Enchanted Academy (Book 2)

By JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 10

1.9K 64 4
By JoshuaLeeStories


KANIKA’S POV

KANINA habang nagsasalita si Prosfera ay hindi ko mapigilan ang galit na aking nararamdaman. Kung wala lang siguro ako sa katinuan, baka sinugod ko na siya doon sa unahan. Bahala na kung ano ang mangyari. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakita mo na ang dahilan kung bakit wala ka nang magulang. Parang gusto mo na rin siyang patayin. Pero hindi. Hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Kailangan ko pang maghintay. Hindi ko sasayangin ang effort ng mga Ligero para lang makapasok ako dito sa Enchanted Academy upang malinang ko nang husto ang aking kapangyarihan.

Sa ngayon ay naglalakad na kami nina Jareth at kasama namin si Cyrus papunta sa aming magiging silid dito sa Enchanted Academy.

Si Cyrus nga pala iyong bago kong kaibigan. Kanina kasi habang hinihintay ko si Jareth sa may labas ng palikuran ay may bigla na lang humablot sa bago ko. E, nandoon lahat ng gamit ko. Hinabol ko iyong lalaking iyon. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Cyrus sa paghabol sa magnanakaw. At naabutan naman niya. Nabawi namin iyong bag ko. Ang sabi niya, wala pa siyang kaibigan dito sa Enchanted Academy kaya naman nagprisinta na ako na maging kaibigan niya. Tapos, sakto pa na magkasama pa kami sa iisang silid.

Pero sa totoo lang, hindi ko gusto itong set up na ito. Iyong magkakasama kami sa iisang silid. Nang dahil kasi sa set up na iyon ay kailangan kong mas ingatan ang aking pagpapanggap. Mabuti sana kung si Jareth lang ang kasama ko at walang problema. Pero sa pagkakaalam ko, limang estudyante sa iisang kwarto. At dahil lalaki ang pagkakaalam nila sa akin, apat na lalaki ang makakasama ko. Ibig sabihin ay may dalawa pa akong hindi nakikilala. Sana naman ay katulad lang din sila nina Jareth at Cyrus na mababait.

“Nandito na pala tayo!” ani Cyrus.

Sabay-sabay kaming huminto sa isang pinto sa dormitoryo na may nakalagay na number eight.

“Teka, wala pala tayong susi. Paano nating iyan bubuksan?” tanong ko.

“Hindi na kailangan. Alam ko kung paano ito buksan,” sagot ni Cyrus.

Itinapat niya ang kanyang kamay sa pinto at umilaw iyon. Pagpihit niya ng door knob ay nakabukas na iyon.

“Wow! Magic-- ang ibig kong sabihin ay… ang galing!”

“Tayong lima lang na nagkaroon ng numerong walo ang makakapagbukas ng pintong ito.” Tuluyan nang binuksan ni Cyrus ang pinto at pumasok na kaming tatlo.

“Paano mo nalaman?” usisa ko.

“Hula ko lang naman.”

Napa-wow na naman ako pagkapasok ko sa loob ng aming kwarto. Meron limang kama na kasya lang ang isang tao. Meron ding mahabang lamesa na may limang upuan. Pwede siyang kainan o hindi kaya ay study table. May limang kabinet din at merong isang palikuran. Ayos naman pala. Mukhang magiging kumportable kaminglahat dito. Hindi naman siya ganoon kaliit. Bahagyang malamig din ang silid kahit wala namang electric fan o air con. Parang ginamitan ng magic ang temperatura ng silid na ito. Magaling!

Inayos na namin ang kanya-kanya naming mga gamit sa kabinet. Pinili ko iyong nasa gitna. Habang inilalagay ko ang mga damit ko doon ay nagpunta ng palikuran si Cyrus. Sinulyapan ko si Jareth na abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa kabinet na katabi ko lang.

Sinitsitan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Kanina ko pa kasi nahahalata na parang galit siya. Ewan ko lang kung tama ba ako ng pag-oobserba sa kanya pero iyon ang nakikita ko.

“Hoy! Jareth!” tawag ko na sa kanya.

Lumingon siya. “Bakit?” malamig niyang tugon.

“Bakit parang galit ka? May nangyari ba? Kanina pa nakabusangot 'yang mukha mo, e.”

“Wala ito. Huwag mo na lamang akong pansinin. Marahil ay pagod lang ako.”

“'Sus! Ikaw? Mapapagod? Imposible! E, palagi ka kayang puno ng energy!”

Huminto siya sa ginagawa. “Ako ay nababahala lamang tungkol sa iyo. May makakasama pala tayong iba sa isang silid. Kailangan mong ingatan na huwag nilang malaman ang tunay mong pagkatao. Alam mo na naman siguro ang mangyayari kapag nangyari iyon, 'di ba?”

Tumango ako. “Oo. Kamatayan… Gaya ng sinabi ng bruhang si Prosfera kanina!”

“'Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa iyo. Hindi lang kilos ang dapat mong pag-ingatan kundi pati na ang iyong pananalita.”

“Alam ko iyon. Mag-iingat ako. Huwag kang mag-alala.”

Tumigil lang kami ni Jareth sa pag-uusap nang lumabas na si Cyrus ng palikuran. Sinimulan na rin niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Pagkatapos namin sa aming ginagawa ay namili naman kami ng aming higaan. Pinili ko iyong sa gitna tapos sa kaliwa ko si Jareth at sa kanan ko si Cyrus. Pinapagitnaan na naman nila ako katulad ng pwesto ng aming mga kabinet.

Kumportable naman iyong kama. Malambot pati na iyong mga unan. Siguradong magiging masarap lagi ang tulog ko dito gabi-gabi.

“Nasaan na kaya iyong dalawa pa nating makakasama, 'no?” Maya maya ay biglang tanong ni Cyrus.

“Sana naman mababait sila…” sabi ko.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng silid. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng salamin sa mata ang pumasok. Nagbabasa siya ng aklat habang naglalakad at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. Para bang hangin lang kami na hindi niya nakikita. Dire-diretso siya sa bakanteng kama sa dulo na malapit sa bintana. Ibinagsak niya doon ang kanyang bag at umupo sa gilid ng kama. Tutok na tutok pa rin ang mata niya sa libro.

Dahil doon ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan ang kanyang anyo. Alon-alon ang kulay abo niyang buhok. Maliit ang kanyang mukha at medyo chinito. Matangos din ang kanyang ilong at manipis ang labi. Sakto lang ang kanyang pangangatawan na tama lang naman sa taas niya. Ang gwapo niya, sa totoo lang! Kaya lang parang ang sungit niyang tingnan. Hindi man lang kami binati nang pumasok siya. Imposible naman na hindi niya kami nakitang tatlo, 'no.

“Kumusta ka, kaibigan? Ako nga pala si Cyrus…” Si Cyrus na ang bumasag sa katahimikan. Huminto ang lalaki sa pagbabasa at tiningnan nito si Cyrus. “Siya naman si Kiko at ito naman si Jareth.” Magiliw niya kaming ipinakilala sa bago naming room mate.

Nanatili itong nakatingin kay Cyrus. Medyo nakakatakot iyong hindi niya pagsasalita, ha.

“Wala ka bang sasabihin, kaibigan? Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo sa amin?” tanong ni Cyrus.

Tumikhim ang lalaki at bumalik ang atensiyon sa librong hawak nito. “Nakakaistorbo ka sa aking pagbabasa. Isa pa, hindi ko obligasyong ipaalam sa inyo ang aking pangalan.” Mahinahon nitong sagot.

“Aba at ang yabang mo naman yata!” bulyaw dito ni Cyrus. “Nakikipagkaibigan lang naman kami sa iyo dahil magiging magkakasama tayo sa iisang silid sa loob ng ilang buwan.”

“Hindi ko kailangan ng mga kaibigan. Kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sino man. Nandito ako upang mag-aral hindi para makipagkaibigan. At kung kayo lang din naman ang magiging kaibigan ko… kahit huwag na lang.”

“Ang yabang mo talaga!”

Susugurin sana nio Cyrus iyong lalaki pero mabilis namin siyang inawat ni Jareth.

“Cyrus, hayaan mo na lang siya! Huwag mainit ang ulo!” sabi ko.

“E, ang yabang niyan, e! Akala mo kung sino! Bitawan niyo ako at tuturuan ko lamang ng leksyon ang balasubas na iyan!”

“Kita mo na? Ganiyang klase ng kaibigan ba ang gugustuhin ko? Barumbado? Basag-ulo? Mabuti na lang talaga at hindi ko tinatanggap ang pakikipagkaibigan niyo…”

“Tarantado--”

“Cyrus, tama na--”

“Anong kaguluhan ito?” Lahat kami ay napatingin sa pinto nang bumukas iyon at may isa pang lalaki ang pumasok.

Nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang kanyang bag. Gusto ang kanyang damit. Kayumanggi ang kanyang balat at bahagyang malaki ang katawan. Halatang banat sa pagtatrabaho. Matangkad din siya. Gwapo pero rugged looking. Magulo ang kanyang buhok pero bumagay naman iyon sa maangas niyang mukha at anyo.

Pero teka… parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon. Saan ko ba siya nakita?

Hanggang sa isang alaala ang naalala ko na kanina lang nangyari…

Ang tagal naman ni Jareth! Baka tumatae pa iyon, ah!” Naiinip kong pakli habang hinihintay ko si Jareth na lumabas sa banyo.

Sa pagkakaalam ko kasi ay magpapalit lang siya ng damit pero bakit medyo matagal na yata siya sa loob. Kung hindi lang nakakahiya sa aking sarili ay baka kanina pa ako pumasok sa loob. Pero ayoko pa ring gawin iyon. Palikuran iyon ng mga lalaki. Baka may makita ako na hindi ko dapat makita. Hindi man nila alam na babae talaga ako pero ako alam ko.

Hanggang sa isang lalaking matangkad ang nakita kong tumatakbo palapit sa akin. Napatulala ako sa kanya dahil sa totoo lang ay kakaiba ang kanyang kagwapuhan. Ang akala ko ay lalapitan niya lang ako pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hablutin at agawin sa akin iyong dala kong bag.

Nawala ang pagkatulala ko. “Magnanakaaaw!!!” Malakas kong sigaw sabay habol sa kanya.

“Ikaw?!” At talagang itinuro ko pa iyong bagong dating na lalaki.

Itinuro ng lalaki ang sarili niya. “Ako nga! Si Hamir! Ang nag-iisang pinaka magandang lalaki dito sa Erkalla!” Mayabang nitong sabi.

Binitiwan ko si Cyrus at nilapitan ang lalaki na nagpakilala na Hamir.

“Anong ginagawa mo dito, ha?” Galit na tanong ko sa kanya.

“Mag-aaral. Dito ang silid na itinalaga sa akin. Ako ang makakasama niyong apat dito sa--”

Mariin akong umiling. “Hindi pwede! Hindi ka namin pwedeng makasama dito. Ayaw namin na magkaroon ng kasamang magnanakaw! Baka hindi kami makatulog sa gabi dahil nangangamba kami na baka pagnakawan mo kami!” Dinuro-duro ko siya.

Bigla niyang kinagat ang daliri ko sabay tawa.

“At kinagat mo pa ako!”

“Sino ba siya, Kiko?” Lumapit na sa akin si Jareth pati na rin si Cyrus. Iyong isang lalaki na hindi nagpapakilala ay nagbabasa pa rin ng aklat na parang may sariling mundo.

“Jareth, siya lang naman iyong lalaki na humablot ng bag ko kanina! Magnanakaw iyan!” sumbong ko.

Walang sabi-sabi ay sinuntok ni Jareth sa mukha si Hamir. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay tumalsik talaga si Hamir at napaupo sa sahig.

“Ayyy!!!” tili ko. Nawala ang pagiging lalaki ko sa pagkagulat ko. Napatingin sa akin si Cyrus na may pagtataka sa mukha. “Ay! Bakit mo siya sinuntok?” Ibinalik ko ulit ang boses ko sa lalaki.

Wish ko lang, sana ay hindi sila nakahalata sa pagtili ko kanina. Kasalanan naman kasi nitong si Jareth. Nakakagulat siya! Bigla-bigla na lang nanununtok! Nakakaloka siya, ha. Wala naman akong sinabi na suntukin niya.

“E, sabi mo iyan ang humablot ng bag mo kanina!”

“Kahit na. Hindi mo dapat siya sinuntok-- ayyy!!!”

Napasigaw na naman ako nang biglang bumangon si Hamir at gumanti ng suntok kay Jareth. Tumba rin si Jareth sa sahig.

“Iyan ang dapat sa iyo!” sabay tawa ni Hamir.

“Bakit mo siya sinuntok?!” galit na tanong ko kay Hamir.

“Dahil sinuntok niya ako. Gumanti lang ako.”

Tatayo sana si Jareth para gumanti pero mabilis itong naawat ni Cyrus. “Tama na, kaibigan! Huminahon ka!” awat pa nito.

“Jareth, tama na! Huwag mo na siyang awayin. Ako na lang ang aaway sa hinayupak na iyan!” sigaw ko naman.

Doon lang huminahon si Jareth. Pumiksi ito at binitawan naman ito ni Cyrus. Hinarap ko naman si Hamir. “Hoy! Magnanakaw! Umalis ka dito!” Nakapameywang na sita ko sa kanya.

“At bakit ako aalis dito?”

“Dahil magnanakaw ka! Ikaw iyong humablot sa bag ko kanina! Hindi ko pwedeng makalimutan iyang pagmumukha mo!” Dinuro-duro ko na naman siya sa mukha.

“Ah… oo. Ikaw nga iyon. Naibalik naman sa iyo ang sisidlan mo, bakit nagagalit ka pa rin? At isa pa, hindi mo ako pwedeng paalisin sa silid na ito dahil dito ako itinalaga. Kung gusto mo, ikaw ang umalis. Tabi ka nga diyan!” Walang ingat na tinabig ako ni Hamir. “Saan ba ang kama ko? Ah, iyon! Isa na lang pala ang bakante! Mukhang masarap humiga dito, a!”

Matalim ang mata na tiningnan ko si Hamir. Walang ingat na ibinagsak niya ang katawan niya sa kama sabay dipa.

Napatingin siya sa akin. “O, anong tinitingin-tingin mo diyan? Nagagwapuhan ka ba sa akin, ha? Baka naman ikaw ay isang binabae?” Nakangisi pa talaga ang mokong!

Nakakaasar! Bakit naman kailangan ko pang makasama sa iisang silid ang magnanakaw na ito?!

“Nakakainis!” sigaw ko.

“Pwede bang tumahimik kayong apat? Nagbabasa ako!” sita ng lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang pangalan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
4.3M 137K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
3.5M 114K 57
[COMPLETED] Mage /māj/ A skilled magic user who, unlike wizards and sorcerors, needs no staff as an outlet of his magic, but instead uses his hands...
1.4K 101 9
Outbreak Series #1 [ the virus called numero : jevo & sia ] tvcn, 013024 | claudenella, 2024.