamang sa balikat niya ang ulo ko.

Yumakap sa bewang ko si Hero at agad akong napangiti dahil kahit hindi niya sabihin, alam kong sinusubukan niya pagaanin ang loob ko.

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap pabalik.

...

Continue Reading

You'll Also Like

71.2K 1.3K 54
Sabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayaba...
144K 3.5K 42
Akala niyo siguro na masarap na nag-iisang anak na babae noh? Yung feeling mo prinsesa ka sa bahay. Hindi niyo lang alam na mahirap maging nag-iisang...
130K 5.2K 57
(COMPLETED) √Ms.Makulit Na Misteryoso Meet Mr.Masungit Book 1 Babaeng masekreto pero mapagmahal at handang magsakripisyo para sa mahal nya. Ang inaa...
562K 13.3K 73
A gangster princess who fall inlove and fight that love... A gangster princess who love her friends and family. A gangster princess that can do every...