BOOK I : AMILEAH......Ang Gua...

By sassytere

16.9K 300 67

Ang sarap sa pakiramdam pag nalaman mo na meron kang guardian angel na laging naka alalay at nagbabantay sayo... More

I - AMILEAH......
II - Si Caseopea
III-PARAISO-MUNDO
IV-DAVE
V-I'M COMING!!!
VI-AMILEAH SA LUPA
VII- BILANG ISANG TAO
VIII- DITO MUNA AKO
IX- PAG-IBIG
X-PAHIWATIG!
XI- ANG PANGANIB!
XII- ANG PAGPILI NI AMILEAH
XIV-ANG SIMULA NG ENDING
ANG HAPI ENDING

XIII-PAALAM DAVE :(

869 14 5
By sassytere

-DAVE-

anong nangyari sa kapatid ko!

kita sa mga mata ng nurse ang di maipaliwanag na pagkabigla!

baket?!

napakabilis ng mga paa ko patakbong pinuntahan ang ICU

" a-aray ko nman, Dave dahan dahan nman! " - Amileah

uu nga pala hawak ko si Amileah, di ko na napansing nakaladkad ko na pala siya,

kumakabog ang dibdib kong binuksan ang pinto!

" Hi! KUYA!  hello ATE Amileah " - Tasha

" T-tasha! ano nang -- panu nangyari ? "

" Dave hindi rin namin maipaliwanag ang nangyari sa kapatid mo, kanina nang balikan namin siya

gising na siya, nang muli naming i check ang vital signs niya, normal na lahat! " - Doctor

" Talaga po! pero doc panu po nangyari yun? "

" isang milagro DAVE, yun lang ang masasabi ko "

tinapik ng doctor ang balikat ko at lumabas na ng kwarto,

sinabihan na ako ng nurse na ililipat na sa private room si Tasha, at anyday pag re confirm sa lahat

ng test na ok na talaga ang kondisyon ni niya eh pwede na itong umuwi,

hindi ako makapagsalita sa nangyari, napatingin ako kay Amileah,

nakangiti na ito ng napakaganda!

milagro nga ba talaga?

nang mailipat na namin sa isang private room si TAsha,

para lang itong nagdahilan, parang walang nangyaring sa kanya, hindi pa rin ako makapaniwala

 kanina lang nakita ko mismo halos na wala ng buhay ang kapatid ko,

pero eto na siya ngayon, napakasigla na ulit

" Kuya! na miss mo ba ako hihihihi! " - Tasha

ginulo ko ang kanyang buhok  " tinakot mo si kuya ah! wag mo naulit gagawin yun ah "

" bakit po kuya? ano po bang nangyari sa akin?

, ay kuya si Ate Am po nakita ko habang natutulog ako " - Tasha

" Talaga! nakita mo ako! " - Amileah

" opoh, may pakpak ka po at napakaganda nyo po, inihatid nyo po ako sa may gate

palabas ng bahay nyo ^_^ " - Tasha

napatingin ako kay Tasha at  kay Amileah na masayang naguusap!

after 2 days....

pinayagan ng makalabas ng ospital si Tasha,

kundi lang sa mga sugat at galos sa katawan nito, hindi mo iisiping naaksidente siya

napakasigla......

buti na lang at naaprobahan agad agad ang emergency leave ko, kaya maalagaan ko pa siyang

mabuti

" hello house, nandito na ako! hello garden nandito na ako !! " -Tasha

" Tasha talaga "

**sigh

huh! si Amileah narinig kong nagbuntung hininga

hinawakan ko ang kanyang kamay  " Am ok ka lang ba ? "

isang napakagandang ngiti ang isinagot niya,

pero bakit ang tingin ko sa kanya malabo,,,kinusot ko ang mata ko

baka dahil lang sa puyat, nang idilat ko ulit  ang mata ko at tingnan siya may kung anong liwanag

akong nakita sa kanyang ulo, isang parang hugis bilog  na liwanag

???

!!!!

kinagabihan....

maagang nakatulog si Tasha, nag maihatid ko na siya sa kanyang kwarto

biglang hinanap ng mata ko si Amileah, bakit ba hindi ko matagalan pag di ko siya nakikita,

pumunta ako sa kwarto niya, kumatok ako pero walang sumagot

kya binuksan ko ng bahagya ang pinto at sinilip ko kung nasa loob siya,

wala!

 wala siya sa kanyang kawarto!

bumaba ako ng hagdan,

nakita ko mula sa glass wall, nasa labas siya nkaupo at nakatingala,

nakatingin na nman siya sa kalangitan,,,

" Am, magpahinga ka na, alam ko napagod ka rin dahil sa nangyari "

" hindi ako napapagod, ang kagaya ko hindi marunong mapagod " - amileah

ano na nman bang sinasabi nitong babaeng to,

"Am salamat at nandito ka, nandito ka sa tabi ko, salamat at dumating ka sa buhay ko "

" Dave "

tumingin ako sa langit saka huminga muna ng malalim,

tama, sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko,

" Am "

" uh "

" dito ka nalang sa tabi ko, nasanay na akong lagi kitang kasama, at lagi kitang nakikitang

nadadapa "

" ha! "

" hindi biro lang, eh kasi Am "

" ano? ano bang sasabihin mo sakin DAVE, kung meron man maari ko na bang marinig ngayon? "

" Am, ewan ko kasi kung panu, pero kasi Am ano eh "

" Dave baka bago sumikat ang araw bukas, nakabalik na ako sa paraiso " - Amileah

napatingin ako sa kanya,ngayon ko lang siya narinig na seryosong magsalita,

" ano bang sinasabi mo? "

" pinapabalik na ako ni BATHALA sa aming tahanan, "

yumuko siya pagkatapos niyang sabihin yun,

" Am eto ha, sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan ka nanggaling,

kasi ayaw talagang sumaksak sa utak ko mga pinagsasabi mo eh, "

" matagal tagal ka na rin naming kasama ni Tasha, pero lang kita tatanungin pero sana lang

ha sumagot ka ng makatotohanan hindi yung puro out of this world ang mga sagot mo "

" ano ba yun? " -Amileah

" sino ka ba talaga Amileah ? " tanong ko sa kanya

" hindi ka pa rin pala naniniwala na isa nga talaga akong anghel " - Amileah

" isang anghel na pinahintulutan ni Bathalang makaramdam ng pag-ibig sa isang taga lupa "

huh! pag-ibig sa tagalupa?!

" tama Dave, hindi ko alam kung paano nangyaring ang isang tulad ko ay makaramdam ng

kakaibang damdamin para sa isang mortal na tulad mo,

naguguluhan ako hindi ko batid kung lahat ba ng

kauri ko ay ganito ang nararamdaman sa tuwinang sila'y nananaog sa daigdig,

oh dahil sa ngayon  lang ako nakaranas na makapanaog ng daigdig at ngayon lang ako

nakasalamuha ng mortal kaya ganito ang nararamdaman ko " - Amileah

" magkagayun man, bakit ganito kasidhi ang nararamdaman kong kaligayahan sa tuwinang

ika'y nakikita ko, at nakakaramdam ako ng labis na pighati at kalungkutan pag di kita nasisilayan "

- Amileah

ang saya ko na halos pati tenga ko pumalakpak sa sinabi ni Amileah,

pero nakakalito lang din kasi di ko talaga kayang paniwalaang isa nga talaga siyang anghel?

naloko na!

biglang  may kung liwanag ang lumabas, teka galing sa kwarto ko yun ah!

" oras na ng pagbalik ko sa paraiso Dave " - Amileah

"HA! "

mas lalong tumindi ang liwanag, nakakasilaw na liwanag!

 patakbo kong pinuntaha ang kwarto ko para malaman kung saan galing yung liwanag,

sa ilalim ng kama!

nanginginig pa ang kamay ko ng iangat ko ang bed sheet na,

nagmumula ang liwanang sa isang box,

yun yung box na pinaglalagyan ko ng mga napupulot kong piraso ng balahibo mula sa

pinagbabagsakan ni Amileah,

at kahit na natatakot ako, dahan dahan kong hinila yun palabas,

kinuha ko yun at saka ako bumalik kay Amileah

"Amileah! Amileah tingnan mo oh! "

tiningnan niya ang kahon, tingin na sobrang lungkot :(

 tumayo si Amileah nang buksan ko na ang kahon,

shock na shock ako ng biglang gumalaw ang mga balahibo!

nandidilat ang mga mata kong sinundan ng magsimulang umangat ang ito,

papunta lahat kay Amileah

anong bang kababalaghan to!

ano bang nangyayari kay amileah?!

!!!!!

O_0

:0

ang mga balahibo! tila nagiging isang malaking pakpak!

nang maubos na lahat ng balahibo sa kahon, tiningnan kong muli si Amileah,

pero di ko siya makita dahil sa sobrang liwanag na bumabalot sa kanya

i-isa siyang anghel!

ISANG ANGHEL SI AMILEAH!!!!!!

"AMILEAH! "

"AMILEAH! "

sigaw ko sa kanya pero mukhang di na niya ako naririnig!

" paalam na Dave, pakatandaan mo hinding hindi ako mawawala kailanman,

maaring maglalaho ako sa alaala mo ngunit mananatili ako sa puso mo " -Amileah

"AMILEAH WAG KANG UMALIS MAHAL NA MAHAL KITA!!!! "

" AMILEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! "

" hindi ko maaring baguhin ang kasunduan namin ni Bathala, pakaingatan mo at pakamahalin si

Tasha, sapagkat sa kanya mananatili ang aking mga alaala " -Amileah

" HIND! WAG AMILEAH! MAHAL NA MAHAL KITA! WAG KANG UMALIS! "

sumablit kahit anong pakisusap ko, unti unti na niyang iginalaw ang kanyang mga pakpak

umangat na siya sa lupa, palayo sa akin ----

palayo ng palayo.......

" pinakamamahal kita Dave! " - Amileah

lumapit muna siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo,

yun ang huling sinabi niya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko!

ipinikit ko ang mga mata ko,

mahal na mahal kita!

Amileah!

**********                *********************

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 326 16
Bukod sa apat na uri ng nilalang na namumuhay sa mundo ng apat na mandirigma na kinabibilangan ng mga salamangkero,samurai,ninja at mangkukulam ay ma...
207K 2.6K 14
Now on online manga adaptation! Visit zenkomiks.com Isa akong horror at mystery writer at sa propesyong ito, mas lalong dumidiin ang kuryusidad ko pa...
27K 722 10
[COMPLETED] [w/ special chapter] [Exo-K Suho Fan Fic] [Short Story] [Tagalog] When He lost his memory is LOVE enough to get it back? Credits: Book C...
125K 1.6K 7
Meet Ayesa,isang ordinaryong college student. Matagal na din siyang nag-iisip tungkol sa isang lalaki na kumakausap sa kaniya tuwing gabi. Hindi niya...