Nero & Sapphire (hiatus)

By Nikkidoo

22.3K 533 165

[Fantasy-Romance] PG-16+ I'm just that "aloof" kind of a girl. And he's that "strange" kind of a guy. I caug... More

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter ɤ Two
Chapter ɤ Three
Chapter ɤ Four
Chapter ɤ Five

Chapter ɤ One

2.8K 74 25
By Nikkidoo

 

 "Parang may force na nagsasabing basahin ko siya. :D ang cute, kakaintriga <3"

-EliaLee

x●●x

Chapter ɤ One

“Maraming salamat po, Miss Hernandez.”

            Tumayo ‘yung babae, hawak na ‘yung test result, at inakay ‘yung batang lalaki. Tumalikod sila, subalit nanatili pa ring nakalingon sa akin ‘yung bata. Kung hindi siguro siya tinawag nung ina niya at lumabas na ng pintuan ay hindi siya titigil sa pagtitig sa akin. Ang weird niya, sa totoo lang.

            Bumalik na ko doon sa station ko at nagsimula nang gumawa ng urinalysis ng ibang pasyente. Dalawang buwan palang ako sa ospital na ito bilang isang Medical Technologist. Wala pa rin akong masyadong kakilala bukod kay Christine, isang Med-Tech din na nakasabay ko sa internship last year.

            Tumunog ‘yung maliit na bell sa may pintuan ng laboratory, senyales na may pumasok sa loob. Tumingin ako doon sa babaeng papalapit sa akin ngayon. Lagpas ng kaunti ang buhok niya sa balikat at may halong kulay brown ang buhok niya. Nakasuot din siya ng asul na scrub suit tulad ko.

            “Saph,” sabi niya, “tawag tayo ni Jig. Kailangan daw nila ng tulong para sa blood donation. Ang daming tao dun sa hall.”

            Tumango ako. “Okay, tatapusin ko lang itong isang test na ginagawa ko. Susunod na lang ako.”

            Ibinaluktot niya ‘yung braso niya at itinuro ang pintuan sa pamamagitan ng hinlalaki niya. “Ah, hindi, hintayin nalang kita sa labas.” Pagkatapos noon ay tumalikod na siya at lumakad palabas ng pintuan.

        Nagmadali ako sa ginagawa ko. Pagkaraan ng limang minuto ay natapos na din ako. Naghugas ako ng kamay sa lababo at lumabas na sa laboratory. Sabay kaming lumakad ni Christine papunta doon sa hall kung saan ginaganap ang mga hospital seminar.

            “Hi, Christine!” bati nung isang nurse na nakasalubong namin.

            “Hello!” bati naman ni Christine sa may tabi ko.

            Magkaiba kami ni Christine. Friendly siya sa mga tao, laging nakangiti at madaling pakisamahan. Kaya naman kahit dalawang buwan palang kami dito sa ospital ay marami na agad siyang nakilala. Kabaligtaran naman ang nangyari sa akin. Hindi kasi ako masyadong interesado sa ibang tao. I’m that aloof-kind-of-a-girl type. Hindi ako kumportable sa maraming taong nakapaligid sa akin maliban nalang kung mga pasyente iyon.

            Simula noong mamatay ang mga magulang at nakababatang kapatid ko sa isang car accident, naging ganito na ang pakikitungo ko sa ibang tao. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa paligid ko ay iiwanan lang din ako kaya takot akong makipagkaibigan. People are like air. They just come and go. Walang katiyakan kung sino ba talaga ang mananatili sa tabi mo.

            “Good morning,” bati ni Christine sa isang janitor na abala sa pagma-mop ng sahig. Tumaas ang ulo niya at tumingin lamang sa direksyon namin. Medyo nagulat ako dahil hindi man lang siya ngumiti o kaya’y bumati rin kay Christine. Hindi ko masyadong makita ang mga mata niya dahil may suot siyang itim na cap. Pero kung titingnan ko siya ay parang kasing-edad o mas matanda lang siya ng kaunti sa akin.

            Lumagpas kami ni Christine sa kanya. Hindi ko mapigilang ilingon ng kaunti ang ulo ko sa kanya. Pero nagulat ako noong magtama ang mga mata namin. Mabilis akong umiwas ng tingin at nakaramdam ako ng kakaiba. Bakit ganun? Parang... kinabahan ako ng kaunti noong magkatitigan kami? Sino ba siya?

            “Huwag mo na siyang pansinin,” nakangiting sabi ni Christine.

            “Sino siya?” tanong ko.

            Tumawa siya ng mahina. “Ang gwapo niya, no? Crush mo ba?”

            Huminto ako at itinaas ang parehong kamay ko. “N-Naku, hindi ah! Nacu-curious lang ako. Ngayon ko lang kasi siya nakita.” Lumakad na ulit kaming dalawa.

            “Ikaw talaga, Saph,” sabi niya, “dalawang buwan na tayo dito pero ngayon mo lang siya napansin? Siya si Nero. Janitor at maintenance staff siya dito sa ospital.”

            “Ah.” Iyon na lamang ang nasabi ko. Hindi pamilyar sa akin ang pangalan niya at ngayon ko lang talaga siya nakita. Siguro kasi lagi lang akong nasa loob ng laboratory.

            Pagpasok namin doon sa may hall, tumambad sa amin ang maraming tao na nakaupo at Blood Bank Specialists, mga nurse at mga Med-Tech na hindi mapakali dahil sa dami ng ginagawa. May mga nagsusukat ng timbang sa isang side, may mga tumatakbo na may dalang blood bags at mayroon ding mga nagpapa-checkup sa isang gilid.

            “Jig!” tawag ni Christine. Lumingon sa amin ang isang lalaking may hawak na punong blood bag. Naunang lumapit si Christine sa kanya. “Ano ba pwede naming itulong?”

            “Paki-blood type na muna ‘yung ibang dumadating na donor. Sobrang daming gustong mag-donate ngayon dahil dun sa project ng ospital. Nababaliw na yata ako.” Tumawa si Jig.

            Ngumiti si Christine at tinapik ‘yung balikat niya. “Hinay-hinay lang.” Susunod na sana ako kay Christine noong bigla akong tawagin ni Jig.

            “Sapphire,” sabi niya. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Ngumiti siya sakin. “Okay lang ba kung kumuha ka ng isang box ng syringe? ‘Yung 3cc lang.”

            Yumuko ako ng kaunti. “Okay.” At pagkatapos ay lumakad na palabas ng hall. Kasabay namin ni Christine si Jig noong internship. Gayunpaman, hindi ko rin siya masyadong nakakausap dahil naiilang ako kapag may kausap akong lalaki.

            Hindi mapigilang pumasok sa isipan ko ‘yung janitor kanina. Wala na kasi siya doon sa corridor. Pero hindi ko na rin inabala pa ‘yung sarili ko tungkol doon. Noong nasa laboratory na ko, binuksan ko ‘yung cabinet kung saan nakalagay ‘yung supplies pero wala nang lamang syringe ‘yung mga box doon.

            Pumunta na rin ako doon sa may Pharmacy pero sabi niya ay naibigay na raw lahat doon sa may hall. “Tanong mo doon sa maintenance kung mayroon pa sa storage room,” sabi ni Melissa, isang pharmacist na ka-batch ko din.

            Nagpasalamat ako at humanap ng kahit sinong maintenance. Huminto ako sa paglalakad noong may nakita akong isang lalaki na naglalakad sa corridor. Nakasuot siya ng gray uniform ng maintenance staff at black na cap. Nagdalawang-isip ako kung lalapitan ko ba siya.

            Huminga ako ng malalim. Nakakatatlong hakbang pa lamang ako noong bigla siyang tumigil sa paglalakad. Huminto din ako. Lumingon siya ng kaunti sa likod, tanging ang ilong at bibig lang niya ang nakikita ko dahil natatakpan ng cap ‘yung mga mata niya.

            Paano... paano niya nalaman na sinusundan ko siya? Ang layo pa niya sakin, ah? Lumunok ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanya. Tumigil ako noong dalawang hakbang na lang ang layo ko sa kanya. Hindi pa rin siya natitinag sa posisyon niya.

            “Um, excuse me,” umpisa ko, “kailangan ko ng dalawang box ng 3cc na syringe. Meron pa ba sa stock room?”

            Tumango siya ng kaunti at nagsimula na ulit sa paglalakad. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan na lamang siya. Huminto kami sa tapat ng isang pintuan sa may dulong pasilyo ng ospital. Kinuha niya ‘yung susi mula sa bulsa niya at binuksan ang pintuan.

            Madilim sa loob, pero tuluy-tuloy lamang siyang pumasok sa loob ng hindi man lang binubuksan ang ilaw. “Um, gusto mong buksan ko ‘yung ilaw?” tanong ko habang patuloy siya sa paghahanap. Hindi siya kumibo. Bahala na nga siya.

            Pagkaraan ng ilang sandali ay lumapit siya sakin na may dalang dalawang kahon. Ibinigay niya sakin ‘yon. Kinuha ko ‘yon at chineck kung tama ba ‘yung kinuha niya. Tumingin ako sa kanya at sinabing, “Thanks.”

            Itinaas niya ng kaunti ang ulo niya. Nagulat ako noong makita ko ang mga mata niya. Ang itim ng kulay ng mga iyon. Para akong nakaramdam ng mabigat na hangin sa paligid ko. Hindi ko alam pero para bang... ang lalim ng tingin niya sa akin.

            Kinilabutan ako ng kaunti kaya naman napaatras ako. “S-Sige, mauna na ko. Salamat ulit.” Agad akong tumalikod at lakad-takbong umalis sa harapan niya. Grabe, nakakakaba siya. Bakit ganun nalang siyang makatingin sa akin? Magkakilala ba kami? E ngayon ko lang naman siya nakita sa buong buhay ko.

            Noong medyo makalayo na ko ay tumingin ulit ako sa may stock room pero wala na siya doon. Ang bilis naman niyang mawala.

            Bigla akong may nabanggang tao. Nahulog sa sahig ‘yung dalawang box ng syringe. “S-Sorry po.” Yumuko ako para abutin ang mga iyon. Kinuha ko na ‘yung isang box pero nakita kong inabot nung taong nabangga ko ‘yung isa pang box ng syringe.

            Tumingin ako sa kanya at agad akong napatayo. Napaatras ako ng kaunti dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kanya. Dahan-dahan siyang tumayo at iniabot ‘yung box sa akin ng wala kahit isang salita.

           

            Noong makita niyang parang nag-aalinlangan akong kuhanin ‘yung box mula sa kamay niya ay inangat niya ng kaunti ‘yung ulo niya. Once again, I saw his eyes. His deep stare at me. Mabilis kong kinuha ‘yung box mula sa kanya. “T-Thank you.” At saka ko siya nilagpasan.

            Paano siya napunta sa harapan ko? Minumulto na ba ko? Muli akong lumingon sa kanya, expecting him not to be there anymore. Pero nagulat ako noong nakatayo pa rin siya doon at nanatiling nakatitig sa akin.

            Nanlamig ako ng kaunti kaya naman umiwas na ko ng tingin. Umiling ako para tanggalin ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Ang weird niya.

Nakakatakot siya.

x●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●x To be continued...

 [A/N]: Scrub suit picture at the right side, sa media -->

Continue Reading